“Work work work.” Reklamo ko habang naka harap sa aking laptop.
“Mag rereklamo pero hindi susuko.” Natatawang sambit ni Annaya.
“Wala naman akong choice? Hellooo?’ Nakanguso kong sambit.
Tapos na naming makausap ang ipinunta namin ditto, and sinong mag aakala na marami sila, at marami rin kaming trabaho.
Masaya na maraming trabaho, ibig sabihin maraming pera. Pero talo talaga sa pagod lalo na sa katamaran kong kumilos at gumalaw. Para akong hindi nag pa function.
“Tulala ka nanaman.” Puna ni Ryen sa akin.
“Hindi nag pa function, need ko ata mag mall.” Biro ko dahilan para matawa silang dalawa.
“Sige, basta mayari mo schedule mo for today. Mag mall tayo mamayang gabi at day off bukas.” Napapailing na sambit ni Ryen.
Kumbaga sa work, si Ryen ang manager at boss naming ni Annaya. Bukod sa siya ang pinaka matanda, alam naman naming dalawa ni Annaya na siya ang pinaka resnponsable sa aming tatlo.
“Yon, nauto mo nanaman.” Tumatawang sambit ni Annaya na masaya rin.
“I’ll tell Noah and Davian na mag aadjust tayo. Kaya niyo ba one month buo? Tapos trabaho natin?” Tanong ni Ryen.
Nag katinginan naman kami ni Annaya at sabay na tumango. “Oo.” Sambit naming kaya napangiti si Ryen.
“Alright, saglitin nalang natin.” Natatawang sambit ni Ryen.
“Padeliver nalang tayo foods. Tatapusin ko ‘to.” Seryoso kong sambit matapos marinig sila Annaya na nag uusap kung lalabas pa para kumain.
“Sure ka? Padeliver nalang?” Tanong ni Ryen kaya tumango ako.
“Mhm, pag sa labas tayo kumain, tatamarin na ako kumilos nanaman.” Nakanguso kong sambit.
“If want niyo, kaya nalang muna tapos padeliver nalang ako.” Sambit ko habang focus sa ginagawa ko.
“Dámn gusto niya talaga matapos schedule niya for today.” Natatawang sambit ni Ryen.
“Wag kayo mang asar, nawawala ako sa focus.” Pigil tawa kong sambit.
“Sipag sipagan kasi gusto mag gala at maka pamahinga.” Biro naman ni Annaya.
“Nag sabi yung gusto rin naman pero ayaw kumilos.” Pambabara ko na mas ikinatawa ni Ryen.
“Sige, may point ka naman. Mag pa deliver nalang tayo. Ano bang gusto niyo?” Tanong ni Ryen.
“Kahit saang fast food lang ako, kayo na bahala.” Sambit ko at hindi inaalis ang tingin sa aking laptop. Wala pa rin kasi ako sa kalahati since tinitigan ko lang talaga ‘to after makipag usap sa mga clients naming.
“Set tayo oras ha. Sprint.” Pag aaya ni Annaya.
“G, anong oras end?” Tanong ni Ryen.
“Max is 7 o’clock in the evening,” Sambit ni Annaya.
“Go.” Seryoso kong sambit.
“Tángina parang tataob tayo sa sobrang pursigido ni Saraiah.” Biro ni Ryen.
“Wala e, nilapagan niyo ba naman ako ng suhol. Sinong hindi ganahan don?’ Biro ko habang tumatawa.
Hindi naman nag tagal ay dumating na rin ang orders naming na food. Nag rest lang kami for 30 minutes to 1 hour then bumalik na kami agad sa pag tatrabaho.
“Sipag sipagan talaga siya oh.” Pang gugulo ni Ryen nang mapansin na seryoso ako sa ginagawa ko.
“Focus sa goal.” Nakangiti kong sambit.
“Iba talaga kapag nasuhulan, hay nako.” Tumatawang sambit ni Annaya.
“Sana tapos na rin kayo.” Nakangiti kong sambut at saka sumandal sa aking inuupuan.
“Seryoso ka ba?” Gulat na sambit ni Annaya.
“Oo, kayo lang e.” Tumatawang sambit ko habang naka sandal.
Halata namang hindi pa sila tapos dalawa sa ginagawa nila. Inuuna kasi nila ang daldal aat pang aasar sakin.
“Inuuna niyo kasi pang aasar sa akin. Kala niyo naman madadali niyo ko.” Tumatawa kong sambit.
“Time check?” Biro ko pa sakanila.
“5 palang.” Nakaangusong sambit ni Annaya.
“Buti nalang tapos na ako.” Masayang sambit ko.
“Ako nag papahinga na, kayo may ginagawa pa.” Mayabang kong sambit.
“Aliw sayo. Mag pahinga ka na muna diyan at aalis tayo mamaya.” Pasukong sambit ni Ryen kaya napangiti ako.
“Bilis kikilos basta may suhol.” Napapailing na sagot ni Annaya.
Hanggang sa natapos sila bandang 6:30 na ng hapon. "Tara na at gumayak, nasabi ko na rin naman kila Noah. Mag kita kita nalang daw tayo sa Mall since nasa akin ang sasakyan ni Davian.” Sambit ni Ryen.
“Sayang dapat talaga dinala ko na Pagani Utopia ko.” Pag paparinig ko sakanila sabay takbo dahil alam ko namang pagagalitan nanaman ako.
“Dinner na.” Bungad ni Davian sa amin pagkapasok sa mall.
“Oo, tara.” Sambit ko.
***
ACHILLES
Habang nag lalakad ako sa Mall ay may isang pamilyar akong tao na nakita.
“Sah.” Mahina kong sambit.
She’s with our friends, mukhang kakain sa labas.
From: ORIGINALS – Noah
You’re here?
From: ORIGINALS – Davian
We saw you from a distance.
To: ORIGINALS – Achilles
Yes, nandito ako. Kahapon pa.
From: ORIGINALS – Achilles
Did she saw me?
From: ORIGINALS – Noah
I don’t think so. Busy makipag asaran sa girls.
My heart skips a beat when I saw her. Para bang walang tao sa kinalalagyan ko at tanging siya lang ang nakikita ko.
FLASHBACK ( college days – Achilles )
“Hoy! Happy graduation.” Nakangiting sambit ni Davian sa akin.
“Congrats sa atin.” Sambit ko at nakipag apir sakanila ni Noah.
Sa wakas ay tapos na ang college days.
“Nasaan ang girls?” Takang tanong ko ng mapansin na wala sila.
“Wala ka bang plano Achilles?” Tanong ni Noah.
“Meron, sana.” Nag aalangang sambit ko.
“Bakit hindi ka sigurado?” Tanong ni Davian.
“Sure naman, kabado lang.” Sambit ko.
“Nga pala, nakita niyo ba si Sah?” Tanong ko.
“Hindi e, sila Annaya kasama fams nila. Si Saraiah hindi pa namin nakikita.” Sambit ni Noah.
At saktong pagkatapos banggitin si Saraiah ay tumawag ang kuya Iyo sa akin.
“San ka Achilles?’ Tanong ni kuya Iyo.
“School pa po kuya.” Sambit ko.
“Uwi ka sainyo. May ibibigay ako.” Seryoso niyang sambit.
Hindi naman na ako nag dalawang isip na umuwi. Nakaramdam na rin ako ng kaba sa dahil sa biglaang pag papauwi sa akin ni kuya. Maaga pa naman, katanghalian mismo.
Nang makauwi ako ay wala pa si kuya Iyo kaya dumiretso ako sa kwarto ko para kumuha ng damit at maligo.
Saktong pag angat ko sa damit na isusuot ko ay may isang papel na nahulog na iikinapag taka ko.
“Ano ‘to?’ Mahinang tanong ko.
Nang mabuksan ko ang papel ay para akong binuhusan ng isang malamig na tubig.
“Sah.” Ang tanging nabanggit ko.
Ni hindi ko na rin alam kung paano ko pa nasagot ang tawag ni kuya Iyo.
“Pumunta ka sa NAIAH Terminal 1. Naka sched flight mo papuntang Australia. No need to bring anything, ako na bahala.” Sambit nito.
Kahit na naguguluhan at nagtataka ay nakarating pa rin ako.
“Kuya bakit po?” Tanong ko at pilit na pinalalakas ang loob ko kahit sa kaloob looban ay halos gumuho na ako at gustuhin nalang umiyak at mag mukmok sa isang tabi.
“Alam ng parents mo yan, sundan mo sa Australia.” Seryosong sambit ni kuya Iyo.
“Po?” Takang tanong ko, naguguluhan, nalilito.
“Tinatawag na flight niyo. Pumunta ka na, pag lapag mo sa airport sa Australia hanapin mo si Haya. Siya bahala sayo.” Sambit ni kuya Iyo.
“Susunod ako, pero sa ngayon, sundan mo muna siya.” Sambit ni kuya Iyo.
Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa sinasabi niya kahit na naguguluhan ako.
Sino ang susundan ko sa Australia? At bakit ako pinapapunta doon?
Nang makababa galing sa eroplano ay bumungad sa akin si Ate Haya.
“Achilles.” Nakangiti nitong sambit.
“Ate ano po bang meron?” Tanong ko.
“Malalaman mo rin sa susunod, mag dedesisyon ka rin.” Sambit ni ate Haya na mas nakapag pagulo sa akin.
“Nandito siya Achilles, pinasunod ka ni Iyo kay Saraiah.” Seryoso niyang sambit dahilan paara mapatahimik ako at kumabog ng malakas ang aking dibdib.