Pagbabalik tanaw sa nakaraan: BLOOD LUST

1071 Words
"Gambate ne" bilin ng aking lolo sabay lapag ng katana sa nakalahad kong mga palad "Hai! Gambarimasu ojichan" sagot ko Ganito kame gabi-gabi sa tuwing gagawin ko ang aking misyon. At ngayong pabalik na ako ng Pilipinas ay ganito padin ang eksena namin ng aking lolo. Hindi ko alam kung anong kahihinatnan ng buhay ko pag dating sa Pilipinas, isa lang ang alam ko: hindi dito matatapos ang pagkitil ko ng buhay. "Ohayo gusaimasu" bati ko sa lalaking sumundo samin sa airport, habang ang pinsan ko namang si Omi ay nananatiling tahimik "Good morning and welcome to Tokyo young miss and young master. Your grandfather is excited to see you both. I'm Chang and I'll be your body guard" saad ng lalake "As if someone would really make that old fart excited" sabat ni Omi "Hey! Omi don't say that, we haven't even met gramps yet" sagot ko "Well, according to our parents he's really a yokai" seryosong saad ni Omi Tapos bigla nalang tumawa yung lalake "I think you're both going to get along well with your grandfather" iiling iling na sabi ng lalake Nagpatuloy kameng mag kwentuhan ni Omi habang tinatahak namin ang daan patungo sa bahay ng aming pamilya, sakay ng isang puting sedan. "Sa tingin mo bakit kaya tayo pinapunta ni lolo dito?" tanong ko kay Omi "Kase ikaw ang pinaka masunurin at ako naman ang pinaka matalino sa lahat ng apo nya" masungit na sagot nya "Ano naman kayang ipapagawa nya sa atin? Kung iisipin mo, wala talagang nakakaalam kung anong ginagawa ni lolo dito sa Japan" mahabang salaysay ko "Di ka ba nagtataka kung bakit galit sa kanya ang mga magulang nating dalawa pero sumusunod padin sila sa gusto ni lolo?" tanong nya habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan "Ewan ko Omi, ang alam ko lang ayaw ko magaya sa mommy ko, nagpakamatay sya sa sobrang stress. Kaya ako magpapakasaya nalang ako habang nandito tayo" sagot ko At nagkamali pala ako sa sinabi ko, kahit kailan ay hindi pala ako magiging tunay na masaya. "Master, they're here" nakayukod na anunsyo ni Chang "You may go" sabi ng aming lolo habang nananatiling nakatalikod sa amin at nakatanaw sa labas "Punyeta! Labing-isang taong gulang na kayo, masyado na kayong huli sa pagsasanay. Nuon ko pa sinasabi sa mga magulang nyo na ipadala kayo rito. Sige, magsipunta na kayo sa mga silid ninyo at magbihis. Magkita tayo sa labas sa loob ng kalahating oras" tuloy tuloy nyang pahayag habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Omi Akmang lalabas na kami ni Omi ng silid ng muling magsalita si lolo "Walang puwang ang pagkakamali sa bahay na ito at walang puwang ang mahina sa mundong ito" "I don't like him one bit. Ganda ng bati nya satin" di maitago ang inis ni Omi "Hayaan mo na, gurang na kaya masungit" biro ko "Wala naman tayong choice kundi intindihin at sundin si tanda" inis padin sya Tama sya wala nga kaming magagawa kundi ang sumunod Matapos magbihis ay agad kaming nagtungo sa labas, nahuli kame ng dalawang minuto. Hayun halos mapatiran na ng ugat sa leeg si lolo sa sobrang galit samin. Itinali kame ng patiwarik sa puno ng sakura. Panay ang mura at pagpupumiglas ni Omi, kaya yun mas matagal syang nakatali duon. Matapos ang tagpong iyon ay natuto na kami na wag magpahuli sa oras ng pagsasanay. Halos bumigay ang mga katawan namin dahil sa pagsasanay ngunit hindi manlang kame kinumusta ng lolo namin. Araw araw kaming nagsasanay at hinahasa ang aming kakayahan sa pakikipaglaban. Sinanay din kaming gumamit ng mga patalim at iba't-ibang uri ng baril ngunit hanggang ngayon ay hindi namin alam kung para saan ang ginagawa namin. Si Omi ang naging paborito ng aming lolo kahit na madalas ay matigas ang kanyang ulo at palaging nagpapasaway. Marahil dahil lalake sya at mas matalino sya kaysa sakin. Mas naging bihasa naman ako sa pakikipag laban at sa paggamit ng baril at patalim kaysa sa kanya. Nag aaral kame sa umaga at nagsasanay kame sa hapon hanggang gabi. Nagpatuloy kame sa pagsasanay hanggang sumapit ang ika labing tatlong kaarawan namin. Isang pangyayare ang kahit kailan hindi namin malilimutan. Gabi nuon at napaka lakas ng ulan. Matapos namin mag hapunan ay ipinatawag kame ng aming lolo sa kanyang opisina. "Gabing gabi na, ano nanaman kaya ang kailangan satin ni punyeta" tanda o punyeta ang tawag ni Omi sa aming lolo, na sa tuwing naririnig ko ay natatawa ako "May ipapagawa siguro" napapangiti kong sabi "Alam mo Monique kakaiba ka talaga, palagi kang smiley miley, alam mo namang mahihirapan ka nakangiti ka padin. Nakakatakot ka na" seryosong saad nya Tinitigan ko sya ng seryoso ang ekspresyon ng muhka ko, nanginig sya ng bahagya "Sige smile ka nalang ulit" bakas ang takot sa boses nya Nagtatatawa akong naglakad palayo sakanya Nang makapasok kame sa opisina ng lolo namin, dinatnan namin ang isa sa mga tauhan namin na nakaluhod at nakatali ang mga paa't kamay. Nagmamakaawa ito na patawarin ng aming lolo. Nag traydor pala ito sa aming pamilya. "Monique, Omi, ngayon ko masusubukan ang galing ninyong dalawa" sigaw ni lolo "Pahihirapan ba natin sya o papatayin?" tanong ni lolo "Patayin nyo na para matapos na, inaantok na ako" sagot ni Omi "Monique ano pang hinihintay mo? Patayin mo na sya" utos ni lolo Agad kong kinuha ang Colt cobra .45 calibre na baril sa ibabaw ng lamesa at itinutok yun sa nuo ng tauhan namin habang nakaluhod sya sa harapan ko "Young miss maawa ka saakin may pamilya pa akong binubuhay" pag mamakaawa nya Dahan dahang bumagsak sa sahig ang katawan ng tauhan namin Binaril ko sya ng hindi manlang kumurap ang mata ko May kakaiba akong naramdaman habang tumutulo ang dugo nya sa sahig at si Omi naman ay nanginig sa kanyang nakita. "Hindi ko inakala na ikaw ang magmamana sa akin. Good job apo ko" nakangiting saad ni lolo habang nakapatong ang kamay sa ulo ko saka lumabas ng silid Muli kong nilapitan ang bangkay na bahagya pang nangingisay at nakamulat ang mga mata Inilabas ko ang hunting knife ko, hinawakan ang kanyang hintuturo at pinutol yun at ibinalot sa aking panyo bago isilid sa bulsa ng pantalon ko At yun ang unang pagkakataon na kumitil ako ng buhay Yun din ang araw na naging uhaw ako na makakita ng umaagos na dugo Naramdaman kong pumasok si Omi sa aking silid "Ano yan?" tanong nya habang nakatingin sa akin at sa botelyang hawak ko Binigyan ko sya ng matamis na ngiti at ipinakita ko sakanya ang laman ng botelya: yung hintuturo ng tauhan namin na nakababad sa likido (formal dehyde) "f**k! Monique anong gagawin mo jan?" takang tanong ni Omi "Souvenir" sagot ko Simula palang ito. Hanggang saan kaya kame makakarating? Buhay at Kamatayan, ano nga bang pinagkaiba? Masaya nga bang mabuhay? Bakit tila mas masayang kumitil ng buhay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD