FIRST LOVE

1030 Words
Eksaktong anim na buwan na simula ng pinatay ko si Nico, ang huling lalakeng nakatalik at pinaslang ko. Muling naalala ko ang mga detalye at pangyayare ng araw na yun. Yung tagpong iyon ang tumatakbo sa isip ko habang iniaabot ko ang kamay ko sa nakalahad na palad nitong lalakeng nakikipag kilala saken ngayon sa isang sikat na coffee shop. Matangkad, maputi, makisig at mukhang intelihente sya. Mukhang masarap din sya at ramdam ko na naiiba sya sa lahat ng lalakeng kinitilan ko ng buhay. "Can I share a seat?" seryosong tanong nya "Sure" tugon ko "I'm John. You are?" bahagyang umangat ang gilid ng kanang labi nya "M" sabi ko kasunod ang isang tipid na ngiti "M for?" tanong nya ulit sabay ng pagtaas ng dalawang kilay nya "Monique" "Wilson or Lhuillier?" biro nya "Monique Lacostales, So John, Pratts or the Baptist? ganting biro ko "John Fable" natatawang sabi nya "What do you do?" kaswal na tanong nya "Err right now I am a bum, I do odd jobs every now and then tho. I graduated two years ago pero wala padin akong permanenteng trabaho. You?" putcha parang ang daldal ko ngayon "I see. I'm an artist. Do you mind telling me what course you finished?" medyo matanong ang isang to "Forensic Pathology. What kind of artist? I mean what field?" tanong ko "Forensic, that's interesting. I'm a graphic artist. Want to be a doctor or a medico legal perhaps?" "Uh no, not really. I am just so fascinated with how a dead body could speak much louder than most living humans" paliwanag ko "Kakaiba ka, tingin ko magkakasundo tayo. Want some more coffee?" alok nya "I'd kill my first born for another caramel latte" sagot ko naman "Caramel latte it is" sabay tayo nya para umorder ng kape Habang tinatanaw ko ang papalayong si John ay nakabuo ako ng isang kongklusyon base narin sa aming maikling pag uusap. Isasama ko sya sa bahay ko, yun ay kung papayag sya, na sa tantya ko naman ay ganun na nga. Matapos naming magkape ay tumuloy kame sa bahay ko. Di tulad ng ibang mga nakarating na dito, hindi manlang sya nagulat o nagtaka sa laki ng bahay ko. Agad nyang napansin ang mga naglalakihang painting na nakasabit sa mga pader. "Mahilig ka pala sa abstract, at mukhang ikaw din ang may gawa. Pwede ko ba hawakan?" parang siguradong sigurado sya "Yeah. Paano mo naman nasabi na ako ang may gawa ng mga yan?" tanong ko, sa bihirang pagkakataon ay kinabahan ako ng bahagya "Yung shades mostly red and black, you see, you have this air about you that is somehow dark and mysterious, and i also sense alot of loneliness. Kapag nagpipinta tayo, lumalabas sa gawa natin yung emotions natin." paliwanag nya "Oo nga pala, artist ka nga pala" medyo nawala na ang kaba ko "Naiintriga lang ako, anong ginamit mo dito bukod sa acrylics? Masyadong malalim ang pagka pula at kakaiba ang amoy" matamang sinisiyasat nya ang painting "Acrylics, fresh human blood na hinaluan ng linseed oil, para di mag coagulate agad yung dugo ng tao at hindi din mag amoy bulok" paliwanag ko Napatitig sya saken ng blangko ang ekspresyon ng mukha nya "Blood bank" sabi ko sabay halakhak, dahil parang nabasa ko ang iniisip nya Dugo talaga yun ng mga lalaking pinaslang ko "Interesting. It is as if it draws you near it and makes you want to touch it and possess it" nakatitig padin sya sa painting "Enough of that, I'll show you my babies. Tara" aya ko "Where to?" tanong nya "See that man made falls by the pool? There's a marble stairs behind it leading to the other garage" hinila ko na sya papunta sa garahe Nang marating namin ang garahe ay tumambad sa kanya ang mga paborito kong laruan. Isang Mercedes Benz E-200, BMW 116-i hatchback, BMW Spyder, Porsche Cayenne, Audi R-8 at Bugatti Chiron Sa isang sulok naman ay nakalay ang mga baril, Glock .40 calibre, Colt Cobra Mack IV series .45 calibre, Smith & Wesson 9mm, Magnum 357 at marami pang iba "Para kang lalaki" naiiling na nangingiti sya ng nakakaloko "I do get that alot. Tara kain tayo" inaya ko na sya pabalik ng bahay "Kapag girlfriend na kita bawal ka nang lumabas ng bahay mag isa, pati yang suot mong masyadong maikli bawal nadin at bawal nadin ang monkey business" aniya Halos mabulunan ako sa narinig ko, kakaiba talaga ang lalaking to "Sino naman nagsabi sayong jajawain kita?" tanong ko "Di mo naman ako iuuwe dito kung wala kang planong jowain ako, at kung may pag asa ako sayo, di gawin mo na kong boyfriend mo, dun din naman ang punta nun. We're too old for bullshits" dirediretsong salaysay nya Tapos malakas na halakhak lang ang naitugon ko "Girlfriend na kita simula ngayon" malapad ang ngiting sabi nya "Bago kita sagutin, sagutin mo muna tanong ko. Anong gagawin mo kung sakaling pagtangkaan kitang kitilan ng buhay?" seryosong tanong ko "Wala. Hahayaan kitang patayin ako. Basta papatayin mo ako na may halong sarap" nakatitig sya sa mga mata ko habang nagsasalita "Sige tignan natin" sagot ko Ang sarap sigurong patayin ng isang to Iba nga kaya sya? Ngayon ang araw ng aming anibersaryo, at ngayon ko din naisipang subukan kung tunay nga ang mga katagang binitiwan nya nung araw na naging magkasintahan kame. Inihanda ko sa gilid ng aking kama ang espesyal kong katana, ang nag iisang katana na kahit kailan ay hindi nabahiran ng dugo. Makailang ulit kaming nagtalik at matapos ang huling p********k namin nanatili syang nakapaibabaw sakin. Kinuha ko ang katana at itinutok yun sa kanyang lalamunan "Kahit patayin mo ko ngayon matatanggap ko, ito yung unang araw na nagkakilala tayo at ito rin ang araw na nagsimula kitang mahalin. Happy anniversary mahal ko" saad ni John habang titig na titig sa mga mata ko at malapad ang ngiti Unti unting nag unahan ang luha saking mga mata "Happy anniversary mahal ko" tugon ko habang patuloy na lumuluha Dahan dahang dumausdos ang kanyang ulo mula sa kanyang leeg at bumagsak ito saking tiyan Kasunod nun ang paghandusay ng kanyang katawan sa ibabaw ko Nanatili akong nakahiga, tigmak ng dugo mula sa nag iisang taong itinangi ko Sa araw na ito marami akong napatunayan Napatunayan ko na wala nga akong puso pero marunong pala akong lumuha Napatunayan ko din na hindi lahat ng pangako ay nababali Hindi lahat ng pagtatapos ay masaya Hindi lahat nabibigyan ng hustisya At higit sa lahat hindi lahat ng bagay ay may kasiguruhan Isa lang ang sigurado ako, ito na ang huli kong pagkitil ng buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD