PAGPAPAKILALA

657 Words
Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Apat.. Lima.. Anim.. Pito.. Walo.. Siyam.. Sampu............ Dalawampu't dala...... "Hoy bruha! Sino nanamang boylet yang iniisip mo" maingay na palatak ng kaibigan ko "Boylet ka dyan, ano yun? Nakakain ba yun?" pabiro kong tanong, pero tama sya lalake nga ang iniisip ko Ilang lalake na nga ba ang pinaligaya, pinatikim ng sarap at kinitilan ko ng buhay hmm... "Oo nakakain yun gaga, sherep keye" malanding sagot nya "Punyeta napaka ingay mo kahit kailan" natatawang naiiling nalang ako "Mas bet kaya ng mga lalake yung maingay lalo kapag kinakain" napaka bulgar talaga ng bibig ng isang to "Teka maiba ko, sa tingin mo, ano bang tunay na magpapasaya sa isang tao?" seryosong tanong ko "Putcha naman oh, di abot ng utak ko yung ganyang bagay hahaha" wagas yung tawa nya Tinitigan ko sya ng masama kaya natigil sya sa pagtawa "Bakit ba kase bigla kang nagtatanong ng ganyan? Ako kase madali lang akong sumaya at minsan lang malungkot tapos mamaya masaya na ulit. Happiness is a choice. Bakit di ka ba masaya? Nasayo na lahat ng pinapangarap ng karamihan." mahabang salaysay nya "Ewan ko ba, bored na bored na ko sa buhay ko, parang palaging may kulang" walang emosyong tugon ko "Ay put*ng*na! Buhay mo boring? Nagkakalokohan na tayo dito. May sariling bahay at kotse ka. Nagpi paint, diving, nagbi bake, magaling magluto, tumutugtog ng iba't ibang instruments, di ka nga lang marunong kumanta pero keri nadin yun tapos palaging bago jowa mo. Sus! Ano pa bang kulang sayo?" naiinis na sabi nya Mas lalo lang akong nalungkot at naguluhan sa mga narinig ko Sabihin na nating ipinanganak ako sa isang mayaman ngunit di pangkaraniwang pamilya. English ang unang lingguaheng natutunan ko, pangalawa lamang ang tagalog at Spanish. Sa edad na apat ay tinuruan na akong magbasa at sumulat. Mag aanim na taong gulang pa lamang ako ng pumasok sa unang baitang sa elementarya. Pagtungtong ko ng pitong taon ay tinuruan naman ako ng iba't ibang lingguahe tulad ng French, Italian, Nihonggo, Hangul at Mandarin kasabay nito ang pag aaral ng pagtugtog ng mga instrumento. Masyadong istrikto ang mga magulang ko, partikular na ang ama ko. Patakaran, lahat ng bagay maliit man o malaki, may patakarang dapat sundin. Yun siguro ang nagtulak sa aking ina para kitilin ang sarili nyang buhay, upang maging malaya. Ang mabuhay ng walang kalayaan, ang mamatay ng walang nararamdaman. Pagkatapos mag aral ng elementarya ay kinailangan naming pumunta sa Tokyo, Japan, ako at si Omi, yung pinsan ko na kasing edad ko. Sa unang pagkakataon nakita namin ang lolo namin. Hindi na ako nagulat nung nakita ko ang bahay ng pamilya namin sa Ikibukuro, malaki at napapaligiran ng mga punong kahoy, ngunit kahit isang tao wala kang makikita sa labas. Labing isang taong gulang kami ni Omi nang turuan kame ng lolo namin na gumamit ng baril at mga patalim. Naging personal kong paborito ang hunting knife at .40 calibre na baril Habang tumatagal ay nagiging bihasa na ako sa paggamit ng mga ito. Labing tatlong taong gulang ako nung unang akong pumatay ng tao Sa harap ng aming lolo, habang nagmamakaawa ang isang tauhan namin na nag traydor, inutusan nya akong barilin ito. Agad ko syang sinunod, itinutok ko ang baril sa noo nito habang sya ay nakaluhod sa harap ko (execution style) at kinalabit ang gatilyo. May kakaibang naidulot na sensayon sa katawan ko nung nakita ko ang dugong umaagos mula sa kanyang ulo. Samantalang si Omi naman ay nanatiling nakatayo ngunit nanginginig dahil sa nakita. At dahil duon, ako ang napili ng lolo namin na pumalit sa kanya bilang propesyunal na taga paslang. Sa umaga, nag aaral ako na parang normal na estudyate, sa gabi naman nagmamanman at pinapaslang ko ang aking target. Nagpatuloy ako sa ganitong buhay hanggang sa sumapit ang ika-labing walong kaarawan ko at nagpasya akong bumalik sa Pilipinas. Dito naman nagsimula ang nakakabagot kong buhay. Ang dami kong sinubukang gawin ngunit ilang bagay lang ang bumubuhay sa dugo ko: Mga patalim, baril, bagong sasakyan, pakikipag talik, sariwang dugo at kamatayan. At lahat ng yan, pansamantala lamang nananatili. Hanggang kailan nga ba ako papatay? Ano nga bang tunay na magpapasaya sa isang tao? Nakukuntento nga ba talaga tayo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD