ORGANIZED CHAOS

1047 Words
"What if we use potassium cyanide, you know, spike their drinks" tanong ni Omi "That is convenient... and stupid! Paano kung sa hall mismo bumagsak ang iba, ma aalarma yung iba pa. We need to do it quietly, remember?" naiinis na saad ko "Kunwari ka pa, gusto mo lang yung madugong p*****n" natatawang naiiling sya "Ah bahala na mamayang gabi, mukhang wala naman akong aasahan sayo" naniningkit ang mga mata ko habang nakatingin kay Omi "You can do it my dear cousin, we just need to kill 20 people right?" natatawa padin sya "The operative word is "we" so why am I going to kill everyone alone?" tanong ko "Because you are the best when it comes to killing and you are having an adrenaline rush whenever you see fresh blood gushing out of someone's body and you're addicted to it. Admit it! You just loooove killing people" mahabang paliwanag nya Binigyan ko lang sya ng dirty finger bago ako tuluyang lumabas ng silid nya. Magkakaroon ng malaking pagtitipon sa aming bahay ngayong gabi. Ang mga panauhin ay puro propesyunal na taga paslang at kailangan ko silang patayin lahat ng walang nakaka alam. "Gusto nyong makaalis sa bahay na ito at magkaroon ng sariling buhay? May isang kundisyon ako. May party ako mamayang gabi, gusto ko patayin nyo lahat ng mga bisita ng walang nakakaalam" yun ang mismong sinabi ng lolo namin kaninang umaga Isa isa nang nagpuputukan ang brain cells ko kakaisip ng paraan ngunit hanggang ngayon ay blangko padin ang utak ko Bahala na si Batman! Sumapit ang gabi at isa isang nagdatingan ang mga bisita Nag handa na kame ni Omi upang makihalubilo sa kanila Pinag aaralan ko maigi ang kilos ng bawat isa Kasalukuyan kong kausap ang pinakabata sa mga panauhin ng tawagin ako ni Omi para kausapin "Oh pinsan bahala ka na ha, kayang kaya mo na yan" nakangiting saad nya habang tinatapik ang balikat ko "Putangina mo" bulong ko sa kanya Halakhak lang ang isinagot nya sakin at bigla nalang syang nawala sa paningin ko Maya maya pa ay nakaisip ako ng plano at nagpadala ako ng mensahe kay Omi M: divide and conquer Omi: then? M: dispose mo Omi: ayoko M: putang ina mo ulit Omi: mas lalong ayoko ulit M: ikaw uunahin ko Omi: DONE! At nagsimula na akong kumilos. Naka abang si Omi sa kung sinoman ang papatayin ko upang maitago nya ang bangkay Muli kong kinausap yung pinakabatang tagapaslang Inaya ko sya sa loob ng cr at dahil marupokpok sya agad syang sumama sakin Pagpasok sa cr ay hinalikan nya ako at duon ko sya sinakal gamit ang isang string ng gitara "One down" saad ni Omi ng makalabas ako ng cr Ang sumunod naman ay ang malalanding naglalampungan sa hardin sa likurang bahagi ng bahay. Kinuha ko ang Sig Sauer 9mm pistol ko at ikinabit ang silencer nito Inasinta ko sa likod ng ulo ang lalake, at dahil naglalaplapan sila, tumagos ang bala sa nuo ng babae. Magkapatong silang bumulagta sa lupa. Lumapit kame ni Omi sa dalawa "Ayan ang lalandi kase" sabi ni Omi habang hinihila ang bangkay ng lalake at ako naman ang humila sa babae "f**k! This is gonna be a long night" napabuntong hininga nalang ako at nilayasan na ang pinsan ko Nang makabalik ako sa bulwagan, isang lalake ang nakakuha ng atensyon ko. Ipinagyayabang nito ang mga ginawa nyang pagpatay Nairita ako sa ingay ng boses nya "Mamaya ka sakin" bulong ko Ipinagpatuloy ko ang paghanap ng madaling patayin Isang babae ang napansin kong nakatingin sa mga painting sa bulwagan at nagsimulang kausapin sya tungkol dito "Tulip Field in Sassenheim near Leiden, 1886 by Claude Monet" saad ko "Hmm... Magaling. May alam kadin sa paintings. Nagpipaint kadin ba?" tanong nya "Minsan" sagot ko "Pwede ko bang makita ang mga gawa mo?" ngumiti sya ng bahagya "Sige" inaya ko sya sa art room kung saan nandun ang mga pinipinta ko Doon ko nadin sya ginilitan ng leeg At nagpatuloy ako sa pagpaslang hanggang sa lima nalang ang natira sa kanila. Nakasalubong ko ang mayabang at maingay na lalake Nagpanggap akong interesado sa mga kinukwento nya kanina at tinanong sya tungkol dito Sinabi ko sa kanya na gusto kong magpaturo sa kanya, at dahil labing limang taong gulang lamang ako, madali ko syang napaniwala. Isinama ko sya sa maliit na dojo sa bakuran namin kung saan kame nagsasanay ni Omi. Habang tinuturuan nya ako ay sinuntok ko sya sa sikmura at idiniin ang hinlalaki ko sa gitna ng ribs nya. Ilang segundo lang ay bumagsak na sya sa sahig at nagsimulang sumuka ng dugo Sigurado ako sa mga oras na to ay nagsisimula nang masira ang internal organs nya. Gumapang syang palapit sa akin at nang makalapit na sya ay pumwesto ako sa bandang likuran nya at itinukod ang tuhod ko sa balakang nya, kinapa ko ang spine nya (C5 vertibrae) idiniin ko ang mga daliri ko sa magkabilang bahagi ng buto nya Binali ko ang itaas na bahagi nun at hinila saka ko diniinan pabalik. Doon sya tuluyang nalagutan ng hininga Iniwan ko na sya duon para iligpit yung apat pang natitira Ngunit pag balik ko ng bahay ay nakahandusay na silang lahat, napatingin ako kay Omi na nakaupo sa kabilang dulo ng bulwagan "Ang tagal mo, nainip ako. Ayan nilason ko nalang sila" kalmadong sabi ni Omi Pagod na sumalampak nalang ako sa sahig ng bulwagan Maya maya pa pumapalakpak na pumasok ng bulwagan ang aming lolo "Magaling mga apo ko, pumasa kayo sa huling pagsusulit. Pero mananatili parin kayo dito sa bahay ko" saad nya Agad akong napatayo dahil sa narinig ko at lumapit sa matanda "Subukan nyo po na hindi tumupad sa usapan, papatayin po kita" bulong ko habang nakatutok sa tagiliran nya ang dagger ko Sinadya kong idaplis yun sa balat nya kaya bahagyang dumugo yun. "Apo nga kita" nagtatawang wika ng siraulong matanda Kinabukasan ay hinayaan nya na kami ni Omi na makaalis Binigyan din nya kami ng bahay na tutuluyan, sasakyan at malaking halaga para makapag aral kame sa mamahaling eskwelahan. "Akala ko tutuluyan mo na si tanda kagabi" seryoso nanaman ang mukha ng pinsan ko "Love ko yun kahit ganun yun ganun na talaga yun" nangingiti kong sabi "Di kita maintindihan, masaya ka ba talaga na umalis tayo dun, saka anong plano mong gawin ngayon?" tanong nya "Oo naman masaya ko. Mag aaral at papatay padin syempre. Pero magsasarili na tayo. Mas malaking pera yun, ayaw mo ba?" tanong ko "Alam na alam mo talaga kung paano ako uutuin" sagot nya "Syempre naman, mukha kang pera eh. Lumalaki tenga mo kapag nakakarinig ka ng pera" at nagtawanan kameng dalawa. Malaya na nga ba talaga kame? Paano kame magsisimula at saan magwawakas? Hindi lahat ng kalayaan ay panghabangbuhay
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD