FIRST ENCOUNTER

1024 Words
"I'm sure this isn't the last time we're going to see each other sweetpea" pang aasar ng aroganteng lalake kasunod nuon ay ang paghalik nya sa labi ko "Yeah, and next time you interfere with my business, I'll have the pleasure of killing you.... Babe" malanding tugon ko bago marahang naglakad palayo sa lalake habang umiimbay ang aking balakang Saglit akong huminto sa paglalakad, muling nilingon ang lalake at binigyan sya ng flying kiss bago tuluyang umalis sa lugar na yun. Unang araw namin ng pinsan kong si Omi sa bagong bahay na tutuluyan namin Dito namin sa Shibuya napiling tumira, isa lamang ang bahay na ito sa mga pag aari ng lolo namin dito sa Japan Sa totoo lang hindi lang naman pagpaslang ng tao ang kinabubuhay namin, may mga legal din naman kaming negosyo dito, katulad ng mga Izakaya at mga Omise "Hindi naman din pala ganun ka-sama si tanda, binigyan pa tayo ng napakalaking bahay at pera" saad ni Omi ng makapasok kame sa bahay "Parang masyadong malaki tong bahay para sating dalawa, ano kayang magandang gawin?" nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng may maramdaman akong presensya ng ibang tao "Who said only the two of you is going to live here? Count me in!" biglang sumulpot sa likuran ni Omi ang dating body guard namin "Chaaaaaaang!" sigaw ko at patakbong lumapit sa kanya Patalon akong yumakap sa likuran nya at ipinulupot ang mga kamay ko sa balikat nya "Hey, you are still like a child, you can get off now young miss" natatawang sabe nya "Okay I'd get off you pero magtagalog ka muna. Bleh!" pang aasar ko "Hay nako! Ibaba ka na batang binibini" pilit na pagtatagalog nya "Wahahahahhahaha" wagas yung pagtawa ni Omi na may paglobo pa ng sipon Napabitaw ako kay Chang at napatingin kay Omi kaya natawa din ako Nagpipigil ako nang tawa tapos nagkatinginan kame ulit ni Omi kaya nagtawanan nanaman kame hanggang sa naluluha na kameng pareho Napakamot nalang ng ulo si Chang dahil sa katatawa namin Nilibot naming tatlo ang buong bahay, meron itong dalawang palapag, hindi ito katulad ng tipikal na bahay dito sa Japan. May walong silid sa itaas na may kanya kanyang cr, maliit na library, at isang mahabang balkonahe na nakapalibot sa buong ikalawang palapag ng bahay at nagdudugtong sa lahat ng silid. Sa unang palapag ng bahay naman ay may malaking sala at nagkalat ang mga sofa, love seat at bean bags, may grand piano sa isang sulok ng sala, malaking kusina, mini-bar at mahabang hapag-kainan na pang sampung tao. May basement din ito. At dahil nadin sa laki ng bahay na ito, napagpasyahan namin ni Omi na tumanggap ng mga mayayaman na estudyanteng kailangan ng mauupahan Nang maayos namin ang lahat ng kailangan sa bahay ay nag enrol naman kame sa isang sikat at mamahaling eskwelahan "Ilang linggo na tayong nandito, wala pa ba tayong kliyente? Nababagot na ko" tanong ko kay Omi, habang nililinis at sinisipat ang baril ko "Wag ka masyadong mainit pinsan, eto na nga may kausap na ko. Kalma ka lang dyan. Masyado ka kasing adik sa dugo" tugon nya habang nakatutok sa kanyang computer Maya maya pa ay iniabot na nya sakin ang papel na may lamang impormasyon tungkol sa aming target "Teka Omi, seryoso ba to? Walang nakalagay na info ng client" takang tanong ko "Yeah, pero tignan mo to nag wire transfer na sya ng full payment galing sa isang swiss bank account" saad ni Omi "Swiss bank account, madyado syang maingat hmm..." may kakaiba akong nararamdaman sa client namin ngayon "Sinong siraulo ang magbabayad ng full amount ng di pa natatapos ang trabaho" napapaisip talaga ako sa isang yun "Isang siraulo na masyadong maraming pera at malamang bored na sa buhay kaya kung sino sinong pinapapatay. Good for our business huh?" nakangiting naiiling si Omi "Well, yeah. Mukha ka talagang pera" napabuntong hininga nalang ako Di ko talaga maiwasang mag isip at kabahan ng bahagya "Kung ano man yang iniisip mo, malalaman mo din ang sagot jan. Ikaw pa, you always figure things out" biglang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ng pinsan ko "Sige na, maghahanda na ko" sabi ko bago lumabas ng silid nya Narating ko ang bahay ng aking target at napansin ko na walang kahit isang ilaw na nakabukas Hindi naka lock ang gate pati narin ang pintuan ng bahay Nakaramdam ako ng kaba Napagpasyahan kong umikot sa likod bahay at duon dumaan Katulad ng inaasahan ay nakabukas din ang back door Maingat kong tinungo ang ikalawang palapag ng bahay Tumambad sakin ang walang buhay na katawan ng isang lalake, nakamulat ang mga mata, nakanganga ang bibig at nakalabas ang dila "f**k!" bulong ko "You're late" biglang nagsalita ang isang lalake na nagkukubli sa dilim Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tinawagan ang pinasan ko. "Omi may isa pa syang inupahan. Naunahan ako" nag ngingitngit kong sabi at saka ko pinatay at ibinalik ang cellphone sa bulsa ko bago hinarap ang misteryosong lalake "You shouldn't turn your back on the enemy" kalmadong saad ng lalake "Tsss... We have the same target and I can see that you're a professional as well. We both know that you won't kill without a price" akmang aalis na ko ng muli syang nag salita at lumapit sakin "Monique Lacostales, 15 years old, High School student, multi-lingual, professional hired killer. Honestly when I read your profile, I was intrigued. So I made a way for us to meet. I'm Jim" inilahad nya ang palad nya "Shut up! Ang daldal mo" hindi ko maitago ang inis ko dahil sa nangyari Nagulat ako ng muli syang nagsalita at halikan ako sa labi Kahit pa madilim ay lumulutang ang kagwapuhan ng lalaking ito Pero nakakainis padin sya Ang sarap nyang patayin! At tuluyan ko na syang iniwan duon. Umalis ako ako na nakatiim-bagang Nang makarating ako sa bahay ay agad akong nagtungo sa basement kung saan kame nagsasanay ni Omi Kinuha ko ang baril ko at nagsimulang paputukan ang mga nakasabit na target. Matapos kong maubos ang dalawang kahon ng bala ay biglang nagsalita si Omi "Masakit ba?" hinawakan nya ang nanginginig kong balikat "Putangina nya" sagot ko habang ikinakasa ang baril ko Hinawakan ni Omi ang baril at kinuha yun mula sa kamay ko "Natural lang ang matalo. Iiyak mo yan then get over it" tinapik tapik nya ako sa balikat at tuluyan na nya akong iniwan Bakit ang hirap tanggapin ng pagkatalo? Bakit may mga taong mahilig makialam? Bakit napakasakit kapag nalalamangan tayo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD