Tumango na lamang siya saka sumabay na rin sa binatang naglalakad subalit hindi pa rin natapos ang usapan nila tungkol sa dalawa. Sa pagkakataong iyon ay hindi na ito gumamit ng mind spell. Muli na naman nagbigay ng komento ang binata tungkol sa dalawang kaibigan.
"Sakit sa ulo nina Hercules at Zeus ang dalawa mong kaibigan," anito sa kaniya.
"Hindi ko na ipagkakaila. Si Jho kasi kapag nasa tama siya ay pinaglalaban niya. Hindi rin iyan nagpapatalo sa diskusyunan kaya siguro sakit siya sa ulo ni Zeus. Nakikita mo naman sa bangayan ng dalawa. Si Khorie naman, kung anong gustong makuha pinipilit niya at gumagawa ito sa sariling paraan tulad kanina. Pero mababait naman sila. Siyangapala, binibigyan naman sila ng mga personal needs at extra money?"
"My brothers are very generous in terms of financial aspects. Mostly, when people are in needy. Kasama na ang dalawa mong kaibigan. Ang mga diyos ay tinutupad ang mga bawat kahilingan ng mga tao kung ito ay nararapat gantimpalaan. Nasa poder kita at nararapat lang iyon na ibigay ko. It's your right after all."
"Kung ganoon...kaya mong tuparin ang kahilingan ko?"
"Kaya kong ibigay ang bawat hilingin mo. Name it."
"Gusto ko ng ginto! M-maraming ginto!" bigla niyang sambit dito.
Masama ang tinging ipinukol ng binata sa kaniya saka ito nagpatiuna na sa paglalakad. Mukhang hindi nagustuhan nito ang kahilingan niya kaya hinabol naman niya agad ito. "Teka lang, saan ka pupunta? Akala ko ba ay kaya mong ibigay ang gusto ko!" Napailing siya. Ginto lang naman hinihiling ko nagwalk-out agad. Kayang-kaya naman niya iyon. Suplado talaga! Wala siyang nagawa kung ‘di ang sundan lang ito hanggang sa makarating sila sa Root Valley.
HAPON nang mag-umpisang turuan siya ng mga kaibigan ng self-defense. Wala ang binata dahil may meeting ito sa G&A at kailangan ang presensiya nito. Inihabilin na lamang siya sa mga kasamahan upang matuto ng basic self-defense. Nasa isang malaking gym facility ang grupo sa Center Valley. Maraming pwedeng gawin sa loob lalo na at may iilang mga ibang lahi rin ang naroroon.
"Anong uunahin nating ituro kay Dhem? Martial Arts? Taekwondo? Aikido?" tanong ni Khale.
"Warm up muna. Then, kayo na ang bahala sa basic. Mas maiging ituro niyo ang martial arts," suhestiyon ni Jingky.
"Girls, hinay-hinay lang sa pagturo sa akin at baka mabalian ako ng buto. Alam niyo naman na hindi ako sanay," aniya.
"Huwag kang mag-aalala, Dhem. Kami ang bahala sa'yo," inakbayan pa siya ni Jingky.
Napanguso siya. "Parang gusto ko na humingi ng dasal sa mga diyos. Delikado na ata ang buhay ko!"
Natawa ang ilan sa mga kaibigan niya.
"Don't worry, Dhem. You're safe. Buong-buo ka pa naman paglabas dito." Natatawang sambit din ni Anna. "Oh, siya. Let's start."
Nag-umpisa na silang mag-warm up. May mga itinurong warm up steps ang mga kaibigan niya na halos tatlumpong minuto rin ang itinagal. Halos maligo na siya sa pawis sa ginawa nilang pag-uumpisa at wala pa sila sa kalahati. Alam niyang hindi madali ang pagsasanay na iyon at halos kailangan niyang ibigay ang buong atensiyon niya sa kanilang training. Ang mga kaibigan naman niya ay matiyagang tinuturuan siya.
Pumalakpak si Anna hudyat na tapos na ang warm up nila. "Okay! Basic na tayo!"
Nakapagpahinga na rin siya kaya maaari na siyang sumabak sa basic. Kasama ni Anna na magtuturo sa kaniya ay sina Khale at Jho. Nasa isang sulok lang sina Khorie, Jona at Jingky na nagmamasid.
"Karate o sinaunang martials arts ang ituturo namin sayo." Pangunguna ni Jho sa kanila. "Ang terminong Karate ay nangangahulugang ang sistema ng proteksyon at pag-atake. Sa una, ito ay isang sistema ng walang armas upang lumaban at idinisenyo para sa layunin ng pagtatanggol sa sarili. Tumayo ka ng matuwid. Ilagay mo ang dalawang kamay mo sa magkabilaang sulok ng bewang mo at nakakuyom." Iminuwestra naman nito ang dapat na maging ayos niya.
Tiningnan niya ang ginawa ng kaibigan saka niya ito ginaya. "Ganito ba?"
"Ayan!" Tinulungan naman siya ni Khale upang magawa iyon.
"Then, move your arms and legs like this!"
Ang kanang kamay ng kaibigan niya ay tila isinuntok sa harapan saka ang kanang paa nito ay sumunod din sa galaw ng kamay. Ang kaliwang kamao naman ay nanatili sa bewang at ang paa naman ay naiwan. Her friends right knee slightly bend forward. Matapos iyon ay ang kaliwa na naman niyang kamay ang kumilos. Halos bente minutos din silang paulit-ulit sa ganoong posisyon hanggang makabisa niya ngunit hindi rin naman iyon gaanong perpekto.
"Is that what you want to know about your friend's training technique?" a woman on her sarcastic tone of voice.
Nakalapit agad ito sa kanila na hindi nila namamalayan.
Napahinto sila ng mga kaibigan niya saka bumaling sa babaeng foreigner na naroon kasama ng tatlo pang kababaihan na ibang lahi rin. Nang-aasar ang mga ito sa kanila at halatang nag-gym din doon.
"Mind your own business, Miss." Kalmado lamang si Jho saka nito ipinagpatuloy ang itinuturo nito sa kanya.
Problema ng mga ito? Sambit niya sa isipan.
"How can we mind our own business when you're teaching skills like kiddie kicks and punch?" they laugh after.
"Or they are doing Karate Kid Movies!" dugtong ng isa pa nitong kasama.
"So, what?" tumaas ang kilay ni Anna sa mga ito.
"Are you guys come up here just to tell us your spooky fiddle-faddle mema?" nagsalita rin si Khale.
"What mema?" tanong ng isang babaeng mamasel-masel din ang katawan sa paggi-gym.
"Bonaks ka at hindi mo alam," bulong ni Khale ngunit narinig naman iyon ng kabilang grupo.
"Filipino women? Wow! Nice to see you here, ladies. Are you an OFW whos' working up here and feed your families with your sweat and hard works?" tanong ng naunang babaeng nagsalita.
Nagtawanan pa ang mga ito at nag-apiran. Batid niyang pigil lamang ang mga kaibigan niya ngunit nasulyapan niyang napakuyom ang kamao ng mga ito. Nasulyapan din niya ang paglapit ng mga kaibigan niyang nasa isang sulok kanina.
"Hey, is there any problem here?" Her friend Khorie asked the opposite group in a calm voice.
"Oh? You're familiar." The woman with blonde hair said. "The woman in a car racing career which disappeared two years ago. Is this your friends? Well, we are just trying to know about their karate kid techniques and skills."
Muling nagtawanan ang mga ito.
"So? Nakakatawa?" singit ni Jona.
"What? What did you say?" tanong ng isa.
"Pinagtatawanan nila ang basic na itinuturo namin kay Dhem. Basic nga e. Ano gustong makita ng mga iyan? Masters lesson agad?" sambit ni Jho ngunit halata na sa boses nito ang inis.
"Baka naghahanap ng sample," wika naman ni Jingky.
"Ayoko sa ideya na iyan," awat niya sa mga kaibigan. Alam niya ang magiging kahinatnan kapag pinatulan nila ang mga ito.
"Hey! This is Europe. Your language here isn't accepted so better spoke ours. Why don't you try us so we can show your friends what's the real karate kid skills!" Paghahamon ng pinaka-lider ng mga ito at nanita kanina. Mamasel-masel din ang pigura ng katawan ng babae.
Nagkatinginan silang magkakaibigan at mamaya-maya pa ay naglakad sina Anna at Khale upang harapin ang mga ito. Naalarma siya at hindi siya sanay na makakita ng fighting scene sa pagitan ng mga kaibigan. Hindi na rin niya mapipigilan ang mga ito.
Diyos ko! Demeter, help! Wala sa isip niyang banggitin ang pangalan ng binata.
"Okay! The two beautiful ladies are in!"
Muling tawanan ulit ng grupo saka nagseryoso ang dalawang panig. Ang mga naroon sa gym naman na ibang kalalakihan ay tila natutuwa pa sa magiging labanan nang mamataan ang kanilang grupo. Dalawa laban sa dalawa. At kung may susugod pa ay nakahanda na rin ang mga kaibigan niya.
"Knock them off!" sigaw ng isang kasama ng mga ito.
Nagsimula na ang fist to fist na labanan nila hanggang sa mga nagpakawala na ng mga sipa at suntok ang mga ito. Kitang-kita niya ang mabilis na kilos ng mga kaibigan niyang mukhang mahinhin tingnan subalit mala-halimaw naman sa pagpapakawala ng mga malulupit na moves. Ang kabilang grupo naman ay ganoon din. Halos kapantay din ng lakas ng mga kaibigan niya.
"Tingnan natin kung makakatayo pa ang mga iyan kung sina Khale at Anna ang kaharap," sambit ni Jho na nasa tabi lang niya.
Nag-aalala siya sa mga kaibigang lumalaban. "Jho! Pigilan niyo na sila at baka masaktan sila!"
"Hayaan natin at ng matuto ang grupo na iyan," dugtong naman ni Jingky.
"Tama si Jingky. Ang mga katulad nilang mapang-asar sa lahi nating mga pinay ay hindi dapat pinapalagpas," sang-ayon din si Jona sa dalawa.
Dehado na ang dalawang foreigner kaya to the rescue ang mga kasamahan nito sa dalawang kaibigan subalit mabilis sina Jho at Jona na kumilos upang harangan ang mga ito.
"Ooops! Ooops! Where are you going? Hindi pwede ang ganyan!" pang-aasar ni Jona.
Hinarap naman ng dalawa niyang kaibigan ang mga ito at nagsagupaan na naman sa malawak na gym. Natatakot at kinakabahan na siya sa mga mangyayari na kahit ang tagapangasiwa roon ay hinayaan lamang sila. Pagsulyap naman niya sa likuran ng mga kaibigan ay may tatlo pang sumugod mula sa kung saan at ang isang iyon ay siya ang puntirya.
"Anong—"
Ang kaibigan niyang sina Jingky at Khorie ay mabilis na nakaramdam sa pagsugod at sinagupa rin ang mga ito. Samantalang siya naman ay hinarap ang blonde hair na foreigner na maraming mga tattoo. Boyish itong kumilos at humakbang din ito upang patamaan siya.
"Hah!" Nagpakawala ito ng suntok.
Nakailag siya. "Huh!" Ngunit nawalan naman siya ng balanse. Hindi! Bumagsak siya sa sahig dahil hindi niya inaasahan ang pinakawalang suntok ng babae. Mabuti na lamang at hindi nauntog ang ulo niya ngunit hindi maganda ang lagay ng kaniyang kanang paa. Halos mangiyak-ngiyak siya sa sakit sa bahaging iyon.
Bumunot ito ng kutsilyo sa likuran at may malawak na pagkakangisi sa kaniya. "Now, you will die!"
Hindi! Demeter! Kagat-labing sambit niya.
Kumilos ang babae upang saksakin siya at hindi na rin siya nakaisip ng paraan. Mariin na lamang siyang napapikit at umaasang naririnig ng binata ang paghingi niya ng tulong. Hayun na naman ang emosyon niya nang maalala ang nangyari sa kaniya sa city habang kaharap ang dalawang dark caster. Subalit, narinig na lamang niya ang pag-igik ng babae kaya't napamulat siya.
Kitang-kita niya ang likurang bahagi ng isang lalaking naka-formal suit pa ito. Napaatras ang babaeng foreigner na wala na sa kamay nito ang kutsilyo. Hindi niya alam kung anong nangyari subalit gulat na gulat ito nang humarap ang binata. It was Demeter who save her life again.
"Get out of this place! All of you!"
Napasulyap siya sa lalaking sumigaw at dumadagundong ang boses nito sa buong gym. Galit na galit ito na pinapaalis ang mga naroon. It was Zeus and the other gods are there to rescue them. Ang mga tao naman sa loob ay kumilos nang mabilis upang lisanin ang lugar pati na rin ang mga sumugod sa kanila. Siya naman ay dinaluhan ng binata upang pagalingin ang kaniyang natalisod na paa.
"Stay here for a while."
Napaangat siya ng tingin sa binatang si Demeter habang nakaupo siya sa couch. Dinala siya ng binata sa bahay nito matapos magkaroon ng rambulan kanina sa gym. Sinigurado rin niya ang sinabi nitong mananatili muna siya roon.
"Are you—"
"I'm serious." Umupo ito rin ito malapit sa kanya. "I took a vacation from the company and the rest of the weeks will spend my whole time to train you."
"Grabe. Ganoon na ba talaga kailangang matutunan ko ang lahat? Ganoon na ba ako kahina?" sinalubong niya ang malalalim nitong tingin.
"It's not what I mean—I'm doing my best I can for your safety. You can stay in my guest room. Nasa kwarto na rin ang mga gamit mo na nasa Root Valley."
"Magic ulit?"
"Yeah. I need to do that since you're staying here. I'll go upstairs. Magbibihis lang ako." Tumayo na ito.
"Sandali—" Napatayo rin siya. "Sasabay na ako para tumungo sa guest room."
"Okay. Come with me." Nauna na itong naglakad paakyat.
Sinundan na lamang niya ang binata hanggang sa guest room. Hindi na siya tumutol na mamalagi muna roon dahil alam niyang kapakanan naman niya ang iniisip nito. Sa pagkakataon din iyon ay kailangan niya ito lalo na at wala pa siyang masyadong alam sa self-defense.
"Here."