Chapter 9 - Bonding with Friends at the hill

2043 Words
Naroon na sila sa malaking guest room ng binata. Nakakamangha man pagmasdan ngunit iyon ang kaniyang nararamdaman. Halos lahat ng mga naroon ay tila mamahalin sa paningin niya. Idagdag pa ang magandang ambiance ng kwarto at ang mabangong scent na pumaimbabaw. "Nariyan na ang lahat ng kailangan mo." Naglakad ito patungo sa isang malaking pintuan. "This is the connecting door from my room. Kung may kailangan ka, just knock three times. I let this open for you whenever you need me." "Okay," sabay tumango siya. Isang malalim na sulyap pa ang ginawa nito saka nito binuksan ang connecting door upang tumungo sa kwarto nito. Nang maisara na nito ang pinto ay noon lang niya malayang inilibot ang paningin sa paligid. Tinungo rin niya ang isang pintuan sa kabilang bahagi at binuksan. Tumambad sa kanya ang malaking dressing room na nakaayos na lahat ang mga gamit niya pati ang ibang mamahaling damit. Pumasok siya sa loob upang tingnan ang mga naroon. Speechless siya sa mga nakikita niya roon. Parang pumasok siya sa isang sikat na botique store na may mga iba-ibang brand name. Dahil kailangan na niyang magpalit ng damit ay kinuha niya ang tuwalya at white robe saka mabilis na tinungo ang banyo. Mamaya na siya muling susulyap sa dressing room. Sa banyo na rin niya ibinuhos ang lahat ng masasamang karanasan kanina upang maging preskong muli ang kanyang pakiramdam. Halos isang oras din ang lumipas bago siya muling kausapin ng binata gamit ang myalô spell o pakikipag-usap gamit ang isipan. Nakabihis na rin naman siya at nagpapatuyo na lang sa makapal at mahaba niyang buhok. “Come here. I am in the kitchen. I'm preparing food for our dinner.” Huh? Ah, okay. Humugot muna siya nang isang malalim na buntong-hininga. Alam niyang makikita na naman niya ang binata at makakasama na sa loob ng sarili nitong pamamahay. Tinungo niya ang kitchen kung nasaan ito at naabutan niyang kakatanggal lang nito ang apron sa katawan. Nakahanda na rin ang hapunan nila sa dining table. Sa unang pagkakataon ay pinaghandaan siya ng dinner ng isang Kent Demeter Hudson at mas lalong pinapataba nito ang puso niya. Maayos naman ang pakikisama nito sa kaniya at pag-aasikaso. Pakiwari niya ay para siya nitong asawa. Masaya naman sila habang kumakain at normal naman ang kanilang mga pinag-uusapan. Hindi na nito nabanggit ang tungkol sa nangyari kanina. Isang oras ang nakalipas ay dumalaw sina Hercules at Khorie sa bahay ng binata. Nasa sala sila at nagkukuwentuhan lamang habang ang dalawang lalaki ay naghanda ng kanilang iinumin sa center table habang siya naman ay katabi ang kaibigan. "Can I taste?" anang kaibigan niyang si Khorie sa asawa habang nagsasalin ito ng whisky sa baso. "No," mabilis na tugon ng asawa nito. Napahalukipkip ang kaibigan niya saka umirap sa asawa. "Hindi na lang sana ako sumama kung hindi rin lang naman pala iinom." Masama ang tingin ng asawa nito sabay bawi naman ang kaibigan niya. "Chos lang! Hindi na mabiro," sabay ngingiti-ngiti ito. Jusko! Ang pasaway mo, friend. Bawal sa'yo ang uminom. Remember? Komento niya sa isipan. Alam na niyang pinagbabawalan na itong uminom ng asawa. "Siyangapala, maiba tayo." Humarap sa kaniya ang kaibigan. "Are you okay? Hindi ka naman na-trauma sa nangyari kanina?" Pasimple siyang tumingin sa binata ngunit nakatitig din ito sa kanya. Mabilis naman siyang nagbawi ng tingin dito. "O-oo. A-ayos naman." "Parang galing sa ilong." "H-hindi. I mean—I'm okay. No worries. Nasaan na ang mga iyon? Napatalsik ba sila?" tanong niya. Nais lang din niyang may mapag-usapan silang apat. "Oo. Kung si Zeus ba naman ang nagagalit." "Sad for them. Pero kilala ka ng isa sa kanila." Muli itong tumango. "Oo. Kilala ko ang grupong iyon. Bully type ang mga iyon mula nang makatuntong sila rito. Kanina lang napuno si Zeus na madalas pinagbibigyan lang ang grupo. Mag-ingat ka nga pala sa mga grupo ng mga One D Wo dito." "Anong One D Wo?" pagtataka niya. "One der woman! Madalas ang mga malalakas na iyan ay ang mga pasaway dito sa loob. Ewan ko ba at bakit pinapapasok iyon ng mga diyos ng olympus!" sabay napalingon ito sa asawa. Mariin din ang pagkakasambit nito sa huli. "That's our discretion," tugon ni Demeter na nakikinig lang sa usapan nila. "Yeah," dugtong ni Hercules. "We want all the people to experience the life inside here. Ayaw naman naming maging malupit sa kanila. If ever they broke our rules, Zeus will kick them out of this Kingdom." Nilagok ng binata ang laman ng basong may alak matapos itong magsalita. "Grabe ang kaba ko kanina. Akala ko ay mapapahamak na kayo." "Sanay kami sa labanan. Ang sinumpaan namin tungkulin noon ay mas malala pa sa nakita mong eksena kanina. Isa pa, ayaw namin na-aagrabyado ang isa sa amin. Nagpipigil pa nga si Jho kanina at kung hindi lang sila dumating ay baka pinaglalamayan na ang mga mayayabang na iyon. But of course, it won't really happen." "Sana hindi niyo na lang pinatulan," singit ni Hercules. "We wanted too, my husband. Kaso hindi ganoon kadali iyon." "At hindi sagot ang makipagbasag-ulo," dugtong ni Demeter sa sinabi ni Hercules. Ang seryoso ang dalawang lalaki na sumingit sa usapan nila at kahit sa simpleng mga sagot nito ay may ibig sabihin. Alam niyang ayaw na ayaw ng mga ito ng gulo sa pagitan nila ng ibang mortal. Iniba na lamang nila ang kwentuhan hanggang sa lumalim na ang gabi at natapos din sila. Hanggang sa pagtulog niya ay laman iyon ng kaniyang isipan. Alam niyang may mas malala pa ang dadating sa kaniya sa susunod nilang pakikipagsapalaran.    KINABUKASAN, matapos makapag-almusal sila ng binata ay nagpaalam siyang sumama sa mga kaibigan sa burol kung saan siya unang dinala ng binata. Mabuti at pumayag naman ito dahil may pag-uusapan ito kasama ng iba pa sa Valley Villa. Kasama ang mga ilan niyang kaibigan ay nakarating din na sila doon. Tahimik niyang pinagmamasdan ang malawak na karagatan at nabuo ang mga salita sa isipan niya. The sea was really fantastic with deep blue colors reflections of the sky. How is this place really amazing? Is this a kind of paradise in heaven? I think I am in heaven. "Hoy!" "Huh?!" napapitlag siya. Ginulat siya ng kaibigan niyang si Sam habang may malalim siyang iniisip. Kasama niya ito at ang iba pa tulad nina Jho, Khorie at Michelle. Nasa bahagi sila ng burol kung saan tanaw ang napakalawak at napakaaliwalas na karagatan. "Ang lalim ng iniisip mo. Care to share?" "Naisip ko lang kung walang misteryong nababalot sa lugar na ito, I thought I was on a great vacation. Summer escapades!" wika aniya. "Ganyan din ang iniisip namin noong una. Akala namin na normal ang mundong ating ginagalawan. At sino ba naman kasing mag-aakalang may mga taong kakaiba bukod sa atin? Wala naman 'di ba?" naupo si Sam sa tabi niya. "Tama si Sam. Mas lalo na ako noong wala kayo at nag-iisa lang akong hinarap ang mga nakakalokang bagay-bagay. Kaya ikaw Dhem, huwag ka ng magdadalawang-isip sa tadhana mo. Yakapin mo ito tulad ng ginawa ko para hindi ka magkaproblema sa darating na panahon," payo naman ni Michelle sa kaniya. "Believe her because it was proven and tested. Michelle married the best God in the universe," singit ni Jho. "So, how about the honeymoon? Hindi naman nasira ang kama niyo?" gusto niyang malaman ang bagay na iyon. Hindi iyon nasagot ng dalawa nang nasa silid-aralan sila ng Root Valley "Ano?! Bakit masisira?! Ano iyon twilight?" Pinamulahan ng pisngi si Michelle "Iyan din ang tanong namin sa kanila ni Sam pero ayaw nilang magbigay ng komento. Hindi ko pa naman narinig na nag-order ang mga asawa nila ng kama," natatawang wika si Jho. Napahagikhik siya kasabay ang iba. Mukhang naiisip na niya ang ibig sabihin ni Michelle tungkol sa pelikulang iyon na napanood niya rin at isa sa nga paborito niya. "Ikaw ba? Hindi rin ba nasira ang kama niyo ni Hercules sa unang gabi niyo bilang mag-asawa?" buwelta niya kay Khorie. "Ha! Unang gabi? Baka magkatabi lang kami sa kama pero walang nangyari." Pagmamalaki nito. "May kontrata kami at hindi kasali ang s*x! Walang hawakan ng below the belt!" "Really? Magkatabi na kayo ngayon? Hindi ka na sa guest room natutulog?" gulat si Sam. Alam nitong magkahiwalay matulog ang dalawa. Hindi siya makapaniwala sa kaibigan. "Ay, ang lupit ng samahan niyo. Paano kayang walang nangyari sa inyo? Ano iyon nagdadasal lang kayo? Nagro-rosaryo habang magkatabing matulog?" "Imposible iyan! Ang lalaki hindi nakakatiis." Dugtong naman ni Mitch. "Hanggang series three ba naman ay wala pa rin nangyayari sa inyo? Ano iyan? Tuod lang?" asar ni Mitch kay Khorie. "Hayaan na nating dumating tayo sa kwento ng buhay ko at baka maumay na ang readers natin. Basta maninindigan akong wala pa akong karanasan sa ganoong bagay." "Pero dapat ay huwag mo niyo ng patagalin. Sige ka, maunahan ka pa ng iba. Ang hot ng asawa mo at baka makahanap ng iba iyan," paalala niya ngunit nakangiti naman siya. "Subukan niyang maghanap at baka makita niya hinahanap niya," banta ng kaibigang si Khorie. "Siyangapala, tungkol sa katana. Kailangan ba talagang umibig ako para magliyab ang katana ko?" Nagkatinginan ang mga kaibigan niya sa isa't isa. Pinapakiramdaman ang bawat isa kung sino ang mas mainam na magpapaliwanag ayon na rin sa gusto niyang malaman. "Nabanggit kasi ni Khorie na isa sa mga sangkap nito ay ang magmahal ng receiver," pagpapatuloy niya. "Actually, iyon talaga ang best solution. Tulad ko, tinanggap ko nang buong-buo ang tadhana ko sa asawa kong si Hephaestus. Minahal ko siya at minahal niya rin ako. Hindi madali ang pagsubok naming dalawa ngunit nandito pa rin kami at nanatiling matatag." "Tama si Mitch. Marami na kaming pinagdaanan ni Apollo. But, he's always there to protect me and to stand along for our relationship. Ipaglalaban namin ito hanggang sa huli," dugtong ni Sam. "Pero may ibang basehan pa rin kaming tinitingnan. Nagliyab na ang katana ko at ang hawak naman ni Khorie ay dapat tatlong beses lang makikita ang alab. May isang rason pa siguro at hindi lang pagmamahalan ang magiging solusyon. Dahil kung iyon ang pagbabasehan dapat sana ay—" Natigilan ito. "Dapat sana ay ano?" Napakunot ang noo niya sa palaisipang sinabi nito. Kung isa sa mga solusyon ay ang pag-iibigan tulad nina Michelle at Hephaestus, Sam at Apollo, ano ang dahilan ng pagliyab nito sa pagitan nina Khorie, Hercules, Jho at Zeus? "Isa rin iyan sa tinitingnan namin at pinag-aaralan. Tinanggap namin ang pagmamahalan namin sa mga diyos pati na rin ang tadhana na kasama sila. Kung isa sa dahilan ang pag-ibig, pagsakripisyo at pagtanggap e 'di sana ganoon din ang naramdaman nina Jho at Khorie kina Zeus at Hercules. Pero kahit sila ay walang personal na emosyon sa dalawang diyos. Oh, tinatago niyo lang?" tanong ni Sam sa dalawa. "Hindi namin tinatago ang anumang damdamin namin. Pwede pa siguro noon pero sa ngayon ay malabo pa," tugon ni Jho. "If you believe in magic, there's no such thing impossible with that words!" Mitch smiled at her. Siguro nga. Wala namang masama kung maniwala sa mahika. Sang-ayon niya sa mga sinasabi ng kaibigan. "Bakit mo pala naitanong ang tungkol sa katana at sa tadhana natin? Mahal mo na ba si pareng Demeter?" tanong ni Jho sa kaniya. Pinamulahan siya ng pisngi sabay umiwas. "Huh? Mahal?" "Ba't ka umiiwas? Mahal mo na?" pag-uusisa ni Mitch. Lumingon siya sa mga ito. "Hindi. Pero...hindi ko maintindihan ang damdamin ko sa tuwing nariyan lang siya sa paligid. Isa pa, pansamatala na akong nakatira sa bahay niya at mahirap iwasan ang nakaka-distract niyang mga mata. Tama nga si Jona." Napailing siya saka naalala niya nang nag-training siya kasama ang binata sa Olympus Palace. Hindi siya makapag-concetrate dahil doon. "Attractive ka nga. Nag-uumpisa ang lahat ng mga bagay-bagay tungkol sa usaping damdamin. At gusto nilang lagi tayong nakikita. May mga inra scent tayong nakakahalina kaya isa sa mga dahilan iyan na inalok na niyang doon na muna ako pansamantala sa poder niya." Ngumiti nang may ibig sabihin si Sam sa kaniya. "At seloso ang mga tipo nila. Nakangiti nga sa'yo pero pagtalikod mo ay may pagtatampo na. Attractive rin sila sa mga katulad natin," dugtong naman ni Mitch sa sinabi ni Sam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD