NAGTUNGO naman sila sa malawak na parang na may iilang mga hayop ang naroon kabilang na ang mga kabayo. Tantiya niya ay nasa isang rancho sila. Gumamit ang binata ng divert spell kung tawagin upang makarating sila roon. Maya-maya pa ay may isang kulay tsokolateng kabayong tumatakbo patungo sa kanila at lulan iyon ay ang kaibigan niyang si Jho. Napahinto ito sa tapat nila.
"Jho?" kunot-noo siyang napasulyap sa kaibigan.
"Woah! Nandito lang pala kayo." Bumaba ito sa kabayo saka bumaling ito sa binatang si Demeter. "Heto na si Demi."
"Thanks. Zeus and Hercules are still there?" tanong ng binata kahit alam nitong naroon naman ang mga kabaro.
"Yeah. Naroon din si Khorie." Bumaling ito sa kanya. "Good luck, Dhem. Galingan mo!"
"Galingan?" Nagtataka siya sa sinabing iyon ng kaibigan. Don't tell me, mangangabayo kami? Hindi ako marunong!
"Sige. Babalik na ako." Tumalikod na ito at naglakad papalayo.
Sinundan na lamang niya ng tingin ng kaibigan habang napapaisip pa sa sinabi nito. Kung mangangabayo sila ay wala rin siyang alam sa bagay na iyon. Kumilos na rin ang binata upang lumapit sa kabayo saka naman nabaling ang atensiyon niya rito.
"Ano pang hinihintay mo?"
"Ha?"
"Sakay na," utos nito na sumampa na siya sa kabayo.
"Sa kabayo?"
"Where do you want to ride?" in his sarcastic voice.
"Sir, hindi ho ako marunong sumakay at mangabayo!"
"How many times I told you to speak my ancient name? Mahirap bang gawin iyon?"
Manigas ka! Mas lalo lang naging matalim ang tingin nito sa kaniya saka ito mabilis na kumilos at hinawakan ang magkabilang bewang niya saka iniangat siya upang makasampa sa kabayo.
"Ay!" napatili siya. Hindi siya makapaniwalang ginawa iyon ng binata sa kanya na tila papel lang siyang iniangat doon.
"There you are. Hold the horse lace," he ordered her again.
"H-hindi nga ako marunong—"
Mabilis din itong sumampa sa kabayo. "And who told you that you will ride the horse alone? Hawakan mo ang renda," kinuha nito ang kamay niya.
Wala siyang nagawa kaya hinawakan niya rin ang renda habang ang mga kamay naman ng binata ay nakahawak din doon. Naramdaman niya ang kakaibang hatid ng pagkakalapat ng kanilang mga kamay sa isa't isa. Isa na namang inra na pinakawalan ng binata upang hindi siya makaramdam ng takot habang nasakampa siya roon.
"First thing to know on how to ride a horse is to relax. Kung ipapakita mong natatakot ka sa pagsakay ng kabayo ay mas lalong hindi mo ito makokontrol. We also use our proper horse riding equipment. Since, ako ang kasama mo ay pwede na ang ganito. Second, greet your horse. Keep in mind that your horse is a living creature, not a vehicle that you can control at your will. The horse could also be nervous, tired or even scared to have someone new riding him. Therefore, to establish a good relationship since the beginning, greet your horse when you’re introduced to him at the ranch. Batiin mo si Demi," utos nito.
"How? I mean—should I say hello to her?"
"It's him."
"Oh? Lalaki siya?"
"Yeah."
Halos kapangalan pa nating dalawa ang kabayo. Gusto niyang matawa ngunit pinigilan lang niya ang sarili.
"Extend your arms and touch his head."
"Huh? Ah, sige." Ginawa naman niya ang utos nito. Hinimas niya ang uluhang bahagi ng kabayong si Demi. "Hi, Demi. Please be good to me." Inilayo din niya ang kamay pagkatapos.
"Third, your position on mounting up. The best position to keep control of your horse is to sit up straight and tall, relax your back, hold the reins gently, set a foot in each stirrup, and hold your balance to not make your horse feel like he’s carrying a heavier load. As I told you earlier, kung natatakot ka ay mas lalong magiging peligro ang buhay mo lalo na at hindi ordinaryong kabayo si Demi."
"What? H-hindi siya—I mean—imortal ang kabayo?" nagulat siya.
"Yeah. Expect mo na rin na halos ng mga kabayo namin dito ay hindi normal. Demi is a pegasus type of horse."
"Pegasus? Isang mythological horse?"
"Definitely. Our pegasus horse can change their pegasus mode if we want them. They are totally white colors and a mythical winged divine type of horse."
"I see." Namangha naman siyang muli sa kabayo ng binata. Ito ang unang pagkakataon na makakasakay siya ng isang uri ng kabayong sa mga libro lang niya nakikita o kaya sa mga pelikula.
"Fourth one, be gentle with the reins. Your riding technique might depend on which style you’re learning, English or Western. In English riding, you take a rein in each hand, while in Western riding you grab both reins in one hand. Whichever you choose, relax your arms and never pull too hard or you might hurt your horse. There’s rarely a good reason to lift the reins above your shoulder level, your arms should normally form right angles at the elbow. To direct your horse to the left, move the left rein towards the left in a motion similar to opening a door. If you want to steer to the right, just do the same with the right rein. Stop by gently pulling back and pushing the heels down. Ganoon lang ang simpleng pagpaaptakbo ng isang kabayo.
"Fifth, don't hold the saddle horn for balance. When horse riding, you most likely will find a saddle horn in your horse tack, which you can hold on to. However, you should not count on the saddle horn to keep you balanced. If you feel unstable, try adjusting your posture, extending your legs, or holding the reins more gently. If you make a habit of holding the saddle horn, if there’s an unexpected situation along the way, this is an ineffective position to keep your balance and you’ll be more likely to fall. That’s why you should never get used to holding onto the saddle horn even when you’re just walking. It’s better to learn properly from the get-go instead of developing bad habits that could hurt you in the long run. Note that in the UK or other European countries, the tack does not typically include a saddle horn. Keep in mind that you should also avoid holding the front of the saddle for balance." He uttered in his British accent tone.
Well said, Sir. My bloodstream keeps running out through my nose! Idinaan na naman niya sa biro ang narinig mula rito.
"And if you keep complaining, I'll drop you from here."
Natameme siya. She needs to be attentive and listen to him or else she will fall from the horse their riding on. Maya-maya pa ay pinatakbo na nito ang kabayo nang mabilis. At dahil ito ang unang pagkakataon niyang makasakay ng kabayo ay halos napapikit siya at mahigpit ang hawak sa renda. Idagdag pa ang pagkakadikit ng kanilang mga katawan na siyang lalong nagpapatuliro sa t***k ng kaniyang puso na kanina ay pinipigilan lang niya. Ilang sandali pa ay bumagal na ang kanilang takbo.
"Open your eyes," he whispered.
Marahan siyang nagmulat ng paningin upang masilayan ang magandang kapaligiran. A breathtaking views. Naglalakad ang kabayong sinasakyan nila sa gilid ng mataas na bahagi at kitang-kita naman ang malawak na bughaw na karagatan. Muli na naman siyang namangha sa biyaya ng langit at napakagandang tanawin.
Huminto sila sa gitnang bahagi saka kumilos naman ang binata upang bumaba. Kasunod niyon ay marahan naman siyang tinulungan nitong makababa mula sa kabayong si Demi. Itinuro nito ang isang bahaging may burol at naglakad sila patungo roon. Mula sa burol na iyon ay malaya nilang nakikita ang malawak na karagatan. Isang payapang umaga para sa tulad niyang nag-eensayo. Marahang umupo ang binata sa bermuda at naka-lotus position. Sumenyas lang itong gayahin siya kaya napaupo rin siya malapit dito.
"Let's meditate." anito.
Meditate?
"Meditation is an ancient wellness practice that focuses on training awareness, attention, and compassion. It can help to reduce stress and other anxieties. There are nine types of meditation. Mindfulness, Spiritual, Focused, Movement, Mantra, Transcendental, Progressive relaxation, Loving-kindness, and Visualization Meditation. And today, we will practice visualization meditation.
"Visualization meditation is a technique focused on enhancing feelings of relaxation, peace, and calmness by visualizing positive scenes or images. With this practice, it’s important to imagine the scene vividly and use all five senses to add as much detail as possible. Now, close your eyes, and let's see how it goes to you."
"Okay." Sumulyap muna siya sa payapang kapaligiran sa harapan niya saka siya pumikit.
"Take a deep breath," in his serious voice.
Humugot siya nang malalim na hininga tulad ng sinabi ng binata sa kaniya.
"Release it slowly."
Dahan-dahan niyang pinakawalan ang kaniyang hininga ayon na rin sa sinabi nito.
"Isipin mo na ang mga bagay na nagpapasaya sa'yo. It can be goals in life and other things. Ito ang magiging center of visualization mo. Ang bawat tao ay may inra na dumadaloy sa katawan. Puting inra ang kadalasang kulay nito. Visualize your inner goals as your inra down to your blood vessels. Oras na makita mo ang bawat daloy nito ay malaki ang chance na makokontrol mo ang iyong inra sa katawan."
Lahat ng sinabi ng binata sa kaniya ay masusi naman niyang pinakinggan at sinundan. Iniisip niya ang mga pangarap niya sa buhay para sa pamilya upang maging sentro ito ng kaniyang inra. Hanggang sa nakita niya ang daloy nito sa kaniyang blood vessels. Mula sa limang senses niya ay kitang-kita niya ang sirkulasyon nito sa katawan niya hanggang sa nakaramdam siya ng isang kapayapaan sa puso at isipan. Subalit, sa kapayapaang iyon ay sumagi sa kaniya ang hindi inaasahang bangungot. Ang isang panaginip na muling namumbalik sa kaniyang alaala. Isang madugong panaginip na animo'y binabalik-balikan siya hanggang sa nilamon siya ng kadiliman nito.
"Hindi!!" napasigaw siya saka nagmulat ng paningin.
"Hey! Dhem!" sabay napahawak ang binata sa palad niya.
Napasinghap siya. "Huh!" habol din niya ang kaniyang hininga.
"Are you okay?" anang nag-aalalang binata.
Sinulyapan niya ito. "I-I'm sorry! H-hindi ko nagawang—payapain ang sarili ko!"
"There's something bothering in you. Can you tell me what was that?"
Nahagip ng paningin niya ang mahigpit na pagkakahawak ng kamay nito sa kamay niya. Isang paraan iyon ng binata upang mawala ang kaniyang kinatatakutan at upang mapakalma siya.
"It was a nightmare." Nagsimula na siyang magkwento rito. Muli rin niyang tiningnan ang binata sa mga mata nito. "Mula noong nandito ako ay hindi ko na ulit napapanaginipan iyon subalit sumagi na naman sa balintataw ko. Pakiramdam ko ay sinusundan pa rin ako ng bangungot na iyon."
"Are you afraid of that?"
Tumango siya.
"Isa lang ang alam kong paraan para mawala ang takot mo roon."
"Paano?"
Malalim na nakatitig sa kaniya ang binata at walang namutawing tugon ang narinig niya mula rito. Maya-maya pa ay marahan siya nitong niyakap nang mahigpit. Hindi niya inaasahan na gagawin iyon ni Demeter sa kaniya kaya nabigla rin siya. Iyon tinutukoy nitong paraan upang tuluyang mawala ang takot niya sa bangungot na sumira sa kaniyang meditation. Demeter!
Bumalot sa katawan nila ang isang inra na nagmumula sa binata. Marahan na lamang siyang napapikit at dinama ang mahigpit nitong yakap. Gumati rin siya ng pagkakayakap dito at tama nga ito. Napalitan ng kapayapaan ang kaniyang puso at isipan subalit ang isang damdamin na hindi niya lubos maintindihan ay lalong umuusbong para dito. Naguguluhan man siya kung para saan iyon ngunit hinayaan na lamang muna niya.