Chapter 5 - The Inra Connection

1350 Words
NAG-DIVERT sila sa isang lugar kung saan may napakalawak na parang. Isang lugar kung saan payapa ang kapaligiran at may berdeng patag na kalupaan. Nakita na niya agad ang mga kalalakihan na naghihintay na sa kanila. Namangha pa siya sa mahikang ginamit ng mga kaibigan upang makarating sila roon. Nahagip na rin ng mga mata niya ang binatang kanina lang ay nagkita sila at nakapagpalit na ng suot nito. Si Demeter. "You're almost late, women!" kunot-noong wika ni Ares. Hindi na rin maiguhit ang mukha nito. "Late? Sakto naman, ah! We are almost in time," tugon ni Po. Ito na ang sumalubong sa matatalim na tingin ng binata. "Sana'y kayo sa saktong oras. Remember, you are here in our society. Just follow our rules, one hour ahead before our preferred time." Nagsalubong na rin ang kilay ni Demeter sa kanila. Wow! Iyan iyong mga oras na nag-aaral pa kami kay Miss Andromeda. Sino ba ang uunahin namin? Kayo o siya? Ang labo. Hindi niya maiwasang sambitin iyon sa isipan. Nalalabuan siya lalo na sa mga ikinikilos ng mga ito. "Sungit! Meron ka ba? Kalma ka lang, Ares!" biniro ni Jingky ang binata subalit lalo lang kumunot ang noo nito. Sabay nag-sign ng peace ang dalaga sa kamay nito. "That's enough, guys! Let's start our training." Pinutol na ni Zeus ang kung anong panghihimutok ni Ares at baka kung saan mapunta. Sinimulan na rin ng mga ito ang kanilang training sa loob. "The training is all about inner strength," Apollo said. Katabi na rin nito ang asawa. "But it's not like an inner strength as what you have trained before," Hephaestus added. "Ang training na ito ay tungkol sa pagkontrol niyo na tinatawag naming Inra. Ang Inra ay natural energy na meron ang isang normal na tao. Nabubuo ito sa loob ng katawan at dumadaloy sa mga pointed veins patungo sa puso niyo." Paliwanag ni Anchises. "Parang—chakra?" tukoy ni Lea. "Parang ganoon na nga. Kung matututunan niyo ang pagkontrol ng inyong puwersa ay may tsansang makokontrol niyo ang flaming blades," tugon ni Dionysus. "Okay, Ladies! Let's do this. Mitch, can you show them how to do it?" Zeus asked Mitch to show how it works. "Okay." Naglakad si Mitch ng ilang hakbang patungong gitnang bahagi upang makita ito ng lahat. Kinuha nito sa likurang bulsa ng suot nitong pantalon ang tsuka ng katana. Nag-concentrate ito upang mailabas ang alab na mayroon ang tsuka kaniyang hawak. Ilang sandali pa ay lumabas ang nagliliyab na kulay asul nitong alab. Amazing! Sambit niya sa isipan. "Very good Mitch!" bati ni Zeus dito. "That's my woman." Amaze din si Hephaestus sa pinakita ng asawa "Sam can do that too. Pakitaan mo nga, mahal." Ayaw rin magpatalo ni Apollo. "Hindi ito paligsahan, Apollo. Ikaw talaga," saway ni Sam sa asawa. "Okay, Sam. The center place is yours." Itinuro ni Zeus ang gitna kung nasaan si Mitch. "Okay," sabay tumango ito. Pumuwesto rin si Sam sa gitna. Ipinamalas din nito ang pagpapakawala ng alab ng katana na may berdeng inra tulad ng kulay ng berdeng kapaligiran. Her friend has that kind of nature flame. "Kailangan lang mapanatili ang Inra sa mga kamay mo habang nag-circulate ito roon. Kapag gusto naming magpalit anyo at makianib sa aming mga casting souls ay tuluyan lang pakawalan ang inra na namumuo sa inyong mga palad." Ipinaliwanag ni Sam ang proseso upang matutunan nila ang pamamaraang iyon. "Tama si Sam. Isipin niyo lang na nakikita niyo ang pagdaloy ng inra niyo sa inyong katawan hanggang sa makarating ito sa inyong mga kamay. At ganito naman kapag nag-change into casting soul mode," dugtong ni Mitch. Nagkatinginan muna sina Michelle at Sam bago pinakawalan nang tuluyang ang kanilang inra. Kitang-kita nilang lahat ang lalong pagliyab ng mga alab nito kasunod ang kanilang pagbabagong anyo bilang mga mandirigma. Bumabalot sa katawan nila ang imahe nina Aoife at Armina ngunit mukha at katawan pa rin nila ang makikita. Isa si Jona sa napahanga ng dalawa. "Wow! Astig!" "Astig talaga!" wika ni Anchises sa tabi ng kaibigan. "Good job, ladies. Ngayon nakokontrol niyo na ang mga flaming blades. Mukhang nasa ibang level na ang dapat ituro sa inyo ng mga partners niyo," ngumiti si Persius sa dalawa. Ibinalik ng dalawang sina Michelle at Sam ang kanilang anyo sa normal matapos ipamalas ang kakayahan ng nagliliyab na katana. "Okay. Ladies, kayo naman ngayon ang magpapamalas ng inyong kakayahan. Ipakita niyo sa amin ito." Nakatingin si Zeus sa iba pa. "Except them." Tukoy nito sa dalawang kaibigang sina Jho at Khorie. Napakamot ng ulo si Anna. "Ito na iyon. Pambihira." "You can do it," Persius shows his smile to Anna. Heto na iyon! Ito iyong bagay na hindi ko alam kahit noong una pa lang. Paano ko gagawin iyon kung wala ako masyadong idea. Napasulyap siya sa binatang naroon na pala sa tabi niya. You can do it. Huh? Are you— Nagsimula na naman sila sa pag-uusap gamit ang isipan. Yes, I am. Close your eyes and take a deep breath. Imagine your white inra flows down to your palm and make any connection with your tsuka. Okay. I'll do what you said, Sir. Demeter! Sorry. Muntik na naman niyang makalimutan ang isa pang rules ng binata. Ang tawagin ito sa pangalan nito. Sinubukan niya at ng iba pa ang proseso ng pagpapaliyab subalit ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin nangyayari. "You need to take it seriously, ladies." Umikot si Zeus sa kanila upang tingnan ang kanilang ginagawa. "Payapain niyo ang inyong isipan. Isipin niyo ang isang bilog na may tuldok sa gitna at doon niyo ipunin ang inra niyo." Subalit bigo pa rin silang magawa iyon. "Huh! Pinagpawisan na ako. What if I can't do it. Baka naman may ibang paraan o may ibang twist kung paano magpaliyab ng katana. Like⸻a password!" Itinigil na ni Po ang ginagawa nila dahil pati ito ay nahirapan din. "Ayoko na! Walang nangyayari!" sumuko rin si Jona. Marahan din niyang itinigil ang ginagawa nang marinig ang reklamo ng mga kaibigan. Sabi ko na nga ba at hindi namin kaya. Baka naman may password nga ito. "See? Hindi rin effective ang plano niyo," sambit ni Jho sa mga kalalakihan. "I know. Sinusubukan lang namin ang mga bagay na maaaring magpa-unlocked sa spell ng tsuka," tugon ni Zeus. "It's like an experiment. Nagagawa ng isang carrier na magpaalab ng kaniyang katana sa oras na magkaroon siya ng koneksiyon sa isa sa amin," dugtong ni Hermes. "Like Mitch and Hephaestus, Apollo and Sam, Zeus and Jho? Are you telling us to fall in love with you, guys?" direktang wika ni Po. "I'm not falling in love with him!" Nag-react agad si Jho sa direktang sambit ni Po. "Jho, kalma. Sample lang iyon ni Po. May punto kasi siya. Mula pa noong umpisa ay ipinaliwanag na sa atin na may koneksiyon sa ating lahat at iyon ang susi kung paano mapaliyab ang mga hawak natin. Kung hindi malalagay sa panganib ang mga buhay ng mga diyos ay maaaring buhay natin." Humarap si Khorie sa mga may kakaibang nilalang na naroon. "Mahihirapan kami kung hindi niyo sasabihin sa amin ng direkta na isa iyon sa magiging susi. Kahit alamin pa namin ang circulation ng inra from us to our tsuka, wala rin magiging silbi iyon. Ang tinutukoy ni Po ay ang gustong maging koneksiyon ng mga sinaunang casting soul sa mga katana sa pagitan ng carrier at receiver." "Alam ko rin ang bagay na iyon," sambit ni Jho. Saglit na natahimik ang mga lalaking naroon. Ayaw man ng mga itong pag-usapan ang bagay na iyon ngunit naungkat na ng mga kaibigan niya. "Okay. Let's face the consequences. As of today, let's end this training." Seryosong wika ni Zeus sa lahat saka nauna na itong lumisan. Sumunod naman ang iba na tila umiiwas sa usaping iyon. Ang weird! Umiiwas ba sila? Kung pag-ibig ang isa sa mga susi—kailangan kong mahalin si—my god! Lumabas na lamang sila ng training room na hindi na umiimik. Batid niya ang mabigat na problemang kakaharapin nila sa susunod na araw. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD