ISANG UMAGA, palabas na siya ng Root Valley entrance dahil tinawagan siya ng binatang si Demeter na naroon at naghihintay. May iaabot itong bagay na makakatulong sa pag-aaral niya tungkol sa mahika. Nakita na niya agad ito na nakatayo sa labas habang nakatitig sa kaniya. Habang papalapit siya rito ay hindi niya maiwasang humanga na naman sa kagwapuhang taglay ng binata. He wears a semi-formal suit with white long sleeves, navy blue pants, and brown leather shoes. His hair looks wet in brush up style. Everything on him is captivated.
Bumati ito sa kaniya saka bahagyang ngumiti. "Hi!"
Naroon na siya sa harapan ng binata at hindi pa rin niya inaalis ang tingin dito. Gustuhin man niyang umiwas ngunit tila may kung anong karisma itong ginagamit upang doon lamang mapako ang paningin niya. "Hello!"
"I'm just dropping by to give you this." He give a standard size book to her.
Kinuha naman niya agad ang libro. Nakasulat doon ang ang title nitong 'Book of Spells' na siyang tinutukoy nito kaninang makakatulong sa kaniya bago pa man sila nagkita sa baba.
"Thanks, Demeter. Makakatulong ito sa lesson namin mamaya," tipid niyang ngiti.
"You're welcome. By the way, used the magic spells very well. May mga restrictions kami sa paggamit nito at oras na may mga nilalang na gamitin ito sa masama ay mananagot sila sa batas," pormal nitong wika.
"Yes. I will. Uhm, sige. Mag-uumpisa na ang klase namin kay Miss Andromeda."
"Okay, goodluck. See you later."
Nauna na siyang tumalikod at naglakad pabalik ng mansiyon. Iniisip niyang ito na ang umpisa ng panibagong buhay niya kasama ng mga kaibigan kaya kailangan niyang sanayin ang sariling magkikita sila ni Demeter kung kailan nito gugustuhin. Sa kabilang banda, masaya siyang makita ito. Hindi niya alam kung bakit ngunit iyon ang nararamdaman ng puso niya.
"Napapangiti ka?"
"Huh?" Nag-angat siya ng tingin nang makasalubong siya ni Jingky sa pasilyo habang patungong silid-aralan.
"Sino kayang katagpo mo sa labas at ganyan ka makangiti?" pilyang tanong nito.
"W-wala," tanggi niya.
"Wala? Eh, kung makangiti ka wagas. Si pareng Demeter ba?"
"Tumigil ka nga, Jingky. Ayan ka na naman," saway niya.
"Si pareng Demeter nga," ngingiti-ngiti ito.
"Ewan ko sa'yo. Pumasok na nga tayo sa loob!" Umiiwas siya sa magiging usapan nila ng kaibigan tungkol sa binata. Ayaw din niyang malaman nito ang kung anong kasiyahan ang naramdaman niya sa tuwing nakikita ito.
Bumungad sa kaniya ang malawak na kuwarto na may mga upuan at mesa tulad ng isang silid-aralan. Naroon na rin ang iba pa na nauna na sa kanila. Kaniya-kaniya na silang pumuwesto ngunit wala pa naman doon ang magandang sorceress na si Miss Andromeda. Nakilala na niya ito noong isang araw. Habang nakaupo na siya ay naririnig niya ang usapan ng mga kaibigan.
"Para tayong nasa Hogwarts. Kulang na lang magic wand," pabirong wika ni Jona sa isang sulok habang nakapuwesto sa upuan nito.
"Well, this is our new world." Napangiting tugon ni Sam. "Masaya naman ang mag-aral ng mahika lalo na kapag may inspirasyon."
"Inspired ka kasi kay pareng Apollo! Kumusta ang honeymoon niyong dalawa? Nakabuo na?" Natatawang sambit naman ni Khale kay Sam.
Natawa si Sam. "Buo na agad? Hindi ba pwedeng kakabuo lang?"
"Why don't you ask Michelle?" Sabay turo ni Jho kay Michelle.
"Wala pa. Huwag kayong mag-alala dahil kung meron na ay kayo ang unang makakaalam!" Excited namang tumugon si Mitch.
"Oy, Michelle. Kumusta naman si Hephaestus sa—alam mo na. Hot ba?" tanong ni Jingky.
Napamulahan ng mukha si Michelle. "Ayokong sabihin! Mamaya niyan ay naririnig tayo ng mga iyon!"
"Tanungin natin si Sam kung ayaw sumagot ni Michelle." Bahagyang inilapit ni Anna ang mukha nito kay Sam. "Magsabi ka nga ng totoo, pangmatagalan ba?"
"Oh, my god! Is that you, Anna? Pati rin ba ikaw ay interesado sa bagay na iyon? Kailan pa?" Hindi na napigilan ni Po ang matawa sa tanong ni Anna kay Sam.
"Curious lang naman. At least, I'm ready. Malay niyo ay magka-jowa ako rito ng ibang nilalang!"
"It's a secret. You need to find it by your own." Ayaw sabihin ni Sam ang tungkol sa bagay na iyon.
"Basta ako, ayokong malaman. Mas mainam na nga iyong ako ang makakaalam," singit ni Khorie.
Hay, ano bang pinag-uusapan ng mga ito. Hindi ba sila nahihiyang mabasa ang nasa isipan nila ng mga lalaking iyon? Jusmiyo! Komento niya sa isipan habang napapailing din sa usapan ng mga kaibigan.
"Good morning, girls!"
Natigil ang kuwentuhan ng lahat nang biglang lumitaw si Miss Andromeda sa harapan nila. Seryoso itong nakatingin sa kanila isa-isa at ilang sandali pa ay nagsimula na rin itong magbigay ng aralin sa unang araw na iyon. Pakiwari ni Dhem ay bumalik sila sa pag-aaral ng kolehiyo at ramdam niyang mukhang terror ang magandang sorceress.
"Hindi na ako magpapakilala sa inyo. Didiretsuhin ko na kayo. Mahigpit ako bilang isang guro ngunit kung nais niyong matuto ay madali naman akong kausap. Itinalaga ako ng White Society na maging personal niyong guro sa pag-aaral niyo ng mahika.
"Ang salamangka o mahika ay isang uri ng sining sa aming panahon. Nagmula ito sa lumikha na may kagilas-gilas na kapangyarihan at ibinahagi niya sa kanyang mga nasasakupan kabilang na ako roon. Mga napiling nilalang lamang na may matataas na antas sa lipunan ang nakakagawa ng mga pambihirang salamangkang ito hanggang sa ito ay naisalin sa mga ninuno ng bawat henerasyon.
"May dalawang uri ng mahika. Isang White magic o puting inra at isang Dark magic o itim na inra. Ang dalawang lahing ito ay magkaanib noon ngunit naghiwalay ng landas nang dahil sa mga sakim na kapangyarihan ng itim na perlas. May mga ginagamit kaming spells o mga salitang binibigkas at potions para sa panggamot at iba pa."
Mataman silang lahat na nakikinig dito at kalahating oras pa ang lumipas ay binigyan sila ng takdang-aralin. Gagawa sila ng potion sa kabilang kwarto na karugtong lamang ng malawak na silid na kinaroroonan nila. Habang naroon sila ay pinagpares ng sorceress ang kanilang grupo. Subalit labing-isa sila kaya kailangang may tatlo sa isang grupo.
"Sabi ni Miss Andromeda ay gumawa tayo ng aromatic potion o may mabangong mahika. Tinatawag din itong aromatic scent spell na siyang ginagamit ng mga nilalang upang ma-identify nila ang kanilang mga kasama. Kahit saang sulok man ito ng mundo magtago," paliwanag ni Jingky na isa sa naging ka-grupo niya.
"Like a smell of branded perfume. Mukhang magandang lesson ito," dugtong ni Khale na isa rin sa grupo nila.
"Baka makatulong," sabay inilapag niya ang libro.
Napakunot ang noo ni Khale. "Book of spell?"
"Ibinigay ni Demeter," pilya ang pinakawalang ngiti ni Jingky sa kaniya.
"Oo. Hanapin natin sa libro ang tamang procedure. Sana nga at nandito."
"Sana nga," hindi pa rin nawala ang ngiti ni Jingky sa kaniya.
Binuklat niya ang libro at masusing tiningnan ang bawat pahina. Sakto namang nakita niya iyon. Ipinakita niya sa kaibigang si Jingky na siyang eksperto sa mga measurement ng sangkap dahil naging apprentice ito ng binatang si Hermes sa lab. Halos isang oras din ang binuno nila roon at matagumpay naman nilang nagawa ang kanilang takdang-aralin tulad din ng iba. Habang naghihintay sila sa pagbabalik ni Miss Andromeda ay naisipan ng kaibigan niyang si Jingky ang iba pang potion sa ibang pahina ng librong ibinigay ng binata.
"Hay! Wala na bang katapusan ito? Sarap sanang magliwaliw na lang sa buong Green Valley. Iyong tipong VIP ka na lang." Reklamo ni Khale. "Susulitin ko ang card na ibinigay ni Achilles."
"Hinay-hinay lang sa paggamit ng card niya, Khale." Saway ni Jingky na may hawak itong pulbura at ihahalo sana sa kumukulong pot sa harapan nila. "Mas exciting nga ito e. Pangarap ko kaya mag-magic. Hindi lang baraha ang kaya kong e-magic ngayon. I'm look like a sorceress now!" Tila tuwang-tuwa pa ito na parang bata.
"Dahan-dahan lang sa paglagay, Jinkz. Iyon ang nakasaad sa libro," paalala niya.
Subalit isinaboy na nito sa pot ang pulbura saka bigla itong sumabog! Lumabas din ang usok nito at saktong sa mukha ito ni Khale napunta nang hindi ito nakailag. Napaubo at nagpapaypay ito sa kamay nang dahil sa usok na nagmumula sa sumabog.
Naku, naman! Kakasabi ko lang dahan-dahan! Napakamot siya sa ulo
"Jingky! Anong ginawa mo? Bakit sumabog?" hiyaw ni Khale.
Gusto na niyang matawa sa hitsura ng kaibigan ngunit pinigilan lang niya.
"Sorry! Nailagay ko ang huling sangkap nang sabay. Excited kasi ako!" Natatawa na rin ito sa nakitang hitsura ng kaibigan.
"Kakasabi ko lang—" Hindi na rin niya napigilang tumawa.
"My god! Bakit kayo tumatawa? Is there something wrong?" napameywang ito.
"Mukha kang nginudngod sa uling, Khale." Doon na siya bumunghalit ng tawa.
Nagsilapitan ang iba pa nang magulat din sa kung anong sumabog sa gawi nila habang natatawa rin sa nakitang mukha ng kaibigan.
"What? Ginawa mo namang ihawan ang mukha ko!" reklamo ni Khale.
"Ako na ang bahala, Khale. Aayusin natin ang mukha mo." Presinta ni Mitch. "Klinitio!" sabay pitik nito sa kamay.
Saglit na naging maayos ang mukha ni Khale at natanggal din ang may uling na nagmumula sa usok. Namangha naman siya at ang iba pa dahil sa ginawang iyon ng kaibigan. Ayon din naman dito ay tinuturuan ito ng asawa.
"Wow! Ang galing, Mitch! Gumagaling na ang magic mo! Did Hephaestus taught you that?" amaze na sambit ni Jona.
"Oo. Nagbasa lang ako ng book of spell. May binigay kasi siya sa akin at sabi niya ay pag-aralan kong mabuti. Kaya natuto na ako ng kaunti. Hayaan niyo at tuturuan ko rin kayo."
Book of spell? Katulad ng ibinigay ni Demeter kanina? Hindi lang pala siya ang mayroon ng librong iyon kung ‘di pati na ang kaibigan.
Pasimpleng binulungan siya ni Jingky. "Tulad ng ibinigay ni pareng Dem sa'yo," sumilay na naman ang ngiti sa mga labi nito.
"Oo nga. Malaki pala talaga ang tulong ng libro na iyon."
"Pero sinadya ko ang ihalo ng diritso ang sangkap kanina."
"Ha? Anong—sabi mo? Sira ka talaga!"
"Ssshhh. Huwag ka ng maingay."
Naghagikhikan silang dalawa.
Maya-maya pa ay bumalik si Andromeda. "Ladies, are you done?"
Iniangat nila ang kanilang cylinder na may lamang aromatic potion na siyang naging scent sa loob ng kwartong iyon kanina pa.
"Very good," sumulyap din ito sa pot na nasunog.
Inunahan na ito ni Jingky. "Uhm, Miss Andromeda—kasi—nasunog ko iyong pot. I mean—sumabog! Hindi ko sinunod ang procedure. Sorry po," humingi agad ito ng paumanhin
"Ulitin mo na lang sa susunod, Jingky. I told you girls, ang paglagay ng mga sangkap sa paggawa ng potion ay may tamang procedure at timing. You need to put it gradually or else maaari itong sumabog. Lalo na kapag sabay ang sangkap na inihalo."
"Tama po kayo at kaya ito sumabog sa mukha ko," singit ni Khale.
Napabungisngis naman ang mga ito nang maalala ang mukha ng kaibigan kanina. Kahit siya ay ganoon din.
"Alright. It's time for your training with the gods. Naghihintay na sila sa training room. Sige na! Kumilos na kayo."
"Okay po, Miss Andromeda!" Koro nilang wika.
Sabay-sabay na rin silang naglakad palabas ngunit nagsalitang muli si Miss Andromeda saka napalingon silang lahat dito.
"Wait!"
"Yes po, Miss A?" tanong ni Po.
"Maaari kayong gumamit ng vanishing spell upang mabilis kayong makarating doon. Walang bawal sa lugar na ito alam niyo iyan pero dapat alam niyo ang pupuntahan niyo sa oras na gamitin niyo ito. Mas maiging mahasa kayo sa paggamit ng magic habang nandito kayo sa Root Valley. Isa pa, ayaw ng mga diyos ang nale-late."
"Saan ba banda ang training room? Sa dami ng kwarto rito sa Root Valley ay aabutin tayo ng fifty years bago natin malaman kung nasaan sila," sambit ni Lea.
"Itinuro sa akin ni Hephaestus iyon. Bandang dulo kasunod nitong room," tugon naman ni Mitch.
"Doon sa may malaking pintuan?" tanong ni Anna.
"Yes. You got it, Anna."
"So? Tara na at ng makarami," wika ni Jho.
"Iisipin namin nina Sam, Khorie at Jho ang pintuang iyon at humawak kayo sa amin. Sabay-sabay na rin tayong magbilang. Ready?" wika ni Mitch sa lahat.
"Ready!" tugon naman nila rito.
"Okay! One, two, three! Venetio!"