Chapter 3 - Training near at the Olympus Palace

2781 Words
Late afternoon, her friend Jingky took her to Demeter's house. It was a European style of houses five hundred steps away from Root Valley. Hindi na rin tumuloy sa loob ng bahay nito ang kaibigan dahil may gagawin pa ito. She sat on the soft and modern wide couch while Demeter is on the opposite side. Hindi niya maiwasang titigan ang lalaki lalo na at pakiwari niya ay may kung anong charm ang mga mata nitong doon lang dapat siya tumingin. As she glanced at him, she notices something. He's fresh good looking with damp hair, simple white shirts, and jogger pants. He's steel-grey eyes with a massive look, with long and thick eyelashes, his perfect pointed nose, and kissable lips. Idagdag pa ang katawan nitong nasa tama lang. Noon lang din niya ito malayang napasadahan ng tingin. Every woman's dream of. A precise man with indulgent lifestyles and a great deity as she remembered him saving her life from nuisance. "Enjoying the view?" "Ho?" Bahagya siyang nataranta sa sinabi nito. Mabilis siyang nagbawi ng tingin mula rito. Muntik na niyang makalimutan na  may kakaibang kakayahan ang kaharap. Hindi rin niya alam kung ilang minuto siyang napatitig dito. "Nevermind. I called you here to give these things to you." Noon lang niya napansin ang isang short brown envelop sa center table. Nawala sa isip niya dahil sa pagmamasid niya rito. Binuksan ito ng binata saka isa-isa nitong inilapag ang mga cards, bank book, at ilang mga papel. Hindi man niya alam kung para saan ang mga iyon kaya hinayaan niya itong magpaliwanag muna. "These are the things you'll use while staying here. Our extraordinary society has this kind of white card. You can go shopping, dine-in, and enjoy the leisure life inside here. Nagpagawa rin ako ng bank book at atm card para sa pamilya mo. And the scholarship program for your siblings. Hercules gave that to me.  Kung may ibang kailangan ka pa ay sabihin mo lang," seryoso nitong wika. House and lot. Hindi niya alam kung bakit iyon ang naisipan niyang sambitin sa isipan. Mabilis itong tumugon sa kanya, "Sure! Why not!" "Huh? I mean----nagbibiro lang ako. H-hindi kasi ako makapaniwala na  halos lahat ng financial needs ko ay sasagutin mo, Sir Kent." "Demeter. Just call me that name, and you're not my employee anymore. Sanayin mo na rin ang sarili mong lagi na tayong magkasama simula sa susunod na mga araw. I want you to be at ease like your friends. Hindi na kayo iba sa amin," pormal pa rin nitong sabi. "Okay, Sir Kent. I mean---Demeter." Lihim siyang napakagat-labi sa pangalawang pagkakamali niyang iyon. "Good. At least nagkakaintindihan tayo.  Bukas na bukas din ay pwede na tayong mag-umpisa sa training natin. Don't be late. Mahigpit ako sa oras." Tumango lang siya bilang pagtugon. Muling ibinalik ng binata sa envelop ang mga nasa center table saka iniabot sa kanya. Iyon lang naman ang naging usapan nila at inihatid na siya nito sa labas ng gate. "Thanks," aniya. "You're welcome," tumitig ito sa kanya. Hayun na naman ang pakiramdam niya sa tuwing ginagawa iyon ng dating boss at ngayon ay pag-aalayan niya ng kanyang tsuka. Mabilis niyang ipinanharang ang bitbit niyang brown envelop samukha. Pakiwari niya ay may kung ano sa mga titig nito. Kung charm man iyon ay dapat hindi siya maaaring magpadala ngunit sa isang bahagi ng isipan niya ay may nag-uutos na muli itong sulyapan. Marahan din niyang ibinaba ang envelope sa huli at hindi man lang inaalis nito ang tingin sa kanya. "Hindi makakatulong ang pagtatago mo sa envelope na iyan." "Ah, kasi---" Hindi siya makahanap ng lusot. Alam niyang hindi lang nasa isipan ang kayang basahin nito pati na rin ang damdamin niya. "I know you're distracted. I have the same feeling too. Sige na at bumalik ka na sa Root Valley." Tumalikod na ito at bumalik na sa loob ng bahay. Hindi na rin siya nito sinulyapan. Siya naman ay kumilos na rin upang lisanin ang bahay ng binata. Ayaw man niyang bigyan ng ibig sabihin ang huling sinabi nito ngunit palaisipan iyon sa kanya. Habang naglalakad siya pabalik ng Root Valley ay noon lang siya malayang kinausap ang sarili. Distracted din siya sa akin? Paano? Ako nga itong halos mangatog na ang tuhod sa mga titig niyang iyon! Hay, tama nga sila. Paano ko ngayon maiiwasan iyon kung may chance na magkakasama kami sa bawat oras? Kung iyon ang ipapakita niya sa training namin ay wala na akong matutunan. Pambihirang buhay ito! Muli siyang napasulyap sa envelope na dala. Feeling ko ay nagkaroon ako ng instant husband dahil sa mga binigay niya sa akin. Pero alam ko namang parte lang ito ng pagtulong niya. Dapat hindi ko binibigyan ng kahulugan iyon. Hindi na niya namalayang naroon na siya sa Root Valley. Pumasok na rin siya  at itinuon na lang ang sarili sa susunod niyang gagawin. After all, it's her reward for being the carrier of the flaming blade.  MALALIM na ang gabi ngunit hindi pa rin siya makatulog lalo na at sanay siya sa buhay bilang isang call center. Tulog na ang mga kasama niya at siya na lang ang nanatiling gising. Nakahiga siya sa kanyang kama at nakatitig lang sa kisame. Ayaw niyang tingnan ang cell phone niya sa mga social media accounts niya dahil gusto rin niya ng kapayapaan sa isipan. Just wake up at 6 am. We will start our training. Huh?! Sumagi sa isipan niya ang boses ng binata. Napapikit siya. May halong pagkamangha rin siyang naramdaman dahil kahit sa isipan ng iba ay nagagawa nitong makipag-communicate. Kanina lang ay magkausap tayo tapos ngayon hindi mo na ako natatandaan. I'm talking to you in your mind. Don't be afraid. Sinasanay lang kita sa ganitong sitwasyon. H-hindi naman sa ganoon. Nakakagulat ka naman kasi. Hindi ka man lang nagpasabi na kakausapin mo ako sa isipan ng ganito. Paano kong napasigaw ako? Natutulog na ang mga kasama ko. Are you sure they are totally asleep?  Oo at tulog na sila. Pwera na lang kung kinakausap sila ng mga kauri mo. I think so. I see. Ganoon din pala ang ginagawa nila. Wala na pa lang magiging silbi ang smart phones. Do you want me to call you? No. I mean---sinasabi ko lang. Okay. Take a rest. Mahalaga sa akin ang oras, and don't be late. It's a reminder again. See you at the balcony there. Yes, Sir. Demeter. Yes, Sir. Demeter! Mariin ang huli nitong pagkakasabi.  Okay, Demeter. Ilang sandali pa ay natahimik na ang kanyang isipan. Nakahinga na rin siya ng maluwag. Kahit sa isipan lang niya ito nakakausap ay kabado pa rin siya at naiisip na naman niya ang nakaka-distract na mga mata ng binata kahit hindi niya ito nakikita. Nagtalukbong na lamang siya ng kumot upang hindi na ito maalala at makatulog na rin siya.  MAAGA siyang nagising at wala pa sa oras na pinag-usapan nila ng binata ay naroon na siya sa balcony. Naka-leggings siya na kulay itim, naka-jacket rin na kulay puti na may hood at naka-rubber shoes. Gusto niyang maging komportable ang susuotin kung sila ay mag-eensayo. Nanunuot sa katawan niya ang lamig ng hangin sa paligid. Hindi pa niya masyadong mababanaag ang ganda ng kapaligiran dahil madilim pa at tanging siya lang ang naroroon. "Wala namang tao rito. Akala ko ba ay kailangang gumising ng maaga," reklamo niya. Lumingon siya sa likuran niya nang biglang may taong nakatayo na pala roon, "Ay, kamote!" "You're late," anito. Noon niya napagtantong si Demeter ito, "Huh?" Nakatingin siya sa wristwatch niya. Alas singko y medya pa lang naman. "Mag-adjust ka ng isang oras sa itinakdang napag-usapan natin. Iyan ang batas ng oras ng mga Diyos na tulad ko. At dahil nasa training tayo, isa dapat iyan sa mga tandaan mo." "H-hindi mo nabanggit. Kung alam ko lang ay sana mas maaga pa ako rito ng ilang oras," humugot pa siya ng maraming pasensiya. "It's okay. This is your first training so far. Come here," utos nito sa kanya. Sumunod naman agad siya sa sinabi nito. Dahan-dahan pa siyang humakbang papalapit at pinagmamasdan ang imahe nitong seryoso na naman. Pakiwari na naman niya ay nahihipnotismo na siya sa bawat mga titig nito. And it happens again. Huminto siya sa paglapit. Isang dipa ang pagitan niya sa binata.  "Closer." Humakbang pa siya ng isang beses. "I said closer." "Huh? Eh ang lapit na nito. Isang hakbang na lang mapapayakap na----" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang may biglang may kung anong puwersang humatak sa kanya papalapit sa binata na hindi naman ginagamit ang kamay nito. Parang isang hangin na puwersa kaya siya napasubsob dito at walang naging pagitan. Iyon ang isang bagay na sigurado siya. Umangat ang tingin niya sa binata. Kailangan niyang gawin iyon dahil mas matangkad ito kumpara sa height niyang 5'7 ngunit nanliit pa rin siya sa sarili. Magkadikit ang mga katawan nila habang hindi nila inaalis sa ang tingin sa isa't isa. The strange feeling on her begins to be in trouble. His masculine scent permeated on her nose the same as the scent she was sniffed when they were in the elevator.  Ang mabango nitong hininga, ang mga malalagkit nitong tingin sa kanya at ang mga labi nitong nais magpaanyaya. Gusto niyang kumawala at itulak ito ngunit hindi niya maigalaw ang kanyang katawan at tila nakapako na siya roon sa piling ng binatang imortal. And she has no guts to do that. Nagsalubong ang kilay nito, "I said, come closer. Hindi ka ba nakakaintindi?" Mababakas din sa boses ng binata ang bahagyang pagsusungit nito. Natigilan ang pag-iimagine niya nang dahil sa pagsusuplado nito. Hindi niya nagustuhan ang tono ng pananalita nito ngunit nagpipigil lang siya. Kahit papaano ay nais niyang igalang ito hanggang kaya pa niyang magpasensiya. Ang kaninang mala-fairytale niyang iniisip ay nauwi sa pagkadismaya rito. "Malay ko bang gusto mo ng ganito kalapit? Sana sinabi mong yakapin kita," pinipigilan niya ang sariling mainis. "Kumapit ka kung ayaw mong mahulog." "Anong kakapit? Huh!" Mabilis siyang napayakap nang biglang umangat sila ng mabilis paitaas. "Oh my God! A-anong ginagawa mo? S-saan tayo pupunta? Ibaba mo ako---- ay!" Humiyaw siya sa pagkakataong iyon. "Will you shut up? Kung hindi ka titigil bibitawan na kita!" Impit na napayakap na lang siya sa binata habang hinawakan ng mahigpit nito ang bewang niya. Hindi naman niya lubos akalaing pupunta sila sa itaas na bahagi. Though, she's afraid of heights. Ang mga tuhod niya ay nangangatog na subalit pinili na lamang niyang pumikit upang hindi makita ang nakakalulang kapaligiran. Hindi siya bibitaw sa pagkakayakap sa binata at baka nga totohanin nitong ihulog siya. Maya-maya pa ay kagyat na bumagal ang kanilang pag-angat na tila ba parang nakalutang na lang sila sa ere. Pinakiramdaman muna niya ang paligid at ang kilos ng binata upang makasiguro. "We are here." Mahinang sambit ng binata sa kanya. "Open your eyes." Marahan naman niyang iminulat ang kanyang mga mata. Namangha siya sa bumungad sa kanyang paningin at nasilayan ang napakagandang tanawin. Ang mga puting ulap sa paligid, ang kulay bughaw na kalangitan at ang isang malaking tila kastilyo sa gitna ng himpapawid na nakalutang na siyang naging sentro ng kanyang mga mata. Lalo na naman siyang humanga sa mahika ng mundong kinabibilangan ng binata. "That was the Olympus Palace." "Ha? Olympus? Mt. Olympus?" "Olympus Palace. Magkaiba ito sa Mt. Olympus ng Greece. Itinayo ng mga angkan namin ilang henerasyon na rin ang nakalilipas upang ang ibang mga imortal na ayaw makihalubilo sa mga tao ay dito naninirahan." "Seryoso?" "I'm damn serious! Pwede ka na rin humiwalay sa akin." Noon lang niya napagtantong napayakap pa rin siya rito, "Ayoko nga! Baka mahulog ako kapag umapak ako sa ulap. At gusto mo na ba akong mamatay?" "That's not an ordinary cloud. I will not let you die from falling out of my sight. Kung gusto kong gawin iyon ay sana kanina pa," sarkastiko nitong sabi. "Kapag ako nahulog sinasabi ko talaga sa'yo," banta niya. Marahan siyang kumawala at umapak sa sinasabi nitong ulap. Tama nga ito. Hindi nga siya lumusot at matigas ang inaapakan niya. "See?" Napaismid siya, "Oo na. Oh, ano naman ang gagawin natin dito? Don't tell me dito natin gagawin ang training?" "Yeah. This is the training ground of Olympus Palace. Ang mga kaibigan mo ay natuto na rin gamitin ang mga basic inner strenght nila at marami na rin natutunan sa self-defense. That's why I need to train you one on one." "Wala akong alam sa self-defense. Naglakas loob lang akong kalabitin ang gatilyo ng baril noong nasa city tayo. Ang alam ko lang ay magtrabaho sa kompanya niyo." "I know. Pero hindi iyon hadlang para hindi ka matuto. Did you bring your tsuka?" "Tsuka? Ah, oo." Kinuha niya itong nakaipit sa jogging pants sa likuran niya. "You know how to used that?" Napailing siya, "Hindi." "As I expected." Expected mo na pala. Ba't mo pa naitanong? Napatitig na naman ito sa kanya ng malalim sabay napakunot-noo. Iyon ang bagay na pinakaayaw niya rito. She's distracted and feels uncomfortable.  "Just keep it." Huh? Kakakuha ko lang ipapatago mo na agad. "Hindi ko sinabing kunin mo iyan sa kung saan mo ito itinago. I'm just asking." Sabi ko nga. "Now, pick up the sword right behind you." "Paano kung---ayoko?" Sabay napasulyap siya sa nasambit nito at kitang-kita niya ang isang katanang nakatusok sa ulap. Magic na naman! Napalunok siya. Natatakot pa naman siya sa matatalas na bagay. "How will you defend yourself if you're faint-hearted? Hindi mo maipagtanggol ang sarili mo kung ganyan ka. Matuto ka na ngayong maging matapang. Kunin mo na at umatras ka ng ilang hakbang mula sa akin," utos nito. Labag man sa kalooban niya ay sinunod pa rin niya ito. Kinuha niya ang nakatusok na katana at humakbang ng ilang dipa mula sa binata. Napahigpit din ang hawak niya sa handle ng katana nang dahil sa inis niya rito. "Then, fight with me!" Napakunot-noo siya, "Ano?! Papaano kita lalabanan kung---" Mabilis ang kilos nitong umatake sa kanya at naalarma siya. Mabuti na lang at mabilis niyang sinangga ang matalim na katanang hawak ng binata. Hindi niya namalayan kanina na may katana na rin pala ito. Nataranta na rin siya dahil hindi niya alam kung paano ito labanan gayong hindi naman sila magkapantay ng lakas.   "Are you crazy?" Singhal niya rito dahil sa ginawa nitong pag-atake. "Kung ganitong biglaang training ang gusto mong mangyari ay mapapatay mo ako!" "Sanggain mo lang kung saan tatama ang talim ng katana! I want you learn how to be brave and alert! Kung magpapakita ka ng kahinaan sa kalaban mo ay talagang mapapatay ka!" Desidido itong turuan siyang maging matapang at tanggalin ang dinadagang puso niya. Ibinuhos niya ang buong lakas niya sa pakikipagtunggali sa binata. Napapaatras din siya dahil masyado itong malakas. Kahit anong istilo na lang ng paghawak ng katana at pagsiwas ang ginawa niya hanggang sa nawalan siya ng balanse at nadulas. Napasalampak siya ngayon sa ulap. No! Nabitiwan din niya ang hawak na katana saka naramdaman niya ang mahapding sugat sa kanang braso. Napasulyap siya sa jacket niyang suot na may hiwa na ng talim at bumakat na roon ang pulang likido. She's wounded. "Aaggh!" Impit niyang daing nang makita niya ang pagbuka ng kanyang sugat. Hinawakan niya ito upang pigilan ang pagdurugo. Marahan naman siyang nilapitan ng binata. Itinusok muna nito sa ulap ang hawak na katana saka ito umupo kaharap niya. Marahan din nitong tinanggal ang kamay niya sa braso at ito naman ang humawak. "Leave it to me," mababa na ang tono ng boses nito. "You really want to kill me!" Napasinghap siya at sa pagkakataong iyon ay napaiyak na siya sa sobrang pag-aalala sa sarili at sa madugong training nila. "Look at me," he uttered. He slowly wipes away her tears. Sa paglapat ng palad nito sa pisngi niya ay tila may kung anong mahikang dulot iyon na siyang naging daan upang maging magaan ang kanyang pakiramdam. Nawala ang hapdi sa braso niya. Nawala rin ang mga luha niya sa mga mata at ang kaninang nagpupuyos niyang damdamin para rito. "Mag-iiba na tayo ng training bukas. We will start from the basic training," tinanggal na nito ang kamay sa braso niya. "Iyon naman talaga ang nararapat. B-bakit kasi gusto mong lumaban agad na wala man lang ako kaalam-alam? It's unfair." "I have my own reason." "Reason?" "Yeah. I'll keep that reason until the right time comes." Hindi na siya nag-usisa. Sabay pa silang napasulyap sa pagsilip ng haring araw nang umagang iyon habang nanatili ang posisyon nilang dalawa. Isang napakagandang tanawin na halos ayaw na niyang ihiwalay ang paningin dito hanggang sa niyaya na siya ng binatang kailangan na nilang bumaba sa lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD