Kinausap niyang muli si Eloisa sa isang private room na tanging silang dalawa lamang ang naroon. Nais niyang ipaalam dito na hindi na siya mananatili sa kanilang apartment. Hindi niya sinabi rito ang totoo bagkus ay nagdahilan na lamang siya. Iyon din ang nais ng boss nila na ipaalam lang dito na magiging empleyado na siya ng Green Valley. Ang pamusong lugar na sikat sa buong mundo dahil sa natural resources at ibang amenities.
Matapos naman niya itong kausapin ay muli silang bumalik sa opisina nila at nagligpit ng mga iilang gamit niya. Nalungkot man ang kaibigan ngunit alam naman nitong isa iyong magandang oportunidad. Hindi na rin siya gaanong nagpaalam sa iba at naghihintay na ang mga kaibigan niya sa basement parking upang tulungan siyang kunin naman ang iba pa niyang mga gamit sa apartment.
"Wala ka ng nakalimutan?" anang kaibigan niyang si Jho.
"Wala na," tugon niya. Bitbit niya ang isang kahon na naglalaman ng mga gamit niya sa opisina. Pinasadahan din niya ng tingin ang kotseng mukhang mamahalin.
"Let's go inside. Mahigpit pa naman si Zeus sa oras. High blood pa naman lagi ang isang iyon."
"Sige," umikot siya sa kabilang pintuan ng kotse.
Nasa loob na ng kotse si Khorie na siyang magmamaneho habang sa harapan naman si Jho uupo. Sa hulihan na siya pumuwesto dahil may mga gamit din siya ngunit isang kahon lang naman. Pinaandar na rin nito ang sasakyan at nilisan na nila ang basement. Habang nasa sasakyan siya ay hindi niya maiwasang itanong sa mga ito ang closeness na nagaganap kanina. Lalo na ang closeness ng founder ng G&A foundation at sa kaibigang si Khorie.
"Close niyo na pala ang mga may-ari ng G&A," pasimpeng tanong niya.
"Oo. At mas magugulat ka pa sa malalaman mo," tugon sa kanya ni Jho sa unahan.
"Na ano?"
"Michelle was married to Maverick Hephaestus Murchadh. Hawak nito ang Food Industries ng kompanya. Si Sam naman ay kasal na rin kay Kester Apollo Gates kamakailan lang. He's the director of G&A Music Industries."
"What?" hindi siya makapaniwala. Pakiwari niya ay nababasa nito ang nais niyang malaman. "Totoo? Ang receiver ng mga mahihiwagang bagay ay nagmahal ng mga mortal na carrier tulad natin?"
"Yup. Hindi talaga natin masasabi ang tadhana. One of these days, you'll be the next bride. Who knows? Kaya hindi na nakakapagtaka ang closeness ng bawat isa since sa tingin namin ay isa sa sangkap na makakapagpaliyab ng iyong tsuka ay ang pagmamahalan sa pagitan ng imortal at mortal. And I'm referring it to us."
"Iisipin ko pa ba ang magmahal ng hindi ko kauri gayong hindi ko na nga lubos maisip kung paano ko tatanggapin ang lahat ng ito. Sasabog na rin ang utak ko," napapailing siya.
"At sasabog ang utak mo kapag nalaman mo itong driver natin na ikinasal na rin."
"Don't tell me, isa na naman sa mga werdong iyon ang asawa mo?" noon lang siya napasulyap kay Khorie sa driver's seat.
Hindi ito lumingon sa kanya. "Natumbok mo rin."
"At sino na naman sa kanila? Iyong boss ng foundation?" tanong niya.
"Natumbok mo ulit," tugon nito. "I married him two years ago. Still remember, kaya binigyan kita ng application form noong nasa Pilipinas pa tayo na magtrabaho ka rito at mabigyan ng magandang opportunity. My husband Hercules helped you with your application. Sinabihan ko kasi siyang mabait ka kaya wala pang dalawang buwan ay nakaalis ka na agad. Sa totoo lang, malaki ang koneksiyon namin sa loob dahil dati kaming undercover. We are under Dione Aphrodite's regime. But, Jho and I are decided to resigned two years ago. Hindi lang kami ang undercover sa grupo pati na rin ang mga kaibigan natin na nasa Green Valley. Natigil lang dahil sa kinakaharap natin ngayon."
Napasuklay siya sa sarili. "God! Small world. Akala ko ay tahimik ang mundo ko. Hindi ako makapaniwalang ang mga tulad nila ay nag-exist sa mundong ito. Sinong mag-aakalang may mga ganoong klaseng nilalang? At nagkrus pa ang mga landas natin." Napasulyap siya sa labas na nadadaan ng sinasakyan nila.
"Even me, I couldn't believe it at first. Habang tumatagal ay unti-unti ko na rin natanggap. I always thought it was written in my palm's fortune after all. I don't have a choice but to face it with courage. Isa pa, hindi naman nila kami pinapabayaan. Tulad ng sinabi ko kanina sa'yo sa itaas ay maraming pagkain doon. Magsasawa ka na lang. Demeter will provide your needs."
"Demeter?" napasulyap siya kay Jho.
"Oo. Si Kent Demeter. Mas gusto nilang tinatawag sila sa mga kakaiba nilang pangalan. Minsan ay nagagalit sila kapag hindi. I mean, hindi naman sobrang galit. Heads up lang kita. At kapag tinawag mo na sila sa pangalan nila ay espesyal na ang turing sa'yo ng mga naroroon," muling paliwanag ni Jho sa kanya.
"I see. Kabisado niyo na ang ugali nila at mukhang kailangan ko silang paghandaan." Napuna niyang hindi na ito ang daan patungong apartment na tinutuluyan niya. "Sandali---ibang daan na ito!"
"Mag-seat belt ka." Kalmadong wika lang ng kaibigang nagmamaneho ng kotse.
Nagtaka siya. "B-bakit?" hindi na niya hinintay ang sagot nito saka hinila ang seat belt.
"Kumapit ka na rin," seryosong wika na rin ni Jho.
"A-anong nangyayari?" kinakabahan na rin siya sa mga ikinikilos ng mga kaibigan.
Mula sa smooth drive ng kaibigan ay bigla nitong binilisan ang takbo sa kahabaan ng Oxford street. Isang main road sa London city. Mabuti na lang at hindi ma-traffic kaya diri-diritso ang takbo ng sasakyan. She doesn't have an idea what's going on. Her friends in front are quite serious while she slightly peeks to her friend Jho. She's preparing a forty-five caliber handgun.
Napatingin siya sa likuran. "Huh!" sabay nanlaki ang mga mata niya. May sumusunod sa kanila na isang itim na kotse. Bumaling siyang muli sa mga kaibigan nang sabihin niyang, "M-may sumusunod sa atin!"
"Oo. Easy ka lang. Here," sabay inihagis ni Jho ang baril sa kanya.
Nasalo niya ito. "B-baril? H-hindi ako marunong gumamit nito!" nanginginig ang isang kamay niya nang makita ang baril.
Maya-maya pa ay pinaulanan na sila ng mga bala na saka mabilis siyang napayuko. Napahiyaw siya sa takot. She cover up herself. Nahihilo rin siya sa takbo ng sasakyan na ngayon ay pinaharurot ng kaibigan. Naririnig na lang niyang nagpaputok din ang kaibigan niya bilang ganti sa kalaban. Lalo siyang nabibingi sa bawat putok ng baril dahil hindi siya sanay. Never pa siyang dumaan sa isang military training or humawak man lang ng mga deadly weapons tulad ng mga ito. Isa siyang simpleng babaeng may goal para sa pamilya at isang dakilang mamamayan ng Pilipinas.
Sumigaw si Jho. "Dhem! Magpalit tayo ng pwesto! Ayaw tayong tantanan ng mga halimaw na iyan!"
"Ano?! H-halimaw?!"
Dali-dali namang nagpalit sila ng posisyon. Mabilis ang mga kilos nila habang hindi pa rin sila tinatantanan sa pamamaril ng kotse sa likuran. Hindi rin niya maintindihan ang nasambit ni Jho na mga halimaw. Lumulusot din sa kung saang street ang kotseng minamaneho ng kaibigan. She's like in a tremendous action film fast and furious movie. But, it was happening right now. She bit her lower lips while still in frightening emotion.
"They are using inra!" patuloy pa rin sa pagbaril sa likuran habang bukas ang isang bintana.
"We need to call them!" suhestiyon naman ng kaibigan niyang si Khorie. Ang tinutukoy din nito ay ang asawa at iba pang makakatulong sa kanila.
Muli siyang nagtanong. "S-sino ba ang mga halimaw na iyan?"
"Mga Dark casters! Mga nilalang ng taga-Dark World. Hindi namin alam kung bakit tayo sinusundan. Isa lang naisip ko. Ang nilalang na si Vrixen!"
"S-sinong Vrixen?"
"Mamaya ko na ipaliwanag! Kumapit ka!" ikinabig nito ang manibela pakaliwa.
Muli siyang napakapit at hindi na namalayan na naangat niya ang lock ng pinto. It's a slow-motion when the car door opened wide while turning left. Unti-unti rin siyang nakalabas kasabay ng pagbukas ng pinto at napabitaw sa hawakan sa lakas ng kabig ng sasakyan.
"Dhem!" napasigaw ang kaibigan niya.
Tumilapon siya at nagpagulong-gulong sa kalsada. Dama niya ang bawat sakit ng katawan sa pagtama nito sa sementadong daan. Humantong siya sa isang sasakyang napahinto at kamuntikan na siyang masagasaan.
Impit siyang sumigaw. "Aaahh!" naramdaman niya ang mga mahahapding sugat sa katawan na natamo niya sa pangyayaring iyon.
Bumaba naman sa sasakyan ang dalawang lalaking briton at dinaluhan siya ngunit natigil din ang mga ito nang makita ang dalawang lalaki may hawak na baril. Itim ang mga kasuotan nito na may itim na mask sa bibig. Ang dalawang lalaking briton naman ay kumaripas ng takbo at iniwan ang sasakyan nila.
Marahan siyang kumilos upang makaupo. Saktong hawak pa niya ang baril na inabot ng kaibigan niya. Nakita rin niya ang pulang likidong dumadaloy sa mga kamay niya. Halos nandidilim na rin ang paningin niya at may panginginig. Marahan niyang itinaas ang kamay na may hawak na baril at itinutok sa dalawang lalaki. Naghahalong emosyon ang naramdaman niya nang mga sandaling nasa bingit na ng kamatayan ang buhay niya. She needs to be brave until the last drop of her blood. Iyon na lamang ang maaaring ipagmalaki niya sa kasaysayan ng buhay niya bilang isang mortal. To fight even without the chance to escape.
"Aaaaaaahhh!" muli niyang sigaw. Kasabay niyon ay ang pagkalabit niya ng gatilyo ng baril hanggang sa maubos ang bala nito.
Umalingawngaw sa buong kapaligiran ang putok ng baril ngunit hindi man lang niya napatumba ang mga ito. Gulat siyang napatitig sa mga ito na hindi man lang tumagos ang mga bala sa katawan ng sinasabing mga halimaw. Nasa anyong mga tao ito ngunit may mga mapupulang mata. Marahan iniangat ng mga kalaban niya ang mga kamay nitong may hawak na baril at itinutok sa kanya. Naalarma siya.
Diyos ko! Is this the end of my life? Paano na ang pamilya ko? Ang mga kapatid ko? P-paano na ako?
Pumikit siya. Wala na siyang naaaninag na pag-asa kaya maghihintay na lamang siyang tamaan ng mga bala at humandasay. Hindi na rin naman siya makakilos dahil pakiwari niya ay nabalian na siya ng mga buto sa paa. Narinig niya ang mga putok ng baril at ang mga basyong nalaglag sa semento ngunit wala siyang naramdamang sakit o tama man lang. Out of curiosity, she slowly opens her eyes. She saw a man standing in front of him with a white and gold suit, a white light source wrapped on him, and a kind of inra. The energy strength that immortal has. Suddenly, the man turned to her and meet his gaze. Kahit kakaiba ang kasuotan nito ay kilala niya ang lalaki. Marahan itong yumukod saka siya kinarga.
Demeter! Iyon na lamang ang tanging sambit niya bago pa siya tuluyang mawalan ng ulirat.
Ang sumunod na pangyayari ay tanging ito na lamang ang nakakaalam.
NAGISING siya sa mabangong amoy ng paligid. Marahan niyang sinipat ang bawat sulok ng kwartong hindi pamilyar sa kanya. Maraming mga kama ang naroroon at isang pamilyar na mukha ang kanyang nasilayan. Nakangiti ito sa kanya habang ito ay papalapit habang may dalang isang basong tubig at inilagay sa side table.
"Jingky---"
"Kumusta na ang pakiramdam mo? Are you feeling better?"
Tumango siya.
"Gusto mong sumandal? I'll help you," anito.
"Thanks."
Kumilos ito upang tulungan siyang makasandal sa headboard ng kama saka inayos din nito ang unan sa likuran niya. Pinakiramdaman din niya ang sarili. Sinipat din niya ang katawan ngunit wala na siyang mga sugat at galos. Akala niya ay iyon na ang huling pagkakataong masisilayan ang mundo nang sumagi sa isipan niya ang nangyari sa kanya sa London city at ang pagkakaligtas sa kanya ni Demeter.
"Just tell me if you need anything. Or kahit sino sa amin. Welcome to Green Valley," umupo ito sa gilid ng kama niya.
"They told me everything. At muntik na akong malagutan ng hininga dahil sa pinagdaanan namin. Ganito pala ang pakiramdam na lagi kang sinusundan ng kamalasan. Kung hindi bangungot ay totoong pangyayari sa kasalukuyan," malungkot niyang sabi.
"Cheer up! Ganyan din kami noong unang nalaman namin ang kwento sa kabila ng napakagandang lugar na ito. Ang Green Valley ay ang kanlungan ng mga kakaibang nilalang na naririto sa mundo at may tadhanang kinakaharap. At ang tadhanang iyon ay kabilang tayo."
"Alam ko. And I'm trying to understand. By the way, is this the place called Root Valley?"
"Yes," her friend answered. "This place is full of magical doors and spells. May mga dimension sa mga bawat kwarto na pwedeng maging entrance sa Dark World, White Society at other training grounds. Maiintindihan mo rin ako pagdating ng araw at baka mabaliw ka."
"Seryoso ka ata ngayon? Nasaan sila?" hinahanap niya ang ibang mga kaibigan na nais din niyang makita.
"Kailangan kong magseryoso paminsan-minsan. Kung magbibiro ako ay baka maihi ka sa kama," sabay ngiti nito.
"Sira," ngumiti din siya. Alam niya ang ugali ng kaibigan na palabiro ito.
"Nasa kusina ang iba. Ang iba naman ay kasama ang mga binata. Alam mo na. Mga may kakayahang mga nilalang. Si Jho ay nakatira na sa bahay ni Zeus. Alam mo na sigurong nag-asawa na sina Mitch, Sam at Khorie kaya nakatira na sila sa mga bahay ng mga asawa nito. Sam isn't here. Nasa honeymoon kasama si Apollo."
"Bakit nakatira na si Jho sa bahay ni Zeus? Sorry, hindi niya nabanggit."
"Ah, iyon ba. Malalim ang dahilan, Dhem. Zeus was her ex-boyfriend. Kailangan nila ng mahabang oras upang muling maramdaman ang kanilang pagmamahalan. Sad to say, aso't pusa ang dalawang iyon kaya hindi namin alam kung may pag-asa pa silang magkabalikan."
"I see. Ngayon alam ko na kung bakit malalim ang koneksiyon nila sa isa' isa. I noticed that when we are in the city." Napagdugtong-dugtong na niya ang ilang mahahalagang bagay tungkol sa mga ito.
Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa ang mga kaibigang matagal na rin niyang hindi nakikita. Bakas sa mga mukha nito ang kasiyahan nang makita siya at agad na lumapit ito sa gawi nila ni Jingky. Tulad ng dati ay napakagulo pa rin ng mga ito at hindi magkamayaw sa isa't isa.
"Dhem!" sabay-sabay ang mga itong kinamusta siya at niyakap.
"Kumusta? Okay ka na?" masayang tanong sa kanya ni Po matapos ang kaguluhan nila.
"O-okay na ako. Salamat sa mga---magic o kung anong tawag doon," aniya.
"Welcome to the home of peculiars!" napakapameywang pa si Khale. Kasabay nitong itinaas ang kanang kamay na tila Miss Universe habang sinasabi iyon.
Natawa silang lahat. Isa-isa rin niyang pinagmamasdan ang mga ito hanggang sa nabaling ang tingin niya kay Khale na alam niyang umaangat na ito sa career bilang international model. Ang iba naman ay alam niyang umaangat sa buhay dahil may mga maliit na negosyo sa Maynila.
"Don't worry, Dhem. Normal kami," tila napuna nito ang pagmamasid niya. Ngumiti rin ito sa kanya.
Nag-usisa na siya. "Hindi lang ako makapaniwalang undercover agent kayo ng kompanya. Ibig sabihin niyan ay frontline job niyo lang ang mga trabaho niyo sa Pilipinas?"
"Wala sa hitsura namin pero oo. Noong nakilala mo na kami ay isa na kaming undercover. Hindi namin pwedeng ilahad ang kalakaran ng organisasyon dahil mahigpit ang mga rules na sinusunod namin. We need to follow those chains of commands unless we are not able to fulfill our missions," tugon naman ni Anna.
"Idagdag na ang mga benefits na makukuha sa pagiging undercover. Kaya lang ay risky ang daang tinahak namin. Dumaan kami sa matinding training at hanggang napadpad kami rito. Gustuhin man namin umuwi pero nakasalalay sa ating mga kamay ang kinakabukasan ng dalawang lahi pati na rin ang mga normal na tao. Hindi lang tayo ang maglalaho, Dhem. Oras na tumanggi tayo ay katapusan na ng lahi ng mga nilalang sa mundong ito. It really hurts to know the truth," dugtong ni Jona.
"Don't worry, Dhem. We are here to help you. Dadaan ka sa training under kay Demeter. May mga training din kung paano mo malalaman ang tungkol sa inra or inner strenght. Same with energy or chakra. May naiwan din akong mga kapatid sa Pilipinas at mabuti na lang ay hindi naman nila ito pinapabayaan. Tinutulungan kami ng mga naririto," sambit din ni Lea.
Bahagya siyang bumuntong-hininga. "I know. Alam kong hindi sila pabaya at nasambit din nila sa akin."
"Oo nga pala. I almost forgot. Pinapapunta ka pala ni Demeter sa bahay niya. Hindi naman iyon kalayuan dito. Sasamahan ka na lang ni Jingky dahil may mga one on one training kami sa mga poging Diyos! Hinay-hinay lang sa pag-iisip ng kung ano-ano. They can read what's in your mind. Kaya kung haharap ka sa mga ito ay ngumiti ka lang at matatalas din ang mga pandinig nila. Be carefull on that," paalala ni Po sa kanya.
"Ganoon ba? Paano kaya iyon? Ang utak ang siyang sentro ng command system ng katawan ng isang tao. Bahala na," hindi na lang siya mag-iisip.
"Huwag ka na lang mag-iisip ng mga bagay-bagay tungkol sa kanila. That's the best way to do. Pag-aralan mo na iyan mula ngayon," singit ni Jingky.
"Sige. Tatandaan ko ang lahat ng mga sinabi niyo. Thank you."
"At—huwag kang tumingin sa mga mata nila. Nakaka-distract," hirit pa ni Jona.
"So, you're distracted with Anchises?Aminin!" tukso ng kaibigan niyang si Jingky.
"Medyo. Kaya lang ay hindi rin naman maiwasang hindi tumingin sa mga kulay abo nilang mga mata. Kaya ikaw, Dhem. Baka malaman na lang namin na ikaw na ang susunod na ikakasal!"
"Oy!" nagtutuksuhan ang mga kaibigan niya.
Napailing siya. "Mga sira kayo!"
Nagtawanan na lang silang lahat. Marami pa siyang hindi alam sa lugar at sa mga naroroon kaya kailangan niyang maging alerto sa bawat kilos niya. She was also happy to see her friends and they are willing to help her as she proceeded to her real journey in life. She knew that it would not be easy to accept everything but she had to face another challenge of life together with those who have extraordinary abilities.