"Dhem! Dhem! Wake up!"
"Huh!"
Nagising siya sa malakas na pagkakayugyog ng kasamahan niya sa kwartong si Eloisa. Agad siya nitong inaayos sa higaan upang makasandal siya sa headboard ng kama. Naninikip din ang dibdib niya at habol ang kanyang hininga. Pinagpapawisan din siya ng malamig kahit na naka-high na ang temperature ng aircon.
Inabutan siya ng tubig. "Here. Nanaginip ka na naman, Dhem."
Bago niya ito tugunin ay uminom muna siya ng tubig upang mahimasmasan at mabasa ang nanunuyo niyang lalamunan. Hindi na niya mabilang sa mga daliri kung ilang beses na niyang napapanaginipan ang senaryong iyon. Muli siyang napapikit matapos ubusin ang laman ng baso. Nang maramdaman niyang nasa riyalidad na siya ay muli siyang nagmulat.
Sinulayapan niya ito. "Thanks, Eloisa. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala ka," nahimasmasan na rin siya.
"Bes, you need to see a doctor. Iyong makakatulong sa'yo. Ilang beses mo na napapaniginipan iyon at baka may ibig nga itong sabihin. Kung ayaw mo naman ng doktor ay hahanap tayo ng isang psychic," bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa kanya.
"Alam mo namang hindi ako naniniwala sa ganoon. Gusto ko ng positive vibes sa buhay at ayaw kong mahaluan ng negative energy," tanggi niya.
"Ayaw mo nga ng negative vibes pero iyong panaginip mo naman ay sinusundan ka. Wala atang linggo na hindi kita naabutang umuungol dito sa kwarto natin dahil doon. I insist. I'll find you a great doctor."
"Baka naman doktor kwak ang mahanap mo. At isa pa, makakahanap ka ba ng isang magaling na pyschic dito? This is London. How will you find that kind of person here?"
"Trust me. Alam mo naman na nasa Europian country tayo at halos dito nanggaling ang mga urban legend!"
"What kind of urban legend?" na-curios tuloy siya sa kwento ng kaibigan.
"Like vampires, werewolves and other monstrous creatures. Halos Europian country ang origin nila. Basta, ako ang bahalang maghanap ng kung sinong makakatulong sa'yo."
"Bahala ka," hinayaan na lang niya ito.
"Okay, sige. Babalik na ako sa kusina at maghahain ng almusal natin. Bumangon ka na at maligo para naman maging presko iyang pakiramdam mo," tumayo na ito.
"Thanks," marahan na rin siyang kumilos.
Dalawang taon na ang nakalilipas nang maisipan niyang magtrabaho abroad. Iniwan niya ang kanyang pamilya para sa magandang kinabukasang naghihintay para sa kanila. Panganay siya sa apat na magkakapatid at halos sa kanya umaasa ang mga ito dahil nag-aaral pa lang ang iba pa sa kolehiyo at highschool. Isang kaibigan ang naging daan niya upang makarating ng London at nabigyan ng isang magandang offer. She's one of the top team leader at G&A Int'l Telemarketing in London main base. This is also the largest company in the world that divided into multi-companies in different industries.
Dalawang taon na rin ang pananatili niya sa lugar kaya kabisado na niya ang pasikot-sikot at ang mga ugali ng mga taong nakakasalamuha niya at nakakasama. Isa na roon ang pinay na si Eloisa. Halos ka-edad lang niya ito at pareho lang sila ng pinagmulan ng probinsiya sa Cebu. Ito na rin ang naging roommate niya mula nang mapadpad silang dalawa roon. At dahil isa siyang telemarketer team leader ay iba't ibang shift ang schedule niya. May pang-gabi at pang-umaga. Minsan pa ay wala na ayos ang tulog niya at kung ano-ano na lang ang napapaniginipan niya.
Mula rin noong makatuntong siya sa London ay nag-umpisa na ang kalbaryo niya sa tuwing napapaniginipan iyon. Noong una ay gusto niyang balewalain ito dahil baka parte lang ng mga bangungot niya. But, it's getting worst! And there's one odd thing who's made her more terrified, the tsuka without blade which her friend gave it to her two years ago. Hinding-hindi niya makakalimutan ang hitsura ng kakaibang souvenir kaya nagpasya siyang halungkatin ang gamit niya pagkatapos niyang maligo.
Makalipas ang isang oras at nakapagbihis na rin siya, agad niyang hinalungkat ang mga gamit. Hinanap niya ito sa kung saang sulok ng closet at iba pang maaari niyang pagtaguan ngunit hindi na niya maalala kung saan niya ito itinabi.
"Nasaan na ba iyon? Dito ko lang iyon inilagay," pinagbubuksan niya ang bawat drawer. Frustrated na rin siya dahil kung kailan niya ito kailangan saka naman hindi nagpapakita at kung hindi naman ay kung saan-saan ito napapadpad sa mga gamit niya na hindi naman niya ito ginagalaw.
"Anong hinahanap mo?" tanong ni Eloisa. Pumasok ulit ito sa kanilang kwarto.
"Hinahanap ko iyong bagay na laging hawak ko sa panaginip ko," tugon niya.
"Bagay? Iyong werdong handle ng isang katana na walang blade?"
"Oo. Napansin mo ba?" patuloy lang siya sa paghahanap.
"Naku, sorry!"
Noon lang niya ito sinulyapan. "Bakit?" kunot-noong tanong niya.
Nakapamot ito. "Eh, 'di ba nga ay lagi mo iyong napapaniginipan. Natatakot kasi ako sa bagay na iyon dahil kung saan-saan ko lang nakikita. Para bang may sariling buhay. Kaya itinapon ko na noong isang araw. Sorry, hindi na ako nakapagpaalam sa'yo dahil shift mo na nang mga oras na iyon. Nakalimutan ko na rin na ipaalam dahil nawala na sa isip ko.”
Natigil siya saka napaisip. “Hayaan mo na. baka nga iyon ang kailangan nating gawin upang hindi ko na mapanaginipan iyon.”
“Sana nga.”
“Kumain na lang tayo at may pasok pa tayo mamaya-maya,” yaya na lang niya rito,
Muli niyang inayos ang ibang nagkalat niyang gamit saka sila tuluyang lumabas ng kwarto para makapag-almusal. Hindi naman ganoon kalaki ang apartment na tinutuluyan nila at halos dalawampung minuto lang din ang pagitan nito sa kompanyang pinapasukan.
PASADO alas-onse ng umaga nang makarating sila sa G&A main building. It was the tallest building structure in the world after defeating the Burj Khalifa in Dubai. It has been the skyscraper in London with the total height of one thousand five hundred meters or four thousand, nine hundred twenty-one feet long. Nakakalula na ito kung ang isang empleyado ay tumungo pa sa pinakatuktok ng naturang building. Mayroon itong tatlong-daan na palapag. Dahil sikat ito sa buong mundo ay napakaswerte rin ang mga nagtatrabaho rito. Hatid-sundo ng shuttle mula pagpasok at pag-uwi, free accommodation and food, at maraming mga amenities na pwedeng gawin sa loob para sa mga empleyado. Ganoon sila pinapangalagaan ng kanilang mga boss. Idagdag pa ang mga special benefits na kailanman ay hindi naibibigay na ibang kompanya. Lamang, napakahigpit ng seguridad sa loob kaya walang sinumang nagbabalak ng masama dahil gumagamit ang security ng G&A ng mga high technologies.
"Dhem!"
Hindi pa lang siya nakakaupo upang makapagsimula na sana ay may tumawag na sa pangalan niya. Ang kanyang manager na si Mrs. Loida Andres. Naroon na ito sa harapan niya habang seryosong nakatingin sa kanya at isa rin itong OFW. Hinarap muna niya ito bago umpisahan ang kanyang trabaho.
"Yes, Ma'am Loida?"
"Our Board Directors wants to see you. Pumunta ka na sa agad sa Director's Office," utos nito.
"Bakit daw po?" tanong niya. Nagtataka rin siya kung bakit siya pinapatawag.
"I don't know what's the reason. Sige na."
Tumango siya. "Okay."
Tumalikod na ang manager niya saka siya nilapitan ng kaibigan niyang si Eloisa at nakiusyuso. Halos magkatabi lang ang table nila dahil pareho lang sila ng posisyon ngunit magkaibang team.
"Bakit ka pinatawag sa langit?" turo pa nito sa itaas. Binansagan na nitong langit ang pinaka-top floor dahil naroon ang malawak na opisina ng mga may-ari ng kompanya.
Kibit-balikat siya. "I don't know. Hindi naman sinabi ni Mrs. Andres kung bakit. Baka may kailangan lang. At kung may violation man ako ay wala akong natatandaan."
"Bes, hindi basta-basta ang ipatawag sa langit. And if ever na ipatawag ang isang empleyado ay may violation itong nilabag o kaya naman ay promotion. Wow! Wala kang nilabag na batas dito sa kaharian natin kaya promotion iyan!" natuwa ito.
Singhalan niya ito. "Heh! Baka naman na-demote na ako dahil tinapon mo iyong tsuka ko at isinumpa na ako." Ngumiti rin naman siya rito at sanay na sila sa isa't isa sa ganoong biruan.
"Ito naman. Nagbabakasakali lang naman ako dahil kung wala kang nilabag, it's a good news. Sige na at umakyat ka na sa langit. Balitaan mo ako, ha." Kumindat pa ito at pilyang ngumiti sa kanya.
"Sige. Bahala na."
Mula sa kinaroroonan niyang fifty floor ay naglakad siya patungong elevator. Gagamit siya ng exclusive elevator ng mga may-ari at VIP's ayon na rin sa patakaran ng kompanya oras na ipatawag sila sa itaas. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na makakaapak siya roon. Narinig na rin niya ang usapang ng ibang mga empleyado noon na nakarating na sa itaas na napakaganda ng opisina. Nasa tapat na rin siya ng elevator at hinihintay na lamang niya itong bumukas habang iniisip pa rin niya kung ano ang kailangan sa kanya ng mga ito.
Anong kailangan sa akin ng mga boss? Terminated na ba ang contract ko? Hay, huwag naman sana. Hindi ko pa napagtatapos ng pag-aaral ang mga kapatid ko. As far as I know, I took an exam for the managerial position. Hindi kaya iyon? Bahala na. Kung ano man iyon ay dapat harapin ko ito ng buong tapang.
Saktong bumukas na ang elevator at mabilis siyang pumasok. Hindi na niya nasulyapan sa kaliwang bahagi ang isang bulto ng tao ngunit nasilip na lang sa gilid ng mata niya na isa itong lalaki. Isama na ang mabangong masculine scent nito na nanunuot sa ilong niya.
Binati niya ito. "Good morning, Sir." Wala na sa isip niyang sulyapan ito dahil hanggang sa loob ay laman pa rin ng isipan niya ang katanungan sa sarili.
"Good morning," mahina nitong tugon.
Pamilyar sa kanya ang boses ng lalaki ngunit dahil wala siyang interes na lingunin ito ay hindi na siya nag-abala. Hindi na rin niya pinindot ang three hundred floor button dahil parehas sila ng lalaking pupuntahan bagkus ay bahagya na lang siyang napasandal sa gilid. Mahaba-haba pa ang magiging biyahe niya patungong langit. Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti dahil sa bansag ng kaibigang si Eloisa sa kinaroroonan ng opisina ng mga boss nila. Mabuti na lang din at may anti-deaf system ang elevator ng building upang maiwasan na rin ang mabingi habang papaakyat paitaas. That's how technology works at G&A main building.
Ilang sandali pa ay tumunog na ang bell ng elevator hudyat na naroon na sila sa naturang floor. Mabilis siyang umaayos ng pagkakatayo at bahagyang nagtataka na rin dahil kaybilis silang umabot roon. Sa tantiya niya ay wala pang sampung minuto ang nakalipas. Bumukas naman ang pintuan saka mabilis na nagpatiuna ang lalaki na tila nagmamadali. Sinundan niya lang ito hanggang sa pumasok sa isang pintuang puro salamin na kitang-kita naman ang loob. Nakita na niya agad ang executive secretary na binati pa ang naunang lalaki saka ito sumalubong sa kanya.
"Hi, Miss Dhem! This way please," the woman smiled at her.
Gumanti siya ng pagkakangiti rito. "Hi!" pakiwari din niya ay inaasahan na siya ng sekretaryang pumanhik roon.
Hindi niya ipinahalata rito na kabado siya at pormal na sumunod sa sekretarya. Hindi niya mapigilang humanga sa magagandang design sa loob pati na ang mga mamahalin at babasaging mga pigurin, mga ancient sculptures, at iba pa. Hindi maipagkakailang sobrang yaman ng kanilang kompanya. Masaya niyang inilibot ang paningin sa paligid lalo na nang makita ang mga abstract painting sa wall.
Itinuro ng sekretarya ang malawak na sala kung saan naroon ang dalawang may-ari at ang dalawang babaeng kilalang-kilala niya. Mas lalo siyang nagtaka kung bakit naroon ang mga ito at anong ginagawa nila roon. Marahan siyang lumapit saka naman tumayo ang mga kaibigan niya nang makita siya.
"Hi, Dhem! How are you?" nakangiting bati ni Jho sa kanya. Isa sa mga kaibigan niyang matagal na niyang hindi nakikita.
"Mukhang gumaganda tayo. Maupo ka rito." Itinuro ng isa pa niyang kaibigang si Khorie ang bakanteng upuan.
"W-hat are you doing here?" palipat-lipat ang tingin niya sa dalawa.
"Nanghihingi ng ayuda," sabay ngiti ni Khorie.
Napakunot-noo siya. "Ha? Ayuda?" Alam niyang biro lang iyon ng kaibigan at upang malaman niya ang totoo ay naupo na rin siya katabi ng mga ito.
"Biro lang," bawi ng kaibigan.
Naupo na ang mga ito saka sumunod naman siya habang kaharap niya ang dalawang boss na nagpatawag sa kanya roon. Naisip na rin niyang may kinalaman ang pag-uusap nila sa dalawang kaibigan ngunit batid pa rin niya ang malaking katanungan sa sarili.
"We called you here because of some important matters that we need to discuss. Isn't about your job but— it's about your destiny here," her boss Marion started the serious matter.
"Destiny, Sir?" paninigurado niya sa huling nasambit nito.
"I know, this is a hard thing to believe. Your two friends are here to face their destiny too as what Marion said earlier. And Khorie will start the whole story for you to understand," her boss Dione added.
"Tama sila, Dhem." Seryosong wika na ngayon ni Khorie. "Mahirap talagang paniwalaan itong kuwento ko na ito. I hope you're open-minded. Please, listen up."
Isa-isang denetalye ng kaibigan niya tungkol sa isang bagay. It was started when her friend gave her the odd thing and the reason why she's always had nightmares. Ang kaibigan niyang si Khorie ang nagbigay sa kanya ng tsuka bilang souvenir at ito rin ang dahilan kung kaya siya ay nakapasok roon. Hanggang dumako ang kuwento nito sa mga kaibigan niyang naroon na sa Green Valley at ang destiny na tinutukoy ng mga boss niya kanina. Nabanggit din sa kwento nito ang mga pinagdaanan nilang laban, sakripisyo at pag-iibigan sa pagitan ng dalawang lahi. Matapos magpaliwang ang kaibigan ay natahimik siya. Lalong nagiging magulo ang utak niya at hindi niya alam kung paano ito paniniwalaan. Her boss are immortals and they can do anything what they want.
Nagtanong siya. "Ibig sabihin ay ang tsuka na ibinigay mo sa akin bilang souvenir ay may kakaibang kapangyarihan?"
Tumango ang kaibigan. "Yes. Do you still have that tsuka? Hindi iyon maaaring mapunta sa iba. Maaaring makapagdulot ito ng kapahamakan o kaya ay mapunta sa maling mga kamay."
"Wala na sa akin ang tsuka."
"Ha? S-saan napunta? Itinapon mo ba?" nabigla naman si Jho sa sagot niya kung nasaan na ang tsuka niya.
"Itinapon ng kaibigan niya," singit ni Zeus.
"Marunong kayong magsalita ng tagalog, Sir Marion?" bahagya siyang nagulat at namangha rito.
"Yes. That's one of our skills. Like I said, your friend named Eloisa threw it together with the other trashed. Masama ito," napaisip ito.
"Dhem, Zeus has an oracle spell. Malalaman niya ang mga bagay-bagay lalo na ang nakaraan at ang hinaharap. Subalit may mga restrictions kapag hinaharap ang pag-uusapan," paliwanag ng kaibigang si Jho.
"I'm sorry. Hindi ko alam na itinapon iyon ni Eloisa. Alam niyang halos gabi-gabi kong napapaniginipan ang tsuka na iyon kaya naisipan niyang itapon ito. Baka magkaroon pa ng problema kapag nanatili pa iyon sa mga kamay ko. Ngayon ko lang din napagtantong may kakaiba nga sa bagay na iyon. It's like a magical flaming sword?"
"Yeah. Your friends has that kind of magical flaming swords too. As soon as possible, kailangan mong sumama sa amin. We will take you to Root Valley where your friends are remained safe there."
"Sir Marion—"
"Call me, Zeus."
"Zeus? Like Zeus of ancient greek mythology?"
"Yeah. Pero hindi namin iniuugnay ang nakaraan naming buhay sa kasalukuyan. We are reincarnated Gods but we have different histories. And our histories have just started with the mortals. Alam kong mahirap itong tanggapin at iniisip mo ang pamilya mo lalo na kapag dumating ang itinakdang oras na maglalaho kayo kasama ng mga casting souls. We are working on that case. We won't let you vanish and we are keeping you alive. May isang tao na rin ang nakatakdang ibibigay ang lahat ng mga pangangailangan ng pamilya mo na naiwan sa Pilipinas."
Ilang sandaling namayani ang katahimikan ng lahat. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya makakapagdesisyon. Iaalay niya ang buhay niya sa taong may kakaibang kakayahan at kasamang maglalaho sa takdang panahon. May kung anong kirot din siyang naramdaman sa bahaging iyon.
"Maaari bang pag-isipan ko muna? Kasi hindi naman ito ordinaryong misyon sa buhay na kailangang kong tanggapin agad-agad. Paano kong tumanggi ako? Paano kong hindi kayang gawin ang magpaliyab ng isang bagay? Paano kong mapahamak ako at—"
"Your haven't even tried, your turning in."
Napalingon siya sa kinaroroonan ng boses na iyon. The man standing near to her and she suddenly recognized the smell of his masculine scent a while ago. Ang lalaking nakasabay niya sa elevator.
God! Si Sir Kent pala iyon? At—kabilang siya sa mga may kakaibang kakayahan?
Malalim ang tingin nito sa kanya na para bang ayaw nitong ibaling ang tingin sa iba. Yes. She already perceive those handsome face the last time she meet his gazed. Oo at nakita na niya ang binatang boss nila ngunit madalang lang. Hindi niya ito nakakasalamuha araw-araw pati na rin ang mga ibang may-ari. He is the Director of Telecommunication Industries of G&A where she was working with. Kasunod naman nito ang isa pang lalaking tila perpektong inukit ng lumikha ang hugis ng mukha at pangangatawan nito. Kilala rin niya ito bilang founder ng G&A Foundation.
At ang mga Diyos ay bumaba na sa lupa! Wala sa sariling sambit niya.
"Kung pag-iisipan mo pa iyan ay mas lalong hahaba pa ang panahon mo sa pananatili rito sa city. Come with us and I'll do the rest of your needs," seryoso nitong wika.
She feels uneasy while staring at him. Agad naman siyang nagbawi ng tingin dito at ibinaling sa mga kaibigan. Ang isang lalaking dumating ay naupo naman sa kabiserang upuan.
"Dhem, sumama ka na. Para rin sa'yo ito at para mabigyan ka na rin ng proteksiyon. Masaya naman doon kahit papaano. Dadaan ka nga lang sa matinding training at maraming pagkain," wika ng kaibigan niyang si Jho. Napangiti rin ito sa huling sinabi.
"Ano pa nga ba," hindi na siya tumanggi pa.
"I think, it's yours."
Muli siyang sumulyap sa boss niya. Tumambad sa harapan niya ang tsuka na itinapon ng kaibigan. Bigla rin siyang napatayo habang iniabot nito ang bagay na iyon. Hindi siya makapaniwalang nahanap nito agad ang dahilan ng kanyang masasamang panaginip. "Sir, how did you—"
"It belongs to you. Ang mga tsuka ay may sariling buhay. Bumabalik ito sa kung sinong carrier ang nakatadhana rito. Hercules found it in your table. Mabuti na lang at hindi ito napapansin ng ibang mortal sa paligid," tukoy nito sa mga kasamahan niya sa department nila sa baba.
Sumikdo ang kaba sa kanyang dibdib nang makita ang tsuka. Naroon na naman sa balintataw niya ang bawat eksena sa panaginip niya. Ang pakikipaglaban niya sa halimaw at ang pagliligtas sa isang lalaking duguan. Marahan niyang kinuha ang tsuka mula rito. The moment when she holds it, there's a sudden red spark and a red light through her hand. She feels the imminent power flows into her blood vessels that take her to the real connection of her fate with an obsolete occult handle.
"It's a sign of fate. Sasamahan ka ng mga kaibigan mong ayusin ang mga gamit mo. We will leave after lunch," tumayo na ang boss niyang si Zeus.
Nawala na ang liwanag na iyon sa kamay niya at sa tsuka. Tumayo na rin ang mga kaibigan niya at nilapitan siya upang yakapin. Humingi na rin ng paumanhin si Khorie sa kanya dahil sa idinulot nitong problema na hindi rin naman siya ang may gawa. Tanging lumikha ng lahat na lamang ang nakakaalam sa kung saan sila dadalhin ng kanilang kapalaran.