Chapter 9

1382 Words
Sumilip Siya sa labas Ng Bahay, Nakaparada parin doon Ang sasakyang ginamit nila kahapon. Eh, ano kaya Ang sinakyan nito nang umalis? Oh, baka naman Hindi umalis at nasa tabi-tabi lang. Pero umuulan. Ano 'yon, naliligo sa ulan? At kung naliligo sa ulan, aabutin ba naman Ng ganitong katagal? Hay naku, kesa kuntrahin ko Ang utak ko sa kaiisip ay hayaan ko na lang Siya kung nasaan Siya. Basta't pag tumila na Ang ulan at pwede na kaming makalabas, manghihiram na lang Ako Ng Pera sa kanya para makabalik kami ni Jaywon sa Manila. Kumalam Ang sikmura Niya at kumain Ng dalawang pirasong pandesal. Hindi na Niya nilagyan Ng palaman. Isanawsaw lang Niya iyon sa gatas Ng kalabaw na kagaya Ng nakaugalian Niya noong maliit pa Siya pag bumili Niyon Ang kanyang Mommy sa palengke. Pagkakain ay sinilip Niya Si Jaywon. Natutulog parin ito Ng mahimbing kung kaya sinamantala Niya Ang pagkakataon. Naglinis siya sa salas at kusina . Hindi naman Siya nahihirapan dahil Hindi gaanong marumi Ang buong kabahayan. Pagkatapos malinis Ang labas ay Ang loob Ng kuwarto naman Ang isinunod Niya. Binuksan Niya Ang built in cabinet. Puno pala iyon Ng mga gamit. Una niyang inaayos Ang mga damit Ng lalaki. Parang luka-lukang pinaghahalikan pa Ang mga iyon. Nababaliw na talaga Ako kailangan ko na talagang mag pa sikayatres. BAkit ba pinagpapantasyahan ko Ang kamoteng 'yon? Maayos na itiniklop Niya Ang mga damit Ng lalaki na pawang mga signature items at sa palagay Niya ay pag aaring lahat ni Jaylord.Malaking lalaki ito base sa size Ng mga T-shirt at pantalon nito. Pati Ang mga brief nito ay pinakialaman Niya . Napapangiwi Siya habang itinitiklop Ang mga iyon. Kung anu-ano kasing Hindi nakatutuwa Ang naimagine Niya. Ang bastos mo ha, Almera. SITA Niya sa sarili . Sa pagtitiklop Niya Ng mga damit ay nagulat Siya Nang may nahalong ilang piraso Ng damit Ng babae. Mga blusa at pantalon at ilang underwear. Nakasimangot na inihagis Niya Ang damit Ng mga babae. "Sunungaling na 'yon. Wala Raw ka live in. Ano kayang ginagagawa Ng mga damit na itong pambabae sa kwarto Niya? Unless na Isa Siyang bakla sa gabi at isinusuot Ang mga ito. Naiba Ang timpla Niya. Pahablot na kinuha uli Ang mga damit na pambabae at pahagis na Ibinalik Ang mga iyon sa loob Ng closet. Ang sinunod niyang inayos ay isang cabinet na puno Ng mga paperback na isang sikat na foreign author na Ang mga isinusulat ay puro suspense, mystery-thriller Ng mga istorya. Napapangiwi Siya habang nakikita Ang mga cover Ng mga librong iyon. Mga nakakatawa at nakakatakot kung kaya Hindi nya matagalang titigan. Matapos pagpagan Ng Hindi nakatingin at kaagad niyang Ibinalik iyon sa lalagyan. Natapos na Niyang galawin Ang mga gamit sa closet nang matawag Ng pansin Niya Ang isang wooden box na barnisado at may mga craving pa sa gilid. Natatawag Ang kuryusidad Niya Ng kahong iyon. Nagdadalawang isip pa Siya kung titingnan o Hindi. Sa huli ay nagpasya Siyang buksan at silipin Ang laman Ng wooden box. Pero bago iyon ay nag lock muna Siya Ng kuwarto. Pigil Ang hiningang binuksan Niya iyon at namangha Siya sa Nakita. Mga lumang sulat, tape Ng Isang kanta at isang envelop na puno Ng laman. Binuksan niya Ang isang sulat at binasa.hindi pa Siya nagsisimulang basahin iyon ay pinanlakihan na Siya Ng mga mata. Kilala niya Ang sulat kamay na iyon. Sulat kamay Ng kanyang Kapatid na Si Mer. Binasa niya Ang sulat na hawak. Walang nakalagay na pangalan subalit nakapirma sa ibaba non Ang pangalan ni Mer. Nakasaad sa nasabing sulat Ang pagtatapat Ng Kapatid hinggil sa pagdadalang-tao nito. Ang takot sa kanyang daddy at mommy kapag nalaman Ang kalagayan nito. Ang paghingi nito Ng assurance na pananagutan ito kung sino Mang pinatutuunan Ng sulat na 'yon. Naninikip Ang dibdib na binuksan pa Niya Ang ibang liham na naroon. Gayon rin Ang mga cards. Pawang galing Kay Mer. Napapaiyak na binuksan Ang sobreng makapal Ang laman.mga larawan pala iyon. Pigil parin Ang hininga na inisa-isa Niya Ang mga larawang iyon. .mga kuha iyon Ng Isang lalaki na tila may hawig kay Jaylord pero Hindi si Jaylord. Sa ilang larawan ay kasama Ng nasabing lalaki Ang Kapatid Niya na Si Mer. Larawan Ng kasiyahan at tuwa Ang mga kuha ng mga ito. Ito kaya Ang lalaking nakabuntis sa Kapatid ko? Kung ito nga Ang lalaking iyon, masasabi Niya na mukhang minahal naman nito Ang kanyang Kapatid base sa mga sweet na pose Ng dalawa sa mga larawan. Pero ano Ang dahilan at tinalikuran Ng lalaking ito Si Mer? Bigla siyang nanghina nang Makita Ang Mukha Ng Kapatid. Muling nginatngat Ng Galit at poot Ang kanyang puso. Kung gayon ay Kilala Ng Jaylord na ito Ang lalaking nakabuntis sa kanyang Kapatid. At ano kaya Ang relasyon nito sa lalaking 'yon? Lalong lumaki Ang palaisipang nasa isipan Niya. Sadyang maghahalongkat pa sana Siya pero may naulinigan Siyang huni Ng kabayo.Dali daling Ibinalik nya Ang mga laman ng kahon at inilagay uli iyon sa dating lagayan. Patay malisyang nahiga Siya sa tabi ni Jaywon at nagkunwaring tulog. Lalo Siyang nagulo at nagkaroon Ng pag iisip sa taong tumutulong sa ka nila ni Jaywon. Isa ba itong tagapagligtas o kaaway? Bigla uli Siyang nagbangon. Naisip niya,BAkit ba. Siya magkukunwari? Dapat masabi na Niya sa lalaki Ang natuklasa Niya. After all Ang tungkol sa kanyang Kapatid Ang ipinunta niya rito . Ano Ang kaugnayan Niya sa lalaking iyon? Pag bukas Ng pinto Ng kuwarto at inuluwa Si Jaylord. Inabutan Siya nito na nakatukmol sa kama at seryuso Ang Mukha. "Gising kana pala,"bati nito Kalahating bibig lang Niya Ang ngumiti para I acknowledge ang pag dating nito. "May problema ba?" Sa halip na sumagot at umahon Siya sa kama at lumabas Ng kuwarto. Binuksan Niya Ang isang bintana at sumandal sa frame non. Wari ay binibilang Niya Ang patak Ng ulan na tumingin sa labas. "Kelan kaya ito hinto?" Impatient na himutok Niya. "Sa klase Ng patak Ng ulang 'yon, I doubt kung hihinto kaagad Yan for the next couple of days. Maghihintay pa siguro Tayo Ng mga three days at another two days para ganap na matuyo Ang daan." Anang lalaki Napalingon Siyang bigla Kay Jaylord. Wari ay Hindi Niya kayang tanggapin na aabutin pa sila na apat na araw sa Lugar na ito. "Ang ibig mong sabihin ay matatagalan pa kami rito?" "Wala ka namang magagawa.hindi karin makakaalis rito kahit na gustuhin mo." Napabuga Siya Ng malakas na hangin. "Nainip na Ako. Gusto ko nang magtungo sa Villa Haciendo," "Huwag sanang matigas Ang ulo mo. Kung pwede lang ay BAkit ba Hindi Kita ihahatid Ngayon din. Kahit na may sarili akong eroplano sa lakas Ng ulang 'yan." "Eh, BAkit labas ka Ng labas? Saan kaba Nag punta?" Napangisi Ang lalaki. "Secret! BAkit mo inaalam? "Masama ba?" "Hindi naman, kaso hindi Ako willing na sabihin sa iyo kung saan Ako Nag pupunta." "Palagay ko nga may tinatago ka. Kasi, marami kang ginagawa na palaisipang sa akin. Maraming palaisipan na gusto kong hanapan Ng paliwanag pero alam ko na Hindi ka par Rin magiging matapat kahit na magtanong Ako." "Kung ano man Ang mga palaisipang nasa isipan mo ay huwag mo akong isali. Hindi Ako Ang hinahanap mo. Kundi Si Jay." "Pwede mo ba akong ikuha Ng bihisan sa closet? Maliligo lang Ako." Napasalabong Ang mga kilay Niya at binuksan na sana Ang bibig para mag protesta paro napigil Niya Ang dila. Ingrata Ang labas ko nito pag Hindi ko sinunod Ang gusto nito. To think na may utang na loob na talaga Ako sa lalaking ito, sa ayaw ko at sa gusto. Sumunod siya pero nagdadabog. "Baka mabutas Ang sahig Ng Bahay ko," pang iinis ni Jaylord. Pakiaalam ko. Hindi naman Namin sahig ito. Pero Ang Saman ko naman na mag wish pa Ako Ng masama. Kung mabutas ito, kami Rin ni Jaywon Ang masisilat . Patawarin mo sana Ako panginoon. Nakita nya uli ang wooden box na kinalalagyan Ng larawan at sulat Ng kapaatid at sinamaan nanaman Siya Ng pakiramdam. Talagang sisitahin na Niya Si Jaylord. Promise. Pero Hanggang salita lang Siya. Hindi parin Niya nagawang sitahin ito. Bagkus , pinagana Niya Ang imahinasyon sa kung anu-anong pagiilusyon habang naliligo Si Jaylord sa bayo. Nag Mukha tuloy Siyang manyakis sa kanyang ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD