Paano na kaya kapag na in love Siya sa lalaking ito? Papayag ba Siyang dito tumira?
Parang kaya ko. Maganda naman Ang Lugar. At saka pag ito siguro Ang naging Asawa ko, magiging Masaya Ako. Kasi, maalalahanin Siya at gumagawa talaga Ng paraan para makakain kami. Hindi naman Ako lugi nito.
Siyang labas ni Jaylord , suot Ang kinuha niyamg walking short at t-shirt . Nagpapatuyo ito Ng buhok sa pamamagitan Ng tuwalya.
Napapitlag Siya pagkakita sa binata. Nasira Ang panaginip Niya Ng gising.
Wrong timing naman itong future husband ko. Ehek!!
Bale ba mas lalong gumagwapo Ang bwesit . Dumadagundong na naman Ang Kanyang dibdib sa Hindi nya maipaliwanag na dahilan. Ganoon ba talaga pag nakakita Ng guwopo?
Pero parang Hindi. Rito lang Siya nakaranas Ng ganito.
"Medyo malamig Ang tubig. Kapag maliligo ay lagyan mo Ng mainit na tubig ," anito.
"O-Oo salamat ," wari ay napapasong wika Niya.
TANGKA niyang pumasok Ng kuwarto pero pagdaan Niya za pinto ay nadagil Niya Ang braso ni Jaylord. Nawalan Ng panimbang at muntik nang matumba kung Hindi naging maagap Ang lalaki na saluhin Siya.
Sa matipunong bisig Ng lalaki Siya bumagsak.
Shock na shock Siya ng mapagtantong halos ay gadangkal na lang Ang layo Ng Mukha nila sa isat Isa. Sa mga mata Niya nakatingin Si Jaylord. Tinging nakakatakit at nakaka- melt Ang feeling.
Napalunok Siya Ng sunod -sunod. Gusto niyang mahiya dahil Hindi pa Siya naliligo pero naligo naman Siya kahapon at hindi naman Siya pinapawisan, dahil malamig Ang panahon. and... Nag-toothbrush na siya kaya sugurado Siyang hindi Siya bad breath Ng mga sandaling iyon..
"Alam mo bang Maganda ka?"
"S-Sabi nila.." halos boses ipis na sagot Niya
"And you are attractive.."
"S-Sabi Rin nil......"
Hindi na niya natapos Ang sabihin. Biglang inangkin ni Jaylord ang kanyang mga labi.
Nabigla Siya pero sandali lang..namalayan nalang Niya na napapatangay na Siya sa halik na 'yon.
Sa totoo lang ay Hindi Siya marunong humalik.
Basta naka Tayo lang Siya na parang tuod habang angkin ni Jaylord ang mga labi Niya.
Sa pagkadismaya ay biglang kumalas Ang mga labi nito sa kanya at saka tumawa.
Nag init Ang punong tainga Niya.
"Why are you laughing?"
"Eh, Kasi Ang Tanga Tanga mo. Hindi ka pa nahahalikan ano?"
Namutla Siya. Parang ayaw niyang sagutin Ang tanong Ng lalaking ito dahil feeling Niya ay nainsulto Siya.
Pero Hindi yata dapat na ganoon Ang isipan Niya.
Napalunok Siya at pinilit na mai-compose Ang sarili.
"Hindi mo nga Ako dapat patawanan, eh. Dapat nga ay matuwa ka K-Kasi, Ikaw Ang unang lalaking naka kiss sa akin."
"Natutuwa naman Ako, ah. Pero may dapat ka ring ipagpapasalamat. Kasi, Ako Ang magtuturo sa iyong humalik. Just do what I am doing. Ganoon lang kadali..."
At muling inangkin Ng lalaki Ang mga labi Niya.
Mas matiim at mas matamis sa kanyang panlasa.
Sinunod niyang Ang sinabi nito.Ginaya Ang ginagawa Ng lalaki at kaagad na Siyang natuto.
Nararamdaman Niya na lalong tumiiim at dumiin Ang mga halik ni Jaylord at Siya ay nagpaubaya lamang .
"To her delight ,hinayaan nya Ang lalaki na lalaspatangin Ang kanyang mga labi at paglaruan gamit Ang dila nito."
Pakiwari nya ay bumigay na Ang buong katawan Niya sa mga halik na iyon nang kumalas na uli Ang mga labi ni Jaylord sa kanya.
"That's enough for now. Madali ka naman palang matuto. Next time, I'll teach you more."nakangiting wika nito.
Sinundan niya ito Ng tingin. Nagtungo ito sa bintana at nakapamewang na tumingin sa labas. Larawan ito Ng tagumpay at tuwa. Siya naman ay tila natauhan sa sandaling pagkahibang.
At BAkit ba Ako pumayag na pahalik sa lalaking ito. Hindi ko naman ito nobyo, ah. Sinamantala Ng lalaking ito Ang pagkahilo ko. Baka isipin nito ay cheap Ako.
Bigla Siyang bumuwelta at nilapitan si Jaylord. Kinalabit nya iyon sa balikat.
"Sandali nga!" Anya
"BAkit ? Nagustohan mo ba Ang mga halik ko at gusto mo uli pa Ng dagdag?" Anang lalaki.
Bilang sagot, Isang malakas na sampal Ang ibinigay nya sa Mukha Ng lalaki at Wala Siyang paki alam kong mamula ito
"Hilo lang Ako kanina at Ngayon ay gising na Ang diwa ko. There will be no more next time. "
"Sa susunod, puputulan Kita..."Anya sabay tingin sa maselang bahagi Ng katawan nito.
Biglang nasapo ni Jaylord iyon at muntik na Siyang matawa.
"Takot ka palang maputol 'yan kaya ingat ka. Huwag mo nang uulitin 'yan!"
Binato Niya Ng matalim na irap Ang masamang tingin Si Jaylord bago lumalagapak Ang mga paang pumasok na Ng kwarto.
Ang hudas na iyon! Ang lakas Ng loob. Iisang araw pa lang akong nakilala ay hinalikan na agad Ako.
Anong Akala Niya sa akin, chipipay na madaling bumigay? Inis na inis na reklamo Niya sa isip.
Pahid Siya Ng pahid sa mga labi nya pero Wala namang tigil na imahinasyon Niya sa kababalik sa isipan Ng mga naganap kanina.
Pero Infairness masarap humalik Ang unggoy na 'yon. Sweet And delicious. Grabe. Nagiging easy to get na Siya ata talaga. BAkit ko ba naiisip Ang halik Niya.
Wake up,Almera. Baka nakakalimutan mo na Ang pakay mo sa Lugar na ito. Kastigo nya sa sarili.
Pero kahit na ano Ang gagawin Niya para maalis sa diwa Niya Ang kissing scene nila ni Jaylord ay wa epek.
Panalo parin Ang kumag sa kanyang isip.
Bale ay Wala yata itong balak umalis.panay pa Ang pinto habang nasa kusina. Sinilip nya ito at Nakitang naghihiwa ito Ng mga gulay.
Pakiwari nya ay nilagang baka Ang nakasalang sa kalderong. Lihim Siyang napatawa. Tatay na Tatay ang dating nito, ah. Para na talaga silang isang pamilya. Kaya siguro Hindi nya magawang Magalit Ng lubusang sa lalaking ito.
"Mommy.....". Tinig ni Jaywon.
Mag-alas onse na Ng Umaga nagising.
"Good morning , baby," Anya sabay karga sa bata.
"Si Tito Jaylord po?" Hanap nito kaagad sa lalaki.
"N-Nasa labas. Nagluluto."
Kumawala sa kanya Si Jaywon at nagmamadaling lumabas.
"Tito Jaylord!"
"Hey, little boy. How are you?" Bati ni Jaylord.
Binitawan nito Ang ginagawa at saka kinarga Si Jaywon .
Nakonsensya naman Siya sa ginawang pang-aabala ni Jaywon kung kaya utinuloy Niya Ang ginagawang paghihiwa nito Ng pataas.
Tumingin sa kanya Si Jaylord sabay kindat.?
Gusto niyang duruin Ang mga mata nito sa inis. Pero sa puso Niya, may kilig syang nadarama.
Pinasasaya Ng lalaking ito Ang kanyang puso. Kaya lang, Hindi Siya dapat magpadala sa mga pagpapa cute nito. Malay ba Niya kung may hidden agenda ito.baka may kinalaman iyon Kay Mer.
Isa sa araw na ito, lalakasan nya Ang loob na sitahin ito ukol may Mer.
Ilang narin na Hindi umalis Si Jaylord at ikinatuwa Niya iyon.
Naging kampante Ang kalooban Niya dahil sa presensiya Ng lalaki. Ito Ang nagsisilbi sa kanila ni Jaywon.
Ito Ang Nagluluto Ng pagkain nila. Minsan Siya Ang pinagsaing nito para raw Siya matuto.
Tuwang tuwa naman Siya dahil nagawa niyang magsaing Ng matino. May ipagmamalalaki na sila ni Jaywon sa Manila.
Hindi naman kinabakasan Ng pagkainip Si Jaywon. Masaya rin naman ito sa pangi-spoiled ni Jaylord. Naisip Niya, mahalaga Ang naging papel ni Jaylord sa pagkakatigil nila sa Bahay nito.
Naranasan ni Jaywon Ang magkaroon Ng Isang ama sa katauhan nito.
Kung pwede nga lang mag request o kung puwede lang bumili Ng Tatay, siguro ay Si Jaylord na Ang bibilhin Niya for Jaywon.
Magkasundo na Kasi Ang dalawa at nakita nya Ang tuwa sa Mukha Ng pamangkin.
Ngayon, ay ikalimang araw na nila sa Loghouse at bigla nalang tumigil Ang ulan at umaraw.
For the First time ay Nakita Niyang maaliwalas Ang kapaligiran. Malawak at Maganda pala iyon kapag nasikatan na Ng araw.
Nalungkot Siya nang magbihis si Jaylord Ng araw na iyon at wari ay paalis.
"May kakausapin Ako. Ipanatag mo Ang kalooban mo rito, Almera. Babalik Rin Ako kaagad."
"Hindi ba pwede Ngayon na Tayo magpunta sa Villa Haciendo para matapos na Ang pakay ko rito?"
Natigilan Si Jaylord.
"Titingnan ko kung ano Ang magagawa ko. Sige, ihalik mo nalang Ako Kay Jaywon huh."
Nagkulong Siya sa Bahay . Naglinis kahit na malinis naman Ang buong kabahayan. Naisipan niyang mag laba Ng marurumi nilang damit. Pero Ang aatubili Siya. Walang washing machine dito at Hindi siya sanay na maglaba.
Subalit parang gusto niyang magpa- impress Kay Jaylord. Marahil ay matutuwa iyon pag nalamang nalabahan na Niya Ang lahat ng maruming damit.
May labahan naman sa labas Ng Loghouse. Maluwang at komportableng kumilos. Bitbit Niya Ang maruruming damit ay lumabas Siya Ng Bahay nang may dumating na isang may edad na babae.
Nagkagulata sila nito.
"Nasaan Si sir Jaylord?"
"Sino ho sila,"
"Ako Ang housegirl ni sir. Tuwing biyernes Ng hapon ay naririto Ako para maglaba at maglinis nitong bahay-bahayan Niya."
"Bahay-bahayan?"
"BAkit, Wala bang sinabi sa iyo Si Sir? At saka Ikaw na ba Ang Asawa niyang bago? Si sir talaga mahilig sa magaganda."
Umasim Ang Mukha Niya sa naririnig.
Base sa sinabi Ng babae ay may mga nakasama na Ang lalaking iyon sa Bahay na ito . Pero mas interesado siya sa sinabi nitong Hindi ipinagtapat ni Jaylord. Pati na Ang pagtawag nito na sir sa lalaki.
"Gaano po ninyo. Kakilala Si Jaylord?"
"Naku , maliit pang bata Si sir, ay Kilala ko na Yan. Dati akong sa Villa Haciendo nakatira pero nang mangibang bansa Ang magkapatid ay dito na Ako idinistino ni sir Jaylord para mapangalagaan itong kanyang bahay-bahayan. Madalas Kasi ay dito Siya nagpapalipas Ng Oras kapag Hindi Siya busy,"
"Alam mo Ang Villa Haciendo? Sino Ang pangalan Ng may Ari?"
"Aba'y Isa Si sir Jaylord sa may -Ari.
Jaylord De Palerme Haciendo Ang buo nyang pangalan at Isa Siya sa dalawang tanging tagapagmana Ng Villa Haciendo, kaya nga pinangalanan ito Ng Villa Haciendo dahil isinunod nila ito sa kanilang apelyedo."
"Ho?" Tila Hindi makapaniwala sa sinabi Ng May edad na babae.
"Naku, naidaldal ko na Ang toto o . Baka mapagalitan na naman Ako ni Sir dahil sa pagiging matabil ko."
"Hindi naman po matabil! At saka Hindi naman po masamang magkwentuhan, Hindi po ba? At saka Wala naman kayong sinabing masama. Totoo naman.ang sinabi Niyo."
"Oo nga ineng . Toto o namang lahat ng mga sinabi ko."
Napansin nito na bitbit Niya Ang maruruming damit.
"Naku! Buti at inabot Kita . Kung nagkataon ay Ako Ang puputukan ni sir. Hindi papayag iyon na paglabahin kayo lalo pa at kayo na pala Ang bagong babae sa buhay Niya."
"May Dati na bang babae sa buhay Niya?"
"Meron Dati . Pero sandali lang."
"Ano ang pangalan?"
"Ano ba 'yon? Hindi taga rito yon, eh.
At saka Minsan ko lang Nakita dito sa Loghouse. At isip ko, babae Niya iyon. Umiyak pa nga 'yung babae Kasi....?
Tumigil saglit Ang matabil na babae at wari ay tinitiyak na WAlang makakarinig sa susunod nitong sasabihin.
"......buntis!"
Nalaglag Buhat Sa mga bisig Niya Ang mga damit na sana ay lalabhan.
"BAkit Ineng?"
W-Wala po. eh, natatandaan ba ninyo Ang pangalan Ng babae?"
"Hindi ko matandaan, matagal na Kasi iyon, eh. Mga limang taon na yata Ang nakakaraan."
"Si Jaylord po ba ay umalis Ng pilipinas?"
"Oo, Ineng mga two years Siya doon. Sinamahan nya Ang Kapatid Niya sa ibang bansa.
Tapos ay nagbalik Siya uli rito. Noong Isang taong ay umalis uli Siya at kababalik lang Niya noong Isang buwan."
Lalong nagulo Ang kanyang isipan sa mga nalamang informasyon hinggil Kay Jaylord.
Nagppupuyos Ang kaloobang hinintay Niya Ang pagbabalik ni Jaylord. Hindi na Siya nagdadalawang isip na harapin ito Ngayon. Pero lagpas na Ng tanghali ay Hindi parin ito bumabalik.
"Manang malayo ba Ang Villa Haciendo rito?"
"Ano ka ba,ineng. Malapit lang. Pwede mo ngang lakarin. Kahit na umuulan ay makakapunta ka roon dahil sementado Ang daan patungo roon."
"Po? Saan po Ang daan?"
" Sa likod Ng Bahay na ito ay may daan na Ang lapad ay kasya lamang Ng Isang sasakyan at nasa pagitan Ng malalagong halaman at mga puno. Mga ilang metro Ang haba noon. Ang pinakadulo noon ay isang maluwang na bakuran. Ang mismong bakuran Ng VILLA HACIENDO."
"Hindi ho ba mahirap hanapin?"
"Naku , Hija. Baka mga bente minutos lang kung naglalakad ka ay nandon kana. Halika at ituturo ko sa iyo Ang daang sinasabi ko."