TANGKA niyang hulihin ito kung may itinatago Mang kabalbalan.
" Medyo. Pero may iba pa akong daan na alam para makaiwas sa baha. Buti pala at nadala ko kayong mag-Ina rito. Subrang lalim na Ng tubig sa main road."
"Kung nagpatuloy Tayo sa Villa Haciendo ay baka na stranded na Tayo sa daan. Ang Dami Nang hindi maka biyahe dahil sa baha." Walang gatol na sagot nito.
Hindi ito nag -twist tounge o nag- pause man lang para isipin Niya na nagsisinungaling ito at nagiibento lang Ng storya.
"Hanggang kailan kaya ito?"
"Kapag Hindi huminto Ang malakas na ulan ay imposibling makaalis kaagad Tayo rito."
"Hindi ko alam kung dapat ba Ako talagang magtiwala sayo."
"You have no choice but to trust me. For the meantime, Kumain ka muna. May nabili akong hamburger sandwich sa palengke."
"Talagang kakain Ako. Sobrang kumalam Na yong tiyan ko."
"Halika sa labas. May uwi akong humburger sandwich at barbecue."
Maganang kumain Siya. Anim na pirasong humburger sandwich ang dala-dala Ng lalaki.
Ang ipinagtataka Niya ay kung bakit sa halip na plastic ay sa table napkin nakapabalot Ang humburger at saka malalaki iyon kumpara sa mga pangkaraniwang ibininta sa palengke.
Pati Ang barbecue ay Hindi mukhang binili sa palengke. Parang lutong Bahay at malalaki Ang mga hiwa non.
Pero kong ano man Ang mga punang nasa isip Niya Ng mga sandaling iyon ay nilamon na Ng matinding gutom.
Habang kumakain ay nililinga parin Niya Ang kapaligiran Ng Bahay. Masinop iyon. Hindi mo masasabing simple kundi elegante.
Naisip Niya kung may kasama bang ibang tao Ang lalaking ito sa Bahay na ito. Kung Wala ay BAkit ganito itong kalinis at kasinop?
"Dito kaba talaga nakatira?" Tanong Niya rito
"Yah.." wari ay confident na tugon nito.
"M-May kasama ka?"
"Wala. solo flight lang Ako."
"Talagang Wala kang kasama rito?halimbawa ay gf or ka-live in."
"Honest, Wala."
Pwede ba 'yon? Napakaimposible naman yatang Siya lang mag-isa Ang kumilos sa Bahay na ito, Hindi kumbinsidong saisip Niya.
"Siyanga pala, aalis uli Ako dahil may mga kakausapin Ako. Habang Wala Ako ay bahala ka na sa Bahay. Huwag kang magbubukas Ng pinto, ha, I-lock mong lahat Ang mga bintana. And...kung may panahon ka ay maglinis-linis ka Ng Bahay. Ayoko Kasi Ng marumi rito. And you can cook anything you want . May mga stock na sa ref." Mahabang bilin nito.
Muntik na Siyang ma-imbyerna.
"Feeling Niya ay Isa Siyang katulong na binilinan Ng amo. Imagine, inuutusan Siyang maglinis Ng unggoy na ito?
Porke't napatira Siya sa Bahay nito at napakain ay Ang lakas Ng loob nitong mag utos! Hindi nga Siya naglilinis sa Bahay nila at senyorita Siya roon. Tapos dito, bigla Siyang tagalinis at taga luto.
Pero Wala Siyang magagawa kundi Ang makisama.
Nakadepende siya sa lalaking ito for help. Mayroon na Siyang utang na loob na dapat pagbayaran at gantihan Ng kabutihan.
Pagkakain ay tumayo na ang lalaki, akay Si Jaywon sa salas. Feeling boss talaga at Siya Ang itinalagang magligpit Ng kinainan.
"Can I call you Tito Jaylord?" Narinig Niyang tanong ni Jaywon.
"Of course, Jaywon."
"Matagalan ba kami rito Ng mommy ko?"
"Depende"
"BAkit depende?"
"Pag tumila kaagad Ang ulan at gumanda ang panahon, makakaalis na kayo rito, pag Hindi, dito muna kayo."
" Sana po huwag muna tumila Ang ulan."
" BAkit?"
"Masarap po dito. Malamig at saka binibigyan po ninyo Ako Ng mga laruan."
"Marami pa akong ibibigay sayo."
"Sabi po NYo marami kayong pets?"
"Marami talaga. Kaya lang ay malayo rito Ang kinalalagyan nila."
"Anu-ano po Ang pets ninyo?"
"Mayroon akong alagang kabayo, at saka mga ibon."
"Talaga po?"
Tumango Ang lalaki.
"Marunong po kayong mangabayo?"
"Marunong "
"Gusto ko pong makasakay Ng kabayo."
"Hayaan mo. Pag gumanda ang panahon ay ipapasyal Kita sakay Ng kabayo."
"Yippee,!"
Pumalakpak ito at saka tumingin sa kanya.
"Mommy, makakasakay na Ako sa Buhay na kabayo! Hindi kagaya doon sa kabayo sa carnabal na Hindi gumagalaw!"
Gusto sana niyang sabihin sa pamangkin na Hindi mangyayari na makakasakay ito Ng kabayo dahil aalis na sila kaagad sa Lugar na ito once na gumanda na ang panahon.
Pero ayaw nyang sirain Ang excitement ni Jaywon .
"Pagkuwa'y naligo Si Jaylord.Nagsuot ito Ng jacket at saka umalis.
" Have a nice sleep tonight. Matulog kayo Ng mahimbing ngayong gabi ."
"B-Babalik ka paba?"
"I'm not sure bahala na."
"Iiwan mo kaming dalawa ni Jaywon dito?"
Parang gusto niyang pigilan ito na umalis pero nakakahiya naman yata. Ano Ang karapatan Niya?"
"Huwag kang mag-worry. Walang gagalaw sa inyo rito. Pero mag lock lang kayo Ng pinto para sugurado."
Wala Raw gagalaw pero kailangang mag lock kami Ng pinto at mga bintana.
Nang makaalis Si Jaylord ay nagliligpit-ligpit Siya sa loob. Wala namang gaanong dumi roon Kungdi mga alikabok. Binisita Niya Ang Ang refrigerator at nagtaka Siya Ng makitang puro frozen food ang laman nito pero mga WAlang label kung saan binili.
It seems, Hindi galing sa palengke ang mga pinamili ng lalaki.
Nahihiwagaan Siya kung paanong nakakakuha Ng mga pagkain ang lalaking iyon.
Dumumi na naman Ang isip Niya. Hindi kaya ito Ng mga tao at pwersahang nanghingi Ng stocks sa mga iyon?
Hindi talaga mukhang binili sa supermarket o sa palengke ang mga dala nitong frozen foods. Bale ba ay iisa Ang kulay Ng plastic na Balutan agn mga iyon. Para talagang may pinanggagalingan na iisang Lugar o tao.
Bakit ko ba kukuntrahin Ang utak ko sa kakaisip. Ang importante ay ligtas kami ni Jaywon.
Nakalimutan na niya Ang nakakaawang nyang sitwasyon sa Dami ng ginagagawa Niya Ng hapong iyon.
Nagpalit Siya Ng mga kubre-kama at punda. Nagwalis at naglampaso Ng sahig.
Talagang kinarir Niya Ang pagiging maid Ng araw na iyon. Halos itaob Niya Ang buong kabahayan para lang huwag mainip.
Kinagabihan, napilitan Siyang magluto kahit na Hindi naman Siya nagluluto sa Bahay nila. Marunong Siyang maglinis at maglaba pero Hindi Ang mag luto.
May Nakita Siyang Isang Balot, na tila manok sa tingin Niya at ibinabad iyon sa tubig. Bahala na kung Anong luto Ang magagawa Niya roon. Habang hinihintay Ang palambot Ng Karne at tiningnan Niya Ang kalderong saingan.
"Wala Ng laman. Napalakas yata Ang kain nila ni Jaylord. Heto pa Ang problema . Hindi Rin Siya marunong mag saing. Bahala na. Basta sa nakikita Niya sa mommy Nya ay hinuhugasan Ang bigas at saka isasalang sa kalan.
Ginawa Niya Ang inaakala niyang Tama. Hanggang sa kumulo Ang sinaing. Binuksan Niya at nanlumo Ng makitang Ang daming sabaw Ng kanina tinakpan Niya uli.
Pero nangamoy sunog na iyon,makalipas Ang ilang minuto. Binuksan uli nya. Basang basa parin iyon na parang nilugaw pero sunog na Ang amoy.
Pinatay Niya Ang apoy. Nag worry kong ano Ang gagawin.
Naisip Niya Isalang uli Ang kanin at hinaan Ang apoy . Subalit mahabang uras na Ang nakaraan ay Ganon parin Ang sinaing Niya. Malabsa at lalong nangamoy sunog .
Inalis Niya iyon sa pagkakasalang. Hinalo Ng hinalo. Mistula talagang nilugaw na malapot iyon.
Tinikman Niya at naibuga iyon nang malasahang bigas pa iyon. Hindi pa gaanong naluluto Ang kanin in short Hindi luto!
Nakagat Niya Ang hintuturo . Hindi na kaya Ng powers niya kung ano Ang gagawin sa iniluto niyang kanin.
Noon ay lumambot na Ang karneng nakabalot sa plastic na kulay green. Inilabas nya iyon at isinalin sa Isang lalagyan.
"Bigla Siyang napatili nang Makitang mga palaka, pala iyon.
Nangkandaduwal Siya.
Ang hudas na iyon! At pakakainin Ako Ng palaka? Ano Ang palagay nya sa akin? Eat all you see?
Napangiwing Ibinalik nya Ang mga nagkahiwa-hiwalay Ng palaka sa lalagyan. Malinis na iyon. Wala Ng ulo. Pero kadiri Ang pakiramdam Niya.
Sa pagkakaalam Niya ay kabilang ito sa mga exotic foods na naise-serve sa ilang malaking restaurant sa manila pero kahit na Minsan ay Hindi sila Nag try na magkaibigan na Kumain nito.
Hindi kaya Ng bituka nila.
Nawalan na Siya Ng gana. Ang inaalala Niya ay kung ano Ang ipapakain kay Jaywon? Hindi pweding puro Dede na lang ito maghapon. Naghahanap Rin ito Ng solid foods.
Naghalungkat Siya sa mga stocks sa cabinet at nakakita Ng noodles.
Iyon, nalang Ang niluluto Niya.
Instead na lucky Me na Siyang brand Ng noodles na Nakita Niya ay tinawag niya iyong lagi me.
Lagi nalang Mami.
Awang -awa Siya sa kanyang sarili. Never Siyang nag ulam Ng noodles sa uras Ng hapunan. Pero Ngayon ay naririto Siya sa Isang sitwasyong Hindi nya kayang labanan o pintasan.
Buti Nga kahit noodles ay meyroon kesa Wala. Baka namatay kami ni Jaywon na dilat.
NAGNGANGALIT parin Ang panahon.
Wala na yatang Planong tumigil Ang ulan na ito. Buti nalang at mataas na Lugar itong kinaroroonan Namin. kung Hindi ay baka lumubog narin kami.
Subrang lakas parin Ang ulan na sinamahan pa. Ng malakas na hangin. Ni Hindi nya magawang sumilip. Naisip Niya kung babalikan paba sila ni Jaylord? Dapat naman silang balikan . Nakakatakot sa Lugar na ito.
Kahit pa Maganda Ang kinaroroonan nilang Bahay. The fact na WAlang katau-tao at nag iisa yata ang Bahay na ito sa napakalawak na Lugar na ito ay Hindi naman masarap Ang pakiramdam Niya rito.
At lalong Hindi Siya makakatulog Ng mahimbing sa katotohanang dalawa lang sila ni Jaywon dito. Sana naman ay makonsensiya Ang lalaking iyon at magbalik kaagad.
Nag alala pa Siya na baka biglang mawalan Ng ilaw. Iyon Ang nagtulak sa kanya para humanap Ng kandila. Pero Wala siyang Nakita. Nakaisip Siya Ng paraan . Iyon Ang ginagawa Ng mommy Niya pag Wala silang kandila. Gumawa Siya Ng ilawan Ang Pinaka base ay asin.
Tamang Tama may nakita Siyang asin sa cupboard. May lumang cooking oil Rin doon at iyon ay isinalin Niya sa asin na nailagay nya sa Isang mug swerte na may posporo at may Nakita siyang bulak sa loob Ng Bahay.
Binalot Niya Ang ulo Ng Ilang palito Ng posporo Ng bulak. Ang Isa ay itinusok Niya sa gitna Ng asin na lubog sa mantika. Dinala Niya iyon sa kwarto nila.
Mabuti Ng handa Siya kung sakaling mwalan Ng ilaw.
Patuloy Ang pagsusungit Ng panahon. Naalala Ang kanyang Ina at mga Kapatid . Gayon Rin Ang kanyang mga kaibigan . Tiyak na nag- alala ang mga iyon sa kanya Ngayon, lalo pa at Hindi na Siya makakasagot sa mga text messages Ang mga iyon.
Natulog na Ng mga sandaling iyon Si Jaywon matapos niyang pakainin Ng noodles. Nahiga Siya sa tabi nito at pinilit Ang sarili na matulog . Sanhi marahil Ng pagod at lamig Ng panahon ay nagawa Niyang makaidlip.
NAALIMPUNGATAN Siya sa malakas na galabog sa labas.
Parang binabayo Ang bubong Ng Loghouse . Wari ay may nagliliparang kung ano-ano sa paligid at Hindi Niya magawang sumilip sa tindi Ng takot na nararamdaman.
Tiningnan Niya Ang uras sa wall clock na nakasabit sa loob Ng kuwarto.
Alas onse na pala ng gabi. Mukhang Hindi pa sila binalikan ni Jaylord. Sa tindi Ng panahon ay baka hindi na nga ito makabalik.
Naiiyak siya sa magkahalong takot at kaba. Kinapa Niya Ang gaserang ginawa at Ang posporo sa ilalim Ng hihihigaan.
Huwag naman sanang mamatay Ang ilaw.
Pero Hindi pa Siya natatapos umusal Ng dalangin ay biglang magdilim Ang paligid.
Nangyari na Ang kinatatakutan Niya. Nagdidilim na Ang buong kabahayan sanhi ng pagkawala Ng koryente.