Natatanaw na Niya Ang matarik na daan na tinutukoy nito at pataas na Ng pataas Ang tinatahak nilang daan.
Umaangil Ang makina Ng sasakyan sa pakikipaglaban sa malagkit at putik na daan.
Noong una ay parang kaya niyang tiisin Ang pagkahilo, pero Ng maramdaman Niya na para silang nakasakay sa caterpillar at parang bibinit pabagsag sa likuran ay natakpan Niya Ang Mukha.
"S-saan Ako kakapit"? Natatakot na tanong Niya Kay Jaywon.
Napahalakhak Si Jaywon.
" 'yan Kasi .Masyadong ma -pride. Sa braso ko Ikaw humawak. Huwag kang mahiya, Ituring mo na akong boyfriend mo kunwari," parang nakakalokong wika nito.
Tama Si Jaywon. Ma pride nga Siya. Pero sa pagkakataong ito ay nilulon Niya Ang lahat ng pride na Meron Siya. Mahigpit Siyang humawak sa bisig nito habang yakap Ng mahigpit Si Jaywon na noon ay inaantok nanaman.
Hindi lang 'yon. Sumubsob pa Siya sa balikat nito sanhi ng matinding takot.
NAWALA Ang pukos Niya sa takot na nararamdaman.
Ang atensiyon Niya ay natawag sa mabangong balikat Ng lalaki kung saan nakaduldol Ang nguso Niya at ilong.
Panay Ang singhot niya at aminado Siya na Ang sarap sa ilong Ng amoy nito.
Mabango pa yata sa akin Ang lalaking ito. Grabe Ang bango. Ang sarap amoy- amoyin, pilyang sa isip Niya.
Hindi nya alam kung gaano Siyang katagal na nakasubsob sa balikat nito.
At Hindi Rin Niya kaagad na namalayan na Hindi na sila parang nakabitin. Bagkus, parang Normal na Ang kinaroroonan nila.
Dahan-dahang inangat Niya Ang Mukha at pinagmasdan Ang dinaraanan. Bagamat Wala Siyang halos maaninag sa dilim Ng daan dahil sa malakas na ulan ay nararamdaman niya na nasa patag na daan na sila uli bagama't baku-bako parin.
Parang napapaso na bigla Siyang napabitiw sa bisig Ng lalaki.
"Akala ko ay nakatulog kana sa balikat ko."
Hindi Siya kumibo. Medyo napahiya Siya sa delayed na pagkalas Niya sa pagkakahawak sa lalaki.
Grabe. Nakakahiya Siya kung mababasa uli Ng lalaking ito ang Iniisip nya. I hope not.
Imagine, nawala Siya sa sarili dahil sa bango Ng lalaki na tila bay inaakit Siya nito.
"M-malayo paba Tayo?" Sa halip ay tanong Niya .
"Mga Kalahating uras pa."
"N-Nakatakot naman itong dinadaanan natin. Wala bang mga taong labas dito?"
"This place is a private property. Kaya Hindi ka dapat kabahan."
"Paano mong nalaman Aber?"
"Kilala ko Rin Ang may -Ari nito."
"Ang Dami mo palang Kilala rito. Pati 'yong police kanina ay Kilala karin yata."
Napangiti lang Si Jaylord.
Pero Wala parin Siyang nakikita kungdi pawang mga sanga at dahon na nakaharang sa daraanan nila.
Nakakaba parin Ang daan kahit na sinabi ng lalaking ito na private property Ang Lugar na ito.
Sumasagi sa isip nya na kung may kaharang sa kanila rito at pagtangkaan sila Ng masama ay Wala silang kalaban-laban.
Halos Hindi nya magawang ikurap Ang mga mata habang naiinip na naghihintay sa katapusan Ng makipot na daang 'yon..
Hanggang sa wakas ay narating nila Ang pinakadulo Ng makipot na daan at inuluwa sila sa Isang patag at malawak na lupain na punum-puno Ng mga tanim na punong kahoy at mga bulaklaking halaman.
Sa di kalayuan ay may Nakita Siyang Isang bahay na tila Loghouse sa paningin nya.
"Sa Bahay na iyon Ako nakatira," pagkuwa'y sabi Ng lalaki.
Huminto sila sa tapat Ng nasabing Loghouse . Tahimik na Tahimik iyon at tila WAlang tao.
"Stay here. Kukuha lang Ako Ng payong ," wika Ng lalaki.
Nagtungo Si Jaylord sa likuran Ng Bahay at pagbalik ay may dala na itong malaking payong na nasa pakiwari nya ay gamit Ng mga tindero sa Divisoria.
Inalalayan siyang makababa nito. Kinuha sa kanya Si Jaywon na Ngayon ay tulog, pagkatapos ay binuksan nito Ang. Bahay.
"Come in, walang multo diyan," pagbibiro nito.
Atubiling pumasok Siya pero nanginginig na Siya sa ginaw na dulot Ng ulan at malamig na hangin.
Simpling Loghouse ang Bahay na bumugad sa kanya. May maliit na Sala at may roon ding Sala set na yari sa log.
Napansin Ng dalaga na halos lahat ng materials sa kabuuan Ng Bahay at mga furnitures are made of logs or Hard woods.
"May Comfort room ba dito?"
" Sa bedroom. halika at nang maihatid narin si Jaywon roon,"
Malinis, na bedroom Ang bumulaga sa kanya. Mukhang malinis at mabango pati na Ang Terno-ternong mga gamit sa kama katulad Ng; kumot at mga unan na naroroon.
"Ayusin mo Si Jaywon at kuKunin ko pa Ang ibang mga gamit sa sasakyan," anito.
Napabuga Siya Ng hangin nang mapag Isa.
Ano ba itong nasuutan nila ni Jaywon? Naririto sila Ngayon sa Isang lib-lib na Lugar at Hindi Niya alam kung ano Ang kapalaran na naghihintay sa Ka nila.
Wala Siya ni singkong duling sa bulsa, walang cellphone, walang damit , walang pagkain.
Nakakaiyak Ang sitwasyong kinasadlakan Niya pero Wala na Siyang magagawa kung di Ang magpapasalamat at umaasa sa mercy Ng lalaking ito, na sa kanyang palagay hindi naman ito manyakis.
Dumadagundong parin Ang lakas Ng patak Ng ulan at Hindi nya alam kung ano Ang kahinatnan Ng lakad nila. Mukhang pati Ang panahon ay tutol sa kanyang mga binabalak.
Wish lang Niya ay makatawag sa cellphone para makausap Ang Mommy nya at makapagpadala Siya Ng Pera. Kung may may banko man rito ay Wala naman Siyang ATM Card para makuha Ang Pera.
Pinanghihinaan Siya Ng loob . Idagdag pa Ang takot na nararamdaman Niya para sa taong kumukupkop sa kanila Ngayon.
Kahit na gwapo ito ay Hindi parin Siya nakakatiyak kung mabait nga ito. Baka takas na criminal ito o kaya ay pinuno Ng mga taong labas.
Lagot na sila ni Jaywon kapag nagkataon. ayaw na nga sanang ipasama Ng Ina Si Jaywon pero Siya Ang nagpilit. Kapag may nangyaring masama sa kanila ay WAlang Ibang sisihin kungdi Ang kanyang sarili.
Inilapag Niya Si Jaywon sa kama. Kanina pa Siya naiihi pero bago iyon ay in lock Mona Niya Ang pinto, mahirap na.
Nasa loob pa Siya Ng Cr nang makarinig Siya Ng mga katok.
Bwisit namang lalaki ito. Umurong tuloy Ang ihi ko.
Tila ayaw tumigil sa kakakatok Ang lalaki.
Lalo namang nauudlot Ang pag-ihi Niya. At last ay lumabas Rin iyon matapos niyang mag-concentrate sa ginagawa.. inis na inis na lumabas Siya at binuksan Ang pinto.
"Hindi ka makapaghintay! May ginagawa Ang tao sa loob Ng kubeta ,eh!"
"BAKIT lubid na ba 'yan?"
"Nag -jingle lang po Ako ano!"
"Ibigay ko lang ito, o. Magbihis ka at maligo. May hot and cold water sa banyo. Maghahanda lang Ako Ng makakain natin," anito.
Inabot Niya Ang mga plastic na dala nito. Hinila naman nito Ang pinto.
Naupo Siya sa gilid Ng kama at sinilip Ang mga laman Ng supot. Nagulat Siya nang makitang halos gamit Na pambabae Ang mga iyon. May mga damit at mga underwear. Mayroon ring para Kay Jaywon. May kasama pang tsinelas at step-in.
Pati lotion At mga gamit na pampaganda ,pampabango ay Meron din.
Baka ninakaw lang nito Ang mga ito sa supermarket na dinaanan Namin, ah. At saka BAkit ba niya Ako binili nito?
Dumumi na ang kanyang isipan at naglalakbay na iyon sa malayo.
Naisip Niya na baka may balak talagang masama Ang lalaking ito.
Baka nga Isa itong kumander Ng mga taong labas at balak Siyang gawing Asawa kaya Siya iniuwi rito at ibinili Ng mga damit.
Hindi Siya magtatagumpay. Akala Niya siguro maiisahan Niya Ako. Subukan lang Niya akong pagtangkaan Ng masama at manlalaban talaga Ako.
Pero ano naman Ang ipanlalaban Niya? Wala ngang natirang gamit sa kanya kungdi Ang suot Niya.
May tirgas Siya pero nakasama iyon sa bag na na-holdap.
Naglikot Ang kanyang mga mata at naghahanap Ng magagamit na pang self-defense sa kuwartong iyon Hanggang sa mapako Ang mga mata Niya sa Isang wooden figurine Ng kabayo. May matutulis na bahagi iyon, lalong lalo na sa buntot Ng kabayo.
Mabilis na kinuha Niya iyon at itinago sA ilalim Ng kutson.
PAGLABAS niya Ng banyo ay mabangong amoy Ng noodles Ang sumalubong sa kanya.
Ngayon Siya ay nakaramdan Ng pangangalam Ng sikmura. Nagmamadaling nagsuklay Siya Ng buhok at nagpahid Ng lotion na binili ni Jaylord.
Mabuti naman at nahihimbing parin Ang tulog ni Jaywon.
Sa labas ay patuloy parin Ang pagsusungit Ng panahon. nakasuklay na Siya. Naghihintay na lang na tawagin na Siya Ng lalaki sa labas para Kumain.
Pero napantot na Siya sa kakahintay ay Hindi parin ito tumawag.
Aba't Hindi na yata Ako pakakainin Ng lalaking iyon, ah.
Napilitan Siyang labasin ito pero Wala ni anino Ng lalaki roon.
Nakasara Ang mga bintana Ng pinto. Sumilip Siya sa labas. Wala Ang sasakyan Ng lalaki.
Natutop nya Ang dibdib. Inaatake na Siyang talaga Ng kaba. Saan nagpunta Ang lalaking 'yon? Iniwanan silang dalawa ni Jaywon sa Bahay na ito na nasa gitna Ng lib-lib na Lugar?
Kahit na magsisigaw siya rito at ubusin ang boses Niya ay tiyak na wala silang kalaban-laban kung may sasalbahe sa kanila.
Sa mesa ay napapansin Niya Ang isang tasang Malaki na may takip. Binuksan Niya iyon at Nakitang noodles Ang laman nito. Mainit pa iyon at halatang bagong luto.
Ibig sabihin ay kaaalis lang Ng lalaki.
Pero BAkit Siya iniwan ni Hindi ito nagpapaalam sa kanya?
Naisip Niya , baka naman isinoli Ang sasakyan. Kaya lang, Ang lakas-lakas pa Ng ulan sa labas at Hindi parin tumigil. Paanong makakabalik Ang lalaking iyon kung Wala itong sasakyan?
At kung lalabas ito ay tiyak na matatagalang bumalik.
Napasilip Siya sa labas. Halos magdilim Ang langit dahil sa nagngangalit na panahon. Ang lalaki Ng patak! Ng ulan. Parang mga batong maliliit Ang bumubuhos sa yero Ng kinaroroonan nilang Loghouse.
Nawalan Siya Ng ganang Kumain. Takot Ang humahalili sa gutom na kanina lang ay nararamdaman Niya.
Ang ginagawa Niya ay pumasok uli sa kwarto at tumabi Kay Jaywon sa kama.
Napaiyak nanaman Siya. Kung Meron Mang dapat na sisihin sa nangyayaring ito sa kanya, ay WAlang iba kundi Siya talaga.
Ano na ba Ang naghihintay sa kapalaran sa kanila ni Jaywon? Ang hirap Ng sitwasyon Niya. Ni Hindi nya alam kung paano sila makakauwi ganitong wala silang Pera
O, kung makakauwi pa ba sila?
Pinilit niyang itulog Ang takot Ang alalahaning gumugulo sa kanyang isipan Ng mga uras na iyon.
MGA IYAK ni Jaywon Ang gumising sa kanya.
"Mommy!" Wari ay nanaginip na IYAK nito.
"Jaywon!"
"Mommy.... Anito habang nililinga Ang paligid . Wari ay namamahay ito pero saglit na tumigil nang may namataan.
Bumaba Buhat Sa kandungan Niya Si Jaywon habang naka tunghay sa bagay na naging pokus Ng mga mata nito.
Mga laruan Ang nasa sahig at tumawag Ng pansin ni Jaywon. Halatang mga bagong bili iyon dahil naka plastic pa.
Napaahon Siya sa kama.
"Mommy, It's a Car and look! There is a robot." Tuwang-tuwang wika Ng bata.
"Nandito na kaya Siya?
It's a sign of relief for her na may kasama na sila ni Jaywon sa Lugar na ito.
"Kayo po Ang bumili nito?" Nangingislap Ang mga matang sabad ni Jaywon. Halatang natuwa ito sa mga laruang Nakita.
Tumango Ang lalaki,
"Marami pa Yan. Hindi ko lang nadalang lahat,"
"Ano Ang ibig mong sabihin na Hindi mo nadala? BAkit? Saan ba galing Ang mga laruang iyan?"
"Of course binili."
"Eh, BAkit mo sasabihing Hindi mo nadala lahat.'"
"Marami na Kasi akong dala. Next time,bibitbitin ko pa ang iba."
"Saang nanggaling? Saan mo kuKunin?" Curious na tanong Niya.
"Syempre sa palengke uli," sagot nito.
Naguguluhan na siya sa mga pinagsasabi Ng lalaki. Parang may mga nakatagong sickreto sa likod Ng mga salitang binibitiwan nito.
"Hindi ka pala Kumain. Lumamig tuloy Ang noodles," sita nito sa kanya.
"Natatakot Ako nang Malamang Wala ka. Saan ka nagpunta?" Pagtatapat Niya rito.
"Lumabas uli. Wala palang stock sa ref . Baka matagal Ang ulan ay Wala tayong kainin. Namili Ako ng kaunti sa bayan."
"Hindi ba at baha na sa daraanan mo? Paano kang nakapunta ng palengke?" usisa Niya.