Etherous Natsu Dragneel
Hindi ako makapaniwala na nakilala ko na ang mate ko. Unang kita ko palang sa kanya alam ko na sya ang mate ko. I have this curse hindi alam ng magulang ko kung saan ba nagmula. They even seek for witch pero kahit sila hindi alam kung saan nagmula ang sumpa na ito.
Nang dahil nakita ko na ang mate isa lang ibig sabihin nito. Nalalapit na ang kamatayan ko o nang isa sa amin ng mate ko. Kapag ni - reject ko sya mamatayan naman sya, pareho lang kapag nireject nya ako, ganon lang din ang mangyayari sa akin. Kapag pinili naman namin magkasama o magkalayo nalang, iisa lang ang kakalabasan. Kamatayan. Hindi ko alam kung bakit pa kami pinagtagpo, kung hindi rin naman pala kami para sa isa't isa.
"Alpha?" Biglang tawag sa akin ni Gajeel, the gamma.
"Gajeel, magsama ka ng ilang magagaling na pack guard, bantayan nyo ang palagid nung bisita ni Zeref. Sa malayo lang dapat kayo yung hindi nya malalaman na binabantayan nyo sya." Utos ko bigla sa kanya.
"What for?"
"Just do it." Utos ko dito. Alam kong nagtataka sya pero dahil wala pa akong balak magsalita kung bakit ko nga ba pinag uutos ang bantayan ang isang tao. Bigla akong napatingin sa may bintana nakita ko sya kasama ang kapatid ko. They seems so close to each other. Pinapanuod ko lang sila. I saw her holding a sword na para bang hinahamon si Zeref.
"One match! I'll beat you, Zef." Rinig kong sambit ni Lucy.
"You can't beat me, I'm a Werewolf." Sagot naman sa kanya ng kapatid ko saka kumuha na rin ng espada.
"So, i am a mortal being." Rinig kong tugon ni Lucy.
"Oh really? Tao ka nga ba?" Rinig kong tanong ni Zeref na may halong pang aasar.
Kaya naman nagtaka ako sa ibig sabihin nya.
"TAO AKO!" Sigaw nyang bigla kaya naman yung mga lobong nakakarinig ay nagtataka. Kasabay ng pagsigaw ni Lucy ay syang sugod nya kay Zeref.
"Have you ever tried fighting with a sword?" Tanong ni Zeref.
"Nah, this is the first time. But, I'm gonna show to you, na matatalo ka ng isang tao. Hahaha" umatake naman ni Lucy at sapag atake nyang ito hindi nasangga ni Zeref natamaan sya. Para bang alam ni Lucy ang bawat galaw ni Zeref.
Marami na ring nanunuod sa kanilang dalawa, kahanga hanga sa isang tao na kayang sumabay sa aming mga lobo. Para bang hindi kapani paniwalang unang pagkakataon na makahawak sya ng espada. Nilibot ko ang tingin ko sa mga nanunuod nakita ko ang hinahanap ko.
"Droy,sumali ka sa dalawang yan. Atakihin mo si Lucy sa likod." Utos at mindlink ko kay Droy na sa aming dalawa lang.
"Pero Alpha, tao sya baka ... Ano ?" Alanganing tugon nya sa akin.
"Hindi yan. Wag mong pupuruhan si Lucy at baka mapatay pa kita kapag may sugat yan." Saad ko sa kanya.
"Ay sya alpha, hindi ko na susundin ang utos mo. Mate mo ba sya?" Tanong nito sa akin.
"Just do it." Sagot ko sa kanya pero hindi ko sinagot ang tanong nya.
"Silence means yes. We'll wait until you'd say something to us." Tugon naman nya sa akin.
Hanggang nakita ko na syang umaangulo para makahanap ng butas para makaatake kay Lucy. Habang busy ang lahat sa panunuod sa dalawang naglalaban hindi nila napapansin si Droy na palapit kay Lucy. Pati ang sarili kong kapatid hindi napapansin si Droy. Kitang kita ko kung paano yumuko o para bang umiwas sa atake ni Droy at Zeref si Lucy. Sumabay kasi sa timing si Droy sa pag atake ni Zeref kaya naman pareho nyang naiwasan yun saka sinipa ni Lucy si Droy patalikod para ma out balanced ito papunta kay Zeref. Para bang pinagplanuhan nyang mangyari yun dahil kitang kita ko mula sa kinakatayuan ko ang pagngisi nya. At dahil parehong nahulog sya sa lupa ang dalawang kalaban nya.
"Oh, paano ba yan? Panalo ako!" Masayang saad ni Lucy sa dalawa.
"Bakit ka ba bilang sumali Droy? Natalo tuloy ako." Paghihimutok ni Zeref kay Droy na wala namang kasagot sagot sa tanong ni Zeref.
"Nah ah, kahit naman hindi sya sumali, talo ka pa rin." Mapang asar na sabi ni Lucy.
"Madaya ka kasi, tao ka ba talaga?" Iyamot na paghihimutok ng kapatid ko.
"Sabing TAO NGA AKO! BWISIT NA TO!" Asar na sagot ni Lucy sa kapatid ko.
Nakita kong lumingon si Lucy sa kinaroroonan ko. Kitang kita kasi sa bintana ng office ko ang kinaroroonan ng training area. Nakita ko syang ngumiti sa akin na para bang sinasabi nya sa akin sa ngiti na iyon na alam nya kung ano ginawa ko. But, how?
"Alpha, ikaw ba ang nag utos kay Droy na sumali?" Biglang tanong nang nilalang nasa opisina ko pa pala.
"Anjan ka pa rin akala ko umalis ka na." Saad ko dito.
Umiling iling ito sa akin
"Nawala ang pokus mo sa akin, biglang nasa iba na pala ang focus mo eh." Saad sa akin ni Gajeel.
"Ah, isama mo si Droy sa pagbabantay kay Lucy." Saad ko sa kanya.
"Kelangan pa ba nya ng bantay? Para naman hindi sya tao kung paano sya kumilos kanina." Sagot nito sa akin.
Hindi ko na sya pinansin pa. Ibinalik ko ang aking atensyon sa mga papeles na nasa lamesa ko.
Zeref Dragneel
Hindi ko inaakala na matatalo nga ako. Ang bilis nyang makita ang lahat mukhang hindi basta basta ang abilidad ang meron sya. Ang malaman ang gagawing atake ng kalaban ay hindi basta basta mababasa ng kahit na sino kung hindi ka bihasang bihasa sa pakikipaglaban.
"Lu, I'm sorry" saad ko sa kanya.
"For what? For asking me again and again about me being a mortal?" Pahayag nya sa akin. Tumango lang naman ako mula sa kanya.
"That's fine." Ang bait nya talaga. Ang swerte ng kapatid ko at sya ang mate.
"Have you found a solution about that thing?" Tanong ko sa kanya.
"Not yet. Maybe in other time." Tugon naman nya sa akin.
I stopped myself from asking. Kasi kahit hindi nya ipakita ay alam kong nasasaktan sya. They can't be a normal mates like everyone else. But please, moon goddess, help them.
***
"Zeref, may pinapasabi ang alpha." Biglang sabi sa akin ni Mirajane. Kaya naman napatingin ako dito.
Si Mirajane kasi yung palaging nag aalaga sa pack house eversince natigil sya sa pagiging assassin. She and two siblings are assassins pero dahil sa isang mission dalawa nalang silang bumalik.
"Dinner, bago ka raw umalis para bukas. At isama mo si Lucy." Sambit naman nito. Tumango lang ako sa kanya at nagpasalamat.
Papasok na dapat ako ng bahay ko ng makita kong palabas na si Lucy susundin ko na dapat sya para papunta sa pack house. Kaso ayan na sya.
"Okay, let's go." Sambit nya sa akin.
Umiling iling lang ako sa kanya saka kami naglakad na papunta pack house. Habang naglalakad kami napapansin kong may sumusunod sa amin. Para bang binabantayan kami para saan? Mejo pasimple akong lumingon nakita ko si Gajeel at Droy at tatlong mga pack warriors. Mukhang pinapabantayan ni kuya si Lucy. Kaya naman napatingin ako kay Lucy.
"Alam mo?" Tanong ko dito. Kahit hindi ko ipaliwanag sa kanya ang ibig kong sabihin ay alam kong naiintindihan nya ako.
Tumango lang naman ito sa akin.
"Yeah, pero hindi nila alam kung bakit. May haka haka pero walang may gustong magkompirma." Sagot naman nito sa akin. Tumango tango lang naman ako sa kanya.
"Sabagay, you know everything, hindi ka kasi tao." Sambit ko sa kanya saka kumaripas ako ng takbo. Na alam kong hindi nya ako mahahabol. Ang sarap pikonin. Dun naman kasi sya maiinis kapag sinabihan mong hindi sya tao.
"YAAAAAAAAH! ZEREF HUMANDA KA SA AKIN KAPAG NAABUTAN KITANG HAYOP NA ASO KA!!!!!" Sigaw nya sa akin. Pero hindi naman sya tumakbo kasi nakita kong bigla syang sinabayan nung lima.
Lucy Heartfilia
Bwisit na Zeref talaga yun pero alam ko naman na pinipikon lang nya ako. Di pa rin nya kasi matanggap na natalo ko sya. Kaya naman napasimangot nalang ako habang naglalakad. Napansin ko naman na may sumabay sa akin. Si Gajeel at yung inutusan ni Alpha Natsu na sumali sa amin ni Zeref. Alam ko naman kasi na inutusan lang syang sumali. At tatlo pa na pack warriors na hindi ko kilala. Alam kong inutusan sila ni Alpha Natsu na bantayan ako. Hindi nga lang din nya sinabi kung sino nga ako sa buhay nya, ano nga bang meron sa akin kung bakit nila ako babantayan.
"Gajeel, pupunta rin ba kayo sa pack house?" Tanong ko sa kanya.
"Yes, Lucy." Tugon naman nya ulit.
"Hi, Ako nga pala si Droy." Pakilala naman nya at saka iniabot nya ang kanyang kamay kaya napatigil sya sa paglalakad.
"I'm Lucy." Saka ko tinanggap ang kanyang kamay opkors tumigil na muna din ako sa paglalakad.
"If you make decisions, don't make the right choices, make it wrong. Hindi sa lahat ng oras tamang desisyon ang gagawin o pipiliin mo." Makahulugang sambit ko sa kanya bago ko binatawan ang kanyang kamay. Kita ko sa mata nya ang panlalaki ng mata nya. Hindi nya inaasahan ang sinabi ko.
"What do you mean?" Tanong pa nya sa akin pero hindi ko na sya sinagot pa. Tumingin naman ako sa tatlo pa nilang kasama at saka nagpakilala sa kanila.
"I'm Jet"
"Nab"
"Elf Man"
Pakilala nilang tatlo at kinamayan ko naman silang tatlo pero napatigil ako kay Elf man. At eto na naman ako nagsasalita ng kung ano ano. Pero may meaning para sa kanila.
"Brace yourselves. Sooner or later, the one you've lost well make a comeback." Saad ko naman kay Elf man kitang kita ko sa kanyang gulong gulo sya kaya bago pa sya makapagtanong ay naglakad na ulit ako papuntang pack house.
Makalipas lang ilang sandali nakita ko na ang pack house may nag aabang na sa aming magandang babae.
"Good evening, Miss Lucy. I am Mira Jane older sister of Elf man." Pakilala naman nito sa akin.
Ngumiti ako dito saka tinanggap ang kanyang kamay.
"The one you've lost is not the same in the past. Brace yourselves." Sambit ko sa kanya. Saka tumakbo papunta kay Zeref at binatukan ko sya ng malakas.
"Para sa isang nagkkunyaring taong katulad mo ang bigat ng kamay mo." Saad nito sa akin habang himas ang kanyang batok nasaktan.
"Anong kunyaring tao ka jan?" Tanong ko sa kanya.
"Kung ano ano na naman ang lumabas sa bibig mo." Sambit nito sa akin habang nakatingin sa mga nilalang na nasa likod ko.
"Hihihi! Hindi ko mapigilan eh anong magagawa ko." Sagot ko sa kanya.
Third Person POV (Droy)
"If you make decisions; don't make the right choice, make it wrong. Hindi sa lahat ng oras tamang desisyon ang gagawin o pipiliin mo."
"Are you ...? Ahm... Tao ka ba talaga? It's like you're speaking nonsense but ... I don't know ..." Alanganing saad ko sa kanya at the same time kulang kulang na tanong ko dito. Sinamaan nya ako ng tingin at tumawa lang naman ng pagkalakas lakas si Zeref na para bang mas lalong inasar asar si Lucy.
"Iwas iwasan mo kasi Lucy, yung kakasalita nang kung ano anong salita na wala namang ibig sabihin." Saad ni Zeref bigla.
"Walang meaning ngayon, pero in the future, babalik sa isipan nyo ang sinabi ko." Saad ni Lucy.
"Hush! Kaya naiisip ng mga yan na hindi ka tao eh." Zeref.
"Whatever, I'm human." Sagot naman nya sa tanong ko kanina.
"I think something will happen in our future soon." Biglang saad ni Mira sa pack link namin. Bukas nga pala ang packlick namin kaya rinig na rinig ng lahat kung ano man ang sinabi ni Lucy sa amin.