Zeref Dragneel
Paalis na ako hindi ko alam pero parang bang may mangyayaring hindi maganda kapag iniwan ko si Ate Lucy dito sa pack.
Pero nang magtanong naman ako sa kanya. Wala naman daw syang nakita kakaiba na pwedeng mangyari sa akin.
"I assure you, nothing will happen to you." Saad nya sa akin.
"I know that, but .." hindi ko na tinuloy pa dahil na kita kong parating si Kuya.
Nagpaalam naman na sya sa akin.
"Don't worry, ako na muna, i mean kami na muna bahala kay Lucy." Sambit ng kuya ko.
Hindi ko sinabi sa kanya na alam ko ang tungkol sa mate nya, it's not my story to tell.
Tumango lang ako bilang sagot.
Lucy Heartfilia
Sa huling pagkakataon nagpaalam ako kay Zef. Alam ko ang dahilan kung bakit sya kinakabahan hindi para sa sarili nya kundi para sa akin.
Something will happen to this pack. So soon. Hindi ko lang alam kung kelan pero alam kong mangyayari yun.
Nagsisimula na. Kaya hinahanap ako ng Alpha King nang dahil dun.
****
Etherous Natsu Dragneel
Ilang oras mula nang makaalis si Zeref. Nasa opisina ako at ang beta at ang gamma ng pack.
"Anong balita sa mga pack na atake?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
May nagaganap kasing mga pag atake sa Werewolf society. Walang makapagsabi kung ano ba o sino ang kalaban namin.
"Ilang pack na ang na annihilate. My cousin Leandro, nasa pack sya ng mate nya ng ma- annihilate din ito. Nakatakas sya pero may humabol dito para hindi makapasalita kung ano man ang nangyari." Malungkot na pahayag ni Gajeel.
"Dagdagan nyo ang seguridad ng pack. Gawin natin tripleng pagbabantay sa lahat ng borders natin. At sabihin ang lahat na huwag umalis ng mag isa. Kelangan may kasama kung sakali mang aalis." Pagbibigay utos ko sa kanila. Sumang ayon naman sila.
Magsasalita pa dapat ako ng bigla akong napatayo. Nakaramdam ako ng panganib.
"Alpha!" Tawag sa akin ng dalawa.
Agaran kong binuksan ang pack link.
"Everyone, go to the underground facilities. We've been attacked. And take Lucy too." Utos ko sa lahat.
"Pack warriors, be ready! I'll be right there!" Pahabol ko pa sa kanila.
"Yes, Alpha!"
Hindi ako makakapayag na may mangyayari sa mga pinamumunuan ko lalo na sa kanya.
"Alpha, we've been attacked. Northwest border. We need back up." Jet said.
"Southwest border, we need back up!" Nab
"We're coming!" Sagot ko sa kanila.
"Droy be sure okay ang mga nasa underground. Protect them!" Utos ko kay Droy.
"I'll do my best to protect her ... I mean them." Saad nya sa akin.
Pagdating namin sa Northwest, wala kaming nakitang kakaiba. Pero bagsak lahat ng pack warriors na naririto.
"Anong nangyari dito?" Tanong ng pack warriors na kasama.
"Tulungan ang lahat ng sugatan!" Utos ko sa mga kasama ko. Saka umalis na papunta pang ibang borders.
Habang natakbo ako natatanawan ko na agad ang east border na nakabagsak din sila na puno ng sugatan. Walang sensyales na napasok kami ng mga rogues o hindi ko masabi kung ano bang kalaban namin.
"Alpha, nasa south kami pulos bagsak ang mga pack warriors natin dito. Sugatan halos lahat walang maka distinguished kung ano bang kalaban natin." Biglang mind link sa akin ni Grey.
Sasagot na dapat ako ng bigla kaming nakarinig ng pagsabog.
"Alpha, sa underground nanggaling ang pagsabog." Sabi ni Gajeel.
Walang ka tanong tanong tinakbo ko ang papuntang underground. Wala na kaming naabutan duon sa lakas ng pagsabog napaka imposibleng may makaligtas pa roon.
"Alpha, hindi man kapani kapaniwala pero ligtas lahat ng naroroon." Napatingin ako sa pack warrior na kasama pa rin namin.
"Sigurado ka, felix?" Tanong ko.
"Yes, Alpha. Buntis po ang mate ko at alam kong walang nangyaring hindi maganda sa kanila. Pero hindi ko sya ma mindlink. O kahit na sinong pack warriors ang kasama nila." Sagot naman nito sa akin.
Tama sya! Anong nangyayari?
"Kuya!" Biglang tawag sa akin ni Zeref.
"Anong ginagawa mo dito?" Agarang tanong ko dito.
"Bumalik ako kasi dun palang sa dinadaanan ko pulos bangkay na ng mga rogues ang nakikita ko. Hindi mga rogoues ang may gawa ng pagsalakay na ito." Tugon ko.
"Tama po sya. Hindi kaming mga rogues ang may gawa nito, mga demonyo sila." Singgit ng isang rogoues na kasama ni Zeref.
"Who are you?" Tanong ko.
"I am Divina. The Rogue Queen." Sagot nito sa akin.
"I am Natsu the alpha" tumango lang naman ito sa akin.
"Anong ibig mong sabihin na mga demonyo ang may gawa nito?" Tanong ko dito.
"Hindi kami sigurado pero yun ang haka haka namin saka nabalaan kami patungkol sa mga demonyo at nalalapit na ang pagkaubos ng ating lahi." Tugon nito sa akin.
"Anong sinasabi mo? Imposible yan!" Singgit ni Gajeel.
"Yun ang mangyayari sa hinaharap. Alam na ito ng Alpha King." Sagot muli nito sa amin.
"Sinong sinasabi mong nagbigay babala sa inyo?" Mahinong tanong ko dito.
"Si ..." Bago pa nya matuloy ang sasabihin nya ng biglang nakabukas na ang pack link namin lahat.
"Alpha!" Biglang tawag sa akin ni Droy.
"We're fine. Everyone are fine. Thanks to Miss Lucy she saved us!" Saad muli ni Droy sa akin.
"Is Lucy okay?" Tanong ni Zeref kay Droy.
"Yes, she's sleeping i guess, masakit daw ulo nya." Sagot naman ulit ni Droy.
Lucy Heartfilia
"Miss Lucy!" Biglang tawag sa akin ni Droy. Halata sa boses nya ang pagmamadali.
"Anong nangyayari?" Tanong ko dito.
"Pasensya na pero kelangan mong sumama sa amin. Mamaya ko nalang ipaliwanag sayo." Nagmamadaling sambit nya sa akin.
Hindi na ako sumagot kasi alam ko na rin naman ang nangyayari pero may kulang.
Habang tumatakbo kami napatigil ako at napahawak ako sa sentido ko.
"Lucy, wala na tayong oras, we need to go."
Tumakbo ako kung na saan ang underground facilities nila pero kesa pumasok roon pinigilan ko silang pumasok papasok.
"Lucy, anong ginagawa mo?" Naiinis na tanong ni Droy.
"Please, believe me. Manganganib tayo lalo kung papasok tayo jan." Saad ko sa kanila. Pero alam kong hindi nila ako susunduin kaya naman hinarap ko si Droy.
"Alam kong may haka haka ka na kung sino ba ako Droy? Kung bakit ako pinabantayan sa inyo." Saad ko sa kanya kita ko sa mukha nya ang gulat.
"Alam ko. Alam kong pinapabantayan nya ako sa inyo. Pero ikaw alam kong nagkakaroon ka na nang pagdududa kung bakit." Dugtong ko pa ulit.
"Fine. Anong plano?" Pagpayag na rin nya sa akin.
Sinabi ko naman sa kanya kung anong plano ko. Sumang ayon naman sila pero syempre yung mga kasama ni Droy ay hindi pumayag pero dahil si Droy ang namumuno sa grupo nila wala silang magagawa pa.
"Droy, mali to. Dapat nating sundin ang Alpha." Saad naman ng isa sa kanila.
"Alam kong mali pero alam kong hindi nya tayo ipapahamak. Hindi sa lahat ng oras tamang desisyon ang gagawin ko." Sa huling katagang salita ang sinambit nya saka lang nya na realize kung bakit. Tumingin ito sa akin.
"Wala tayong oras. Kelangan na natin umalis dito." Saad ko sa kanilang lahat.
Nakita kong nagshift na sila Droy. Bumababa sya para makasakay ako sa kanya. Kaming dalawa ang naging lead kami ang nauuna sinusundan kami ng mga pack members nya.
"Malapit na tayo. Siguraduhin nyo nakasarado ang pack link nyo. Wala dapat makaalam ng ginagawa natin. " Saad ko sa kanila.
Alam kong may pagsabog na mangyayari sa facilities nila. It's a trap ang pag atake sa mga borders ng mga nilalang na yun. Saka mismo sila aatake kapag alam nilang mas marami nang sugatan sa isang pack. Nagsisismula na silang ubusin ang lahat ng mga werewolfs. At wala akong balak mangialam o tumulong sa kanila.
Hindi porket tinutulungan ko sila ngayon ay tutulong na ako sa buong lahi nila. No, I won't help them. Gusto ko lang ipakita sa kanilang lahat ang kung anong kaya kong gawin, kaya ko silang tulungan pero hindi ako tutulong sa kung ano mang mangyayari sa future nila.
Napatigil ako sa pag iisip nang biglang may malakas na pagsabog kaming narinig. Paglingon ko sa kinaroroonan namin malaking apoy na ang nakita ko. Kung sakali mang hindi sila nakinig sa akin malamang ubos na ang pack nila ngayon palang.
"Walang titigil, tuloy sa pagtakbo!" Sigaw ko sa kanilang lahat.
Nang makita ko na ang pinakatagong part dito sa pack nila. Nasa pinakadulo talaga ito malapit lapit sa border ng mid ng east at South.
"Dito dali!" Saad ko sa kanila. May cave kasi dito kaso hindi halata ng dahil ng mga nagtataasan na halaman, kung sakali mang dadaan ka dito hindi mo malalaman kung hindi mo bubuklatin.
Malaking kweba ito na kakasya kaming lahat. Mga nasa 30s kami at kasya kaming lahat.
Humingang malalim ako kasi nararamdaman ko na ang pagtibok ng sintido ko kaya naman napasandal ako sa pader habang nakahawak sa sentido ko.
"Paano mo to nalaman, Lucy?" Tanong ni Droy sa akin.
"I saw it." Sambit ko sa kanya.
"Ha?" Alam kong hindi nya ako naiintindihan at yung mga nakarinig sa amin. Kita kong naguguluhan sila sa ibig sabihin ko.
"Wait for 1 hour bago nyo i- mindlink ang alpha nyo at sabihin kung ano man ang nangyari dito." Sabi ko sa kanila.
Saka ko naisipan umidlip muna saglit ang sakit talaga ng ulo ko.
"Lucy!" Biglang sigaw ni Droy. Kaya naman napamulat ulit ako saka napatingin sa kanya na halos lahat ay nakatingin sa kanya.
"Ha?"
"Okay ka lang ba?" Droy
"Okay lang ako. Gusto ko muna umidlip, ang sakit na talaga ng ulo ko." Inis na sambit ko sa kanya.
Tumango naman ito at binigyan nya ako ng unan at kumot mukhang may dala sila kahit hindi inaasahan ito.
One hour passed
Napabangon akong bigla ng magising ako sa isang masamang panaginip.
Ayos lang sana kung hindi panaginip yung nakita ko. Isang pangitain yun. Kahit nabago ko na ang pangyayari ngayon wala pa rin pagbabago sa hinaharap.
"Miss Lucy, papunta na ang Alpha dito." Saad ng isang pack warrior sa akin, tumango lang ako bilang sagot saka lumabas sa pinagtataguan namin.
"Lucy!" Nagmamadaling tawag sa akin ng kung sino pagharap ko sa tumawag sa akin nagulat nalang ako ng may nakayakap sa akin.
"Are you okay?" Nag aalalang tajong nya sa akin habang nakayakap sa akin. Kita ko ang gulat sa mga mata ng mga nandito.
"I am fine, Alpha thank you!" Tugon ko sa kanya na pinipigilan ko ang nararamdaman ko.
Hindi na sya sumagot at saka nya ako inihiwalay sa kanyang pagkakayakap. Nakikita ko sa mga mata nya na ayaw nyang bumitaw, nasasaktan sya pero alam nyang hindi pwede.
Nang makahiwalay na sya saka sya lumapit sa mga pinamumunuan nya at sinipat silang kung may sugatan ba.
Hindiko pinansin ang mga tingin nilang mapanuri. Hindi sila nagsalita o nagtanong kung bakit nga ba ako niyakap ng alpha nila.
"Oh, boy!" Sambit ko bigla.
"LUCY HEARTFILIA!" Sigaw at tawag sa akin ng kung sino. Tumingin lang ako sa kanya.
"You knew? And you didn't told me about this will happened to the pack!" Sambit nya sa akin na nanggigil.
"Yeah, alam ko." Yun lang naging sagot na alam kong ikinalingon ng lahat.
"Then, why?" Tanong pa nya.
"I tried to change my f-fate ... But no use .. i-i saw myself and everyone else are going to ... to die." I told him with shaking and shuttering voice.
"I saw it, Zef. How i-i ... we- we are going to die and i saw him ..." Hindi ko natapos kung ano man ang sasabihin ko, tuloy tuloy lang ang pag agos ng luha ko.
"Shh ... Shhh.. Let's go, Ate Lucy. Kelangan mo ng pahinga." Rinig kong sabi nya.
"Zef, i- i saw it, how I'm going to lose him just *sob* *sob* just like how i lost Leandro." Umiiyak na saad ko dito.
"You're not going to lose him. We'll find a way, okay?" Sambit nya sa akin.
Hindi ko na alam kung anong nangyari basta ang alam ko lang umiyak ako ng umiyak.
I passed out.
***