Kung hindi lang talaga nakiusap si Jiro, hindi pupunta si Jeidence sa award night na iyon. Actually, correction pupunta pa rin naman siya dahil event center niya iyon. Pero hindi siya mag-aaksaya ng oras para pansinin si Owen Van Amstel. Unfortunately for her, ngayon lang humingi ng favor ang kapatid niya. At bilang mabait at mapagmahal na Ate—according to herself—wala siyang choice kundi pagbigyan ito. Simple lang naman ang gusto ni Jiro. Kunin niya raw attention ni Owen para lubayan nito si Sera Villanueva, ang babaeng gusto ng kapatid niya. Madali lang naman sana iyon ang problema? Si Owen ang involve at sa loob ng apat na taon, wala talagang character development ang lalaking iyon. Actually, meron naman mas lumala pa, mas lumala. Literal. Nang gabing mabangga nila ito hindi niya ina

