Isang malamig na boses ang pumuno sa underground hall. Mahaba ang silid, madilim, minimal ang lights. Sa dulo ng mesa nakaupo ang Black Lotus Boss. Hindi siya gumagalaw nang hindi kailangan. Hindi siya nagsasalita nang walang dahilan, at sa bawat segundo na tahimik siya mas lumalaki ang bigat ng presensya niya sa buong silid. Isa-isang lumapit ang mga tauhan niya. Mga malalaking lalaki, mukhang sanay sa dugo, baril, at panganib pero sa harap niya? Parang mga estudyanteng nagre-report. “Mission completed, Boss.” Isang segundo siyang tumingin sa report na inihain nito. Then— “Bonus doubled.” Nagkatinginan ang mga tao, gamit ang robotic boss sinenyasan niya ang kanan kamay niya at nag labas ng isang makapal na envelop na inabot sa lalaki. “Thank you, Boss!” Walang emosyon ang mukha niya

