FALLING INLOVE WITH ENGKANTO
AUTHOR: IANNAH
CHAPTER 14
BOUQUET AND GARTER
Sa Limang buwan nilang pagtatrabaho nila Zooey at Hamad Hindi nila maiwasan Ang mag iilangan pero nanatili parin Silang professional sa trabaho ayaw nilang maapektohan Ang mga staff nila.
Hindi din nila maiwasan mahawakan Ang mga kamay,Ang pagsulyap, minsan nahuhuli niya si Hamad na nakatitig sa kanya pero agad namang iiwas pag nakatingin siya.
Sa bawat Araw buwan ang lumipas nakikita ni Zooey na Hindi talaga nag babago si Hamad, ito parin yong Hamad noon at masaya siya dahil sa mga nakakamit nito na pangarap and proud na proud siya para Dito.
Bumalik din Ang pagiging masayahin nito Hindi na ito nakabusangot, bawat sa lakad nila feel niya Ang pag care nito Ang tawanan nila mga kulitan noon, nararamdaman ulit niya ito Ngayon.
"Ate pupunta Pala Dito Mamaya yong friend ko pakilala ko sayo"
Kinikilig na sabi nito habang nakatukod pa Ang kamay nito sa baba at kumikislap Ang mga mata. Konot noo naman niya itong tinampal sa pisngi kaya nagulat ito sa ginawa niya.
"Aray ate naman" Inis nito
"Manliligaw mo ba yan hah, deretsohin mo ako?"
"Hindi friend ko lang talaga but maybe liligawan niya ako"
Malandi nitong sabi Kung pwede lang sana niya itong batukan ginawa na niya.
"Hoy Zabrina Louise mag ayos ayos ka ha, Itong ginagawa Kong trabaho para to sayo sa Inyo ni mommy "
"Alam ko naman yon ate Hindi naman ako nagpapabaya kahit ganito ako" Simangot nito
"Siguradohin mo lang" Sabi niya at agad itong niyakap.
May tiwala naman siya sa kapatid at Kahit pinagsasabihan niya, lagi lang niyang uulitin para maalala nito palagi na Tama siya sa pangaral niya Dito.
Ilang sandali lang habang busy siya sa pag luluto ng mga order ng mga costumer agad siyang tinawag ng Kapatid kaya Pinasa niya ito sa kasamang chef.
Lumabas siya habang inayos Ang Sarili Hindi niya namukhaan ang lalaki Kasi nakatalikod ito kaya paglapit niya nagulat siya ng si Hamad Ang Makita niya Ang kaibigan ng Kapatid niya.
Dahan dahan siyang umupo sa kabilang upoan habang nakatingin sa dalawa at sa kamay ni Zabrina na naka pulupot sa Isang kamay ni Hamad.
"Ate Siya si Jach friend ko, Jach my beautiful ate Zooey" Pagpakilala nito
"I know her siya Ang partner ko sa business"
Sabi ni Hamad na nakatitig parin Kay Zooey, Hindi naman siya makatingin ng deretso Dito kaya tumingin siya sa kapatid na nagulat.
"Oh my, you know each other naman Pala eh. Wait lang kukuha ako ng drinks" Aniya at umalis na
"Nililigawan mo ba siya?"
Deretsahang Tanong niya na ikatawa nito, na para bang nagseselos Ang dalaga.
"Hindi pa, plano pa lang"
Saad nito na ikatahimik niya mabuti nalang at dumating si zabrina habang dala nitong Ang tatlong drinks na inalapag nito sa kanila.
"Oh bakit kayo tahimik Akala ko ba magkakilala kayo" sabay upo nito sa tabi ni Hamad.
"Hmm dumating Kasi Ang anghel"
Sabi ni Hamad Kay Zabrina na ikinakilig nito bahagya naman na ngumiti si Zooey nakisabay lang sa Biro ni Hamad kahit kumirot ng dibdib niya.
"By the way mama and I planning to go Boracay this weekend and para naman ma relax Tayo sa work. Zach also agree kaya Kasama ka padin Zalliya"
Nakatingin si Zooey sa pag banggit nito sa kanyang pangalan at na miss niya ito Kay Hamad.
"Sige na ate Kasama naman si Kuya Zach wait Kilala mo si Zach?
"Yes kakambal ko siya"
"Kaya Pala mag kamukha kayo"
"Ok Sasama na kami" Saad niya na ika yes naman ni Zabrina at si Hamad na nakatitig parin sa kanya.
Hapon ng nakauwi si Hamad dahil nagkukwentuhan pa ito Kay Zabrina siya Muna Ang kumahera para naman maabala siya at Hindi madistract sa dalawa. pero napapansin niya Ang titig sa kanya ni Hamad kahit Hindi siya nakatingin Dito at nahuhuli din niya ito minsan.
***
Araw ng pag punta nila sa Boracay at excited Silang lahat. Kasama ni Hamad si Zabrina at si donya Emily sa sasakyan niya habang si Zooey naman ay nasa sasakyan ni Zach.
Pag dating nila sa Boracay ay langhap agad ni Zooey Ang presko ng hangin iBang Iba talaga sa maynila purok sasakyan Ang maririnig. Tatlong Araw lang Silang mag babaksyon dahil kailangan na nilang bumalik sa trabaho.
Pumunta agad si Zooey sa dalampasigan para malanghap Ang hangin at masilayan Ang Ganda ng dagat. Sana Ang Buhay parang dagat payapa, walang problema.
"Ang lalim ng iniisip mo ah malulunod ako niyan"
"Iniisip ko Sana Ang dagat parang Buhay lang natin walang problema, payapa at masaya." Saad niya Kay Hamad
"Mayron yan Hindi lang natin nakikita Kasi nasa ilalim parang Buhay din ng tao nakunwaring masaya walang problema pero sinasarili Pala nila. may time na Hindi natin napipigilan sumsabog Tayo umiiyak. ganyan din Ang dagat mag tsutsunami pag sasabok na."
"Ang tindi ng logic mo ah, pero Tama kana naman. may pagkakataon talaga na Hindi mo maexpress Ang feelings para pag Makita ka ng tao parang ok ka lang Wala Kang problema. pero alam mo hindi nag sisinungaling Ang mga mata." sabi niya habang nakatitig Dito
"Bakit alam mo ba Anong sinasabi ng mga mata ko Ngayon?" Seryosong Tanong nito na nakatitig na sa kanya
Hindi siya kumibo at nanatili lang din siyang nakatitig Dito, Kaya agad siyang umiwas ng tingin at tumawa.
"Hindi, ano ako manghuhula, sige na tutulungan ko Muna Sila don" Sabi niya at umalis na sinundan naman ng tingin ni Hamad.
***
Kinagabihan Napag sunduan nila na gumawa ng bonfire, nag handa naman si donya Emily ng barbeque at masaya naman si Hamad at Zabrina na nag kokwentuhan sa gilid ng bonfire.
"Nakita ko kayo kanina ni Hamad naguusap"
Sabi ni Zach habang yakap niya si Zooey sa likod at nakatingin Sila dalampasigan. humawak naman si Zooey sa kamay nito.
"Hmm bakit?"
"Wala lang, Sana ganito Tayo lage noh masaya lang"
"Bakit kaya pagnagmahal Ang Isang tao nasasaktan"
"Depende yon sa sitwasyon love at Hindi challenge"
"Ano yon game" Natatawang sabi niya niyakap naman siya ng mahigpit ni Zach
"Basta ako mahal kita mahal na mahal at ibibigay ko ano man Ang magpapasaya sayo" Nakangiti nitong sabi habang nakatitig ito sa kanya
"Mahal din kita Zach" Aniya
Hinalikan naman siya ni Zach sa labi Hindi medyo matagal sabay yakap sa kanya. Nakita naman iyon ni Jach habang pagsulyap sulyap lang siya sa mga ito kaya napatayo siya at umalis na Wala tuloy Ang gana niya sa barbeque.
"anak hali na kayo kakain na" Tawag ni donya Emily
Agad namang lumapit sila Zach at Zooey pero nagtaka sila na Wala Ang Kapatid niya at si Hamad. Nag Iba na din pakiramdam ni Zooey parang halo halo na.
"Saan sila tita?
Tanong niya Dito na Hindi pa umupo,pinaghila na Kasi siya ni Zach ng silya.
"Hindi ko alam hija bigla kasing umalis si Jach at sumunod naman si Zabrina" Ani nito na nagtaka Rin
Napahawak naman siya sa batok sabay buntong hininga at Nakita yon ni Zach.
"Ako na love maghahanap" Saad ni Zach
"No love ako na...hintayin mo na Lang ako" at agad umalis
Nakita naman ni Emily na natulala Ang anak kaya tinapik niya Ang balikat nito.
"Are you ok?"
"Y...yeah I'm fine mom" Bahagya siyang ngumiti
"Sabihin mo lang anak kung ano problema makikinig ako" Aniya
Tumango naman si Zach at Kumain na Pati na Rin Ang ginang.
Pumunta si Zooey sa cottage ni Hamad Wala Kasi si Zabrina sa kwarto nito, ilang hakbang na Lang kinakabahan na siya gusto niyang umatras pero ayaw naman ng mga paa niya.
Hindi na siya kumatok dahil bukas naman Ang pinto nito at Wala naman ito sa Sala kaya tumungo siya sa kwarto. pinihit niya door knob sabay silip at Nakita niya paghahalikan ni Hamad at Zabrina kaya napatutup siya sa bibig at tumakbo palabas.
Hindi naman napigilan ni Zooey Ang luha na nag uunahang bumagsak sa pisngi. Huminto siya sa pagtakbo at unti unting napaupo dahil nanghihina na Ang tuhod niya Hanggang humagolhol siya ng iyak.
Hanggang pauwi na Sila kinabukasan laman parin sa islp niya Ang nangyari, Kung magtatanong si Zach sa kanya Ang tipid lang niyang sumagot Pati ito nadadamay.
And she felt guilty for Zach! mahal siya ng boyfriend niya at mahal din niya ito pero Hindi katulad sa pagmamahal niya Kay Hamad.
***
"Bro what's up" Bungad ni Pete sa kanya habang pumasok ito at nilapag Ang Isang wedding invitation.
"Congrats bro" Bati niya Dito na nakangiti at kinamayan
"Thanks Zach, hmm kayo ni Zooey kailan kayo magpapakasal?"
Sabi nito agad namang nawala Ang ngiti ni Zach at napabuntong hininga. napa kunot noo namang tumingin si Pete sa kanya at agad naintindihan ano Ang ibig Sabihin Ang pananahimik nito.
"Sabihin mo sa akin bro makikinig ako"
"Hindi ako Tanga Pete pero bawat Kasama ko si Zooey Laging bukambibig niya si Jach and it hurts me so much. Kahit busy ako sa work nag lalaan parin ako ng Oras sa kanya pero Ang laging laman ng isip niya si Jach. Paano naman ako na Bf niya?"
Paglabas ng hinanakit nito nanatili lang nakikinig si Pete sa kanya at nakikita niya Dito Ang sakit sa mga mata ng kaibigan.
"Hindi din ako Tanga para Hindi Mahalata na mahal pa niya si Hamad, masakit isipin Pete. Para akong sinasak ng paulit ulit"
Maluha luha nitong sabi naawa naman si Pete sa kanya kaya tumayo siya at tinapik ito sa balikat.
"Bro I'm not expert sa mga advice pero Ang masasabi ko lang confront her sa mahinahon na boses. itanong mo Kung mahal ka pa niya dahil kung Wala Kang Gawin aksyon at Kung mananatili ka paring nakatali sa kanya masasaktan ka talaga"
"Sinasabi mo na hiwalayan ko si Zooey?"
"Nasa sayo yan Zach Ang sa akin lang pag usapan niyo Muna itanong mo Muna para Malaman mo Ang sagot sa mga katanungan mo"
Hindi siya kumibo Tama naman si Pete Hindi niya malalaman pag Hindi siya magtatanong Kay Zooey Anong totoo.
***
Invited sa kasal ni Pete Ang pamilya Villarreal kaibigan,katrabaho. mAganda naman si Zooey sa sout na backless gown na kulay dark green kinuha kasi siyang made of honor ng mapapangasawa ni Pete at dahil daw gf din siya ni Zach.
Sinundo siya ni Zach sa Bahay niya at kitang kita niya Dito Ang paghanga sa kanya ng Makita siya at hindi din nawawala Ang kagwapohan nito na bagay sa sout na tuxedo.
Lalong lalo na din si Hamad na panay Ang tingin ng mga babae sa kanya.
MASAYANG sinalubong ng bagong kasal Ang bagong yugto ng kanilang Buhay at masayang masaya Sila para sa mag asawa.
Hiyawan naman Ang mga bisita Pati na Sila Zach na mag kiss Ang bagong kasal, Hindi naman maiwasan ni Zooey Ang maiinggit Sana maranasan din niya na ma ikasal.
"Ok let's proceed sa throwing of bouquet, Dali na mga single or may mga boyfriend diyan. bawal na mga may Asawa ha" Sabi ni Clark siya Kasi Ang kinuhang emcee ni Pete
Tumayo naman Ang grupo ng bridesmaid maliban lang Kay Zooey dahil nasa Cr pa ito.
Handa na Ang bridesmaid sa pagsalo ng bouquet at agad naman itong hinagis ng bride at ng mapalayo ito sa paghagis ay agad naman itong nasalo ni Zooey ng napadaan siya sa likod ng mga bride.
Dismayado namang napaupo Ang bridesmaid Ang Iba naman tuwang tuwa ng siya Ang nakasalo lalong lalo na Ang mga kaibigan at si Zach.
"Ok sa garter naman Tayo" Saad ni Clark
Tumayo na din Ang mga groomsmen Pati na nadin si Zach gf na Kasi niya Ang nakasalo kaya Dapat siya din Ang maka salo ng garter.
Hinagis ni Pete Ang garter patungo sa direksyon ni Zach alam Kasi nito saan direksyon ng kaibigan . pero agad naman itong naagaw ni Hamad.
Umupo si Zooey sa upuan para isout ni Hamad Ang garter sa tuhod niya. Hindi din maiwasan ni Zooey Ang titig sa kanya ni Hamad na ikailang niya.
Napailing naman si Pete ng Makita niya si Zach na umalis alam niyang nasasaktan Ang kaibigan kaya sinenyasan niya si Clark na tapusin na Ang program at sinundan Ang kaibigan.