chapter 15

2230 Words
FALLING INLOVE WITH ENGKANTO AUTHOR: IANNAH CHAPTER 15 SINO ANG MAG PALAYA? Ano ba Dapat Ang palayain, Ang pusong nagmahal oh Ang pusong nasasaktan. Sigaw ng sigaw si Zach sa rooftop at umiiyak. Naabotan naman siya ni Pete, nilapitan naman niya ito at pinapakalma. Naaawa talaga siya sa kaibigan, Hindi niya alam paano ito matutulungan. Hinahanap naman ni Zooey Ang nobyo Hindi Kasi niya ito Makita kanina nong program pa. kaya lumabas siya ng venue at pumunta sa bahagi ng swimming pool. Sa hotel Kasi ni Hamad Ang reception kaya pwedeng mag overnight Ang mga bisita Dito dahil nilibre nadin ito ni Hamad dahil kaibigan naman ito ng kakambal niya. Palinga linga siya sa paligid nag baka sakaling Makita niya si Zach, nag aalala na Kasi siya Dito. Babalik na Sana siya sa venue ng mabangga siya sa dibdib ni Hamad at matutumba na Sana siya dahil Hindi siya naka balance mabuti na lang nasalo siya nito. Tila naman tumigil Ang Oras sa kanilang dalawa dahil kapwa Sila nagtitigan at dinamdam Ang pusong naghahabulan sa t***k nito. Hamad looked at Zooey's lips and as he liked kissing it at bumalik naman tingin niya sa mga mata nito na kumikislap. Amoy na din ni Zooey Ang mabangong hininga ni Hamad dahil sa lapit ng mukha nila kulang na lang maglapat Ang kanilang mga labi. Hindi nila alintana Ang Pagdating ni Zach na Galit na Galit at agad itong sinuntok si Hamad dahilan sa pagtumba nito. Gulat na gulat naman si Zooey at agad inawat si Zach na susugurin pa Sana si Hamad. Tumayo naman si Hamad na hawak ang labi na nagdudugo. "Bakit ka ba Kasi bumalik hah!" Lumuluhang sigaw ni Zach, umiiyak naman si Zooey habang yakap niya ito para Hindi sumugod sa kakambal. "Wala kami ginagawang masama Zach!" Ganti din nitong sigaw Akmang Sana itong susugurin ni Zach mabuti na lang dumating si Pete at inawat Sila. "Tama na!" Sigaw naman ni Zooey na umiiyak "Hindi ako Tanga para Hindi Malaman na mahal niyo pa Ang isa't isa, pero nanatili parin akong manhid dahil mahal kita mahal na mahal kita" Hagolhol na sabi ni Zach "Kapag mag kasama tayo, he is always the one you are talking about. Siya na lang lagi Ang nag eexist sayo, how about me love? nasaan ako sa puso mo?" "Z..Zach mahal naman kita eh" Ramdam ni Hamad Ang sakit sa puso ng kakambal, Wala naman siyang intensyong agawin si Zooey. Hindi lang talaga niya maiwasan Ang nararamdaman. "Pero iBang Iba sa pagmamahal mo sa kanya at kitang kita ko yon, sa bawat titig mo Kay hamad Iba sa pagtitig mo sa akin. Yong saya mo sa kanya iBang Iba din pag Kasama mo ako Ngayon papipiliin kita siya na mahal na mahal mo oh ako na kailangan mo lang" Sabay pahid sa mga luha niya, umiiling naman si Zooey "Z..Zach I'm sorry" nasabi niya lang Dito Akma Sana niyang lapitan si Zach pero napa atras Ang lalaki ng Wala siyang narinig ni Zooey na sagot ay napailing siya at agad ng umalis sumunod naman si Pete sa kaibigan. Dalawa Silang naiwan ni Hamad, pinakiramdaman Ang bawat isa, aalis na Sana si Zooey ng pigilan siya nito. "Zalliya..." "Gusto ko munang mapag isa, please" Walang ganang Saad niya Dito Kaya binitawan siya ng binata at umalis na siya ka agad. *** Wala siya sa Sarili ng makarating siya sa Bahay niya, pagod Ang kanyang katawan at utak parang gusto na niya matulog na Hindi na gumigising. Naabutan niya si Zabrina sa Sala na nag seselphone pero agad naman nitong tinapon ng Makita siya nito. Simula Kasi nong dumating Sila galing Boracay nag Iba na Ang pakikitungo nito sa kanya. "ehhh Hindi naman sinaSagot!" Inis na sabi nito sabay irap sa kanya "alam mo simula nong dumating Tayo Dito galing boracay parang Galit kana Sakin. ano bang problema mo Zabrina!" Sabay pameywang Dito agad naman itong tumayo at tinaasan siya ng kilay "Ikaw, Ikaw Ang gusto ni Jach at Hindi ako. Nong muntik ng may mangyari samin sinabi niya Sakin na Hindi daw pwede Ang iniisip ko dahil mahal ka niya!" sigaw niya Dito na agad niyang sinampal kaya nagulat si Zabrina "Huwag mo akong sisigawan dahil ate mo parin ako" "Bago palang kayo magka kilala nilandi mo na siya kahit may bf ka na!" Sigaw na naman nito at Hindi niya napigilan umiyak na siya "Huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan, dahil Wala ka alam Zabrina. Wala!" Diin niyang sabi Dito sabay pumasok sa silid niya at naiwan namang nag ngitngit sa Galit Ang Kapatid. Binuhos niya lahat Ang iyak sa unan, hirap na hirap na siya. nasa sitwasyon siya na naiipit sa gitna at Hindi makahinga. Ayaw niyang may masaktan sa kambal, ayaw niyang mag away ulit Ang mga ito dahil sa kanya. *** Nalaman ni donya Emily Ang nangyari kaya agad siyang umuwi para damayan si Zach. pinuntahanan niya ito sa kwarto pero naka lock Ang pinto kaya kumuha siya ng duplicate key para mabuksan Ang pinto nito. Ng Mabuksan niya Ang pinto naawa siya sa itsura ng anak Hindi pa naka bihis at gulong gulo Ang buhok habang naka upo sa sahig ng kama. Dahan dahan siyang lumapit at tinabihan ito. Wala siyang sasabihin sa anak tanging yakap lang Ang maipadama niya Kay Zach para gumaan Ang pakiramdam nito at para malaman nito na may karamay siya. Tanging hikbi lang Ang maririnig niya Dito at sa iyak na yon nasasaktan siya bilang Ina. "Hindi ko kayang mawala si Zooey mom, I love her so much" Sabi nito habang umiiyak, napapikit naman Ang ginang sa narinig sa sobrang pagmamahal ni Zach sa dalaga ay ito naman Ang nahihirapan. *** KINABUKASAN Maagang bumisita si Donya emily sa Bahay ni Zooey, gusto niya itong makausap Hindi naman siya Galit Dito, dahil sa pinag daanan ng dalaga ay sobra niya itong naintindihan. Gusto lang niya maging klaro Ang lahat Kung sino ba talaga Ang nasa puso niya. Binuksan ni Zooey Ang pinto at Hindi na siya nagulat ng si donya Emily Ang bisita niya. magalang siyang nag beso beso sa ginang at pinaupo niya ito sa sofa. Alam din ng ginang na nahihirapan din ito sa Sitwasyon nila pero Kung ano man Ang desisyon ni Zooey tatanggapin niya dahil Hindi naman niya hawak Ang puso nito. "Tita I'm sorry for what happened last night, I didn't meant na saktan si Zach" Hingi niya ng paumanhin Dito "Pero nagawa Muna hija, Nasaktan Mo siya ng unti unti. pero Hindi kita sinisisi Kasi naintindihan ko pinagdaanan mo. mahirap mamili sa dalawang taong mahalaga sayo pero Kung ako tatanungin Sana Hindi mo na Lang sinagot si Zach Kung ganito lang Ang mangyayari Kasi nasasaktan din ako bilang Ina na nahihirapan Ang anak ko" Maluha luhang sinabi ng ginang, Hindi din maiwasan ni Zooey Ang mapaiyak "Sa maniwala kayo sa Hindi minahal ko si Zach. Sa Isang taon at kalahati ay naging parte na siya ng Buhay ko kaya Hindi ko din siya kayang Iwan. Kung may pipiliin ako tita mayron namang masasaktan at ayoko yong mangyari kaya Sana maintindihan ni Zach desisyon ko Kasi napa komplikado na at ayokong lumala pa" Agad hinawakan ng ginang Ang dalawang kamay kamay niya dahil hirap na hirap siyang magsalita. "Gawin mo anong nasa puso mo, Gawin mo Ang Tama para sa kambal Para maging payapa din Ang isip at puso at Darating Ang panahon maintindihan ka Rin nila Hindi man madali but in the process" Napa tango siya sa sinabi ng ginang sabay yakap Dito ng mahigpit nagpapasalamat siya dahil kahit paano naintindihan parin siya nito. "Salamat tita" Ngiting sabi niya Dito sabay pahid sa mga luha "Thank you din, don't worry ako na bahala sa kambal" Ngiting sabi ng ginang, ngumiti naman siya Dito sabay buntong hininga masakit man Ang gagawin niya pero para din naman ito sa kanilang tatlo para sa kapanatag ng kalooban nila at para na din mahanap ng kambal Ang isa't isa. *** Humingi ng tawad si Zabrina sa Kay Zooey ng malaman nito Ang kwento tungkol sa Kapatid Hindi din siya makapaniwala na engkanto Pala si Hamad. Naawa nga siya Kay Zooey dahil sa desisyon nito Kun siguro siya nasa sitwasyon hindi siguro niya alam Anong gagawin. pero bilib siya sa ate niya dahil napaka tatag nito kahit ano Mang pagsubok kakayanin nito at handa din itong mag sakripisyo Para sa Sarili at kahit sa pag ibig. Makipagkita siya Ngayon Kay Zach gusto din niya itong kausapin at gusto din siyang kausapin nito kaya nagkita Sila plaza kung saan lagi nilang pinupuntahan at mamasyal. Umupo Sila sa bench at hinawakan ni Zach Ang kamay niya napatingin naman si Zooey Dito. "I'm sorry love" Sabi nito na ikailing niya "Ako Dapat mag sorry Kasi Hindi ko alam na sa bawat Araw na mag kasama Tayo nasasaktan na Pala kita and I'm sorry for that. Sana maintindihan mo ako sa desisyon ko Zach, ginagawa ko ito para sa Sarili ko at para din sa Inyo ni Hamad" Maluhang luhang Sabi niya, napa kunot noo naman si Zach Dito parang kinakabahan siya sinasabi ni Zooey. "What do you mean?" "Pareho kayong mahalaga sa akin at pareho ko kayong minahal at ayokong mamili dahil ayokong may masasaktan. Tandaan mo mahal kita at minahal kita pero kailangan ko itong Gawin, ako ng lalayo" Hikbing Sabi niya, Hindi din naman naka kibo si Zach tahimik lang itong lumuluha "Hindi ko makalimutan pinagsamahan natin, Hindi kita makakalimutan. Sana darating Ang panahon magiging ok Tayo ulit tayong tatlo ni Hamad na magkakaibigan" Pilit na Ngiting sabi niya, napayuko naman si Zach at agad niyang niyakap si Zooey. Masakit man sa kanya Ang desisyon ng dalaga tatanggapin niya pero maghihintay parin siya. Tuluyan na nilang lumayo sa isa't isa pagkatapos nilang mag yakap. Hatid parin niya ng tanaw si Zooey habang naglalakad ito palayo Hindi niya napigilan mapaiyak dahil sa sakit ng paglayo ng pinaka mamahal pero handa siyang Maghintay para Dito. At tuluyan na din siyang umalis ng hindi na niya natanaw Ang dalaga. *** Sakay na ng eroplano si Zooey patungo sa Amerika Kasama Ang Kapatid gusto niya munang lumayo para makalimot sa sakit. Gusto niyang pagtuonan ng pansin Ang Sarili, Iniwan niya din Ang negosyo sa mommy niya na nasa manila na ngayon. alam na din nito Ang nangyari kaya gusto din nito na lumayo Muna siya para makalimot. Walang naabutan si Hamad sa airport Hindi man lang niya ito nakausap. Naintindihan din naman niya Ang desisyon nito kahit masakit at kahit Hindi ito nakapag paalam sa kanya. Ang gusto lang naman niya humingi ng tawad Dito. Ikalawang pagka bigo na naman niya at ano naman kaya Ang ikatatlo? kotang kita na siya Sakit Sana sa pangatlo kaligayahan na niya. Ilang Araw din Ang pagiinom ni Zach sa bar Hanggang sa Bahay niya pero Kasama naman niya si Pete na maghahatid sa kanya pag lasing siya. Hindi din ito sumasabay sa kanya sa pag inom nakikinig lang ito sa mga sasabihin niya at babantayan siya. Hindi na din alam ni donya Emily Ang gagawin sa anak dahil naabutan na naman niya si Zach sa kwarto nito na umiinom na naman. Malaki na din pinag bago ng itsura simula nong umalis si Zooey, halos pinabayaan na niya Ang Sarili kaya napa buntong hininga siya at inigaw Dito Ang alak. "Mom akin na yan" Halos Hindi na ito makapag salita dahil sa lasing na. "Zach ayosin mo naman Sarili mo, Halos Hindi na kita Kilala oh Para ka ng ermitanyo" Sermon niya Dito "Tsk Wala naman kwenta Buhay ko eh, Iniwan na ako ni Zooey" "Hindi ka niya Iniwan nagpaka layo layo lang siya dahil yon Ang Tama, Sana naman maintindihan mo yon" Hindi siya umimik sa Ina nakikinig lang siya Dito "Mahalin mo naman Sarili mo Zach at Sana bigyan mo din ng pagkakataon na makilala Ang kakambal mo dahil Ang sakit sa akin na Hindi kayo nagkakaayos" Yon lang at agad na itong lumabas sa silid niya nasapo naman ni Zach Ang ulo dahil sa sakit sabay bagsak sa katawan sa kama Hanggang nakatulog. *** Balik opisina si Zach kinabukasan maayos na din Ang itsura niya pero bumalik naman Ang pagka suplado niya at yong walang emosyon na mukha, Nawala na din yong Zach na palangiti kaya naiilang na naman Ang mga staff sa kanya. "Son I'm happy na babalik kana sa opisina, Sana magtuloy tuloy na yan" Sabi ng mommy niya habang nag aalmusal Sila "Tulad ng Sabi mo mom gagawin ko ito para sa Sarili ko" Anito na ikatuwa ng ginang "Thank you son kahit papano napatanag ng loob ko" "Pero Hindi ko parin makakalimutan si Zooey" Walang emosyong Sabi niya Hindi naman kumibo Ang ginang napa buntong hininga lang ito Wala siyang magagawa Kung ito Ang desisyon ng anak na Hindi kalimutan Ang dalaga Basta masaya siya na Hindi na ito pinababayaan ang Sarili. "Ok Dito kana mag dinner later mag Luluto ako ng paborito mong ulam" Tumango naman ng binata at tatayo na Sana ng pigilan ng mommy niya kaya tumingin siya Dito "I invited Jach for our dinner" nag aalangang Sabi niya Matagal naman bago nakasagot si Zach, Tama naman mommy niya siguro bigyan niya ng pagkakataon Ang kambal para makilala ito. Wala naman itong kasalanan tulad lng din ito sa kanya nag mahal lang. "Ok no problem mom" at bahagya siyang ngumiti Dito sabay talikod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD