FALLING INLOVE WITH ENGKANTO
AUTHOR: IANNAH
CHAPTER 16
OBSESSION
Dalawang taon ang lumipas nagkasundo Ang kambal, binigyan nila ng pagkakataon ang Sarili para makilala Ang isa't isa. Kahit masakit Ang pinag daanan nila sa Isang babae ay natutunan naman nila Ang pagpatawad.
"Hope she is happy now," Sabay lapag ni Zach sa alak niya sa mesa at umupo kaharap si Hamad.
Nasa mansyon na kasi si Hamad, pinalipat na kasi siya ni Zach sa mansyon nito para magkakasama na Silang tatlo Hindi naman maipaliwanag ng mommy nila Kung gaano ito kasaya na maayos na Sila ulit.
"I think so, Kita naman sa social media niya and I'm happy for her," Saad ni Hamad sabay tungga sa alak
"I'm am also happy for her and thankful sa ginawa niya. she is brave woman na mag sakripsiyo para sa atin,"
Buntong hininga namang sinalinan ni Hamad Ang baso niya ng alak.
"Do you still love her?," Tanong niya Dito na ikatingin ni Zach sa kanya
"Yeah Hindi naman mawawala yon. Maybe darating Ang araw maghihilom din Ang sugat Dito not now but soon. How about Zabrina? Do you still call each other?"
"Nagkukumustahan lang. But We still friends. Bahala na Ang Tadhana Kung sino man darating sa atin na the right one. Huwag tayong magmadali bro darating at darating din. Sabi mo nga not now but soon"
Sabay cheers nilang dalawa sa baso at tinungga iyon.
***
Sa kabilang dako naman Galit na Galit pumasok Ang ama ni prinsesa Hera sa kaharian ng mahalaya. Galit siya sa pagkasundo ni haring Jabar na ipakasal Ang kanyang anak at Ang anak nito pero Hindi man lang tinutupad.
Pinipigilan siya ng mga kawal ng hari pero Isang kumpas lang ng kamay niya tumilapon na Ang mga ito.
Gusto din Kasi ng prinsesa na maikasal Kay Hamad dahil bata palang sila ito na Ang gusto niyang pakasalan.
"Jabar!" Tawag niya sa hari ng makapasok siya sa silid nito na Galit na Galit
Lumingon naman ang hari sa kanya na parang Hindi man lang nagulat sa kanyang pagdating.
"Anong kailangan mo!"
Napatawa ng bahagya si haring Hedeo.
"Nakalimutan mo na siguro Ang pinag kasunduan natin Jabar!"
"Hindi ko nakalimutan Hedeo. Hihingi lang ako ng paumanhin Kung bakit Hindi natuloy Ang napagkasunduan dahil...."
"Ano Jabar? Dahil Hindi mo talaga anak si Hamad at dahil hindi siya engkanto?"
Pagputol nito sa sasabihin ng hari na kaagad nitong ikayuko.
"Oo at nandoon na siya sa Mundo ng mga tao at namuhay ng normal. Payapa na Ang anak ko kaya huwag mo ng guluhin Akala ko noon na Ang pagkakasundo ko sa anak mo at Kay Hamad ay Tama pero Mali Pala ako Hindi magiging masaya Ang anak ko sa piling ng anak mo"
Nakikipag titigan siya Kay Hedeo at mas Lalo itong nagalit sa sinabi niya.
"Wala akong paki alam sa sinasabi mo Jabar, Ang gusto ko Mapakasal Ang anak ko at anak mo. Yong Ang masusunod at Sana sa pagbalik ko Dito andito na Ang magaling mong anak dahil dadalhin ko Rin si prinsesa Hera. Kung Hindi ka susunod alam mo na Ang mangyayari" At isang pagyanig Ang gumulat sa hari ng binagsak nito Ang tungkod sa paanan nito.
Hindi pa nakapagsalita Ang hari ng tumigil na Ang pagyanig at umalis na din si haring Hedeo. Tinatakot lang naman siya nito pero Hindi siya natatakot na mamatay, Ang kinatatakutan lang niya ay may mangyari Kay Hamad"
***
"Mommy," Sigaw ni Zooey sabay yakap ng pababa pa lang siya ng sasakyan nila. Sobra niyang na miss Ang Ina kaya Ganon na lang Ang pagyakap niya dito.
"Na miss kita anak," Sabi ng Ina pagkatapos nilang magyakapan.
"Na miss ko din kita mom, Sayang Hindi pa makakauwi si Zabrina," Malungkot na sabi niya habang papasok Sila Bahay.
"Na Mimiss ko na din yong batang yon. Pero Anong magagawa natin gusto niya Ang pag momodel," Natatawang saad ng Ina
"Kumusta kana Pala Dito mom?" Tanong niya Dito ng maupo na Sila sa sofa.
"I'm okay, Hindi naman ako nalulungkot Kasi I'm so busy sa restaurant mo. Siyanga Pala alam na ba ni Jach na uuwi kana?,"
Napatutup naman bigla Ang ginang sa nabanggit kaya natawa siya Dito.
"Mom it's been years I'm okay now, Don't worry," Sabay hawak niya sa kamay nito.
"I'm happy for you anak dahil sa lahat ng pagsubok nalampasan mo and look marami ka ng branches"
"Thank you mom Kung Hindi dahil sa Inyo Hindi ko din ito makakamit," Ngiting Saad niya Dito sabay yakap sa Ina.
***
MASAYANG nabalitaan ni Jach na nakauwi na si Zooey pero Wala siyang balak puntahan Ang dalaga. May nararamdaman parin naman siya Dito kahit ilang taon na Ang lumipas Ang sa kanya lang Ngayon ay masaya siya na nakabalik na ito. Focus Muna siya sa Sarili Kung talagang para sa kanya si Zooey gagawa naman Ang Tadhana ng paraan Kung para ba talaga Sila isa't isa.
"Prinsipe" Bungad ni turo sa kanya habang nagbibihis siya sa harap ng salamin.
Pigil lang siya sa Sarili na Hindi ito masuntok dahil sa gulat kaya napa buntong hininga siya.
"Anong sadya mo turo?," Tanong niya Dito habang tinapos Ang pagbibihis.
"Prinsipe m..may problema sa mahalaya,"
Alanganin na pagkakasabi ng kambing binalaan na Kasi siya ng hari huwag Sabihin Kay Hamad. Hindi naman napigilan ni Hamad na magtaka sa pagkaka alam Kasi niya Wala namang kaaway Ang ama.
"Anong problema turo?" Konot noong Tanong niya Dito.
"Sabi Kasi ng ama mo huwag kong ipaalam sayo pero nag aalala lang ako sa hari, prinsipe. Sumugod Kasi si Haring Hedeo kanina Galit na Galit gusto Kasi nito na ikasal kayo sa anak niya na si prinsesa Hera"
Napahilot si Hamad sa sintido ito na Kasi yong sinasabi niya sa Sarili nong ipakilala siya ng ama sa prinsesa. Alam Kasi niyang matagal ng may gusto si Hera sa kanya pero Hindi na lang niya pinapansin. Kung papansinin pa Kasi niya bibigyan ito ng kahulugan ng prinsesa.
"kumusta si ama? Hindi na siya sinaktan?" Tanong niya dito.
"Nag Iwan lang ito ng banta prinsipe Isang pagyanig Ang nangyari kanina at alam naming siya Ang pakana non"
"Haharapin ko Ang hari Hindi sa gusto Kung pakasalan anak niya Kung Hindi ipaalam sa kanya na Hindi ako interesado sa prinsesa"
"Prinsipe magagalit yon at mapapahamak kami Kung sasabihin mo sa kanya na Hindi mo mahal anak niya. Kung pwede huwag ka na lang pumunta yon din Ang gusto ng hari Hindi ka mapahamak"
"Ayoko din may mangyari sa Inyo lalong lalo na sa ama ko. Basta makipag kita ako sa kanila, Sabihin mo yan Doon para tigilan nila Ang aking amA"
Galit na Saad niya at agad namang nawala si turo kaya napaupo siya sa gilid ng kama at sapong sapo Ang Mukha.
***
Ngit ngit naman sa Galit si prinsesa Hera ng Malaman niya sa ama na Hindi interesado si Hamad sa kanya. Kaya Isang lakas niya na nilabas Ang kapangyarihan at pinatamaan Ano man Ang Makita.
Lumapit naman Ang hari ng Makita siyang nagwawala sa loob ng silid.
"Anak Tama na,"
Bakas sa Mukha ng Ang Galit ng nilingon niya Ang kanyang ama.
"Kahit Isang tao si Hamad Wala akong pakialam. Basta makuha ko lang siya at Kung Hindi niyo magawan ng paraan na mapabalik siya ako na Ang gagawa" Sigaw niya sa ama.
"Babalik na si Hamad Dito yan Ang nalaman ko sa kaharian ng mahalaya kaya humihanon ka na at maghanda sa pagbalik niya"
Sabi ng hari na agad ng tumalikod at lumabas sa silid niya. Isa namang ngiti Ang sumilay sa labi ng prinsesa at sa wakas magiging sa kanya na Rin si Hamad na matagal na niyang hinahangad.
***
Hindi inaasahang Makita ni Zooey si Zach sa isang mall at Wala naman siyang dahilan para iwasan ito dahil matagal na Ang lumipas. Handa narin naman siyang harapin Ang binata para sa pagbabago ng Buhay nila.
Sa Isang ZZ amore perfume boutique na mismo pagaari nito niya Nakita si Zach kaya nilapitan niya ito with smile in her face.
Nagulat naman sa Hindi inaasahan ni Zach na Makita din Ang dalaga at mas Lalo itong gumanda sa paningin niya.
Ngumiti din siya pabalik Dito. There is no awkwardness na nangyari because they both already move on.
"Hi you're back" Hindi makapaniwala ni Zach sabi Dito.
"Yes and I'm happy to see you again. Hope na sa lahat ng nangyari maging magkaibigan tayo,"
"Sure Wala namang problema" Ngiting Saad nito
Ginala ni Zooey Ang loob ng boutique napangiti siyA dahil sa tagal niyang nag tatrabaho Kay Zach as secretary naging bahagi parin siya ng mga perfume at na miss niya iyon.
Napansin naman ni Zach Ang tingin niya sa mga perfume kaya ginaya siya nito papasok. Lumapit siya sa paborito niyang ginagamit ito ang ZZ amore perfume. Hindi Kasi ito matapang sa ilong at long lasting din ito sa damit ,nationwide na din itong binebenta sa mga mall dahi sa napaka gandang quality nito at sikat na din sa buong Bansa.
"Alam mo Zach favorite ko to, Mabuti na lang nationwide na itong binebenta Kasi naubusan ako don sa states" Saad niya habang inaamoy Ang perfume
"Thank you dahil favorite mo Pala yan, Special Kasi yan para Sakin and it's all because of you"
Seryosong Saad nito na kaagad naman niyang ikatikhim at binalik Ang perfume sa lalagyan kaya Pala ZZ dahil sa pangalan Pala niya iyon galing Ngayon lang niya naisip.
Napatawa naman Ang binata dahil sa halatang pag Iwas niya Dito.
"Noon iyon Zooey, Naging inspirasyon kita Thank you lang Kasi Kung Hindi dahil sayo Hindi ko magagawa yan"
Napatawa din naman si Zooey at inirapan ito.
"Ginamit mo Pala ako hah" Inis niyang Saad Dito.
"Naging inspirasyon nga Diba, but past is past importante yong ganito na magkaibigan Tayo"
Sabay yakap sa kanya, yumakap din siya Dito at mas lalong gumaan pakiramdam niya dahil ok na Sila ng binata.
Hindi nila alam na Isang panauhin pala Ang umalis na Makita Silang nag yakapan.
***
Hindi na sinabi ni Hamad sa kanyang mama na pupunta siya sa mahalaya ayaw niya kasing mag alala
ito sa kanya. Sa kambal niya Sana ito sasabihin pero ng Makita niya ito Kasama si Zooey ay hindi na niya tinuloy bagkus umalis na Lang siya at baka naka istorbo pa siya sa mga ito.
Masaya siya na maayos na ulit Ang kambal niya at si Zooey. Tanggap niyang Hindi talaga Sila ng dalaga at buong puso niya itong tatanggapin para maging masaya na Ang kambal.
Nasa Mundo na siya ng mahalaya Ang Mundo ng mga engkanto. Mabigat siyang pumasok sa kaharian at agad pinuntahan Ang ama na nasa silid nito na naghahanda sa pag harap nila sa kabilang Kaharian.
"Anak, Napag desisyonan nila na Tayo Ang pupunta Doon. Sana hindi ka na lang pumunta baka mapahamak ka" Bakas sa Mukha nito Ang pag aalala
"Ayoko ding mapahamak kayo ama, Andito ako para ipamukha sa kanila na Hindi ako sunod sunuran"
"Sige na nakahanda naman lahat Kung ano man Ang mangyari, Gumawa na din ako ng lagusan na madali Kang makatakas" Saad nito na ka agad niyang ikatango
Nasa harap na Sila ng hapagkainan, Magkatabi din si prinsesa Hera at si Hamad at panay ngiti naman Ang prinsesa dahil sa saya na nararamdaman maliban Kay Hamad na wala talagang kaligayahan.
"Nagpunta kami Dito para sa maayos na usapan at hindi ko pinilit si Hamad na Gawin ito pero kusa siyang nag Sabi na gusto niyang humarap sa Inyo" Panimula na sabi ni haring Jabar
Tumingin naman si Hera Kay Hamad na nakangiti Hindi niya akalaing gustohin Pala ni Hamad na siya ay makasama.
"Sinasabi ko na nga ba na matagal mo na Rin akong gusto Hamad. Hindi mo lang maamin dahil nahihiya kang Sabihin"
Malanding Sabi ni Hera sa kanya na ika ngit ngit niya ng kalooban. Kaya dinaan na Lang niya sa buntong hininga at kuyom Ang kamao.
"Hindi na ako magpa ligoy ligoy pa Haring Hedeo, Pero hindi ako papayag na maikasal sa anak niyo. Wala akong nararamdaman sa kanya at Sana maintindihan niyo"
Nawala naman Ang ngiti ni Hera at napalitan ito ng Galit Pati na din si haring Hedeo na nakatingin sa kanya.
"Isipin mo haring Hedeo pakasalan ko Ang anak mo na walang pagmamahal sa tingin mo magiging masaya siya? Hindi. Hindi siya magiging masaya sa piling ko Kasi habang Buhay siyang masasaktan Ang mahihirapan" Diin niyang sabi Dito at Hindi siya natatakot
Hindi naman naka imik Ang ama ni Hera, Ang Galit nito sa mga Mukha at napalitan ng pagiisip maliban Kay Hera na nagtitimpi sa Galit.
"Nagsasabi lang ng katotohanan Ang anak ko Hedeo, ama ka Rin Sana maintindihan mo Ang maramdaman ng anak mo pag pinatuloy natin ito"
"Hindi maaari. kahit Hindi mo ako mahal Hamad tatangapin ko kahit mag durusa ako sa piling mo ayos lang Sakin makasama lang kita" Pagmamakaawa nito talagang obses na sa kanya Ang prinsesa at Hindi niya kasalanan iyon.
Bumitaw siya sa pagkakahawak nito sa kamay niya. Kaya ito napatayo at binagsak Ang kamay sa mesa na ikagulat nila.
"Hindi ako papayag gagawin ko lahat maging akin ka lang Hamad, Tandaan mo yan!" Sigaw nito at patakbong umalis
She is so obesses! Baliw na siya!
Sigaw ng isip niya sabay buntong hininga, tumingin siya sa ama at tango lang itinugon nito. Bumaling naman siya Kay haring Hedeo na nakapag isip isip na bakas kasi sa Mukha nito na Hindi na Galit at problema na Lang sa anak Ang iniisip.
"Paumanhin Jabar, Hindi ko akalaing maging ganito Ang kahihinat Nan ng anak ko. Masyadong siyang nahuhumaling sa anak mo kaya Hindi niya maintindihan Ang sitwasyon. Paumanhin din dahil sa ginawa ko nong nakaraan Hindi ko akalaing may mabuti Kang puso para Hindi gumanti"
"Lahat ng problema nadadaan sa paguusap Hedeo Hindi sa Galit at paghiganti"
"Pagkatapos nito haring Hedeo babalik na ako sa Mundo ng mga tao. Doon Ang Buhay ko at Doon ako masaya. Makakaalis na kami salamat sa pagintindi."
Isang tango lang tinugon ni Hedeo sa kanila at umalis na Sila. Hindi nila alam na nakikinig Pala Ang prinsesa sa kanila at Isang Plano Ang pumasok sa kanyang isip na ikangiti niya ng Malaki.