bc

UNCONDITIONAL LOVE. FREE

book_age18+
2.2K
FOLLOW
29.0K
READ
HE
badboy
mafia
kicking
secrets
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

" Second Generation "

Book 1( Stolen kiss.) Ito po ang anak nila Benjamin and Laura.

Book 2 ( Innocent w***e )

Warning Matured Content R18+ SPG* read your own risk!

(I am sorry for any spelling or grammatical mistakes) I hope you understand thank for your kindness.

Si Alazne ay galing sa kilalang angkan Ngunit sino nga ba ang magmamahal sakanya kung ang tingin ng tao ay isa lang syang spoiled brat's na walang alam.

Makulit pilya matigas ang ulo masayahin ngunit sakabilang ng makikitang ngiti sa kanyang labi nagtatago ang kalungkutan. Hanggang kilan sya Aasa na mahalin ng lalaking simula ng magkaisip sya inibig na nya. Nasa harapan na niya pero hindi niya maabot ang lalaking pinakamamahal,

Hindi niya masabi ang totoong nararamdaman sino nga ba sya isa lamang syang laruan para dito.

May pag-asa kaya makamit ang tunay na pag-ibig na kanyang inaasam-asam?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 Crush
Alazne * * Nakangiti ako habang naglalakad papasok sa campus Grade 11 na ako. Inayos ko ang pagkakaipit ng buhok ko sa aking kaliwang tainga. Tulad ng normal na teenager makulit at nag papansin din ako sa crush ko. Kahit anong pagpapaganda mo walang magkakagusto sayo. " pang aasar ni Jaleel anak ni tito Jorge at tita Max Tsk! " irap ko binilisan ko ang paglalakad para makalayo agad sa binata Cleo, Leo. " masayang tawag ko sa pinsan kong Kambal anak sila ni uncle Brayden kapatid ni daddy. Ayeeeh nakausap mo agad ang crush mo." panunukso ni Cleo Umirap ako inakbayan ako ni Leo habang naglalakad kami nag aasaran kami Mamaya road trip tayo." excited na aya ni Cleo May lakad ako mamaya sorry guy's." nakangiting sagot ko Wala kang lakad sabihin mo magpipinta kalang eh." naiiling na sagot ni Leo Kumaway ako sa dalawa bago pumasok sa classroom. Oh bakit ngayon lang kayo nakakita ng maganda?" mataray na tanong ko sabay-sabay na umirap ang mga kaklase kong babae Spoiled brat." wika ni Jocelyn naupo ako sa upuan ko Wow! Jocelyn hanggang ngayon ba naaalala mo parin ang pagkatalo mo sa singing contest? " pang aasar ko Tsk! Mayaman kalang pero kung wala ang yaman ng pamilya mo sa kalsada ka pupulutin." mataray na sagot ni Jocelyn Parang patalim na tumagos sa dibdib ko ang kanyang sinabi. Pero mabilis akong ngumiti at sumagot. Hahaha! Sorry billionaryo ang aking mga magulang. Sya nga pala palugi na ang negosyo ng pamilya mo diba? Kung ako sayo bawasan mo na ang pag shopping dahil paubos na ang pera nyo. Naubos na ng kabit ng daddy mo." natatawang sagot ko Makakaganti din ako sayo Alazne." pagalit na banta niya saakin Wow! nakakatakot naman." pang aasar ko Pagdating ng professor namen natahimik kaming lahat. Habang nakikinig ako sa sinasabi ni teacher nakaramdam ko ng antok sumubsub ako sa table ko at natulog Miss Shoun! Miss Shoun! Bigla akong tumayo at sinampal ang tao sa harapan ko Nanlamig ang buong katawan ko nang mapagtanto kung sino ang sinampal ko Sir! sorry po." nahihiyang sabi ko nagtawanan ang lahat ng kaklase ko Tumayo ka sa labas ng classroom." galit na utos ni Prof Daniel Borlin. Sir sorry po talaga." nahihiya na hingi ko ng paumanhin Huwag mo pairalin ang pagiging spoiled brat mo sa loob ng klasi ko Alazne Shoun. Tumayo ka sa labas ng pintuan huwag kang Aalis hanggat hindi ko sinasabi." pagalit na sabi ni Sir Borlin Ang gwapo mo talaga Sir paggalit." pang aasar ko sabay tayo dinampot ko ang bag ko naglakad ako palabas ng classroom Naglakad ako patungo sa likod ng campus umakyat ako sa bakod ng campus hanggang sa makalabas ako naglakad ako palayo sa Campus Kahit anong gawin ko lagi nila akong tinatawag na spoiled brat. Wala akong kasalanan sakanila kaya ako nang aasar sakanila dahil sa lagi nila akong pinag iinitan lahat ng teacher sa school galit saakin. Hindi ko alam kung bakit dahil siguro sa Shoun ako at alam nilang Mafia ang angkan namen. Nakarating ako sa malaking puno ng Acacia. inilapag ko ang bag ko sa damohan nahiga ako ginawa kong unan ang bag ko Hindi ako masaya kahit na marami kaming pera. Laging sinasabi ng lahat ng nakakilala saakin na wala akong mararating sa buhay dahil matigas ang ulo ko. Habang buhay akong palamunin ng mga magulang ko. Nakatitig lang ako sa kawalan habang nag iisip. Huwag kang kikilos sumama ka saamin kung ayaw mong masaktan." Napakunot ang noo ko may bigla nalang nagsalita sabay tutok ng baril sa noo ko Magkano ang kailangan nyo? bilisan nyo lang." walang emosyon tanong ko Sampong million. Tawagan mo daddy mo." matapang na utos ng lalaki Tawagan pala ah.. Mabilis kong tinawagan si Prof Daniel Borlin. Bigla nalang inagaw ng lalaki ang phone ko baliwalang pumikit ako inaantok talaga ako May pera sa wallet ko sa pagkakaalam ko sampong libo ang laman ng wallet ko kunin nyo na iwan nyo lang ang gamit ko sa school." inaantok na utos ko Inaantok talaga ako magdamag kasi akong nag paint kagabi. Balak ko kasi gawin regalo sa kaarawan ni daddy ang painting. Huwag nyo akong gigising matutulog ako. " inaantok na utos ko hindi ko pinansin ang pakikipag talo ng tatlong armadong lalaki sa phone ko. May nakatutok parin na baril sa noo ko. Dahil sa preskong hangin na tumatama sa balat ko kaya mabilis akong nakatulog DAMNIT! Alazne." Waaaaaahhhh...." gulat na sigaw ko Arayyyyy.... " sabay na daing namen ni Jaleel nagka-ontugan kaming dalawa Kainis may lakad sana kami ni Zenni tapos istorbo ka saakin. Ngayon nga lang ako tumakas sa klase tapos ganito pa ang madadaanan ko." paninirmon niya saakin Tulog na ang mga holdaper halatang si Jaleel ang may gawa Kaibigan mo rin naman ako bakit ang sungit mo saakin?" tanong ko habang hinahaplos ang noo ko Bestfriend ko Zenni hindi kita kaibigan at kahit kilan hindi kita gusto maging maibigan. " Masungit na sagot niya Crush kita." biglang sabi ko natigilan siya pero saglit lang yon Hindi kita magugustohan huwag kang umasa. Isa ka lamang spoiled brat may crush kana pero hindi mo pa nga kayang mabuhay na wala ang pera ng magulang mo." pagalit niyang sagot ko Crush lang naman wala naman masama don! at isa pa balak ko magtrabaho pag college na ako." nahihiyang paliwanag ko Walang lalaking magmamahal sayo. Tingnan mo sarili mo ang arte mo ang sosyal mo hindi ka nga marunong sa gawain bahay. " masungit niyang sagot sabay lakad palayo Parang may libo-libong patalim na tumarak sa dibdib ko Hindi ko namalayan na umaagos na ang luha sa aking mga mata hindi ko naman sinadya na masabi ko na crush ko sya, Crush lang naman hindi naman masama yon. Napatigil ako sa pag-iyak ng tumunog ang phone ko. Hello po! " umiiyak na sagot ko Alazne! Zenni to tara punta tayo sa bagong bukas na beach." bungad ba aya ni Zenni anak ni tita giemma Agad ko pinunasan ang luha sa aking mga mata Sama ba si Kailani? tanong ko anak ni tito kade si kailani Hindi eh! tara naghihintay kami sa kotse. Dito kami sa kanto." sagot ni Zenni Pagkalipas ng ilang sandali sakay na kami ng BMW ni Zenni si Axel ang driver bodyguard ni Zenni katabi nito ang dalaga Magkatabi kami sa backseat ni Jaleel wala kaming kibuan. Madilim ang kanyang mukha halatang galit, Kami lang ni Zenni ang nag uusap Alazne umiyak kaba?" nag aalalang tanong ni Zenni Napatingin saakin si Jaleel hindi ko alam kung nag aalala ba sya o hindi Hindi! nakatulog kasi ako sa ilalim ng acacia. Napuwing ako kaya mamula ang mga mata ko. Napuyat kasi ako kagabi eh." pagsisinungaling ko Bakit ka napuyat? Tanong ni Zenni Magdamag kasi kami magkausap ng crush ko. Sabi niya pag 18 ko liligawan niya ako." nakangiting sagot ko kahit na nagsisinungaling ako gusto kong iparinig kay Jaleel na hindi lang siya ng lalaki Ayeeeh! nag kiss na kayo? " kinikilig na tanong ni Zenni Hindi pa eh! Bukas ng gabi date daw kami." nakangiting sagot ko Landi." narinig kong wika ni Jaleel Jaleel! bakit ba ayaw mo sa kaibigan ko? Landi agad? Crush lang naman yon eh." pagalit na sita ni Zenni Tumunog ang phone ko Hello Sir! Yes po, sige po walang problema. Opo saan restaurant po ba?" tanong ko sa professor ko Sorry guys pakitabi nalang axel may dinner kami ng Prof ko." seryosong wika ko Dinner? bakit ka makikipag dinner sa Prof mo? " nagtataka na tanong ni Jaleel Kasama si Daddy nalaman ang nangyari kanina gusto akong makausap ng maayos." seryosong paliwanag ko Byebye! babe, sa bahay nyo ako sa Saturday." malambing na wika ko kay Zenni Basted kaba kay Jaleel? pabulong na pang aasar niya Tsk! oo eh! " pairap na sagot ko Lumabas ako ng sasakyan dumungaw si Zenni sa bintana lumapit ako at hinalikan ko siya sa pisnge Nakiss kona ang bodyguard ko tamis ng labi niya." pabulong na wika nito nanlaki ang mga mata ko Ayeeeh." kinikilig na sambit ko Sssssh! kayo lang ni Kailani ang nakakaalam secret natin yon ah." pabulong na wika ni Zenni Tumango ako at kumaway nag umpisa akong maglakad Nakahinga ako ng maluwag ng makalayo na ang sasakyan ng kaibigan ko Si Yaya ang tumawag saakin nagtext kasi ako na tawagan ko. Para kasing hindi ako makahinga sa sama ng loob sa sinabi kanina ni Jaleel Miss Shoun." tawag saakin ng pamilyar na boses Good evening Prof Daniel, Pasensya na po kanina napuyat po kasi ako sa pagpipinta." sensero na wika ko Bakit ka naglalakad? Gabi na baka mapano kapa." he said Pauwi narin po ako. Ikaw po bakit ka naglalakad?." balik tanong ko Naghahanap ng makakainan." nakangiting sagot niya Huminto siya harapan ko tumitig saakin ng seryosong bago ulit nagsalita Pasensya kana kanina." napapakamot sa ulo na wika niya 24 lang si Sir Daniel kaya gwapo masungit nga lang. Ayos lang po Balak ko po magtransfer sa susunod na pasukan. Matigas ang ulo ko spoiled brat din ako kaya ayaw ng lahat saakin." nakangiting sagot ko natigilan siya sa narinig Ilang taon kana? " tanong niya 16 po mag 17 sa susunod na linggo." magalang na sagot ko Tara sama ka sa bahay magluluto ako sabay na tayo kumain Tapos ihahatid kita sainyo." nakangiting aya ni Sir saakin Talaga Sir! Gusto ko sisig, Masarap kasi ang sisig mo " excited na wika ko What? so ikaw pala ang nagnanakaw ng baon ko?" nakakunot noo na tanong ni Sir Daniel Hehe." Alanganing ngiti ko Arayyyyy! Sir child abuse ka." reklamo ko bigla akong binatukan ni Sir Ang tigas ng ulo mo kilan ka titino? " tanong ni Sir Pag puti ng uwak." pagbibiro ko May puting uwak na kaya tumino kana. Nag titipid ako kaya huwag mong kukunin ang baon ko." naiinis na wika niya habang naglalakad kami papasok sa maliit na iskinita Sir gusto mo trabaho? Ang gagawin mo lang ang kausapin ang mga client na gustong magpapinta saakin 50% sayo." seryosong wika ko What? Magkano naman ang bayad sa paintings mo?" nakakunot noo na tanong ni Sir 19 thousand ang pinakababa. Pero malaki ang bayad pag nude paintings mayayaman ang client ko Sir kaya malaki ang income." nakangiting sagot ko natigilan si Sir Daniel Kung malaki ang income mo ib--- Yup! ako ang nagpapa-aral sa sarili ko. Sinanay kami ni mommy na tumayo sa sariling paa ang huwag umasa sa yaman ng mga magulang." putol ko sa sasabihin niya Sorry sa lahat ng nasabi ko " nahihiyang wika ni Sir Daniel So deal?" nakangiting tanong ko Sige! May sakit kapatid kong bunso kailangan ko ng pera pangbili ng gamot." nakangiting sagot ni Sir Yes! Simula bukas sabay na tayo sa pag-uwi ipakilala din kita sa parents ko." nakangiting sagot ko

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.8K
bc

EASY MONEY

read
174.5K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.0K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.7K
bc

Dangerous Spy

read
299.2K
bc

YOU'RE MINE

read
894.1K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook