Alazne * * " Darling sorry na, Huwag ka naman magpaalam saakin nakakatakot eh. Sorry kung nagsigawan kita hayaan mo akong pag-isipan ang pasya ko. Mahal ko ang Mafia organization mahal din kita. Nagugulohan pa ako sa ngayon pero ayaw ko din na maghiwalay tayo. Dito kalang kakausapin ko lang mga tauhan ko." Malambing na wika ni Jaleel Hindi ako umimik tumalikod ako kay Jaleel naglakad siya palabas ng kwarto nakatitig lang ako sa halaman sa labas ng gate gusto kong kunin ang tinapon ng stalker ko pero nasa paligid pa ang mga tauhan ni Jaleel. Unti-unting bumalik saakin ang nakaraan walong taon na ang nakaraan. flashback eight years ago Alazne at age 15 " Don't worry mama papa may nakita na po ako bahay paupahan, Ayeeeh! lalayas na ako. I'm totally free..." Masayang sigaw ko "

