CHAPTER 69 (Part 3) Nagpalinga-linga si Marina dahil biglang nawala sa tabi niya ang kanyang kaibigan. May kumausap kasi sa kanya kanina na family friend kaya wala siyang choice kung hindi makipag kumustahan lalo na’t pinagsabihan siya ng kanyang mga magulang na maging maayos ang trato sa kanilang mga kasamahan sa negosyo. Ayaw niya sanang sundin ang kanyang mga magulang ang kaso nga lang ay pagod na rin siya na palagi nalang siyang sinesermunan. Nakakapagod din na pakinggan ang mga hinaing ng kanyang mga magulang o ng iba nilang pamilya tungkol sa ugali niya. At least man lang may naiambag siya sa kanyang pamilya kahit na nakikiplastik-an lang siya. Kumunot ang noo niya nang makita niya ang nakatalikod niyang kaibigan. Kahit na nakatalikod sa kanya si Elisa ay alam niya na siya ito dah

