CHAPTER 69 (Part 2) Pagbaba ni Avery ay kaagad niyang nakita si Oliver na mukhang nagkagulatan ang dalawa at hindi na nila alam kung ano ang sasabihin nila sa isa’t-isa. Dahil si Elisa ang nakatapat sa kanya at si Oliver ang nakatalikod sa kanya ay kitang-kita niya kung paano kakabado ang dalaga. Halos hindi na niya alam kung saan ang ibabaling ang kanyang tingin, mukhang gusto na niyang umalis sa harapan ni Oliver ang kaso nga lang ay hindi niya alam kung paano igalaw ang kanyang paa paalis kay Oliver. Hindi niya alam kung natatae ba siya o mukha siyang nawawalang bata dahil sa kanyang itsura. Talaga namang hindi alma ni Elisa ang kanyang gagawin. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil sa naging epekto sa kanya ni Oliver. Ilang linggo niyang sinubukan kalimutan ang binata, ang buong aka

