Araw ng linggo maaga pa rin akong nagising at agad na nagbihis. Magsisimba kami nina Ate Fatima ngayong araw kaya dapat ay makababa na ako dahil pipitas pa ako ng bulaklak sa garden. Ibibigay ko ito sa church at magdadala rin ako ng prutas na napipitas lang namin sa paligid ng mansyon. Kahapon ay umalis na sina Kuya Alamid, kailangan raw muna nilang bumalik ng Italy. Lolo wants to meet me at susunduin siya ni Kuya Alamid, Kuya Drake needs to go home with his family dahil naglalambing na ang anak nito. Kabado ako na makilala at makita sa unang pagkakataon si lolo pero handa naman ako. Kahit na tutol si Anton sa bagay na ito ay wala itong nagawa. Hindi ko pa rin ito kinakausap at hinayaan lang muna ako nito, marami pa itong hindi sinasabi sa akin at puro lang ako assumption na lahat n

