Sa wakas nakauwi na rin kami, may mga napansin ako na mga lalake na nasa paligid. Mga tauhan marahil nina Anton ang mga ito kaya nang maiparada ni Kuya Alamid ang sasakyan ay agad na akong bumaba. Pero bumaba rin si Anton at nagkatitigan kami pero iniwas ko agad ang tingin dito. Akma na akong tatalikod pero nahawakan nito ang braso ko kaya sinamaan ko ito ng tingin. “Can we talk babe?“ Tanong niya sa mahinang boses kaya winaksi ko lang ang braso ko. Saka ako umirap sa kanya at naglakad na papunta sa main door. “Hayaan mo na muna siya Anton, she's still shock.“ Narinig ko na turan ni Kuya Drake dito at seryoso ang boses nito. Nagtuloy na ako sa pagpasok at naabutan ko sina Ate Fatima na naghihintay marahil sa amin. Alam na rin siguro nito ang nangyari base sa pag-aalala sa mga mukha

