Nagising ako na tumutunog ang cellphone ko kaya kinapa ko ito sa bedside table ko. Nakapikit pa ako nang sagutin ko ito at nabuhayan ako ng dugo dahil narinig ko ang boses ni Liam. Magaan na ang pakiramdam ko habang nagbibihis ako matapos kong maligo. Nakausap ko rin kasi ang mga bata ang kambal ni Ate Fatima at si Liam na gusto na akong umuwi. Sinabi ko na lang dito at nangako ako sa mga bata na uuwi ako next month, si Ate Fatima naman ay binilinan ako na huwag masyadong magpakapagod kaya tumango lang ako dito. Mamaya na ang trabaho namin kaya magha-half day lang ako sa trabaho. Bumangon na ako at naligo at nang matapos ako ay bumaba ako agad at naabutan ko si Dryle na nasa sala at nagpu-push up habang nakahubad baro. "Good morning D." Bati ko dito kaya napatingin ito sa akin at sa

