Maaga akong pumasok at syempre sinundo ako ng magaling kong asawa na hindi ko naman matanggihan. "Ito ang baon mo ginawan kita ng tanghalian at dinamihan ko na." Sabi ni Daphne kaya napangiti ako dito. Kaya marami ay para na rin kina Annie kaya napangiti na lang ako. "Salamat Daphne you are the best." Nakangiti kong pasasalamat dito saka ko ito hinalikan sa pisngi kaya lalo itong napangiti. Kung naging lalake lang ito ay baka nagkagusto na ako dito pero mukhang malabo dahil pareho kaming babae. Napailing na lang ako sa pumapasok sa isip ko. Talagang inaalagaan ako nito dahil sa pakiusap na rin ng kapatid ko at syempre ng mga pinsan ko at si lolo na laging nag-aalala sa akin. Inayos ko muna ang suot kong damit saka ako napahinga ng maluwag. Nagpaalam na ako kay Daphne at Damon na ab

