Episode 1: Note
“Alam mo bang hindi tama ang ginawa mo Maqui.” pangaral ni Mrs. Madison, ang aming school principal.
“Siya naman po kasi ang nauna.” pagtatanggol ko naman sa sarili ko.
I looked at the person who has cotton on his left nostril, in front of me. He smirked which annoyed me even more.
Alam kong mali ang ginawa ko sa kanya at pinagsisisihan ko iyon. Nang dahil doon ay napatawag tuloy ako dito sa principal’s office.
“I understand, but that’s not the reason for you to retaliate.” mahinahong sabi ng aming principal.
“How about you Kalix? Bakit mo naman kinuha ang lunch box ni Mia nang hindi nagpapaalam?” baling naman niya sa lalaking may dahilan nang lahat na ito.
He looked at me and I smirked back. ‘Akala mo ba hindi na mapapansin ang ginawa mo dahil lang sa mas grabe ang ginawa ko. Diyan ka nagkakamali Mr. Kalix Jimenez.’ sabi ko sa sarili ko.
Pero imbis na sumagot ay yumuko lang ito.
It all happened during lunch time when he hid my best friend’s lunch box. Mia cried because of that. I looked for it everywhere but I couldn’t find it. Hanggang sa napadpad ako sa kung nasaan ang kinaiinisan kong tao at doon ko rin makikita ang lunch box ni Mia.
“Bakit nasa ‘yo ang lunch box ng kaibigan ko?” tanong ko pagkakita ko dito.
“Oh! The super girl is here.” eksahiradong sabi niya,
Super Girl ang ipinangalan niya sa akin.
“Akin na nga ‘yan.” sabi ko sabay abot ng lunch box mula sa kanya. Pero bago ko pa man ito maabot ay mabilis na niya itong naiiwas.
“Abutin mo muna kung kaya mo.” sabi nito sabay taas ng kamay niyang may hawak dito.
I tried to reached it out but I couldn’t because he is taller than me.
“Use your powers.” pang-aasar niya.
“Amin na kasi. Kinukuha mo hindi naman sayo.” sabi ko na pilit pa ring inaabot ang lunch box.
“Ayaw ko.” pagmamatigas nito.
Nang dahil sa inis at galit ko ay hindi ko namalayang nakayukom na pala ang aking kamao.
“Ilabas mo na kasi ang powers mo para hindi kana nahihirapang kunin ito.” nakakalukong saad niya.
My fist clenched harder as I heard what he said. I was stunned by what happened next. Ang kanina pang nakayukom kong kamao ay dumapo sa kanyang mukha. I gave him a cross punch that hit his nose. At dahil doon ay nabitawan niya ang hawak-hawak niyang lunch box.
I ignored the lunch box on the floor as I was stunned when I saw that his nose was bleeding.
Pumikit ako dahil ayaw kung nakakakita ng dugo. Alam kung ako ang dahilan kung bakit dumugo ang kanyang ilong pero hindi ko iyon sinasadya. Nadala lang ako sa inis at galit ko.
“Ang lakas ni super girl.” hiyaw ng isang estudyanteng nakakita sa nangyari.
Napamulat ako dahil sa hiyaw na iyon. Tumingin ako kay Kalix na ngayon ay pinupunasan niya ang kanyang duguang ilong. Nakita ko kung paano sumingkit ang kanyang mga mata dahil sa galit.
“Anong nangyayari dito?” tanong ng aming gurong si Mrs. Perez nang makita ang kumpulan ng mga estudyante.
Pagkarinig ng mga estudyante sa boses niya ay binigyan nila ito daan para makarating sa gitna kung saan masasagot ang kanyang tanong.
“What happened? Why is your nose bleeding?” sunod-sunod na tanong ni Mrs. Perez kay kalix.
Hindi ito umimik bagkus ay sinagot niya ito gamit ang kanyang mga mata. Tinignan ako ni Kalix na naging dahilan upang maintindihan ni Mrs. Perez ang ibig niyang ipahiwatig.
“Maqui, what did you do?” baling na tanong ni Mrs. Perez sa akin.
Hindi ako sumagot at tanging yuko lang ang nagawa ko.
“Kung ayaw niyo akong sagutin, si Mrs. Madison na lang ang kakausap sa inyong dalawa.” pananakot nitong hindi naging epektibo upang magsalita kami.
“Let’s go to the principal’s office.” sabi nito.
Tumango ako at sumunod na sa kanya. Sumunod din naman Kalix, pero bago kami makarating sa pupuntahan namin ay dumaan muna kami sa clinic para matignan ng maayos ang ilong ni Kalix. Nang naayos na ang lahat ay nagpatuloy kami sa kung saan kami pupunta.
Sa totoo lang ay sasagutin ko na sana si Mrs. Perez kanina sa kung anong nanyari ngunit hindi ko tinuloy nang sabihin niyang si Mrs. Madison na lang ang kakausap sa aming dalawa ni Kalix. Mas gusto ko iyon dahil baka sakaling makinig si Kalix kung principal na ang kakausap sa kanya.
“I know that you’re still young. And I know that you are both smart.” sabi ni Mrs. Madison gamit ang kanyang malamyos na boses. “At alam kong alam niyo na kung anong tama sa hindi.” dagdag nito.
Nakayuko lang akong nakinig sa mga sinasabi ni Mrs. Madison.
“Do you both understand what am I saying?” tanong niya sa aming dalawa ni Kalix.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Kalix saka sabay na tumango.
“Hindi na sana ito mauulit.” dagdag niya.
“Yes, Mrs.” sabay naming sagot ni Kalix.
“Aasahan ko yan.” sabi niya na tinanguan naman namin.
“Okay. You can go back to your classroom.”
“Goodbye Mrs.” paalam ko.
Ngumiti siya, “Goodbye.”
Naunang lumabas si Kalix sa akin. Ang akala ko ay nauna na rin siyang bumalik sa aming classroom, pero pagkalabas ko ay naabutan ko siyang nakatayo sa harap ng pintuan. Hinintay niyang maisara ko ang pintuan bago ito nagsalita.
“Hindi pa tayo tapos.” sabi nito saka umalis.
I know it. Wala talaga itong kinatatakutan. Napailing na lang ako bago naglakad pabalik sa aming classroom.
“Goodbye class.” paalam ng aming guro na si Mrs. Perez. Siya nga pala ang aming classroom adviser.
“Goodbye Mrs. Perez.” sabay-sabay naming sabi.
“Clean your room before you leave.” pagpapaalala niya sa amin. “Maqui, ikaw na muna ang bahala dito, ha. I need to go to the office for a meeting.” dagdag niya.
“I assign Maqui as your little teacher for a while. Makinig kayo sa kanya.” baling niyang sabi sa mga kaklase ko. “Maqui, tell me who is not listening, okay.” baling naman niya sa akin.
“Yes, Mrs.”
“You can go home when you are done, okay.” dagdag niya na tinanguan naman namin bago siya tuluyang umalis.
Maayos naman lahat habang naglilinis kami. Lahat ng mga kaklase ko ay nakikinig at tumutulong sa bawat gawain. Hindi rin nagpasaway ang grupo ni Kalix na ipinagtataka ko naman, dahil kapag ganitong walang teacher na nagbabantay sa amin ay siya namang pagsasagawa nito sa mga kalukuhan niya.
Magkaklase na kami ni Kalix simula pa noong nasa pre-school kami. Simula noon ay hindi na rin maganda ang aming samahan. Parati kaming nag-aaway na parang mga aso’t pusa. Parati ko kasi siyang pinapakialam sa mga maling gawain niya na ikinaiinis naman niya. Tinawag niya akong super girl dahil parati kong ipinapagtaggol ang mga batang binu-bully niya.
“Tapos na ba lahat sa paglilinis?” tanong ko sa mga kaklase ko.
“Yes.” sabay-sabay naman nilang tugon.
“Very good.” sabi ko na para talagang isang guro. “Let’s pack our things and we can go home.” I instructed them.
Pagkasabi ko no’n ay mabilis at nag-unahang lumabas ang grupo ni Kalix. Hinintay ko munang makaalis sila lahat bago ako gumalaw upang tignan kung may nakalimutan pa kaming gawin. Nang nasigurado kong ayos na ang lahat ay lumabas na din ako. Pagkalabas ko ay nandoon si Mia na hinihintay ako. Sinara ko muna ang pinto ng room namin bago ko siya binalingan.
“Let’s go.” nakangiting sabi ko. Ngumiti naman siya saka ako tinanguan.
“Thank you nga pala kanina.” sabi niya habang naglalakad kami sa may hallway.
Nginitian ko siya, “Wala ‘yon.”
“Ang sama talaga ng ugali ni Kalix.” walang anu-ano’y sabi niya.
“Sinabi mo pa. Para siyang bata kung mag-isip sa mga pinaggagawa niya.” tugon ko naman sa kanya.
“Mga bata pa naman tayo Maqui. Ikaw lang itong matured kung mag-isip.” saad nito.
Hindi ako umimik. Habang naglalakad kami ay napansin kong parang ang bigat ng bag ko. Hindi ko naman inuwi lahat ng books ko dahil inuwi ko lang ang alam kung kailangan ko.
“Are you okay?” tanong Mia sa akin nang napansin niyang hindi ako kumportable.
Hindi ko siya sinagot. Huminto ako nang may nakita akong upuan at mesa. Lumapit ako dito at nilapag ang aking bag. Sumunod naman si Mia sa akin.
“Bakit?” tanong niya.
“Parang ang bigat ng bag ko. Titignan ko lang kung nailagay ko ba lahat ng books ko dito ng hindi ko namamalayan.” sagot ko sa kanya.
Binuksan ko ang aking bag at tumambad sa akin ang laman nitong dalawang piraso ng lampaso. Hindi kami nakapagsalita ni Mia dahil sa gulat. Paano nakapunta ito sa bag ko? Sino ang naglagay nito dito?
Padabog kong inalis ang mga ito sa bag ko.
“There’s a note.” bulalas ni Mia pagkakita niya sa note na nakadikit sa isa sa mga lampaso. Kinuha ko ito at binasa.
‘I told you. We’re not done yet =)’
Pagkabasa ko no’n ay alam ko na kung kanino galing. It was from my one and only enemy, Kalix Jimenez.
Hinablot ni Mia ang note mula sa akin at siya naman ang nagbasa nito. Hindi na ito nagtanong kung kanino galing dahil hindi na lingid sa kaalaman niya kung anong relasyon ang mayroon kami ni Kalix.
“Anong gagawin mo ngayon?” tanong niya.
“Ibibigay ko sa kanya kung anong hinihingi niya.” sagot ko na may halong galit.
‘You better wait and see.’ sabi ko na hindi ko na lang isinatinig.