bc

When She Was Thirteen

book_age16+
2.3K
FOLLOW
7.2K
READ
dark
fated
second chance
bxg
heavy
serious
realistic earth
first love
slow burn
passionate
like
intro-logo
Blurb

[This is the sequel of When I Was Thirteen]

---

Lester Dela Vega witnessed how Chantle Margaret Reyes grew up. He was 13 years older than her, and for him, he sees her as a little sister… nothing more. However, everything has changed when Chantle turned 13 years old. Lester tried so hard to stop himself to get close to her because he doesn’t want to commit the same mistakes his parents did years ago.

But… what if… history repeats itself?

chap-preview
Free preview
Prologue
I was thirteen years old when she was born. She was so tiny. Pinagmamasdan ko ang mumunting galaw niya mula sa kinalalagyan niya sa loob ng nursery room. Nakatulala lang ako. Ano kaya ang kanyang itsura paglaki niya? Pulang-pula ang kanyang pisngi. It looks so soft. Malamang, pag kinurot ko ito ay mas lalo lang itong magiging pula. O baka naman masugatan ko pa. Huminga ako ng malalim. My breath moistens the clear window. Chantle Margaret Reyes. Nice name. Maganda ang pangalan na napili ni Tita Jessica, bestfriend ni Mommy. Ang Mommy ni baby Chantle. "Lester," tinanggal ko ang tingin sa kanya. Tinignan ko si mommy. Hawak niya ang kamay ng nakababata kong kapatid, si Macky. "Umuwi na tayo. Padating na ang tito Carl mo." Nilingon ko muna si baby Chantle ng mabilis bago bumalik ang tingin kay Mommy. Nice to meet you, baby Chantle. "Sige po," tango ko. Sila ngayon ang kasama ko dahil nandito sila sa Pilipinas. Kay Daddy talaga ako nakatira. Pwede naman akong manatili sa States ngunit mas pinipili ko lang talaga dito sa Pilipinas. It feels so weird. Pakiramdam ko ay wala naman talaga akong permanenteng pamilya. May ibang asawa si Mommy, gano'n din naman si Daddy. Saan nga ba ako pwedeng lumugar? Noong bata pa ako, ayos lang sa akin kahit kanino ako makituloy. Pero nang magkaroon na ako ng muwang, unti-unti ay nakakaramdam ako ng inggit. Bakit nga ba hindi, 'di ba? Sana ay si Daddy na lang ang pinili ni Mommy. Sana ay pinaglaban nila ang pagmamahalan nila. Hindi sana sila naghiwalay. Wala sana silang kanya-kanyang pamilya ngayon. Baka sakaling buo kami. Baka sakaling masaya ako ngayon. Baka sakaling hindi ako nakikihati sa atensyon nila. Ano ba'ng mahirap doon? Ang akala ko ba ay minahal nila ang isa't-isa? Bakit sila sumuko? Bakit hindi nila sinubukan ulit? Baka pwede pa... I only found my family when I met my friends. Simula nang mag aral ako, sila na ang madalas kong kasama. Though we have different personalities, nagkakasundo pa rin kami. Masaya ako pag kasama ko sila. Nakakalimutan ko na wala nga pala akong permanenteng kinalalagyan dito sa mundo. "Les... nakatingin sa 'yo si Ana," anang kaibibang kong si Arnold sabay nguso sa kinauupuan nila Ana. Tiningnan ko sila. Agad ngumiti si Ana nang magtagpo ang aming mga mata. Kumaway rin siya sa akin. Tipid ko siyang kinawayan at binalik ulit ang tingin kay Arnold. May pilyong ngiti na nakadikit sa kanyang labi. "Pustahan, type ka n'yan. Ano, kunin ko na ba ang number niya?" tukso niya sa akin. I shook my head. "Sexy naman siya, ah? Hindi mo type?" sabi naman ng isa ko pang kaibigan na si Vince habang pinagmamasdan si Ana. "Sayo na kung gusto mo," sabi ko na lang. Binaling ko na lang ang aking tingin sa cellphone. May text galing kay Mommy. Siya lang mag isa ang umuwi ngayon dito sa Pilipinas. May klase kasi si Macky. Si Tito Carl naman ay busy sa kanyang business. Of course, hindi palalampasin ni Mommy ang okasyon ngayon dahil 7th birthday ni Chantle sa Sabado. Paborito niya si Chantle dahil gustong gusto niya ng babaeng anak. Nahanap niya 'yun kay Chantle. Umuuwi lang naman si Mommy tuwing may okasyon. Ayaw niyang manatili dito. Oo nga nama't nasa America na ang buhay nila. Mommy: Lester, umuwi ka ng maaga. Samahan mo kong bumili ng regalo para kay Chanty. Bumili ka na rin ng regalo mo para sa kanya. Nag type agad ako ng reply sa kanya. Hindi ko na pinakinggan ang mga kaibigan kong nagkakantyawan. Si Ana pa rin ang topic nila. Kung gusto nila, eh 'di sila na lang ang manligaw. Ako: Okay po. See you. Kaya naman pagkatapos ng huling subject ko ay umalis na agad ako. Hindi na ako nagpaalam sa mga kaibigan ko. Hindi rin naman kasi pare-pareho ang mga kursong kinuha namin. Architecture ang kurso ko. Nasa ika apat na taon na ako ngayon. Gusto ko sana ay Business-related courses, kaso ay Arkitekto ang gusto ni Daddy. Wala naman akong magagawa, kaya pumayag na ako. May karapatan pa ba akong tumutol? Dapat nga ay magpasalamat pa ako dahil pinapaaral niya ako. "Kumusta naman ang pag aaral mo? Isang taon na lang ay ga-graduate ka na. Pasado naman ba lahat ng grades mo?" pormal na tanong ni Mommy habang ng patungo kami sa mall. "Ayos naman po lahat. Walang bagsak," sagot ko. Ayoko silang biguin. Hindi na ako sumali sa soccer team kahit gusto ko. Ayokong magkaroon ng ibang pinagkakaabalahan. Ayokong mapahiya sa mga magulang ko. "May girlfriend ka na ba?" Nagkatinginan kami ni Mommy saglit. Nagulat ako sa kanyang tanong. We rarely talk about this. Lalo na kung sobrang personal. Hindi ako sanay. "Ah... wala po," binalik ko ang tingin sa kalsada. "You're already twenty! Siguro naman ay nagka girlfriend ka na?" Tumawa si Mommy. Naninibago ako. Hindi talaga ako sanay. Ewan ko ba, pero kapag si Mommy ang kausap ko, nahihiya talaga ako. "Uh... meron na rin naman po. Noon..." I'm not sure, though. Girlfriend ba'ng matatawag kung hindi naman nilalagyan ng label? Hindi kasi ako nanliligaw. Basta kapag gusto ko ang babae at pag gusto rin niya ako, idi-date ko na siya. Kapag wala na 'yung spark na sinasabi nila ay ititigil na ito. Mabuti na lang at lahat ng babaeng naka date ko ay game sa gano'ng set up. Binilhan ni Mommy ng magandang dress si Chantle. Ako naman ay binilhan siya ng life size barbie doll. Alam ko kasi na gano'n ang gusto niya. Hindi lang ako sigurado, pero baka meron na siya nito. Spoiled kasi ang isang 'yun kay Tita Jessica at Tito William. Bunso kasi. Tapos ay nag iisang babae pa. Laging nakabantay si Evan at Samuel, ang mga kuya niya. Sa mga lumipas na taon... palagi akong nasa birthday niya. Hindi ako pumapalya. Siguro ay dahil sa nakasanayan ko na rin ang pag punta. Kahit na noong magkaroon na ako ng trabaho ay hindi pa rin ako uma-absent sa birthday ni Chantle. Nagpa file agad ako ng leave isang buwan pa lang bago ang kanyang birthday. May pagka matampuhin kasi ang batang 'yun. Kailangan ay may regalo sa kanya tuwing may espesyal na okasyon. Tulad na lang kapag pasko, bagong taon, at syempre... birthday niya. Nandito ako ngayon sa mall. Naghahanap ng magandang ireregalo sa kanya. Nauubusan na ako ng ideya kung ano nga ba ang dapat na ibigay sa kanya. Noong 11th birthday niya ay binigyan ko siya ng kwintas. Last year naman ay bracelet. At ngayong 13th birthday niya, anong ibibigay ko? Singsing? Damn it! Baka naman magmukha siyang Jewelry shop sa mga ibinibigay ko. Hindi bale na nga! Binilhan ko siya ng singsing na mayroong birthstone niya. Hindi pa man lumilipas ang ika-labing tatlong taon na kaarawan niya ay nag iisip na ako ng regalo para sa susunod na taon. Ano naman ang ibibigay ko sa susunod, anklet? Really, Lester? May balak ka talagang gawing Jewelry shop si Chantle? Maraming bisita sa venue kung saan ginanap ang birthday ni Chantle. Napaka engrande. Para na siyang magde-debut. Malamang ay hiniling na naman niya ang ganito. Gustong gusto niya na prinsesa siya sa kanyang kaarawan. Nasa stage na si Chantle. Escort niya si Evan, ang kanyang panganay na kapatid. Inayos niya ang kulay pink niyang gown bago umupo sa eleganteng sofa. Nagpalakpakan ang lahat. Pumalakpak din ako. Pinagmasdan ko si Chantle. Ang bilis ng panahon. Teenager na siya. Sa mga susunod na taon, sigurado akong magkakaroon na siya ng mga manliligaw. She's growing up so fast. Para bang atat na siyang tumanda. Kahit bata pa siya, marunong na siyang manamit. Alam na niyang ayusin ang sarili niya. Well, this is her generation. Ang ibang kabataan ay ganito na talaga kung umasta. But maturity is not about the physical. It is based on how you think and how you see things. Marunong ka ngang manamit at mag ayos, pero kung hindi naman ganun katatag ang pananaw mo sa buhay ay wala rin. At sa nakikita ko... sa panlabas ay matured na si Chantle. Pero sa pag iisip ay hindi pa rin. Marami pa siyang pagdadaanan. Life is not easy. Magiging madali lang ang lahat kapag nalampasan na ang mga pagsubok. "Dalaga na talaga si Chanty!" Mom exclaimed. Naluluha ang kanyang mga mata. Pumapalakpak din si Macky, kasama ang kanyang Americana'ng girlfriend. Nagbigay muna ng mensahe ang mga magulang ni Chantle bago mag umpisa ang kainan. Habang kumakain ay kinalkal ko ang bulsa ng coat ko. Damn it! Wala rito ang singsing. Nasa kotse ko nga pala ito. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam muna ako kina Mommy para kunin ang regalo ko. Habang papalabas ako ay nakita ko si Chantle na kumakain kasama ang kanyang mga kaibigan. Nagkatinginan kami agad. Natigilan siya sa pagsubo ng kangyang pagkain. Mukhang nagulat siya. Cute... Tumigil ako sa paglalakad. I waved my hand and whispered 'hi'. Binaba niya kaagad ang kutsarang hawak niya. Uminom siya ng tubig bago lumapit sa akin. Sinundan siya ng tingin ng kanyang mga kaibigan. "Aalis ka na?" tanong niya nang makalapit na sa akin. "Hindi," ngiti ko. "May kukunin lang ako sa sasakyan." "Ano?" hindi talaga marunong gumamit ng 'kuya' ang isang 'to. Napailing ako. "Basta," pinisil ko ang malambot niyang pisngi. Agad naman niyang hinawi ang kamay ko. "Ano ba... masisira ang make up ko," reklamo niya. Nag ayos ako ng tayo. Nilagay ko ang mga kamay ko sa magkabilang bulsa ng pantalon ko. "Kukunin ko 'yung regalo ko sa 'yo. Nasa kotse." "Regalo?" lumiwanag bigla ang kanyang mukha. "Tara! Kunin na natin," maligaya niyang sabi. Siya na mismo ang humila sa akin patungo sa labas. I beeped my car. Agad namang pumasok sa loob si Chantle. Wala siyang pakealam kahit naiipit at nagugusot na ang kanyang gown. "Dahan-dahan..." sabi ko pagpasok sa driver's seat. Tinulungan ko siyang maipasok ng maayos ang kanyang gown sa loob ng sasakyan. Nang maayos na ito ay sinara na niya ang pintuan. She pouted her lips. Ang ilang hibla ng buhok niya ay nalaglag na. Nagkatinginan kami. Her deep and eloquent eyes reflected on me. Behind her make up is an innocent little girl. Napakaamo ng mukha niya. She's just pretending to be matured to blend in. Pero hindi na niya kailangan pang gawin iyon. Hindi niya dapat madaliin ang kanyang pagtanda. "Nasaan na ang regalo mo?" tanong niya na siyang nagpabalik sa akin sa realidad. Tumikhim ako. "Uh..." I looked away. Kinuha ko ang regalo ko sa may cup holder. Dumako rin ang mga mata niya doon. And there... she saw the tiny red box. She saw my gift. Nanatili lang akong nakatingin kay Chantle. Nakatulala siya sa maliit na box. Nakabukas ng kaonti ang kanyang bibig. Her perfect set of teeth slightly showed. "What's... what's this?" she asked, bewildered. "Gift," ngumiti ako. Binuksan ko ang box at kinuha ang singsing doon. Her birthstone twinkled. Inabot ko ang kanang kamay niya. Nakatingin pa rin siya sa regalo ko sa kanya. Gusto kong tumawa. Hindi pa ba siya sanay? Palagi ko naman siyang binibigyan ng alahas, ah? Ngayon pa ba siya magugulat? Sinuot ko ang singsing sa kanyang daliri. It looks really good on her ring finger. "You already have everything, Chantle. Kahit bata ka pa lang... halos nasayo na lahat," binitawan ko ang kamay niya. Saglit siyang tumingin sa akin bago bumaba ulit ang tingin sa daliring may singsing. "Thank... thank you," mahina niyang sabi. Nanatili akong nakatingin sa kanya. "But please, don't grow up so fast. Huwag mong madaliin ang pagtanda, Chantle. I know you want to be independent. Pero sa ngayon... hindi mo pa kaya. Bata ka pa," bumalik ang tingin niya sa akin. Nakakunot ang noo niya. Tila hindi naiintindihan ang mensahe na nais kong iparating. "Sa ngayon, akala mo ay tama na ang nakikita mo sa lahat. But soon, you'll understand. The world... our world is cruel, sometimes." "Hindi kita maintindihan..." mas lalong kumunot ang noo niya. "You're just thirteen, Chantle. Marami ka pang dapat at kailangan matutunan," pinisil ko ang ilong niya ng sobrang rahan. "Tara pumasok na tayo sa loob. Baka hinahanap ka na nila."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.0K
bc

His Obsession

read
72.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook