KABANATA 6

1462 Words
Pansin mo ba? Parang ang weird nang bagong kasambahay natin.” Sumulyap si Nate sa kapatid na si Gummie. Kumakain na naman kasi ito ng itlog. Hindi n'ya alam kong normal pa ba ang ginagawa nito o may eating disorder na ang kapatid n'ya. “Siguro dapat mapacheck-up kana.” Tatawagan na sana n'ya ang doctor nila ng pigilan s'ya ni Gummie. “Ayos lang ako wala akong sakit. Nakakainis ka Nate. Ikaw nga takot sa ipis kahit na ka lalake mong tao nag suggest ba ako na dalhin ka sa doctor?” Sinamaan n'ya ng tingin ang kapatid. “Hindi kita inaalala, mas gusto ko pa ngang maging itlog kana lang eh. Para mawalan na ako ng ka kompitensya sa kompanya.” Malamig na wika n'ya. “Nakakasakit kanang damdamin sa pananalita mo sa kapatid mo.” Sabat ni Frost bago tumabi sakaniya at tumitig. “Walang competition dahil magkakapatid tayo. Iisa ang dugo at laman natin.” Dagdag pa ni Frost. “Mali ka.” Nakangising segunda ni Blake na kararating lang din. “Iba si Nate sa atin kasi maitim ang budhi n'ya.” “Magkakapatid tayo sa ama. Iyon lang ang dahilan kaya ginusto kong makasama kayo. Walang dahilan para kaawan at pakisamahan ko kayo.” Saglit s'yang natigilan ng mapatitig kay Frost na nakakuyom na pala ang kamao. “Gusto mo akong suntukin? Gawin mo.” Walang emosyong wika n'ya bago tumayo. Mas maayos na 'to. S'ya ang di-distansiya sa mga kapatid n'ya at magiging masama. Sa paraan na 'to magiging matiwasay ang buhay nila. “Mayabang ka talaga.” Sambit ni Frost bago niligyan ng ngiti ang labi. “Chill lang.” Awat ni Blake. “Basta ako wala akong pake sa kompanya. I'm not interested. Sainyo na, may pera naman ako kahit hindi ako ang magiging susunod na mag ma-mana nang mga business natin." Kampanteng saad ni Blake bago nilagok ang alak na sinalin sakaniya ng bartender. Nasa bar kasi sila ngayon. “Uuwi na ako.” Lumabas na si Nate at sumakay ng kotse. Mabilis ang pag papatakbo n'ya ng sasakyan kaya naman ilang minuto lang nakarating na s'ya sa mansyon. Wala s'yang oras makipag plastikan sa mga kapatid n'ya sa ama. Alam naman n'yang ganoon din ang tingin nga mga ito sakaniya. Pare-pareho lang silang bastardo para sa ama nila. Dahil wala namang ibang minahal ang ama nila kundi ang ina ng kapatid n'yang si Frost. Kaya nga matindi ang pagnanasa n'yang mapunta sakaniya ang kompanya, para kahit paano maipag malaki s'ya nang ama n'ya kapag naipakita n'ya na kaya n'ya ring mag handle nito. Hindi 'yung puro nalang si Frost ang magaling! Ito nalang lagi ang paborito. Lolo lang naman nila ang kumukop sakanilang apat na bastardo eh. Ito lang ang may bayag na managot sa ginawa ng anak nitong magaling lang bumuo pero hindi marunong mag palaki at sumuporta ng anak. “Gabi na. Bakit gising ka pa sir?” Hindi s'ya sumagot sa tanong nang bago nilang kasambahay na si Anita. Naiirita s'ya sa babae dahil sa pagiging weird nito. Kapag kasi tinitignan n'ya sa mata ang dalaga ay takot at lungkot ang nakikita n'ya, pareho nang sakaniya. “Imbestigadora kaba?” Nakapamulsang tanong n'ya rito. "Masyadong formal ang sir 'di naman kami royal blood. Nate nalang, pero igalang mo parin ako.” “Sige po.” Mabilis na sagot nito. Hindi n'ya gusto ang pag gamit nito ng po at opo kapag kinakausap s'ya dahil nagmumukha s'yang matanda. “Nate nalang ang itawag mo sakin. Walang po at opo dahil 24 years old lang naman ako. Gets mo?” Napatango ang dalaga sakaniya. Papasok na sana s'ya sa loob ng bahay ng huminto s'ya at bumaling ulit rito na hindi parin umaalis sa pwesto. Nakaabang parin ito malapit sa gate. “Aso kaba? Pumasok kana.” Utos n'ya. “Pero wala pa 'yong apat, at kapag iniwan kong bukas ang pinto at natulog na ako baka mapasok tayo ng magnanakaw. Hindi kasi sila marunong mag sarado ng pinto.” Paliwanag nito sakaniya kaya hinayaan na n'ya ito at hindi na tinanong pa. Bago pumasok ng banyo para maligo ay nag iwan s'ya ng chat sa gc nila nang mga kapatid n'ya. Pinauuwi na n'ya ang mga ito dahil tiyak na ma-aagnas kahihintay si Anita sa mga kapatid n'ya. ** Yamot na yamot na si Anita. Linalamok na s'ya kahihintay sa apat na barako. Pati si Frost late narin umuwi. Gusto n'ya itong pagalitan na parang boyfriend n'ya pero hindi pwede. Dumukdok muna s'ya habang nakaupo at tahimik na naghihintay. “Ikaw na babaeng sinabihan kaming dating uod!” Nagising s'ya sa malakas na boses. Kinusot n'ya ang mata ng makita ang apat na nakatingin sakaniya. Agad s'yang tumayo at binati ang apat. “Magandang gabi. Nakatulog ako sa tagal ng paghihintay, pasensya na.” Napasulyap s'ya kay Blake na mukang lasing. “Unique 'yong butterfly namin sa bewang.” Nakaturo ito sakaniya at masama ang tingin. “Bakit mo sinabing uod kami sa past life namin?!” S'ya pala 'yong sumigaw kaya nagising si Anita. Malala na ang tama ni Blake kaya naman napailing na lamang si Anita at hindi na ito pinatulan. “Pasensya na marami kasing nainom.” Bulong ni Frost sakaniya bago ipinasok na sa loob si Blake na pagewang-gewang na nga ang lakad ay hindi parin maalis ang matalim na titig sakaniya. “Ang alak ay sa tiyan at hindi sa ulo.” Natatawang sabat ni Gummie bago kumindat, kumindat sakaniya. Halatang nakainom rin ito kaya nginitian nalang n'ya. “Ang itløg ay príváte párts at hindi kinakain.” Segunda ni Bambam. Napairap s'ya bago inalalayan si Bambam na pagewang-gewang narin ang lakad. “Gusto talaga kitang kalaro.” Sambit ng binata ng maihiga na n'ya ito sa kama. “Ang cute mo kasi.” Nakapikit ito ngunit may ngiti parin sa labi. “Tulog na bata.” Bulong n'ya. “Hindi na ako bata kasi sabi mo 22 years old na ako.” Napangiti s'ya sa sinabi nito. Dinamdam pa yata ni Bambam ang sinabi n'ya. Pang-aasar lang n'ya ito sa binata upang tigilan s'ya. Wala s'yang intensyon na saktan ang damdamin nito. Kinumutan n'ya ang binata bago lumabas ng kwarto. Patungo na sana s'ya sa kwarto n'ya sa dulo ng masalubong n'ya si Frost na kagagaling lang rin sa kwarto ni Blake. “Good night.” Sabay pa sila ng binata at parehas din silang natawa. “Gusto mo mag tea?” Alok ni Frost. Agad naman s'yang pumayag dahil hindi parin naman s'ya dinadalaw ng antok. Tahimik lang s'yang nakamasid kay Frost, na ang atensyon ay sa pagtitimpla. “Good for the health daw ang green tea instead of coffee.” Inabot ni Frost sakaniya ang baso. “Kamusta pala araw mo?” Tanong pa nito. Humigop muna s'ya ng tea bago sumagot. “Ayos naman.” Pagsisinungaling n'ya kahit ang totoo ay stressful talaga bawat araw n'ya. “Nasabi sa akin ni Blake na parang gulat na gulat ka raw sa mga tattoo na meron kami, may problema ba? May phobia kaba sa—” “Wala naman namangha lang ako kasi lahat pala kayo may tattoo sa bewang, at pare-pareho rin. Simbolo ba 'yon ng brotherhood n'yo? Mafia ba kayo or may gang ba? Astig gang? Paro-paro G?” Gustong malaman ni Anita kung isa nga sa magkakapatid ang nasípingān n'ya. “Astig gang? Mafia?” Napahalakhak ang binata. “Normal na pamilya lang kami Anita. Si Lolo kasi isang tattoo artis noong kabataan n'ya kaya naman s'ya ang nag lagay nang tattoo sa amin. But Nate tattoo was too different, maging ako isang beses ko palang nakikita ito, pero sobrang ganda.” “What do you mean different?” Nanlaki ang mata ni Anita at agad na umisip ng paraan. Iba kasi english accent n'ya, baka mahuli s'ya ng binata. Kailangan n'yang maging maingat sa sinasalita n'ya. “Charot! Pulot ko lang 'yong english.” Pinilit n'yang tumawa para mapaniwala si Frost. “Siguro dahil sya 'yong paboritong apo kaya mas maganda 'yong sakaniya.” Napakibit balikat na sagot nito. Hindi na s'ya nag tanong pa. Inubos lang nila ni Frost 'yong tea bago umakyat narin sa mga kwarto nila. Nakatulala s'ya sa kisame at minumuni-muni ang pangyayari ngayong araw. Ilang sandali pa ay nilamon na s'ya ng antok. At sa panagip n'ya ay bumalik ang alaala n'ya noong gabing isinuko n'ya ang sarili sa lalakeng nakilala lang naman n'ya sa bar. Napatayo s'ya at pinag masdan ang likod nito. Natuon sa bewang ang tingin n'ya, may iba sa tattoo nito pero kaagad s'yang nagising at hingal na hingal. “Colorfull butterfly.” Naalala na n'ya ang itsura ng mismong tattoo! May kulay ang paro-parong nakatatak sa balat nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD