Hindi makapaniwala si Anita sa nalaman n'ya.
“Posible kayang s'ya 'yong lalakeng nakaone night stand ko?”
Hindi s'ya mapakali at palakad-lakad sa loob ng kwarto. Posible nga ba na si Frost 'yon o baka naman mali s'ya ng akala? Baka naman nagkataon lang at parehas lang na may tattoo si Frost sa lalakeng nakasíping n'ya?
Bakit si Frost lang ba ang may tattoo sa bewang? Maraming tao ang may tattoo at maaaring makapareho ng binata. Bakit s'ya kinakabahan?
Muka namang walang alam ang binata sa nangyari. Lasing na lasing silang dalawa at maging s'ya ay kakaunti lang ang natatandaan ng gabing 'yon. Bukod sa nag talík sila ay wala na s'yang ibang alam na ginawa pa nila.
At kong si Frost nga 'yon. Bakit sobrang liit naman yata ng mundo para pag tagpuin sila? Sa kabilang banda nakaramdam s'ya ng kilig. May pag tingin s'ya kay Frost una palang na masilayan n'ya ito. Dahil sa ugali nito ay agad s'yang humanga sa binata.
Kapag nakilala kaya s'ya ng binata ano ang magiging reaksyon nito?
Nasapok ni Anita ang sarili n'ya. Bakit ba kailangan n'yang mamroblema? Bakit iniisip parin n'ya 'yong one night stand na ginawa n'ya sa isang hindi n'ya nakilalang lalake? Ginusto n'ya 'yon kaya hindi na dapat s'ya kinakabahan.
“Baka naman mali lang ako ng akala.”
Para s'yang timang na kinakausap ang sarili. Masyado s'yang praning kakaisip sa misteryosong lalake.
“Pasensya na natagalan ako.”
Ginala n'ya ang kaniyang paningin sa loob ng kwarto ni Frost. Maayos rin ang kwarto nito at wala naman masyadong dumi, baka naman ipapakuha lang nito ang maruruming damit.
“Ayos lang katatapos ko lang din namang maligo. Hindi nga pala ako mahilig mag sarado ng pinto kaya hihingi na agad ako ng pasensya kong bigla mo nalang akong makikita na nakahubad. Kaya gusto ko lang ibilin na kakatok ka muna kahit na hindi nakasara ang pinto ko.” Paliwanag sakaniya ng binata habang may ngiti parin ang labi.
Ito 'yong isa pang gusto n'ya sa binata palagi itong may ngiti sa labi at parang hindi marunong magalit o malungkot.
“Pansin ko nga.” Iwas ang tingin n'ya ng sumagot kay Frost.
Hindi n'ya alam pero sobrang nahihiya s'ya sa binata.
Masyado lang ba s'yang feelingera na baka kaya mabait ang binata ay may gusto ito sakaniya?
“Ano nga palang ipalilinis mo?”
May inabot na basket ang binata sakaniya. “Wala kanang dapat linisin, ayos na. Ito nalang 'yong ipapasabay ko sana kong maglalaba ka.”
“Sa susunod sir wag mong gagawin 'yong dapat na gawain ko.”
Seryoso si Anita sa sinabi n'ya kay Frost. Parang sobra naman na ang kabaitan nito, baka mahirapan s'ya kapag kinailangan na n'yang umalis sa poder ng magkakapatid.
Kapag nakasanayan na kasi n'ya ang mga bagay na hindi naman n'ya ginagawa dati ay nahihirapan s'yang alisin ang nakasanayan n'ya.
Alam n'yang hindi s'ya habang buhay sa trabaho n'ya ngayon. Pwedeng mahanap agad s'ya ng mga magulang n'ya at kailanganin n'yang umalis ng biglaan. Darating 'yong araw na kahit mag paalam sa mga ito ay hindi n'ya magagawa.
“Bakit? Ayaw ko lang na pinapahirapan ka. Alam kong masakit na ang ulo mo dahil sa ugali ng mga kapatid ko.”
“Sana kasing bait mo silang lahat.” Ngumiti s'ya kay Frost bago lumabas ng silid nito.
Kaylangan na n'yang mag laba, baka matambakan pa s'ya.
“Nasaan na eklog ko?” Tanong ni Gummie sakaniya ng makita na naman s'ya nito.
“Nakakabit sa'yo check mo nalang.” Yamot na sagot n'ya bago linampasan ang matakaw na binata.
“Laro na tayo!”
Nakalampas nga s'ya sa matakaw ay 'yong isip batang si Bambam naman ang nakasalubong n'ya.
“Sir Bam naman 22 years old kana maawa ka naman. Sayang pagiging pogi mo.”
Sinamaan s'ya nito ng tingin. Naging seryoso ang binata kaya lumikot ang eyeballs n'ya. “Sinusubukan mo ba ako Anita?” Ngumisi pa si Bambam bago s'ya isinandal sa pader.
“Ano b-bang gusto mong laro?” Kinakabahang tanong n'ya.
Bwiset na bwiset na talaga s'ya sa ibang kapatid ni Frost. Gusto na n'yang sumabog sa inis, galit ay yamot sa mga ito.
“Bahay-bahayan. Ako 'yong tatay at ikaw 'yong nanay, tapos si Melon 'yong anak." Tinuro nito ang teddy bear na nasa sahig.
Sasagot na sana s'ya ng biglang tumawa si Bambam. “Ang galing ko di'ba? Sabi na pwede na talaga akong maging sikat na artista eh!”
Kumibot ang sentido n'ya sa sinabi ng binta. Mariin s'yang napapikit bago kinuha ang basket na may lamang labahin ni Frost. Naihulog n'ya kasi ito dahil sa kabang ibinigay sakaniya ng isip bata na si Bambam.
“Anita.” Napalingon s'ya kay Blake na tinawag na naman s'ya. “May boxer pa ba ako? Parang nasa labahin na lahat eh.” Kamot nito ang ulo habang nakatingin sa dalaga.
“Isusumbong kita kay Nate nakabrief kalang! Nakikita ni Anita 'yang nakabukol mong maliit na birdie!” Sigaw ni Bambam sa kapatid.
Inambahan ni Blake ang kapatid. “Paano mo nasabing maliit? Nakita mo na ba 'to kapag galit? Nasisiyahan nga ang lahat dahil halimaw ito. Nakakalimutan nila ang pangalan nila sa tuwing mapapasig4w sila. Bwiset ka, isip bata ka" Patol ni Blake rito.
Napailing si Anita sa mag kapatid na parang aso't pusa na mag kaaway sa harapan n'ya ngayon. Hindi s'ya makatingin ng maayos dahil nakabrief lang naman talaga si Blake. Wala itong pake kong makita ang katawan. Palibhasa may ipagmamalaking ABS kaya ayos lang na ibandera ito.
“Maglalaba palang po ako, excuse me lang.”
Mauuna na sana s'yang lumakad palayo sa dalawa ng mapansin n'ya ang tattoo sa bewang ni Blake.
“May butterfly karin?!” Nagpapanic na tanong n'ya.
“Ha? So, ano naman sa'yo?” Takang tanong nito.
Hindi pwede!
“Patingin ng bewang mo sir Bambam.” Paalam n'ya bago inangat ang damit ito at ibaba ng bahagya ang short para masigurado kong pati ito may tattoo.
“B-bastos ka!” Namumula sa hiya si Bambam.
“Pasensya na.” Wika n'ya ng makita ang bewang nito na may parehas na tattoo rin. “Bakit may butterfly kayong tattoo? Dati ba kayong mga uod?”
“Ako may tattoo din.” Sabat ni Gummie bago ipinakita. “Correction lang Anita na hindi ako dating uod kasi feeling ko dati akong eklog na na-riencarnate bilang isang gwapong lalake. ” Nag pogi sign pa ang binata sakaniya.
“Ano naman sa'yo? Gusto mo rin ba ng ganitong tattoo? Hindi pwede! Umisip ka ng tattoo na gusto mo wag kang gaya-gaya dahil si Lolo ang pumili ng tattoo na ito para samin.”
Napaawang ang labi n'ya. Hindi naman siguro 'yong Lolo nila ang nakatalik n'ya.
“Baka naman mali ako ng nakita?” Inisip n'ya ulit ang itsura ng tattoo. “Putcha! Butterfly talaga eh.” Nakagat n'ya ang ibabang labi. “May tanong ako.”
Tumitig s'ya kay Blake. Dahil sakanilang lahat ito ang mas malapit na pwedeng nakatalik n'ya ng gabing lasing s'ya. Babaero kasi ito at palaging nasa bar kaya hindi malabo.
Ngunit pwede rin namang wala sakanila. Pwedeng mali sya ng akala at nagkataon lang na parehas nilang may tattoo ang lalakeng 'yon. Sumasakit ang ulo n'ya ngayon. Nagsisisi s'ya na hindi n'ya sinilip man lang ang mukha nito.
“Itanong mo na.” Mayabang na wika ni Blake.
Biglang nag bago ang isip n'ya. Hindi na n'ya dapat ipaalam ang bagay na masyadong nakakahiya para sakaniya. “T-Tuli kana ba?” Pag-iiba n'ya sa dapat na itatanong niya.
“Ginagāgo mo ba ako Anita?” Sinamaan s'ya ng tingin ni Blake.
Kaagad s'yang kumaripas ng takbo para tumakas sa tatlo. Pumasok sa isip n'ya si Nate 'yong pinakamasungit sa lahat may tattoo din kaya?
Nasa tapat s'ya ngayon ng pinto ni Nate. Linakasan n'ya ang loob na kumatok para malaman kong pati ito ay may tattoo.
“Anong problema?” Ito ang bungad na tanong sakaniya ni Nate.
“Wala naman, pero pwede bang makita ang pwét mo? Este 'yong bewang pala.” Nakayuko s'ya dahil sa kahihiyan.
“Lasing kaba?”
“Hindi sir.” Mabilis na sagot n'ya.
“Nagdodroga ka? Sabi ko naman kasi kay Frost i-pamedical ka eh.” Napairap ito.
“Hindi rin po.” Napabuntong hininga s'ya bago muling nagsalita. “Ganda kasi ng butterfly na tattoo ng mga kapatid mo hehe.” Palusot n'ya sa binata.
“Mine is different.” Malamig na sagot nito bago s'ya sinarahan ng pinto.