chapter 8
°Clare°
Akala ko ay tapos na ang kamalasan ko ngunit nagsisimula pa lang pala. Hindi ko talaga malaman kung bakit sa dinami dami ng tao sa mundo ay ako pa ang naging ganito kamalas. I almost died, my innocence was corrupted by the man who saved me and then now i left my sketch book to that freak's house!
Nag-iwan ako ng ebidensya na pinanonood ko ang aksyon nilang dalawa. I nervously bit my lower lip when i remember that i drew his face. Nandoon sa sketch book na iyon ang lahat ng drawing ko na mukha niya ang pinaka paksa. Nandoon rin yung mga drawing ko tungkol sa mga nangyari noong gabi kung kailan pinatay yung kabit ng uncle ko. Kumbaga ay diary ko iyon ngunit imbes na words ang gamitin ay mas pinili kong ilarawan iyon gamit ang pagdra-drawing.
Yoon ang talento ko kaya naman pinayuhan ako ni manang na gamitin iyon. Hindi gusto nila papa na nagdraw-drawing ako kaya naman patago ko minsan iyong ginagawa, si manang at Apple lang ang nakakaalam na nagdra-drawing pa rin ako magpasa hanggang ngayon ngunit ngayon mukhang pati si Xoul ay malalaman na ang pinaka tatago kong talento.
Marahas akong napabuga ng hangin habang nakatitig sa madilim na kalangitan, napupuno ito ng maliliit na bituin. Hating gabi na ngunit hindi ko pa rin magawang antukin. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay naalala ko ang nakita ko Kanina.
It's my fault though, kung sana hindi na ako nanatili pa sa pintong iyon. Kung sana hinayaan ko na lang siya na gawin ang trabaho niya sa babaeng iyon. Kusang sumimangot ang aking labi dahil sa naisip ko Kanina. Tinanong kasi nung jeepney driver kung customer daw ba ako ni Xoul tapos nakita ko yung ginagawa nila nung babae kaya naman naisipan kong baka yon ang trabaho niya.
Hindi lang siya isang mangangalakal, mukhang bayaran din siya. Lumalim ang pagkakagat ko sa akin'g ibabang labi ng marealize kong parang mas swerte pa ako kesa kay Xoul, laki ako sa yaman habang siya kinakailangan pang magpakapagod magkaroon ng makakain at pera. Ngayon ko na appreciate sina mama at papa kahit na hindi ko maramdaman na sila talaga ang mga totoo kong mga magulang.
Binihisan pa rin nila ako, pinakain at pinag-aral. Hindi ko nga magawang isipin kung ano ang magiging buhay ko kung mahirap kami.
Mahigpit kong naikuyom ang aking mga kamao, umihip ng malakas ang hangin at dahil manipis na pantulog lamang ang suot ko ay agad akong nakaramdam ng lamig. Dapat sigurong matulog na ako ngayon. Malalim na rin kasi ang gabi at kahit wala kaming pasok bukas ay mas maganda kung matutulog ako ng maaga.
Sino ba kasi ang gustong magmukhang panda? Ayoko ng malait pa ng mga perpektong nilalang na nakapaligid sa akin kaya para sa ikakaganda ng mukha ko ay kailangan ko ng magpahinga. Napahigop ako ng hangin bago umubis sa bintana at sinara ito, sinulyapan ko pa muna ang mga bituin bago ko napagpasyahan na mahiga sa kulay pink at napakalaki kong kama.
Bumagsak ang aking katawan sa madulas kong comforter, pilit na yinayakap ng init ng foam ang pagod kong katawan ngunit kakaibang init pa rin talaga ang hanap nitong aking sistema. Palaisipan pa rin talaga ngayon sa akin kung bakit ko naramdaman iyon habang pinaniniid si Xoul. Parang kakaiba ang lahat, habang nakatitig ako sa mga mata niya ay may biglang sumabog sa kaloob looban ko.
I wanted to touch those muscles, feel the warmth of his skin and kiss those bumps of his abdomen. Hindi ako ganito ngunit dahil sa lalaking iyon ay parang unti unti na akong nagiging bastos! Kaya naisip ko na mas maganda kung hindi ko na makikita pa si Xoul. Sa kaniya na yung sketch pad ko at hindi ko na siya hahanapin o guguluhin pa. I had enough, tama na yung nakita kong iyon.
Isang pagod na ngiti ang gumuhit sa aking labi habang titig na titig sa kulay puting kisame nitong aking kwarto. Patay na ang ilaw kaya naman inaaninag ko na lamang ito, hindi ko alam kung saan na nakarating amg isip ko pero pagkaraan ng ilang minutong pag-iisip ay sa wakas dinalaw na ako ng antok.
Kakalimutan ko na ang nangyari ngayong araw, mabubuhay ako bukas ng hindi iniisip si Xoul dahil hindi siya magandan para sa akin. A-Ayokong makasama siya dahil ramdam kong hindi ligtas na dumikit sa lalaking iyon.
Sa tuwing naalala ko ang mga titig niya ay awtomatikong tumataas ang aking mga balahibo. Senyales lang na hindi pangkaraniwang lalaki ang taong iyon. Xoul is a big mystery, a tempting mystery who's waiting to be revealed.
And i don't have the courage to expose him.
-
Kinaumagahan ay nagising ako ng alasnueve ng umaga, ginawa ko muna ang mga dapat kong gawin sa kwarto bago napagpasyahan na bumaba. Bad trip lang dahil si Hannah at ang fiance niya ang agad na sumalubong sa akin. Napangiwi pa nga ako ngunit agad ko rin iyong inalis ng makita kong kasama nila si mama at yung designer na napili nila para sa kasal ng magaling kong pinasan. Sagad ang ngiti ni mama habang sinasabi sa kanila ni Hannah kung ano ang gusto nitong design para sa wedding gown.
Mukhang alam ko na kung bakit nandito si Riley ngayon, last time kasi na pumipili sila ng design ay nagwala si Hannah dahil lang hindi makakapunta ang mabait niyang groom.
Naiiling akong nagtungo sa kusina, pakiramdam ko nga ay invisible ako dahil hindi man lang nila ako napansin na dumaan.
"Ngayon ka lang yata nagising Clare?" Bungad sa akin ni manang ng makita ako nito, lumapit ako sa refrigerator at binuksan ito.
"Wala naman pong klase." Tinatamad kong sagot sa matanda bago dinampot ang isang glass ng gatas.
"Maglilinis lang ako ng mga kwarto, kumain ka na at magready. Narinig kong mamasyal kayo nila Hannah." Asik ni manang na nakapagpanigas sa akin'g kinatatayuan.
Ta-Tama ba ang naririnig ko? baka naman hanggang ngayon ay natutulog pa rin ako? Si Hannah isasama ako sa pamamasyal? Himala ba iyon o kamalasan?
Tatawa na sana ako dahil baka joke yung sinasabing iyon ni manang ngunit bigla na lamang sumulpot si Hannah sa b****a nitong kusina. Ngayon ko lang napatunayan na totoo ang kasabihan na "Speak of the devil and he shall come."
Nakapamewang ang babae habang nakasandal sa gilid ng entrada. Nakataas pa ang isang kilay nito na animoy nakikipag laban ng tangkad sa Mt.Everest.
"Buti naman at gising ka na?, gusto namin ni tita na sumama ka sa pupuntahan naming cafe. May ipapakilala ako sayo." Masungit na litanya ng pinasan ko kaya naman ay plastik ko itong nginitian.
"Ngayon na ba?", Kunot ang noo kong tanong sa kaniya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, inaaya ako ng demonitang ito.
"Baka bukas pa?", Punong puno ng sarkasmo ang tono ng pananalita niya kaya naman agad akong nakaramdam ng pagkairita.
Oo nga naman, bakit ba nila ako hihintayin ngayon kung hindi rin kami ngayon aalis.
"Ah sige kakai-"
"Huwag ka ng kumain, magmukukha ka lang lalo'ng baboy." Natatawa niyang pahayag. Akala ko ay maibabato ko na ang hawak kong bote ng gatas pero natigil iyon ng sumulpot sa likod ni Hannah ang fiance niyang mukhang nasiyahan pa sa walang kwentang joke na pinakawalan ng kaniyang mapapangasawa. Bagay na bagay nga sila.
Parehas na kampon ni santanas!
"You have five minutes piggy. You'll be ready or we'll drag you away from your muddy puddle." Yoon ang mga iniwang salita ng magaling kong pinsan bago ito natatawang umalis kasama ang fiancee niyang nagpipigil pa ng tawa. Akala mo naman mga perfect sila, sabihin ko kaya kay Riley na maitim dati ang kili kili ni Hannah?
Kung hindi dahil sa whitening cream na nabili ko ay hindi puputi ang kili kili ng bruhang yon. Partida at ninakaw lang niya iyon sa akin.
Lihim akong napadabog dahil sa sobrang pagka irita.
Bakit ba kasi kailangan na dito pa sila ikasal sa pinas at bakit kailangan na dito sila magmeeting kung meroon naman siyang sariling condo?! Kay yaman yaman ni Riley hindi niya madala dala yung organizer at designer sa isang sikat na restaurant.
Naabuso tuloy ang mga kasambahay at miryenda namin dito sa bahay. Akala yata nila ay kasama sila sa budget ni papa.
"Iha ano ng gagawin mo? Tatayo ka lang ba diyan at magpapakaladkad sa mama mo o magsisimula ka ng gumayak?' Natatawang tanong ni manang sa akin, parang ginagaya pa niya ang pananalita ni Hannah.
"Manang kung sakaling isasama ako ng dalawang iyon para ipatumba, ikaw ang testigo." Biro ko pa sa matanda na wala ng nagawa kundi ang mapailing na lamang. Hays, mukhang may planong kakaiba amg tadhana para sa akin ngayong araw.
Once in a blue moon lang kung ayain ako ni mama na kasama ang pinaka paborito niyang pamangkin. Ipapakilala nanaman nila ako sa isang mayaman at sikat na kaibigan, hindi ko na mabilang kung ilan'g beses akong binugaw ni mama. Okay sana kung sin'g gwapo at hot ni Xoul ang mga pinakikilala niya pero hindi. Dahil kung hindi matanda ay hambog naman ito.
Ibabalik ko na sana ang isang bote ng gatas sa ref ng may mapansin ako sa mga iniisip ko. Di-Did i mention that freak's name? Sinabi ko bang hot at gwapo si Xoul?
Namilog ang aking mga mata at napaawang ang aking nanunuyong labi ng maalala ko nanaman yung nakita ko kahapon. Damn, diba at sinabi ko ng kakalimutan ko ang lalaking yon?! Bakit ba ayaw niyang maalis sa isip ko?!
"Hoy Clare ayos ka lang ba?" Pag-aagaw ni manang sa akin'g atensyon. Nakangiti pa rin ito at hinihintay ang aking sagot.
Sasabihin ko ba kay manang o mananatili akong tahimik? Hindi naman na siguro kailangan ni manang na malaman ang tungkol sa nakita ko kahapon, diba?
Tinignan ko ang matanda mula ulo hanggang paa bago ko ito mapait na nginitian. Sinauli ko muna ang isang bote ng gatas sa ref bago ko siya sinagot.
"Maayos po sana kung hindi ako kinakabahan sa lalaking ibubugaw sa akin ni mama ngayon." Pagsisinungaling ko dahil sanay naman na talaga ako sa mga lalaking nirereto sa akin ng mama ko.
Unti unting nawala ang ngiti sa mukha ni manang bago ito lumapit sa akin, nagulat pa ako ng bigla nitong haplusin ang aking pisngi.
"Hayaan mo at isusumbong ko ito sa papa mo ng masermonan niya ang mama mo." Maamong tugon ng matanda na mgayon ay punong puno ng pag-aalala na aking pinagmamasdan.
Hindi ko maexplain kung bakit pero para sa akin ay napakaganda ni manang, sobrang amo ng mukha niya at sobrang sweet ng awra. Nakakapagtaka nga at parang walang pakialam sa kaniya ang pamilya niya at ang swerte ko dahil nandito siya. Tipid kong nginitian ang matanda at ng maramdaman kong papunta na dito sa kusina si mama ay dali dali na akong tumakbo pabalik sa akin'g kwarto. Wala akong balak na masermonan kaya hindi na ako naligo.
Dagdag points na rin ito upang lumayo agad sa akin kung sinong lalaki man ang ibubugaw ni mama sa akin. Malaman niya na una pa lang ay wala na talaga akong interest sa mga ganitong bagay, pwera na lang kung kamukha niya si Akien Vladimir. Isang gwapo at matalinong artista na nakatira sa inglattera---pinag-aagawa namin siya nung mga dati kong kaibigan. Halos bilhin ko na ang lahat ng mga posters niya pero tumigil ako ng malaman na meroon na siyang asawa at anak.
Ang nakakagulat pa don ay isang butler lang pala siya ng prinsesa ng isang pamilya. Ayon sa kwento ay nahulog ang loob ni Vladimir sa master niya kahit na pinagbabawal iyon, nakakabilib nga dahil imbes na sumuko at matakot ay pinaglaban pa nila ang isa't isa. Sana all lang diba?
Ganoon'g klase ng pagmamahal ang gusto kong maramdaman. Yung tipo ba na magiging sulit lahat ng sakit at hirap, hindi yung pang isahang bugahan lang tapos sa dulo wala na.
Sinuot ko na ang simpleng dress na napili ko, off shoulder ito at hangang sa ibaba ng akin'g tuhod. Hindi ako gaanong mahilig sa kulay puti ngunit mas gusto ko na ito kesa sa mga dark colors. Kaya nga puro light colors ang laman ng akin'g closet. Kulay light pink ang akin'g dress at simple oang ang disenyo. Sunod kong sinuot ang kulay puting doll shoes bago ko sinuklay ang akin'g buhok at nilagyan ito ng clip sa gilid.
Nang matapos ay tinitigan ko ang sarili kong repleksyon. Mukha akong maayos ngunit may kulang, walang saya na mababakas sa akin'g labi. Hindi magugusuthan ni mama ito kaya naman pinilit kong ngumiti.
I need to look perfect for my family. I need to obey my mother, because i want to make her happy. Even if it's suffocating me.
Pinasadahan ko ng haplos ang akin'g buhok sabay ikot upang mapagmasdan ang kabuuan ng suot kong damit. Okay na siguro ito kahit na hindi ako komportable.