Chapter 9 °Clare° "Be a good girl anak, susunduin ka na lang namin ni Hannah dito mamaya after ng lunch niyo ni Philip." Wika ni mama habang sagad na sagad ang pagkakangiti niya sa lalakin'g nasa amin'g harapan. Ramdam ko pa ang mahigpit na pagpiga ni mama sa akin'g braso bago ako nito pwersahanag inilapit kay Philip na kanina pa yata sagad na sagad ang ngiti. Napaiwas pa ako ng tingin ng makitang sa akin pa rin nakatitig ang lalaki. Naiilang ako sa prisensya at sa pagtitig ng kulay berde niyang mga mata. Pansin ko rin ang paulit ulit na pagtaas ng gilid ng kaniyang labi habang puno ng pagnanasa akong tinititigan. Seryoso ba si mama? Ibubugaw niya ako sa lalaking ito? Hindi naman sa nanghuhusga ako pero hindi ko gusto si Philip kahit na nakatira siya dito sa sikat at eleganteng buildi

