Chapter 4 : "Impossible"

2068 Words
Chapter 4 °Clare° Pikit mata kong inalala kung ano ang muntik na mangyari kanina. Nanakawan ako at hinabol ko yung magnanakaw pero hindi ko napansin yung paparating na truck, muntik na akong mamatay kundi dahil sa lalaking biglang sumulpot sa gilid para hitakin ako at yakapin palapit sa kaniya. Tulala at walang masabi hanggang sa kurutin nung savior ko yung pisngi ko at panggigilan ito bago ako hinatak papunta dito sa waiting shed upang sermonan at tanongin kung sino ang aking mga magulang upang maisumbong niya ako. Muli kong minasahe ang aking sentido. That is not what i want to happen, ayokong malaman nila mama kung anong nangyari sa perang binibigay nila. Ayokong marinig nanaman yung masasakit na salitang lumalabas sa kanilang mga bibig sa tuwing makakagawa ako ng isang bagay na paniguradong ikaka-baba ng kanilang tingin sa akin. I'm tired and exhausted, ayoko munang huminga at isipin kung anong mangyayari pero...wala na akong magagawa. "Sa tingin mo mahahabol mo talaga yung ugok na yon?" Masungit na sermon ng lalaking sumagip sa akin. Kanina pa siya dada ng dada at kanina pa ako tulala. Naawa na nga ako kay kuya dahil baka naubusan na siya ng laway kakasermon sa isang "makulit na batan'g gagawin ang lahat para sa wallet niya." yoon ang tawag niya sa akin kaya paninindigan ko na lang. "Ano bang akala mo? laking gubat ka para mag-ala amazona. Ano mutant ka ba at may superpowers ka?!" Punong puno ng sarkasmong singhal ni kuya dahilan upang maagaw niya ang aking pansin. Oo, niligtas niya ang buhay ko pero kailangan bang talakan niya ako ng mahigit dalawang oras? Kanina pa kami nakaupo dito sa waiting shed at sa buong oras na magkasama kami ay wala siyang ibang ginawa kundi ang ngumawa at sabihin kung anong klaseng katangahan ang ginawa ko. "Kuya pwede bang tumahimik ka mu-" Hindi ko pa man natatapos ang aking sasabihin ng muling magsalita ang lalaking nasa aking tabi. "At talagang patatahimikin mo pa ako?!" Ekesaherado nitong talak bago napailing at marahas na napabuga ng hangin. Tinitigan kong maigi ang lalaking humitak sa akin mula sa bingit ng kamatayan. Marungis si kuya at dahil sa gulo gulo niyang buhok at hindi naahit na balbas ay hindi ko ito mamukhaan ngunit isa lang ang masasabi ko. This man is quite hot. Matangkad ang lalaki at matipuno na animoy laman ito ng mga gymn sa kanto. Sira sira man ang damit ni kuya at halatang hirap sa buhay ngunit iba ang sinisigaw ng balat at bulto ng katawan nito. Kumpara sa balat ng ibang trabahador ay makinis ang sa kaniya at walang bahid ng panunuyo, namumungay ang kulay tsokolate niyang mga mata kahit na bakas ang pagod at pagka-irita dito. Hindi ko masabi kung dala lang ito ng nangyari kanina pero bakit parang may kakaiba sa lalaking ito bukod sa mala greek god niyang anyo at katawan? Pinaningkitan ko ng tingin ang lalaki na napatigil na pala sa pagtalak. Kumunot pa ang noo ni kuya ng makita ang tingin na binibigay ko sa kaniya. "Nasapul ba ng truck na yon ang ulo mo at parang wala ka sa sarili?" Nagtatakang tanong ng lalaki. Unti unting sumarado ang talukap ng aking mga mata ng maalala nanaman ang realidad. Ang kamalasang nagdala sa akin sa lugar na ito. Damn, anong gagawin ko nito? Imbes na alalahanin ang magiging baon ko sa mga susunod na linggo ay pinagnanasahan ko pa itong lalaki na nagligtas sa akin. Ni hindi ko pa nga siya napapasalamatan! Napabuntong hininga ako. Walang mangyayari kung tatanga na lang ako rito, kaya kahit mahirap at masakit ay kailangan kong harapin ang galit ni mama at papa sa akin. Hi-Hindi ako pwedeng pumasok sa eskwelahan ng walang pera o kahit na anong dala kaya lulunukin ko na lamang ang takot ko at sa-sasabihin sa kanila kung ano ang nangyari. Dahan dahan kong ibinukas ang aking mga mata hanggang sa tumambad sa akin ang napakagandang pares ng mata. Wala akong makitang kahit na anong emosyon sa mga matang ito ngunit bakit pakiramdam ko ay nakita ko na siya? Isang malungkot na ngiti ang ibinigay ko sa lalaking nagligtas sa akin at tumulong na mahimasmasan ako sa bangungot na nangyayari. "Sa-Salamat po sa pagliligtas sa akin." Mahina ngunit punong puno ng sinseridad kong asik sa lalaki. Napakibot ang labi ng estranghero ngunit wala ni isang salita ang lumabas sa kaniyang bibig. "Hi-Hinabol ko yung magnanakaw kasi nasa kaniya yung baon ko a-at, hindi madaling makakuha ng allowance sa araw-araw lalo na kung may issues ka sa mga magulang mo." Gusto kong kurutin ang pisngi ko ng kusang lumabas iyon sa sarili kong bibig. Bakit ba kailangan ko pang sabihin na may issues ako kina mama at papa?! As if naman konektado yon sa nangyayari ngayon. Ano clare tinamaan na ba ng gulong yang utak mo at parang lutang ka?! Hindi ko tuloy maiwasan ang muling mapabuntong hininga bago muling hinarap ang lalaki. Hindi na ito makapagsalita ngunit ramdam ko kung gaano katapang ang mga titig na binabato niya sa akin. "Salamat kasi tinulungan mo ko kahit na mukhang may trabaho ka pang dapat asikasuhin." Napansin ko kasi yung dalawang garbage bag na bitbit niya kanina habang inaaya ako papasilong dito sa waiting shed. "Gusto ko sanang bigyan ka ng reward ka-" "Magkano ang nasa wallet mo?" putol ni kuya sa dapat ay sasabihin ko. Kinunutan ko tuloy ng noo ang lalaki. Bakit tinatanong niya kung magkano ang laman ng wallet ko? Nag-aalangan man ay sinagot ko pa rin siya. "Three thousand po para sa dalawang linggo." Para akong isang bata na nakatitig sa isang matanda, umaasa na sana ay maibalik niya yung pera na nawala sa akin pero agad rin'g nawala ang pag-asa sa aking mukha ng muli kong masulyapan ang garbage bag na dala-dala ng lalaki. Napapikit pa ng mariin ang aking kaharap sabay palatak. "Bakit? Aabonohan mo po ba yung allowance ko?" Punong puno ng kabobohan kong tanong sa lalaki na ngayon ay sin'g talim na ng kutsilyo ang titig sa akin. Shit! Dali dali kong natakpan ang aking bibig. Ngayon ko lang napagtanto na makapal rin pala ang mukha ko? Niligtas na nga at tinulungan pero nanghihingi pa ako ng pera. Ilang page ba itong mukha ko at parang ang kapal? Nahihiya tuloy akong nagbaba ng tingin at pinaglaruan ang mga daliring kanina pa nanginginig dahil sa tensyon. "Wala na nga akong reward tapos kailangan ako pa ang magbigay ng allowance sayo? Tsk, Abusado ka masyado." Rinig kong reklamo ng lalaki na agad namang sumunog sa makapal kong pagmumukha. May punto siya! "So-Sorry po." Nahihiya kong paghingi ng paumanhin sa kaniya habang nakayuko pa rin. Napapalatak nanaman siya at kahit nakababa ang aking tingin ay ramdam kong nakatitig pa rin ito sa akin. "Hindi mo ba talaga irereport ito sa mga pulis?" Tanong pa niya. Tinanong na rin niya sa akin yan kanina at "hindi" ang sagot ko dahil ayoko ng palakihin pa ang gulo. Nagkaroon na nga ng drama at habulan kanina dahil sa akin tapos magkaka-part two pa? "Ayoko na ng gulo." Pagod kong wika bago napagpasyahan na tumayo at pagpagan ang kulay puti kong palda na ngayon ay napakarumi na. Kaya nga hindi na ako nag-abala pang pumasok sa eskwelahan dahil sa itsura at ayos ko. Takot ko lang mapagkamalang takas sa mental kung papasok akong ganito. "Duwag." Matalim na komento ng estranghero na agad namang nagpakulo sa aking dugo. "Hindi porket hindi ako magrereport sa mga pulis ay duwag na ako, umiiwas lang po ako sa gulo dahil ayokong palalain pa ang sitwasyon. Kuya niligtas mo yung buhay ko at nag thank you naman na ako." Sinuri ko ang mukha ng estranghero ngunit ng makitang wala man lang itong reaksyon ay agad na nagsitayuan ang aking mga balahibo. Hindi ba ako mukhang nakakatakot at parang walang pakialam itong kaharap ko? Atsaka hindi ako judgemental na tao pero hindi maganda ang pakiramdam ko kay kuya. Para kasing nakilala ko na siya ngunit hindi ko alam kung saan'g planeta o kung anong oras kaming nagkita. Alam niyo yung nakakakilabot na pakiramdam na parang nameet mo na before yung taong kaharap mo? pwes ganoon ang nararamdaman ko ngayon sa lalaking ito. Kaya naman upang matigil na ang paghalo halo ng emosyon sa aking sistema ay inayos ko na ang aking bag at nginitian ang lalaki. "Kuya aalis na po ako." Paalam ko sa kaniya. Mas lalong lumamig ang pagkakatitig ni kuya sa akin kaya naman tumalikod na ako at handa na sanang maglakad palayo ng bigla ko na lamang maramdaman ang pagpalibot ng kamay niya sa aking braso. Mahigpit at walang kaingat ingat ako nitong pinaharap sa kaniya. Shit! Anong problema ng lalaking ito?! Oo at niligtas niya ako pero nagthank you naman na ako! Hindi naman na siguro required na tratuhin niya akong ganito? Handa na sana akong singhalan si kuya ng bigla na lamang nitong isinuksok sa aking palad ang isang bilog ng papel. "Hindi yan tatlong libo pero tipirin mo na para hindi ka maglakad papunta sa eskwelahan." Seryosong wika ng estranghero sabay bitaw sa braso ko at dampot sa dalawang garbage bag na dala dala niya. Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan, nanatili akong tulala habang pinagmamasdan ang bulto ng lalaking sumagip at tumulong sa akin ngayong araw. Paulit ulit kong naririnig ang baritono nitong boses at nakikita ang mapupungay niyang mga mata na animoy may tinatago itong malalim na sikreto. I-I can't believe this... Sinulyapan ko ang lukot lukot na perang ibinigay niya sa akin. Ba-Bakit kailangan niya pang gawin to? Aware ako sa kung anong klaseng buhay ang meroon siya at alam kong bawat sentimo ay pinaghihirapan niya kaya bakit ibibigay niya lang ng basta basta ang perang ito? H-He already saved me and helped me at hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang gawin ito. Natakot ako sa lalaking iyon kanina pero habang lumalayo ito sa akin unti unting lumalambot ang puso ko para sa kaniya. Walang preno ang bibig niya at balasubas kung magsalita pero mabait naman pala siya. Unti unting tumaas ang sulok ng aking labi at hangga't hindi nawawala sa aking paningin ang lalaki ay agad kong isinigaw ang mga salitang gusto kong sabihin sa kaniya. "Sa-Salamat, babayaran ko ito promise!" Napahinto sa paglalakad ang lalaki. Akala ko nga ay haharap ito sa akin at sisigaw pabalik pero nagulat na lamang ako ng itaas niya ang gitnang daliri sabay lakad paalis. Nakalayo na siya sa akin at ilang oras niya akong sinamahan pero...hindi ko man lang naitanong ang pangalan niya. Wala sa sarili kong hinimas ang parte ng aking braso kung saan niya ako hinawakan. Ang init ng palad niya at sa simpleng pagdampi niyon sa balat ko ay nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa aking buong katawan. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapalunok at mainis dahil sa mga bagay na pumapasok sa aking isip. Muntik na akong mamatay at ninakawan na pero kalandian pa rin ang takbo nitong magaling kong utak, kaya hindi na ako nagtataka sa mga bagsak kong grado sa eskwelahan. Nang mahimasmasan at makapag-isip isip ay napagpasyahan ko na ring lumakad pauwi sa bahay. Akala ko ay wala sina mama dahil abala sila sa kasal ni Hannah pero ng maabutan ko sila sa sala kasama ang wedding organizer na kaibigan ni mama, mas lalo lamang bumigat ang aking pakiramdam. Napahinto ako at napatitig sa kanila, sobrang saya ni mama. Sagad yung ngiti niya habang kinikwento ni Hannah yung mga ginawa nila ni Riley sa ibang bansa. Hindi ko mapigilan... Habang tinititigan ko siya na kasama ang mama ko, hindi ko mapigilang mainggit at magtampo. Nasa kaniya na yung isang bagay na hinihingi ko kay lord. Yung isang bagay lang na yon na hindi magawang ibigay sa akin ng diyos, Pamilya... Gaano ba kahirap makuha iyon? Bagsak ang balikat kong nagpatuloy sa paglalakad, diinan ko na ang bawat yabag ko ngunit hindi pa rin ako napapansin ni mama. Sige nga, sabihin niyo sa akin kung paano ko masasabi kina mama kung ano ang nangyari kanina kung ganito sila makitungo sa akin. Pakiramdam ko nga ay si Hannah pa ang anak nila kesa sa akin. Mabigat ang loob ko at hindi nakadagdag doon ang nakita kong bonding ni mama at Hannah. Kailangan ko ng mga pagkain pampawala ng stress!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD