CHAPTER 3 : "Savior"

1762 Words
°Clare° Ever since that incident happened, wala ng naglakas loob pang banggitin iyon sa bahay. Lahat ay abala nanaman sa kani-kaniya nilang gawain at trabaho na naimoy walang p*****n na naganap sa mismong party. Ha-Habang ako heto at tulala pa rin dahil sure ako na yung pumatay don sa babaeng yon ay yung lalaking yumakap sa akin. Dahil sa kalandian ay nagawa kong magpayakap sa Isang killer... Pa-Paano na lang kaya kung nagtagal pa ako doon? Baka pati ako ay napatay rin ng wala sa Oras. Edi dalawang bangkay pa ang pag pi-piyestahan ng mga bisita? Buti na lang pala at nagkalakas ng loob akong tumakbo palayo sa lalaking yon. Hindi halatang delikado siya ah... "You're going late, tutunganga ka na lang ba diyan?!" Ang malakas na boses ni mama ang humila sa akin pabalik sa realidad. Nakalimutan kong may pasok pala ako ngayon! Shocks bakit ba nakatunganga pa ako dito?! Nag-angat ako ng tingin ngunit ng makita kong papalapit na si mama sa akin ay agad rin akong napayuko. Bad trip si mama ngayon kasi nag-away nanaman sila ni Papa, si-siguro tungkol nanaman yon don sa babae ni papa o kaya sa hobby nito na pangongolekta ng kotse pero hindi naman gagamitin. Kaya hindi ko rin masisi si mama kung palagi itong bayolente pagdating sa akin. Nasasaktan lang siya sa mga pinaggagawa ng papa ko. Nalulungkot siya kaya sa akin niya binubuhos lahat ng lungkot at galit niya. Nag-Eexist po talaga ako para maging punching bag ng pamilyang ito, hays. Nagpatuloy ako sa pagkain at akmang kukuha pa ako ng tinapay ng bigla na lang paluin ni mama ang aking kamay. "Ma?" "Anong oras na Clare!, Bakit ba napaka kupad mong kumilos?!" Tinatanong ko rin po minsan sa sarili ko yan mama. Nanlilisik ang mga mata nito at halata sa boses ang pagka-irita. Gu-Gusto ko ng pumasok pero konti pa lang po ang kinakain ko. Baka hindi pa ako nakakarating sa school ay hinimatay na ako dahil sa gutom! Kung sana binibigyan niya ako ng baon edi sana hindi ko na kailangan pang kumain dito sa bahay! "M-Ma konti pa lang po an-" "Wala akong pakialam, hinanda ko ang mga pagkain na to para kay Hannah kaya huwag kang makakuha kuha!" Mapait akong napangiti, buti pa si hannah na pinsan ko lang ay nagagawa niyang paglutuan at pagtirhan ng pagkain samantalang ako na anak niya ni hindi man lang niya mabaunan ng pagkain. Dati ko pa gustong maramdaman yung pag-aalaga ng isang ina, yung tipo ba na gigisingin ka sa umaga at paghahandaan ka ng pagkain bago pumasok sa eskwela. Pero hangang pangarap na lang talaga yata yun kasi heto may Mama nga ako pero mas mahal pa yata niya yung mga pinsan ko kesa sa akin na sarili niyang anak. Kahit na nagugutom pa rin ay pinilit kong tumayo at lumapit sa mama kong iritadong iritado sa aking pagmumukha. Kinuha ko ang kamay nito at magmamano na sana ng ilihis na lang niya bigla ang kamay niya. Hi-Hindi na ako nanghihingi ng baon kasi alam ko naman kung ano ang sasabihin nila. "Aaksayahin ko lang raw ang pera nila." Oo mayaman kami pero pagdating sa akin wala silang binibigay maliban sa tuition fees ko at pera para sa pag-aaral. "A-Alis na po ako..." imporma ko kay mama na napairap pa. Hindi pa ba ako nasanay?, Ganito naman lagi pero bakit parang hindi pa rin masanay sanay itong puso ko? Tinalikuran ko na si Mama at dala ang gutom at lungkot ay nagsimula na akong maglakad papunta sa pinto. "Tita!" Masayang bati ni Hannah kay mama. Nasalubong ko pa ang bruha at hindi talaga ito nag-aksaya ng oras na inisin ako dahil bago ako lagpasan ay binigyan muna ako ni Hannah ng isang matalim na irap at hindi kalakasang bunggo sa balikat. Ang ganda ng pabaon nila sa akin... "Oh my baby Hannah, kamusta ang preparations para sa wedding niyo ni Riley?!" Sobrang saya ng boses ni mama. Ka-Kahit kailan ay hindi niya ako binigyan ng ganiyang klase ng Tono, palagi na lang pasigaw at iritado ang tonong naririnig ko sa kaniya kaya hindi ko maiwasang maluha dahil sa lungkot. Nagsimula na ulit akong maglakad paalis kasi ayokong marinig yung masayang chikahan nila mama at hannah. Masasaktan lang ako at maiinggit. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking bag at palabas na sana ng marinig ko ang mabilis na yabag palapit sa akin. Nilingon ko kung sino iyon. "Anak ito yung baon mo, ginawan kita kanina." Nakangiting binigay sa akin ni manang Tanya ang isang babaunan na meroong nakangiting sticker sa itaas. Eh? Pinaglutuan nanaman ako ni manang ng miryenda? Pero ang sabi ko noon ay kahit huwag na silang mag-abala... Malungkot kong nginitian ang matanda, buti pa siya pinag-aaksayahan ako ng oras na lutuan ng pagkain. "Ma-Manang salamat po..." Urgh! Hayan tuloy at naiiyak na ako, si manang kasi ih! Nanginginig ang aking mga kamay ng tanggapin ko ang babaunan at punong puno ng ingat itong ipinasok sa maliit kong bag. Hi-Hindi pa naman ako nag-iisa kasi kahit na ganoon ang pagtrato sa akin ng sarili kong mga kadugo?, Meroon pa naman akong pamilya na maituturing kong totoo. Sina manang tanya at tiera. Maswerte pa rin ako kasi nasa tabi ko sila. "Sige na iha mag-iingat ka." Bilin sa akin ng pinaka matandang katulong namin dito sa bahay. Halata na ang katandaan sa mukha ni manang tanya pero masigla pa rin ito at maliksi sa gawaing bahay. Siya lagi ang nagpapangiti sa akin sa tuwing malungkot ako at inaapi nanaman ng mga pinsan kong kinulang sa aruga. Pinauuwi na talaga nila mama si Manang tanya dahil matanda na raw ito pero ayaw pumayag ng matanda dahil kailangan pa raw siya ng alaga niya. Oo, Kailangan ko pa si manang tanya dahil baka maging kampon rin ako ng demonyo kung maiiwan akong mag-isa kasama ang mga pinsan ko. Binigyan ko pa ng isang matamis na ngiti ang matanda bago ako lumabas ng bahay. Sumalubong sa akin ang naggagandahang mga sasakyan na nandito sa harap ng bahay. Marami kaming sasakyan at mamahalin ang mga ito pero hindi kayo maniniwala kung sasabihin kong nagco-commute pa rin ako papasok sa school. Nilalakad ko pa ang daan papunta sa terminal para lang makasakay sa jeep at makipagsiksikan. ang dahilan diyan ay dahil mahal na mahal ni papa ang mga sasakyan niya at ayaw niya itong magasgasan. Mas mahal niya ang mga kotse niya kesa sa akin na anak niya. Diba at sobrang sweet nila? Napailing na lamang ako sabay labas sa aking mahiwagang payong at kahit na nakapalda at puting uniporme ay walang kaarte arte kong sinuong ang matinding sikat ng araw. Sanay na ako sa mahaba habang lakaran kaya wala ng problema iyon. Lumipas ang ilang minuto, Naninigas na ang mga tuhod ko at muli ko nanamang nararamdaman ang kakulangan sa hangin ng sa wakas ay makarating na rin ako sa terminal. At least healthy ako dahil tuwing umaga ay may free exercise na naghihintay sa akin. Hindi tulad nila na madalang na nga lang masikatan ng araw ay palagi pang nakasakay sa kotse at nakahilata sa kama. Hindi sana rumupok ang mga buto nila.( Insert sarcasm here.) Saglit ko pang pinunasan ang mga pawis ko dahil ayoko namang mag-amoy araw lalo na at siksikan palagi sa jeep. Nang masiguro kong maayos na ako ay agad ko ng hinanap ang jeep na daraan sa unibersidad na pinapasukan ko. Maraming mga tao dito sa terminal at maingay pa. May mga namamalimos at mga nagtitinda ngunit hindi ko inaasahan na...meroon rin pa lang demonyong nanghahablot ng mga bag. "HOY!" Napasigaw na lamang ako habang nakatitig sa lalaking humablot sa bag na aking dala dala. No, nandoon yung mga libro ko! "Hoy yung bag nung babae!" Rinig kong sigaw nung sa tingin ko ay isang jeepney driver. Kung sana ay hinabol niya yon baka nasa akin na ang bag ko ngayon. Sumigaw lang rin siya pero hindi niya hinabol yung magnanakaw kaya wala akong choice kundi ang habulin ito kahit na nakapalda pa ako! Nakakalungkot dahil pinanonood lang ako ng mga tao na nasa paligid. Yung mga libro ko at assignments nandoon! Pati na rin yung pambayad ko sa pagcocommute! "Kuya please balik mo sa akin yan!" Sigaw ko sa magnanakaw habang tumatakbo pa rin. Namilog pa ang aking mga mata ng isa isang ibulos ni kuya ang gamit ko sa daan. Sana lang hindi makita ng ibang tao yung mga maruruming panyo na nakakalimutan kong ilabas sa bag ko. Hindi pa rin ako tumigil sa pagtakbo kasi nakita kong kinuha na niya yung cellphone at wallet ko! Hindi ako makapasok kung wala akong pamasahe! Hindi pwede! Binilisan ni kuya ang pagtakbo kaya naman ganoon rin ang ginagawa ko. Dinaig pa namin ang mga nasa maze runner kung makatakbo kami! Tirik na tirik ang araw at ramdam ko ang pamamanhid ng aking mga paa pero hindi ako tumigil. Nakasalalay sa wallet na yon ang pamasahe ko! Hindi pwedeng mawala yon kasi hindi ako bibigyan ni papa ng panibagong baon! "Kuya!" Muli kong sigaw ngunit hindi nagpatinag ang lalaki. Lumiko ito kaya lumiko rin ako, may mga nadudunggol siya at iniiwasan ko iyon. Hindi ko alam kung nabingi na ba ako dahil sa pagod pero awtomatikong huminto ang aking mga paa ng umalingawngaw sa paligid ang napakalakas na busina galing sa isang...truck! Namilog ang aking mga mata ng makita ang truck na palapit na sa aking kinatatayuan. Ho-Holy s**t! My heart stops from beating as I wait for the truck to hit me but I was more than shock when a pair of arms pulled me and held me closer to him. Hindi ako nakahinga, hindi ako nakagalaw at nanatiling nanginginig habang ramdam na ramdam ang hangin na nanggagaling sa truck na humaharurot pa paalis. Nasa gilid na lamang ako nito... "Muntik ka ng mamatay!" Singhal ng isang pamilyar na boses. Mu-Muntik na akong tuluyang maging flat... "Miss huminga ka!" Sigaw muli ng lalaking nagligtas sa akin. Unti-unting bumuhos ang aking mga luha at dahil sa sobrang takot ay hindi ko na naiwasan pa ang mapaluhod sa mainit at maduming kalsada. Hi-Hinahabol ko lang naman yung lalaki kasi nandoon yung allowance ko ta-tapos may truck. Mu-Muntik na akong mamatay kundi dahil sa lalaking nakahawak sa braso ko ngayon. Nanghihina akong nagtaas ng tingin upang makita kung sino ito ngunit nasilaw lamang ako ng araw kaya naman napa yuko akong muli. A-Anong gagawin ko ngayon? Ramdam kong yinuyugyog ako ng lalaki pero hindi ko pa alam ang gagawin. Ti-Titignan ko ba siya o Iiyak ako? A-Anong gagawin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD