CHAPTER 2 : "The moonlight killer"

1728 Words
°Clare° Wala na akong ibang maramdaman pa bukod sa lungkot ng makarating ako rito sa labas ng hall. Malamig ang ihip ng hangin kaya naman upang ibsan iyon ay pilit kong yinakap ang aking sarili. Self-love kumbaga, sana lang ay nandito si Apple para pagaanin ang loob ko at sabihin na hindi naman ako bobo tulad ng sinasabi nila. Slight lang talaga pero hindi sobrang bobo! Me-Meroon rin naman akong kwenta at may mararating sa buhay tulad nila... Sobrang sakit kasi ng nararamdaman ko ngayon, ang mas nakakatawa pa ay mismong ang mga magulang ko ang nagpaparamdam nito sa akin. Diba dapat sila ang nandito para pagaanin ang loob ko? Diba dapat sila ang nandito para pasayahin ako, pero bakit parang baliktad? Minsan nga ay pinagdarasal ko na sana ampon na lang ako... Na sana hindi sila ang totoo kong pamilya. O-Okay lang kahit na mahirap sila basta masaya kami at mahal na mahal nila ako. Ma-Mas gugustuhin ko pa ang magkaroon ng ganoong klase ng pamilya kay apple. Sa totoo niyan ay na-naiinggit talaga ako sa kaibigan ko dahil halos nasa kaniya na ang lahat. Pwere na lang sa love life na mukhang palabo na ng palabo. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad at ng maramdaman ko na ang paghapdi ng aking mga paa ay napagdesisyonan kong tumigil muna. Sa tingin ko nga ay nasa likod na ako ng hall kasi mula dito ay kitang kita ang nagsisi gandahang sasakyan ng mga bisita nila grandma. May nakita akong malaking puno, mukhang matanda na ito pero parang kasarao umupo sa paanan niyon kaya naman ay dali dali akong naglakad palapit sa puno. Walang pasabi akong umupo sa paanan nito sabay yakap sa aking mga tuhod. Bukod sa exam namin next week at iba pang gawain sa school ay inabala ko na lamang ang aking isip sa mga nakakatawang bagay na nagawa ko. Bilang lang ang mga iyon sa daliri pero mas gugustuhin ko ng ulit-ulitin iyon kesa naman sa alalahanin ko pa kung paano ako bugbugin nina Grandma at mama noon. Ayokong umiyak kasi pangit na nga ako tapos mas lalo pa akong pa-pangit. Hindi ko na lang din inalis itong maskara para walang makakita ng pagdra-drama ko. Napakaganda pa naman ng langit ngayon lalo na yung bilog na bilog na buwan. Matatakutin akong tao pero hindi ba at mas nakakatakot yung mga monsters don sa loob? Kung tignan nila ako ay parang kakainin nila ako ng buhay kaya mas mabuting dito na lang sa labas matakot. Sana lang kung may aatake sa akin dito , sana naman ay yung gwapo o kaya ay hot para sulit ang huling minuto ng buhay ko. Wala akong paki kahit na bampira siya o werewolf, basta ba ay meroon siyang nag-iigting na panga ay solve na ako. Muli akong napabuntong hininga dahil sa mga naiisip kong kalokohan. Magpapantasya na nga lang impossible pa. Paanong magkakaroon ng bampira at werewolf dito eh nasa pilipinas ako? Ang hirap kasi talagang mag-isip ng matino kung minsan. "You don't like parties?" Tanong ng kung sino gamit ang paos ngunit malalim na boses. "I don't like peoples..." nakasimangot kong sagot sa nilalang na bigla na lang sumulpot sa ta-whaaa! Bakit may nilalang na sumulpot sa tabi ko?! Dali dali akong napagapang palayo at bago pa man ako makasigaw ng malakas ay isang pares na ng matitigas na braso ang pumalupot sa aking maliit na katawan. s**t rape ba ito?! "Shhh I don't bite, Don't be scared." Bulong ng lalaki sa akin'g tenga at dahil may kaliti ako roon ay dali-daling tumaas ang lahat ng balahibo sa akin'g katawan. Gusto kong sumigaw at umiyak hangang sa may makarinig sa akin pero napaka imposible ngayon non! Nakapalupot ang mga braso niya sa akin at natatakpan ng malaki at Maugat na kamay niya ang bibig ko. Lo-Lord binabawi ko na po yung sinabi ko kanina! Ayoko na po sa mga bampira at werewolves! Okay na po ako sa mga pinsan kong galing sa kulungan ni Satanas! "Hmp amhp!" Pilit kong sigaw ngunit wala talagang lumalabas na salita dahil ang diin ng pagkakatakip ni kuya sa bibig ko. Kidnapping nanaman ba ito?!, Morong moro na ako sa mga kidnappers! Nagpatuloy sa paglilikot ang aking mga mata at napatigil lang ito ng bigla akong buhatin ng lalaki at laking gulat ng iupo ako nito sa kandungan niya. Hindi ako nakagalaw... Nakakapagtaka at naguguluhan sa taong tila may kakaibang balak na gawin sa akin. Bumilis ang t***k ng akin'g puso at nanuyo ang aking lalamunan ng mas idiin ng lalaki ang kamay niya sa akin'g labi. Hindi ako natatakot...imbes ay mas nakakaramdam pa ako ng pagka-excite ng maamoy ko ang lalaking nakayakap sa akin. He smells like...honey and mint, sobrang sarap sa pang-amoy. Wala pa nga akong naamoy na ganitong klase ng nakakaadik na pabango. "Humans are really quite irritating..." bulong muli ng lalaki na mas nakapagpataas sa aking balahibo. Sin'g lamig ng hangin ang hininga niya ngunit sin'g bango naman ito ng Pinaka matamis na pagkain na paborito ko. Honey dew... Si-Sino siya? Hindi ba dapat at nasa party siya? Bakit nandito rin siya sa labas at bakit kandong kandong niya ako?! "They love to make themselves perfect by throwing out their mistakes tsk." Gusto kong sumang-ayon kay kuya pero...hindi ko naman siya kilala at hawak hawak niya ako! Patuloy sa panemermon ang estranghero habang ako naman ay nanatiling gulat na nakaupo sa matigas niyang kandungan. I can already feel his body on my back. It's not fluppy nor Fat, it feels so hard. Pusta kong meroong abs si kuya kasi nararamdaman ng likod ko iyon lalo na sa tuwing hihilahin niya ako palapit sa mainit niyang katawan. Hmmm bigla tuloy nawala yung malamig na ihip ng hangin dahil sa katawan ni Kuya, A-Ang sarap sa pakiramdam na sumiksik sa mga bisig niya dahil sa totoo niyan ay kahit na hindi ko siya kilala ay nagawa niyang pakalmahin ang buong sistema ko. "They don't know that their imperfections makes them who really they are." Dagdag pa nito bago ko naramdaman ang unti-unting paglapit ng kaniyang labi sa akin'g batok. Nanigas ako sa aking kinauupan. I-I can feel it touching my bare neck! Baka rapist to tapos wala akong ginagawa kundi ang ienjoy ang ginagawa niya! Kai-Kailangan ko ng makaalis! "Bi-Bitawan mo na ako!" Naiiyak kong pakiusap sa estranghero ngunit hindi naman siya nagsalita. Sa-Saan ba ito galing at bakit bigla siyang sumulpot?, wala naman akong naramdaman na nakasunod Sa akin kanina! Alam ko yon kasi aware ako sa paligid ko kaya nakakapag talaga na bigla na lang may susulpot sa tabi ko para yakapin ako at ikandong sa matigas niyang hita!. Yes, He has a good scent but hindi ko pa rin siya kilala! Naku baka malintikan nanaman ako nito kina grandma! Unti unting lumuwag ang pagkakayakap sa akin ng lalaki kaya naman upang makatakas ay dali dali akong humugot ng lakas. "Go!" Takot na takot kong sigaw ng buong lakas at tapang kong kinalas ang pagkakayakap niya sa akin. I stood up as fast as I can at ng mahiwalay na ako sa lalaki ay dali dali akong tumakbo palayo sa kaniya. Nakakaramdam ako ng lungkot at panghihinayang dahilan upang mas lalo pa akong maconfuse sa nangyayari sa akin. Gustong bumalik ng katawan ko sa kandungan niya at namnamim ang bawat segundo kasama ito pero...mali yon! Nakakailang hakbang na ako ngunit sobrang bilis pa rin ng kabog ng aking puso. Gusto kong makita ang estranghero kaya naman kahit na nakakatakot ay agad kong pinaling ang ulo ko upang tignan ang pwesto kung saan kami nakaupo kanina. My eyes widen when I saw a man sitting under the tree, He's wearing a white suit and pants but meroong bakas ng kulay pulang likido sa ibang bahagi ng suit niya. I can't see his face... Nakayuko ang lalaki ngunit natatanaw kong nakasuot ito ng puting maskara. Damn who is he... "Till we meet again my dear prey..." He whispered making my hands tremble. Nang maramdaman kong unti unti na nitong itataas ang tingin ay agad ko ng ibinalik ang tingin ko sa daan upang maiwasan na madapa. Who-Who's that man?!, Bakit may kulay pulang lilkido sa suit niya?! Hindi pa rin mapalis palis ang kaba sa aking puso at halos mawalan na ako ng hangin dahil sa napakabilis na pagtakbo. Kanina ay hindi ako natatakot ngunit ng makarating ako sa harap ng hall at makita ko ang mga nagkakagulong tao ay sa wakas nakaramdam na ako ng kaba at takot. A-Anong nangyayari dito?! Ba-Bakit parang nag-uuwian na yung mga bisita? Ang alam ko mamaya pa ang tapos ng party? Napakunot ang aking noo at habang naglalakad papasok sa hall ay sinusubukan ko ring pakalmahin ang puso kong magpasa hangang ngayon ay parang nakikipag karera pa rin sa anino. Nagkakagulo ang mga tao kaya no choice kundi ang hawiin sila upang makaraan lamang ako. Kung minsan ay bumubunggo sa akin ngunit masyado na akong lutang upang pansinin pa ang sakit. Mula sa aking pwesto ay nakita ko sina grandma at ang iba na nagkukumpulan. Sigurado akong may hindi magandang nangyari! Hindi pa nga ako nakakabawi sa nangyari don sa likod ng hall pero heto at meroon nanamang nangyayari dito! Alam kong hindi ako papansinin ng sarili kong pamilya kaya imbes na lumapit sa kanila ay si Tiera na lamang ang nilapitan ko. Mas may silbi pa siyang kausap. Buti na lang at nakalayo siya kina grandma ngayon. "Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ng babae ng makita ang lagay kong halos gumapang na mahasagap lamang ng matinong hangin. Malungkot ko itong nginitian habang hinahabol pa rin ang aking hininga. Hindi naman ganoon kalayo yung tinakbo ko pero may mali yata sa puso ko at ganito maka sagap ng hangin ngayon. Kaya heto para tuloy akong mawawalan ng malay sa sobrang paghahagilap ng hangin. "A-Anong nangyari dito?" Napasimangot si tiera sabay sulyap sa kumpol ng mga guards na nandoon sa likod ng stage. Oo nga ngayon ko lang napansin na meroong kumpol ng guards sa likod ng stage. Anong meroon doon? Nagtataka kong tinignan si Tiera at hindi pa man ito nakakapagsalita ng marinig ko ang sinigaw ng Aunt salie ko. "The Cruz's Killed that w***e!" Nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinigaw ni auntie. Ma-May namatay sa likod ng stage?! "Pinatay yung kabit ng Uncle sandro mo don sa Likod ng stage."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD