Ikinuwento ko kay Win ang nangyari nang gabing iyon. Si Arthur na rin ang naghatid sa akin pauwi at hindi na rin ako nagkaroon ng tiyansang makapag-paalam sa banda. Siya na raw ang bahalang magsabi kay Wys at wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag. Nang sumunod na mga linggo ay naging busy ako sa sandamakmak na pa-activity ng prof namin. Drawings, reporting, and quizzes. Iyan ang pinagkakaabalahan ko at buti na lang, nandito si Arthur para I-guide ako sa mga gagawin. Ang sabi pa niya ay siya na ang bahala sa lahat pero syempre, hindi ako pumayag. Gusto ko rin namang matuto 'no. Ayokong manatali 'yong drawing ko sa pagiging stick man lang tsaka mas masarap sa pakiramdam na ikaw mismo 'yong naghirap kesa sa asa lang. Natututo ka na, nagi-improve ka pa. Okay na 'yong guidance niya, napa

