Nagising ako sa ringtone ng phone ko. Kinapa ko iyon sa akin ulunan at sinagot ang tawag kahit na hindi ko pa nakikita kung sino ito. "Hello," namamaos ang aking boses habang kinukusot ang aking mata. Napatingin ako sa bintana at hindi pa sumisikat ang araw. "Baby... did I wake you up?" rinig kong malalim na boses ng isang lalaki. Nagising ang aking diwa nang marinig ko ang husky nitong boses. Tuluyan na akong napamulat ng mata at bumangon sa higaan. Tiningnan ko ang phone ko at kahit na unknown number ito'y kilalang kilala ko pa rin ang boses niya. "Kailan ka pa umuwi ng Pilipinas?" tanong ko, nagtataka. "Uh, pwede bang umabsent ka muna?" aniya at narinig ko ang pagtaltak ng dila nito ng isang beses, "I really missed you, baby. Bonding tayo. Hatid mo 'ko sa airport. Naghihintay ako

