"I was planning to join the annual painting competition," ani Arthur na pinapanood ako habang nagsa-sayaw sa hangin. Saglit akong natigilan at humarap sa kaniya nang nakangiti, "That's great!" Narito kami sa rehearsal room sa bahay, kung saan ako dati nagpa-practice. Tinulungan pa akong maglinis ni Arthur kanina. Matagal na rin kasi itong hindi nagagamit kaya namahay ang gabok dito. Lumapit ako sa tabi niya at uminom ng tubig. Tiningnan ko ang sketch niya at nakita ko ang sarili ko roong ginagawa ang pirouette. "Ang galing mo talaga..." sabi ko habang nakatingin pa rin sa sketch. Mula sa gilid ko ay nakita ko ang pamumula ng mukha niya. Natawa tuloy ako. Tumayo ako at inabot ang palad ko sa kaniya. Nagtataka siyang tumingin doon at nang ma-realize niya kung para saan iyon ay marah

