Simula nang araw na iyon ay wala akong natanggap na text sa kaniya. Halos maiyak na ako noong gabi kasi sa dami ng text na sinend ko sa kaniya ay hindi niya iyon ni-replayan. Nang kinabukasan ng umaga ay dumiretso ako sa room nila pero wala siya roon. It's supposed to be their Digital Art class pero wala siya. "Hindi ba't annual painting competition ngayon?" sabi ni Win habang kinukutkot ang daliri niya. Unti-unting bumagal ang paglakad ko at umawang ang aking labi sa sinabi niya. I almost forgot! Dumiretso kami sa Benavides Garden na kung saan ay doon ginaganap ang painting competition. Sa pagkakaalam ko e on-the-spot pa iyon at mayroong tema na Taste of Art. Sa mga oras na ito ay nasa kalagitnaan siya ng pagpipinta. Nang makarating ako sa Benavides ay nakita ko ang ilang estudyante

