Nang sumunod na mga araw ay 'di nawala ang ngiti sa labi ko. Akalain mo 'yun, kakikilala palang namin ni Wysiwyg pero hindi siya nag-atubiling imbitahin ako sa kaniyang kaarawan. Malaki ang posibilidad na makita ko roon si Arthur pero siguro'y 'di ko na lang siya papansinin. I don't want to ruin that day so I'll act as if I didn't know him. Yeah, I think I can? Mas ginanahan din akong makinig sa mga lesson. Syempre, bukas na gaganapin 'yon. Makikita ko na rin ang kabuuan ng pamilya niya. Grabe, ngayon lang ako na-curious ng ganito dahil sa isang lalaki. Maybe, I like him already. Natawa ako sa isip ko. Pasimple kong sinilip ang phone ko dahil may nagvibrate dito. It's unknown number. Ang akala ko ay isang text na hinihintay ko ang dumating pero hindi. Simula kasi noong araw na iyon ay 'd

