Nandidito kami ngayon sa Food Truck Manila for break. Halos dalawang oras pa ang vacant namin. Nakakatamad namang umuwi sa dorm. Mabilis naman ang oras kaya napagpasyahan na lang namin na kumain. "Ano palang balita kay Hannah Grace Monsanto?" biglang tanong ni Winwin habang nginugnuya ang nachos na binili niya. Binanggit pa niya ang buong pangalan ng babaeng iyon. Umiinit ang dugo ko sa tuwing naririnig 'yon e. "Ewan. Wala akong pake roon." sagot ko, "Pero nakita ko sa post niya na uuwi na siya ng Pilipinas." "Kelan daw?" Nagkibit balikat ako, "Next year?" Sana nga ay hindi na siya umuwi rito e. Sana dun na lang siya namalagi sa Russia. Pupunta lang 'yon dito para ipakita na hindi na siya tulad ng dati. The soloist ballerina under my study. Pagkatapos naming kumain e tumungo kami

