Natapos na ang unang linggo ng pasukan. Tapos na rin ang saya at simula na ng madugong paglalakbay ng mga estudyante. Dito na rin nagsisimula ang paggulo ng mundo ko dahil sa isang taong labis kong kinaiinisan.
Natapos ang una naming klase at nagtungo ako sa locker area para kunin ang libro ng Art History namin. Hindi naman dumating ang prof namin sa Materials 1 kaya naman nagattendance lang kami after 30 minutes na wala 'yong prof.
Tumambay kaming saglit sa Pavilion para samahan si Win at ibigay ang tubig kay Miguel na naglalaro ng basketball. Todo cheer pa siya sa laro na animo'y nasa kompetisyon ang boyfriend niya. Buti na nga lang at wala roon 'yong manyak na gwapo.
Habang naglalakad kami ay napansin kong wala ang palawit sa bag ko na ibinigay ni Win.
"Nakita mo ba 'yong palawit na ibinigay mo sa akin nung birthday ko?" tanong ko at tumigil sa paglalakad para buklatin ang bag ko. Tumigil din sa paglalakad si Win at tiningnan ang paghalwat ko sa bag.
"Uh, wala. Hindi ko na napansin 'yon noong isang linggo pa sa'yo kasi akala ko nakatago lang sa dorm." aniya.
Sayang naman. SIguro ay nawala ko iyon noong isang linggo nang mahulog ako sa hagdan o mabunggo ko 'yong nakamascot. Ang malas lang talaga ng freshmen week ko. Ngumuso ako at tinapik lang niya ang balikat ko.
"Claret, nakita ko kanina na maraming naghulog ng envelops sa locker mo." ani Win at binuksan ang locker niyang katabi ko lang.
"Talaga?" natatawa kong saad.
'Di ko ineexpect na may magkakainteres din pala sa akin dito.
Pagkabukas ko ng locker, walang ibang sulat akong nakita kung hindi ang isang rosas na may card pa sa gilid nito. Sumilip si Win sa loob.
Tumaas ang kilay ko sa kaniya.
Kunot noo niyang tiningnan ang locker ko at medyo tumagilid pa ang ulo na tila iniisip kung saan napapunta 'yong mga sobreng nakita niya kaninang inihulog dito.
"Sure ako e, maraming nandito kanina..." pahina ng pahina ang boses niya habang sinasabi iyon at saka ngiting asong tumingin sa akin. Napailing na lang ako at inirapan siya.
Mula sa gilid ay nakita naming dumating si Arthur kasama ang mga kaibigan niya. Mukhang masaya ang pinaguusapan nila base sa ngiti na inilalabas nito. Hindi niya ngayon kasama si Miguel. Magkaiba raw kasi sila ng schedule ni Arthur.
Habang masaya siya sa pakikipagusap sa kasama, binuksan niya ang kaniyang locker at bumuhos pababa ang sandamakmak na letrang galing siguro sa mga humahanga sa kaniya. Nakangiti niyang pinulot ang ilan dito. Nakidampot na rin ang mga kaibigan niya.
"Iba ka talaga pre," katyaw ng kasama nito at tinapik ang balikat nito.
Nakita ko ang pagkagat labi ni Arthur at ngumingiti pa dahil sa sinabi ng kaibigan.
Umiwas na ako ng tingin sa direksyon nila at kinuha ang rosas na nasa loob ng locker ko. Binasa ko ang nakasulat sa card. Naki-usyoso rin si Winwin at mas kinilig pa sa akin nang mabasa ito.
Single rose speaks I fall for you as I first saw you. Is this what they called, love at first sight?
-A. Amadeo
"Swerte mo ah, pinopormahan ka ng isang Amadeo."
Ngumiwi ako, "He's p*****t. I don't like him."
Unti unti kong nilingon ang direksyon ni Arthur. Nakita ng kaibigan niya ang titig ko sa kanila at kinulbit nito si Art. Tinaasan pa niya ito ng kilay at tumingin sa akin nang ituro ng kaibigan niya ang direksyon ko. Nawawala ang pagkakakunot ng kaniyang noo at umaliwalas ang mukha niya nang magtagpo ang aming mata.
Tinaasan ko siya ng kilay at ipinakita ang rosas na ibinigay niya. Tumataas ang labi niya na tila nagpipigil sa ngiti pero agad iyong napawi nang bitawan ko ang rosas. Sumunod dito ang mata niya. Lumaglag ito sahig at buong pwersa kong inapakan iyon. Napaawang siya ng labi dahil sa ginawa ko. Mapangasar akong ngumiti.
Mas lalong lumakas ang pangangatyaw ng mga kasama niya na tila ikinainit ng bait niya. Umiwas na siya ng tingin sa akin at padabog na isinara ang locker, inayos ang bag, saka dismayadong umalis.
Tumungo na ako sa aming second subject. Nabunggo pa ako ng isang babaeng papasok sa room na papasukan ko rin. Napansin kong nakatingin sa likod ang mga kababaihan na tila may pinagpapantasyahan doon. Para silang mga bulating sinabuyan ng asin. Dumapo rin ang tingin ko roon.
Sumilay ang ngiti niya sa labi nang muling magtagpo ang mga mata namin. Bakit nandidito ang Arturo na ito? Tapos na naman niya ang subject na 'to kasi third year na siya.
Umupo kami ni Winwin malayo sa lalaking iyon. Wala pa naman ang professor namin kaya binuksan ko ang phone ko para tinginan ang news feed ko. Natawa ako sa isang memes at tiningnan kung sino ang nagshare nito. Napawi ang ngiti ko nang makita ko ang pangalan ni Hannah. Tss.
Sa inis ay itinago ko ang phone ko sa bag. Halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Arthur sa tabi ko. Hinanap ko si Winwin na ngayo'y nakikipagharutan sa ilang boys sa likod.
"May boyfriend na nga, haharot pa," bulong ko na tila narinig ni Arthur kaya lumingon siya saglit sa likod bago sa akin.
"Ganiyan din naman 'yong boyfriend niya. 'Di seryoso. They're just playing."
"Kaya naghahanap ka rin?" tumaas ang aking isang kilay.
Hindi siya nakaimik sa sinabi ko at pinaikot lang ang lapis sa kaniyang kamay.
Inirapan ko siya at 'di na muling pinansin. Dumating na ang prof namin pero hindi pa rin siya umaalis. Wala ba siyang klase sa mga oras na ito?
"Mr. Amadeo, bakit ka nandidito?" tanong ng prof namin. Medyo kulubot na rin ang balat niya at namumuti na rin ang buhok dala ng katandaan.
"Uh, namiss ko lang subject ninyo ma'am," pambobola nito na ikinangiti ng guro.
"Okay, pass your class card." anunsyo ng guro na nakangiti pa rin.
"Bolero." bulong ko pero 'di na niya iyon narinig.
Habang nagkaklase kami ay 'di ko maiwasang madistract sa lalaking nasa tabi ko ngayon. Sumasama na rin ang tingin ng mga babaeng nandidito ngayon. Parang silang mga inahing manok at ang katabi ko naman e 'yong sisiw. Kung nakamamatay man ang titig ay kanina pa akong nakahandusay dito.
"Uh, may I excuse to..."
Napatigil sa pagsasalita ang prof namin nang makita ang lalaking nasa pinto. Nagtilian ang mga babaeng parang kanina lang ay nahuhumaling sa katabi ko.
Matangkad siya at may magagandang mata. Makapal din ang kilay nito. Para siyang western artist model. Maskyulado rin ang kaniyang katawan na pinaghirapan niya sa pagwowork out. Well, parehas sila netong katabi ko.
Nang mapasadahan ako ng tingin ng lalaki ay itinuro niya ako. Ito na naman ang nakamamatay na titig ng lahat. Taka akong tumingin sa lalaki at itinuro ang sarili ko, tinatanong kung ako ba talaga 'yong ine-excuse niya.
Napansin ko pa ang nakakalokong ngiti at titig ni Winwin sa likod ko. Ang mga mata naman ngayon ni Arthur ay nasa lalaking nasa pinto. Blanko lang ito at hindi ko mabasa kung ano man ang iniisip ngayon.
"Excuse po." sabi ko sa prof at tumango ito bago ako tumayo saka lumabas.
"Here." inabot niya ang palawit sa bag kong noong isang linggo ko pang hinahanap.
Napangiti ako.
"Thank--"
"What's with this thing?" inagaw ni Arthur ang palawit. Kitang-kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo habang titig na titig sa palawit.
Kanina pa pala siyang nasa likod ko. Tumingin ako sa loob ng room at nagpatuloy ang prof namin sa pagtuturo.
"Akin na nga 'yan!" medyo pasigaw kong sabi pero 'di ko malakasan kasi baka makaabala 'yong boses ko.
Ibinigay naman niya iyon agad sa akin at nilagay ang dalawang kamay sa kaniyang bulsa. Tumingin pa ito sa lalaking nasa harap ko.
"Thank you." baling ko sa lalaki.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino 'to. His ocean blue eyes... hindi ko makakalimutan ang mga matang iyon!
"Mascot boy?" nakangiti kong sabi nang mapagtanto ko kung sino ito. Nakaturo pa sa kaniya ang daliri ko at napatingin siya rito.
Tumango siya bilang tugon at hinawi ang buhok niyang naglalaglagan sa mukha niya. Tumingin siya sa katabi ko at kumunot ang noo nito.
"Why are you here? May pinopormahan?" tanong nito sa lalaking katabi ko.
"Yeah," sabay tingin nito sa akin at napatingin din sa akin itong makisig na lalaking kaharap namin. Yes, makisig hehe. Gwapo e tas mabango pa. Walang wala dito sa Arthur na ito.
"Oh," tumango tango ito, "Okay."
Pinigilan ko ang aking pagngiti nang ilahad niya ang kaniyang palad sa akin.
"Wysiwyg Apollo--"
Inalis ni Arthur ang nakalahad na kamay ng lalaki na sana'y aabutin ko na.
"Aha! We need to go. See you next time," pagputol nito sa pagpapakilala ng lalaki at saka umakbay rito. Mukhang magkakilala na magkakilala na sila ah.
Kumindat pa ito sa akin dahilan para mapangiwi ako. Tuluyan na silang tumalikod at naglakad palayo. Nakita ko pa ang paggulo ni Arthur sa buhok ng lalaki na ikinabugot nito.
Nang matapos ang klase ay agaran naman akong inintriga ni Winwin. Sinabi ko naman sa kaniya 'yong totoo at about sa nangyari noong isang linggo. Ang sabi pa niya ay destiny iyon dahilan para mapangiti ako. Laking gulat ko pa nang sabihin niyang bunsong kapatid iyon ni Arthur. Freshmen din at kumukuha ng BSBA course. Kasali rin daw sa isang banda at sikat na sikat sila dahil na rin sa visual ng grupo na si Wysiwyg Amadeo. Nabuo ito noong Senior High lang sila.
Binuksan ko ang aking bag at tumambad sa akin ang apat na rosas. May card din dito. Siguro ay si Arthur na naman ang naglagay rito.
Naguguluhan pero may kaba akong naramdaman nang mabasa ang nasa card. Parang nagbabanta.
Four roses speaks, "Nothing will come between us."
-A. Amadeo ;)