Nagtungo akong Plaza Mayor habang tinatawagan si Win. Kanina ko pang dinadial ang number pero hindi man lang nito sinagsagot ang tawag ko. Pamihadong kasama na naman niya ang kaniyang nobyo. Nakakainis, ni-hindi man lang niya ako pinuntahan sa clinic. Sa halip, mas ininuna niya pa 'yong kulot na 'yon.
I saw the long queue and it seems like they're recruiting members for each organization. Maraming freshmen ang nagkalat dito para hanapin kung saang org papasok ang mga skills at talent na mayroon sila. Sigh. Required nga palang sumali sa org kaya nagpasya akong tumungo sa isang grupo.
Lumapit ako sa Dilettantes club para magtanong. Inipit ko ang aking buhok sa likod ng aking tainga at ngumiti sa kanila.
"Hello? Para saan 'tong org ninyo? Makakatulong ba 'to sa academics?" tanong ko.
Nagkatinginan sila na para bang may mali sa sinabi ko pero agad namang ngumiti pagka-harap sa akin. Iniabot nila ang papel at ballpen sa akin. Ito 'yong mga list ng pangalan kung sino-sino ang nagjoin. Kung anong course, anong departamento, phone number at year level. Grabe, ang dami nang nagjoin dito ah.
"Dilettantes means lover of art," nakangiting sagot ng isang babaeng mukhang leader nito.
Napakagat labi ako at tumango. Pwede na siguro ito. Kinuha ko ang ballpen at papel.
Starry Claret Adler
CFAD
Department of Painting
09696969696
1st
Nang iabot ko sa kanila ang pen at papel ay nilagyan nila ng rubber bracelet na kulay dilaw ang aking pulso. Nakapalibot dito ang letrang DILETTANTES. Nagbigay din ako ng fifty pesos para raw sa membership fee.
This org sounds weird. May iba akong nararamdaman dito. Hays, bahala na. Nagjoin din ako sa Polymath kaya kung ayaw ko rito e may isa pang reserba.
Kinuha ko ang phone ko sa bag para idial muli ang number ni Win nang bigla akong mabunggo sa isang mascot. Parehas kaming napatumba sa sahig at tumalsik ang phone ko. s**t.
Nasa ibabaw niya ako ngayon at tumalsik ang costume niyang pang-ulo. Saglit akong natulala sa kakaibang kulay asul na mata nito, makakapal na kilay, at mapupulang manipis na labi. Maputi ito at kitang kita sa kaniyang ngayon ang pamumula ng kaniyang mukha. Dahil siguro sa init ng panahon. Pawis na pawis din siya.
"Wala ka bang balak umalis sa ibabaw ko?" masungit na sabi nito.
Mabilis akong tumayo at tinulungan siya. Ni-hindi man lang niya ako muling nilingon at kinuha ang ulo ng costume.
"Sorr--"
"At talagang nagtago ka pa sa akin gamit ang costume na iyan?" boses ng isang babae mula sa likuran ko.
"Tsk."
Inirapan lang siya ng lalaki at saka tuluyang naglakad. Sinundan naman siya ng babae. Base sa uniform ng babae ay senior high palang ito.
Oh, I almost forgot my phone. Hinanap ko ito sa paligid at nang makita ko ito ay mabilis ko itong dinampot. Pinagpagan ko ito at nakita ko ang c***k sa gilid nito.
Sinilip ko ang aking phone pero wala pa ring text ni bruha. Ididial ko sanang muli ang numero niya nang bigla itong mag-appear sa screen. Inis ko itong sinagot at nagsimulang maglakad.
"Nasaan ka?"
"Here! Kita ka namin. Tingin ka sa kaliwa mo, dito sa may malalaking letra na UST," aniya sa kabilang linya.
Tumingin ako sa kaliwa ko at inilibot ang mata rito hanggang sa mahagip ko si Win, as I expected is kasama niya 'yong kulot na si Miguel. Ibinaba ko na ang tawag at tumungo sa direksyon nila.
"Hindi mo man lang ako pinuntahan---"
Naputol ang sasabihin ko nang iabot niya sa akin ang kaniyang phone at pumunta sila sa gilid ng malalaking letra na UST.
"Picture-an mo kami!" aniya at nagpeace sign habang nakaakbay sa kulot.
Napakagat labi ako sa inis at sunod sunod kong pinindot ang click. Wala akong pake kung blurred. Naiinis na talaga ako.
"Patingin."
Kinuha ni Win ang phone niya sa akin. Mula sa pagkakangiti at napangiwi ito saka tumingin sa akin.
"Isa pa. Ang pangit mo namang kumuha e," reklamo nito.
Hindi ba niya nakikitang naiinis na ako kanina pa? Ano 'yon, tinawag niya lang ako para maging potographer nilang magjowa? Third wheel ako rito gano'n? Sana pala 'di ko na lang siya pinuntahan dito at dumiretso na lang sa car park para kumain. Grr.
Ibinalik niya sa akin ang phone, "Promise, libre kita pagkatapos nito. Sa'yo na LAHAT ng oras ko. Para naman makabawi ako, deal?"
Huminga ako ng malalim at tumango tango.
"Sige na!"
Napangiti naman siya sa sinabi ko at hinila ang boyfriend niya papunta ulit sa posisyon nila kanina. Nakapokus ang mga mata ko sa camera at halos masuka dahil biglang hinalikan ni Win si Miguel sa pisnge. Mabilis ko itong pininture-an habang nakangiwi.
Tumaas pa ng kamay si Win at inilabas ang isang daliri.
"Isa pa." Linabi niya.
Tsk. Kung 'di ko lang 'to matalik na kaibigan e baka nabato ko na 'tong phone sa kan'ya.
"1... 2...--"
Nagsitaasan ang balahibo sa aking buong katawan nang maramdaman ko ang paggapang ng kamay sa kanang kamay ko. Naramdaman ko ang pagdikit ng dibdib nito sa likod ko na halos maramdaman ko na ang pagpintig ng puso niya. Sa kalagitnaan ng araw e naaamoy ko ang katawan niyang nakalalasing sa bango.
"You do it, wrong,"he said with a husky voice.
Ako naman, hindi makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Parang may tumubong ugat sa paa ko at nakadikit sa sahig ngayon. Nahagip ko pa ang pagngiti ng magjowang may sira na sa utak. Mabilis pang kinuha ni Win ang phone ng jowa niya at itinutok sa amin.
Peste.
Nang marinig ko ang pagclick ng phone na hawak ko ay saka ako nabalik sa reyalidad. Doon na ako nagkaroon ng pagkakataon para makaalis sa kintatayuan ko. Mabilis ko siyang siniko at inapakan ang paa.
"Oh," narinig ko ang pagdaing niya, "That hurts."
Nakita kong nakahawak siya sa kaniyang tagiliran habang nakapikit ang isang mata dahil sa pagsiko ko rito.
Nagulat pa ako nang makita kung sino ito.
"Ikaw na naman?!" irita kong sigaw.
"Uh, yes?" nagtaas balikat siya habang nakahawak pa rin sa tagilirin.
"Stalker ba kita ha?" sabi ko at isinuklay ang aking kamay sa aking buhok.
"No, bakit---"
Natigilan siya sa pagsasalita nang mapasadahan niya ng tingin ang rubber bracelet na nakasuot sa pulso ko. He bit his lips at tumango tango. Tumataas pa ang labi niyang tila nagpipigil sa pagngiti.
Baliw lang.
"Oh, pre. Ayos na ba 'yang kamay mo?" tanong ni Miguel na papalapit sa amin habang nakaakbay kay Win.
Si Win naman e tiningnan ako nang may mapangasar na titig. Naniningkit ang mga mata nitong may ipinapahiwatig.
"What?" I mouthed.
Inirapan ko siya.
"Hmm. Libre ko kayo Starbucks, you want to?" paanyaya ni Arthur.
Tumataas na talaga ang alteprasyon ko sa lalaking ito.
"Ang init init tapos magkakape--"
"Of course! We want. Sino ba naman ang tatanggi, hindi ba Claret?" sabi ni Win at nakamulaga ang tingin sa akin, sinasabing pumayag na lang ako at mag-just go with the flow.
Wala na akong nasabi pa nang hilahin ni Winwin ang kamay ko. Sasakyan ni Arthur ang ginamit namin. Nandito ako ngayon sa likod, katabi ni Arthur. Habang ang kaibigan ko na si Winwin at Miguel ay nasa unanhan. Naghaharutan pa nga.
Narinig ko ang mahinang pagbungisngis ni Arthur habang nakatingin sa labas ng bintana. Nakahawak ang kaniyang daliri sa kaniyang labi. Umaangat na naman ito at tila nagpipigil sa muling pagtawa. Napailing na lang siya at mukhang napansin ang pagtingin ko sa kaniya.
Doon ay hindi na niya napigilan ang pag-ngiti.
"Enjoying the view?"
Inirapan ko siya at tumingin sa unahan, "You need to see a psychiatrist."
"Oh," napatango siya at muling napatingin sa bandang pulso ko. Umiwas ito saka tumingin muli sa bintana. He pressed his lips, " Yeah. I think I should."
Napaawang ako ng labi sa sinabi niya. Ano bang meron sa utak ng lalaking ito? Kanina pa ito simula noong makita 'tong bracelet na suot ko. May hindi talaga ako magandang kutob sa Dilettante na 'yon.
"Nga pala, pre. Ba't mo naisipang ilibre kami ngayon?" tanong ni Miguel na ngayo'y palipat lipat ang tingin sa daan at rear view mirror.
"May new recruit akong fan," tanging nasabi niya at saka ngumiti, "Should I request them na siya na lang ang maging president nila? She's cute."
Napangiwi ako sa sinabi niya. Habang nakatingin siya sa labas e todo parin ang ngiti niya. Halos mapunit na ang labi kakangiti e.
Lumingon ako sa unahan at nakita kong nakatingin sa akin Winwin at Miguel. Nagtataka rin siguro sa nangyayari sa kasama. Iniikot ko ang aking daliri sa tainga at itinuro si Arthur.
Tulad ng ipinangako ay nilibre niya kami. Nasa iisang table kami na nagmumukha pang double date ngayon. Napapansin ko pa ang ilang babae mula sa gilid namin na titig na titig sa kasama naming Amadeo. Pero mukhang wala siyang pake at nakatitig lamang sa akin.
"Tinitingin-tingin mo?" pagsusungit ko rito.
"Hmm... that bracelet looks good on you," puna niya rito at humigop sa kapeng inorder niya.
Whatever, Arthur.
"Maalala ko nga pala, kumusta banda ng bunso kong kapatid?" baling ni Arthur kay Miguel.
"Ah, si Wysiwyg? Ayos naman. Mas dumadami pa 'yong fans. Tapos halos freshmen. Alam mo na, Senior high pa lang ay kilala na siya sa buong campus."
"Freshmen din siya hindi ba?" tanong ni Win.
Tumango si Arthur.
Sigurado akong hindi 'yong lalaking kasama nila sa bar ang tinutukoy niya. Ilan ba silang magkakapatid? Mukhang mga bigatin at sikat sila sa campus, ah. Sa bagay, mahitsura siya at 'yong kasama niya sa bar kaya 'di na nakapagtataka sa iba niyang kapatid. Mukhang mayaman pa sa talento. Sana naman ay hindi kasing manyak ng isang 'to ang mga kapatid niya. Ang tanging talento lamang ata nito ay magpakilig at magpaikot ng mga babae e.
Kinuha ko ang phone ko sa bag nang maramdaman kong magvibrate ito.
+639123456789:
Good day, Dilettantes!
We will having a club meeting this afternoon. Everyone must attend especially to those freshmen. Gagawa na rin tayo ng banner and don't forget to bring a picture of arthur.
:)
Kumunot ang noo ko at napatingin kay Arthur na busy sa pakikipagusap kay Miguel at Win. Muli kong ibinaling ang kaing atensyon sa phone ko.
Ako:
Uh, why we need to bring arthur's pic?
Ilang minuto rin ata ang itinagal bago ito muling magreply.
+639123456789:
This is Art's fan club for pete's sake, u didn't know????!
Napamura ako ng malutong at napatingin sa bracelet ko. No way. Kaya ba abot langit ang ngiti ng mokong na 'to kanina pa? As in, Lover of Art-- literal na si Arthur?
Ako:
You mean, Arthur Amadeo's fan club??
Napatayo ako sa gulat nang mabasa ang reply nito. Napatingin ang tatlo sa akin pati na rin ng tao sa katabing table namin. Sabi ko na, iba talaga ang pakiramdam ko sa club na 'yon.
+639123456789:
Yes :)
"SHIT."
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------